CHAPTER 13

                 

ISANG PAALALA PARA SA MGA BATA, ESTUDYANTE AT MGA SINGLE, KAHIT MAY JOWA NA: Huwag gagayahin ang lahat ng nababasa niyo sa mga akda ko. Lalo na ang mga bed scenes. Wait for the right time, it'll come. Don't rush it.

And if my spanish is not correct do comment the corrects words. Thank you.

CHAPTER 13

"SEÑORITA." KAAGAD na tumayo si Russo mula sa pagkakaupo ng makita siyang naglalakad palapit sa inuukupa nitong mesa. "Its nice to see you again, Señorita. It's been a while."

Tumango siya saka pabagsak na umupo sa kaharap nitong upuan. "Yeah. Its been a while." Isinandal niya ang katawan sa likod ng upuan saka pinag-krus ang mga hita. "What do you have for me, Russo?" Tanong niya.

Kaagad na kinuha ni Russo ang paper bag na nakalapag sa sahig sa tabi ng upuan nito saka inilagay iyon sa ibabaw ng mesa sa harapan niya. "Everything you need is here. Your father wants you to finish everything and deliver."

Napatitig siya sa paper bag na nasa harapan saka mahigpit na kumuyom ang kamao. "What if I don't want to do it?"

Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya si Russo. "What are you talking about, Señorita?"

Malalim siyang bumuntong-hininga saka napatitig sa kawalan. Hindi mawala sa isip niya ang malamig na pakikitungo sa kaniya ni Andrius kanina. Pilit niyang hinahalukay ang isip niya kung may nagawa siyang mali dito pero wala siyang maisip.

Maliban nalang kung matagal na ito sa labas ng pinto ng kuwarto at narinig ang usapan nila ng kaniyang kakambal.

Hindi siya mapakali. Ang bigat sa pakiramdam sa kaalamang may nagawa siyang mali sa binata. Gusto niyang magbati na sila para bumalik na ang malambing na Andrius—

"Señorita."

Napakurap-kurap siya saka napatitig kay Russo. "You were saying?"

Ilang segundong napatitig sa kaniya si Russo saka malakas na bumuntong-hininga. "What's happening to you, Señorita? I've known you my whole life and this is not you. You're ruthless, wicked and cunning. You never disobey your father. And now you're saying that you won't finish packing the products like what you are supposed to do? Why? You have everything at your disposal. Madam Salazar agreed to let you use their laboratory."

Nagbaba siya ng tingin. "Well. what if I don't want to be wicked, ruthless and cunning anymore?"

"Señorita!" Disbelief in Russo's eyes. "Stop joking around." His voice is shaking.

Napailing-iling siya saka itinulak pabalik kay Russo ang paper bag. "Take care of it for me, will you? I'm not in the mood today."

Hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa kaniya si Russo. "Señorita..." inabot nito ang kamay niya saka hinawakan, "what's happening to you? This is not the Ivy that I know. Are you sick? Not feeling well? Por favor, tell me."

Napatitig siya sa kamay ni Russo na nakahawak sa kamay niya kapagkuwan ay napahugot ng malalim na hininga. "Russo, I want to live a normal—"

Biglang bumagsak ang katawan ni Russo sa sahig at napadapa ito kasabay ng pagkatumba ng inuupuan nito dahil sa malakas na suntok na tumama sa mukha nito na pumutol sa mga sasabihin niya.

"Russo!" She exclaimed.

Mabilis niyang tiningnan ang pangahas na sumuntok kay Russo at ganun na lamang ang panlalaki ng mata niya ng makita kung sino 'yon.

Andrius!

Hindi siya makapaniwalang napatitig sa binata. "A-anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya pinansin ni Andrius. Nakatuon lang ang mga matalim nitong mata kay Russo.

"I really don't like it when others touches what's mine." Gumagalaw ang panga nito na nilapitan si Russo at kinuwelyuhan ito, "it pisses me off," pagkasabi niyon ay hinila nito patayo si Russo bago pinagsusuntok sa tiyan.

"Andrius! Stop that!" Nang hindi nakinig ang binata, gusto niyang mamagitan sa dalawa, but she got fascinated how Andrius fight. He's really fast and good.

Nasalag ni Russo ang ibang atake ni Andrius pero mabilis ang kamao ng binata, halos hindi iyon masundan ni Russo. And even though Russo is fighting back, his fist can't even touch Andrius.

"How dare you touch my baby." Andrius was fuming mad as he used his elbow to smacked Russo in the head and neck. "You're making me very," he slammed him on the empty table, "very," he choked him, "very," then he grabs Russo's by the neck and slammed him on the floor this time, "very mad! You mother fucker!"

Gumigiawang ang katawan na tumayo si Russo at humakbang paatras mula kay Andrius. Nang makabawi, ang nanlikisik nitong mata ay nakatuon lang kay Andrius.

When Russo is like that, she knew what's he's capable of doing.

"You!" Russo's eyes darkened in anger as he pulled the gun from the inside of his jacket.

Tumalim ang mga mata niya ng makita ang balak gawin ni Russo.

"Russo." Aniya sa mahina pero matalim na boses. "No te atreves a hacerle daño." Don't you dare hurt him. "Te mataré yo mismo si lo haces." I will kill you myself if you do.

Kaagad na natigilan si Russo at nagtatanong ang matang bumaling sa kaniya. "Por que? Es el así de importante para ti?" Is he that important to you?

She nodded. "Yes. He is."

Hindi tinuloy ni Russo ang balak, inilabas nito ang kamay na nasa loob ng jacket nito saka inaayos ang nagusot na damit at gamit ang hinlalaki nitong daliri ay inalis nito ang dugo sa gilid ng labi na pumutok dahil sa mga suntok ni Andrius dito.

"I shall take my leave then." Ani Russo sa pormal na boses na parang walang nangyari saka bahagyang yumukod sa kaniya at pinulot ang paper bag na nasa ibabaw ng mesa. "Take care, Señorita. I will call you when its done."

Tumango siya. "Gracias, Russo."

Tango lang ang itinugon sa kaniya ni Russo saka humarap ito kay Andrius na gumagalaw pa rin ang panga. "Take really good care of my Señorita, or I will kill you myself."

"Cut the 'my'," may pagbabanta ang matalim na boses ni Andrius, "she's not yours, she's mine."

Russo pressed his lips together then glance at her before walking towards the door of the Restaurant.

Nang makalabas si Russo, tumayo siya at nag-iwan ng malaking halaga sa mesa pambayad sa nasira ng dalawa saka niya nilapitan si Andrius, hinawakan ito sa kamay bago hinila palabas ng Restaurant.

"Nasaan ang sasakyan mo?" Tanong niya sa binata.

Walang imik na itinuro ni Andrius ang itim na sasakyang nakaparada sa gilid ng parking lot.

Hinila ulit niya ang binata palapit sa kotseng tinuro nito saka sabay silang sumakay.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan, saka lang niya inilabas ang saloobin. "Sinusundan mo ba ako?"

"Oo." Walang kiming sagot ni Andrius habang ang kamay ay mahigpit na nakahawak sa manibela. "Bakit? Hindi ko ba puwedeng sundan ang mapapangasawa ko lalo na kung makikipagkita siya sa ibang lalaki?" Puno ng sarkasmo ang malamig nitong boses.

For him to change how he treat her drastically like this, something must've happened. Baka nga tama ang hinala niya na narinig nito ang usapan nila ni Iris kanina.

Humugot siya ng malalim na hininga saka humarap sa binata. "Narinig mo ba ang usapan namin ng kakambal ko kanina?"

She saw him stilled before glancing at her, his eyes blank, his knuckles fisted. "Yes. I heard everything."

"Not everything." Aniya saka bumuntong-hininga. "Hindi ka sakin magagalit ng ganiyan kung narinig mo ang buong usapan namin."

Tumalim ang mata ni Andrius. "Yeah, right. Sino ba ang hindi magagalit? I'm just a job to you remember? Nothing more and nothing less?"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sa lahat ng puwede nitong marinig, 'yon pa talaga?

Ivy let out a loud breath. "Andrius..." she opened her eyes and looked at Andrius deep in the eyes. "...naniniwala ka talaga na trabaho lang kita at wala nang iba?"

An emotion crossed his eyes but it instantly disappeared. "Hindi ba? Hindi naman lingid sa kaalaman ko na pinilit ka lang ng Papa mo na magpakasal sakin kaya sabihin mo na ngayon palang kung seryuso ka ba sakin o kung pinagti-trip-pan mo lang ako."

Alam niyang alam na ni Andrius na pinilit lang siya ng Papa niyang pakasalan ito pero nang una niyang marinig iyon mula dito ay hindi niya iyon binigyang pansin, pero ngayon, gusto niyang malaman kung saan nito nakuha ang impormasyong 'yon.

"How did you know that I was forced to marry you?" She asked.

Mapait na ngumiti ang binata. "How did I know?" He tsked. "Easy. You're rich, beautiful and can have any man you want. So why me? Ang layo ng Bogotá sa Pilipinas. Bakit ako pa ang napili mong pakasalan? Unless, may pumilit sayo for some reason unknown to me." Napailing ito, "but even with that knowledge, even after knowing that, I still like you. Ni hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh. I'm willing to do what I hate most just to keep you with me. I hate marriage but here I am, so fucking willing to marry you."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. This is it. This is what her Papá wants. To make Andrius want her, to make him like her enough to do her bidding.

But she doesn't want that for Andrius. Ayaw niyang maging sunod-sunoran ito sa kaniya o sa Papá niya. Ayaw niyang gamitin ito ng Papa niya. Ayaw niyang mapahamak ito. She wants him to be safe and to not care for her.

Huli na ba siya para gumawa ng paraan para hindi tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya?

But then why the hell is she contradicting herself?! She wants him to feel something towards her yet here she is, thinking about the opposite.

"Answer me, Ivy, do you really want me as your groom? Kasi sa pagkakaalam ko, pinilit lang din kitang pumayag na ituloy ang kasal."

Kumuyom ang kamao niya. "Paano kung sabihin kong ayaw ko talagang magpakasal sayo?"

Bumalatay ang sakit sa mukha nito bago mapaklang ngumiti. "Kung ayaw mo?" He shrugged. "Hindi ko alam. If I did anything right in my life, that's when I stand up in front of your father and told him that I'll marry you. I keep telling myself that it was a mistake but it's really isn't. Because I know to myself that it's not a mistake to marry the woman who makes me happy."

Parang sasabog ang puso niya sa sobrang emosyong nararamdaman. "Andrius..." inabot niya ang kamay nito saka hinawakan iyon ng mahigpit. "...as cliché as it may sound but let me explain, okay?" Dinala niya ang kamay nito sa mga labi niya at hinalikan ang likod niyon habang titig na titig sa binata. "Nuong una, trabaho lang talaga ang tingin ko sayo. My father seldom asks me for a favor, and I owe him so I can't say no. I came here with only one thing in my mind, to marry you and be done with it. But things change for me. Unti-unting nagbabago ang nararamdaman sayo. I started to care for you, Andrius." Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito." I don't know how but you became the person who can make me genuinely happy. It scares me, really. Kasi ikaw lang yata ang lalaki na nagpangiti sakin dahil masaya ako hindi dahil pinilit ko.

Nagbaba siya ng tingin para itago ang panunubig ng mata niya. She's tough but here she is, shedding a tear. "I'm sorry dahil narinig mo ang parting 'yon sa usapan naming ni Iris. I'm just so confused ... I'm sorry sa narinig mo. Huwag ka nang magalit sakin, please, Andrius." Mahina ang boses na nakiusap siya.

Andrius stared at her then sighed like he is admitting defeat. "Kahit naman hindi ka nagpaliwanag, mawawala din ang galit ko sayo." Humaplos ang kamay nito sa pisngi niya. "I just need a couple of hours or so then it'll fade. Natatakot kasi ako na baka iwan mo ako kapag nagalit ako matagal sayo."

Her face softened. "Hindi ka na talaga galit sakin? Alam mo ba kung gaano kasakit dito," tinuro niya ang puso, "nang hindi mo ako pinansin kanina?"

Masuyo nitong hinaplos sinapo ang mukha niya. "Sorry about that, baby. Galit na galit lang ako kanina."

Napasimangot siya. "I hate it when you treat me coldly. Natakot ako baka bumalik ulit sa dati ang pakikitungo mo sakin, nuong hindi ka pa patay na patay sa akin." Dinaan niya sa biro ang huling sinabi.

Tumawa si Andrius saka hinalikan siya sa nuo tulad ng nakasanayan niya kapag naglalambing ito. "I wont say anything against your 'patay na patay' statement. Totoo naman eh."

Ivy can't help but to smile. "Sweet ka na ulit, meaning bati na tayo. Okay na ako."

Andrius laughed and kissed her on the lips. Then he abruptly pulled away, his eyebrow furrowed and he looks annoyed all of the sudden.

"What?" Kinabahan na naman siya.

"Sino ba talaga si Russo sa buhay mo, ha?" Biglang tanong ni Andrius sa kaniya. "Bakit hinawakan ka niya sa kamay kanina? You two looks like a couple and it's driving me insane."

Napakurap-kurap siya sa binata. "Ano ba'ng ibig mong sabihin?"

"You talk to him like he matters." Nagtagis ang bagang nito. "Hindi ba dapat sakin ka lang ganun? Hindi ba dapat sa akin lang malambing ang boses mo? I'm getting jealous here, baby."

"You punched him, Andrius." She pointed out. "Wala naman siyang ginawa kundi kausapin ako at hawakan ang kamay ko. Wala namang ginagawang masama 'yong tao sayo tapos galit ka pa sa kaniya pagkatapos mo siyang suntukin?"

Mas lalong nagdilim ang mukha nito. "See? Pinagtatanggol mo pa siya. You're getting me more jealous—"

"Andrius—"

"—at nakipagkita ka pa talaga sa kaniya. Then he dared touch you, I can't let him get away for touching what's mine—"

"Andrius—"

"—sa akin ka magpapakasal kaya dapat akin ka lang. I don't share, Ivy. Akin ka at walang sino man ang hahayaan kong agawin ka sakin. I intend to keep you until I can no longer hold you in my arms. That means I will only let you go if I die."

Her lips parted, stunned, her heart is melting at Andrius' every word. So possessive.

"Paano kung may magawa akong mali?" Kapagkuwan ay tanong niya sa binata ng maisip ang nililihim niya rito, "Would you still want me? Would you still hold me in your arms?"

Malamlam ang mga mata nitong tinitigan siya saka pabirong pinisil ang tungki ng ilong niya. "Kahit naman anong magawa mo sakin, alam ko sa sarili ko na kaya kitang patawarin. Ganun ka kahalaga sakin."

Dumukwang siya palapit sa binata at niyakap ito ng mahigpit. "My Lt. Col. Andrius Salazar, mi carozoncito, mi corazón." Pinakawalan niya siya pagkakayakap si Andrius saka matiim itong tinitigan sa mga mata. "I promise to be here for you. Always. Hindi ako mawawala o aalis sa tabi mo. And do keep in mind, hindi na akong napipilitang magpakasal sayo. I'll marry you and yes, I'm doing it willingly."

Andrius replied by kissing her on the lips and snaking his tongue inside her mouth. Kaagad na tinugon niya ang halik ng binata at yumakap ng mahigpit dito.

Ayaw nang mag-isip ni Ivy. Time will come that Andrius will find out the truth about her, and when that time comes, she'll accept everything. His anger and all that comes with it. Pero ngayon, i-enjoy-yin na muna niya ang makasama ito.

Bahala na kung anong mangyayari, ang importante maiparamdam niya rito kung gaano ito ka importante sa kaniya at kung paano niya ito pahalagahan hanggang sa malaman nito ang katutuhanan. And she will also make sure to keep him safe. From her Papá and from everyone else that would try to harm him.

MALAMLAM ang matang tinitigan ni Ivy ang mukha ni Andrius habang mahimbing itong natutulog sa tabi niya. It's already 1 A.M. Kababalik lang nito galing sa lakad nito. Hinintay talaga niya ang binata para sabay silang matulog. Pero heto, mahimbing nang natutulog ang binata, gising pa rin siya at hindi dinadalaw ng antok.

Umangat ang kamay niya saka masuyong hinaplos ang pisngi nito.

Is this how love works its magic? Walang nakakaalam kung kailan mararamdaman at kung kailan iyon mag-uugat sa puso ng kung sino man?

Tulad niya, wala sa hinagap niya na mamahalin niya ang lalaking ko-kompleto sa plano ng ama niya, ang lalaking dapat ay pinapaikot niya ang ulo, pinaniniwala at niluluko para lang makuha ang gusto niya at masunod ang plano ng ama niya.

But here she is, thinking of ways on how to protect him from her father. Ayaw niya itong mapahamak sa kahit na anong paraan.

Ivy didn't how and when. She just felt it. Kung alam lang niya na ito ang mangyayari pagkatapos niyang ibigay ang sarili niya sa binata, baka hindi na niya ituloy iyon.

It was a bait for Andrius but it was her who got baited. Because of that hot and wild sex with Andrius, everything changed. And those changes have something to do with her heart and mind being smitten with him.

This will be the second time that she's going to disobey her father. And it will ruin every plan her father has for the cartel.

And it will all be her fault. Again.

Napabuntong-hininga siya saka napabaling sa night stand ng marinig na nag-iingay ang cellphone niya.

Kaagad niya iyong sinagot ng makitang si Russo ang tumatawag at nagtungo siya sa balkonahe para doon kausapin ang lalaki.

"What do you have for me?" Kaagad niyang tanong dito.

"Señorita. The second and third target is dead."

Tumango siya. "That's good."

"Tomorrow is the pick up by the way."

Kumuyom ang kamao niya. "Can't you go alone?"

"No. It's your job, Señorita." Ani Russo sa striktong boses. "If you want Lt. Col. Salazar to be safe, you better do it. Or else, your father will start to pressure him and his family and you will not like it."

Her nails dug into her palm. "Okay. Pick me up tomorrow."

"Gracias, Señorita."

Pinatay niya ang tawag ang saka umikot pabalik sa loob ng makita niya si Andrius na nakasandal sa hamba ng pinto papasok ng balkonahe.

Kaagad na hinalukay niya ang isip kung may sinabi ba siya ngayon kay Russo na kahina-hinala pero wala siyang maalala. She's always careful with her words.

"Oh," she smiled at him, "why are you standing there?" Tanong niya sa binata saka nilapitan ito at naglalambing na niyakap sa beywang, "nagising ba kita?"

He kissed her forehead and hugged her back. "Hindi kita naramdaman sa tabi ko eh." His hand stretched back and reach for her phone she's holding in her hand. "Who called you?"

Nagdalawang isip siya bago sumagot. "Si Russo. May sinabi lang siya sakin na pinapasabi ni Papá."

Andrius eyebrow shot up. "Bakit hindi nalang ang Papá mo ang tumawag sayo? Bakit kailangan pang dumaan kay Russo?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know."

Kinuha nito ang cellphone niya saka pinatay ang power niyon. "There. Wala nang isturbo. And the next time Russo called, I will not be held responsible for my action if I ever see him again."

"Andrius—"

"Nagseselos at naiinis ako." Nangungusap ang mga mata nito. "Sapat na ba 'yon para ako ang unahin mo at hindi ang pakikipag-usap kay Russo? Ayokong nakikipag-usap ka sa kaniya. Dapat ako lang ang lalaking kausap mo maliban sa Dad ko at sa Papá mo."

Hindi niya mapigilan ang mahinang matawa sa kakaibang ugali ng binata. "So possessive." Aniya saka naiiling na iniyakap ang mga braso sa leeg ng binata, "ikakasal na nga tayo eh."

"Kahit na na kasal na tayo, ipagdadamot pa rin kita."

Napailing nalang si Ivy at walang nagawa nang pangkuin siya ng binata saka ihiniga siya sa kama at kaagad itong tumabi sa kaniya.

A contented and happy smile appeared on her lips when Andrius hugged her tightly from behind and intertwined their hand. His face is pressed against her nape and his leg is in between her inner thighs.

Magkadikit na magkadikit ang katawan nilang dalawa at napaka-intimate ng posisyong iyon para sa kaniya. Pakiramdam niya ay ayaw siyang pakawalan ng binata sa higpit ng yakap nito sa kaniya.

It feels so good to be embraced by Andrius like this. She loves the intimacy and closeness it made her feel. Hindi nakapagtataka na mahimbing siyang nakatulog sa matitipunong braso ng binata.

Nang magising siya kinaumagahan, wala na si Andrius sa tabi niya.

Though he left a note for him on the nightstand.

'Hey, baby. Urgent meeting came up. I have to go. Hindi na kita ginising, ang himbing ng tulog mo eh. Don't worry. I'll hurry back to you as soon as this is finish.

- Your Corazoncito.'

Malapad na napangiti si Ivy habang binabasa ang maikling sulat na iniwan sa kaniya ni Andrius.

Her stubborn mule is now the sweetest Groom.

Nangingiting pumasok siya sa banyo saka naligo at deretsong nagbihis sa walk-in closet. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto at tuloy-tuloy na tinungo ang garahe.

Nilapitan niya ang sasakyang ginamit niya nang una siyang nakipagkita kay Russo. Kaagad niyang binuksan ang Passenger's seat saka bumaba ang tingin niya sa sahig ng sasakyan. Naroon pa rin ang package na binigay sa kaniya ni Russo na itinago niya roon. Hindi niya iyon ipinasok sa bahay baka kasi makita ni Andrius at salamat naman dahil walang gumalaw.

Kinuha niya ang package saka lumabas ng garahe at nang gate saka hinintay si Russo sa labas.

Minuto lang ang lumipas, kaagad na dumating si Russo para sunduin siya.

"Do you have the coordinates?" Tanong ni Russo ng makasakay siya sa sasayan at naitabi nila ang dala niya.

Inilabas niya ang cellphone saka ipinakita rito ang text message galing sa contact nila sa Air Force. "Here it is."

Tiningnan iyon ni Russo saka tumango. "This is the second to the last Airborne package."

"I heard that too." She tapped her feet on the car's floor. "But why?"

"To lie-low before the big day, I guess. I heard from your father that he will immediately use Andrius after your wedding."

Gumalaw ang panga niya. "Andrius will never do his bidding. He is stubborn and—"

"He will do it. That is if he loves his parents, his job and... you, Señorita. You know how foolproof your father's plan is. Lt. Col. can't do anything but to obey."

Nagtagis ang bagang niya. "And that will happen right after the wedding?"

"Yes."

"What if there is no wedding?"

"Señorita—"

"What if?!" She glared at him.

Russo looked at her in the rearview mirror and sighed. "If you backed out, you know what will happen to him."

Bumagsak ang balikat niya, "no..."

"Yes. So if you want your Lt. Col. to be safe, better marry him fast, Señorita. Your marriage is his life insurance."

Tumingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan saka hinalukay ang isip niya kung anong mabuting gawin pero wala siyang maisip na paraan para ligtas na makawala ang pamilya ni Andrius sa Papá niya.

Sa dalawang oras na biyahe nila ni Russo, tanging si Andrius lang ang nasa isip niya at kung paano ito hindi madadamay sa gulo ng pamilya niya.

Napasabunot siya sa sariling buhok. "Ano ba ang puwede kong gawin..." bulong niya sa hangin.

"We're here." Anunsiyo ni Russo ng itigil nito ang sasakyan.

Kaagad na bumaling sa labas ng sasakyan si Ivy at tumaas ang kilay ng makitang nasa isang malapad silang parang. Walang bahay at tao sa paligid. Iba ito sa mga naunang lokasyon ng drop off.

Napapikit siya ng marinig ang mabilis at mababang paglipad ng isang pribadong eroplano sa himpapawid.

Always right on time.

Minutes later, she opened her eyes and saw the package slowly and safely falling, thanks to its small parachute connected to the container.

Kinuha niya ang panyo sa bulsa saka itinakip iyon sa kalahati ng mukha niya. "Stay here. I'll check it. Just ready the car."

Tumango si Russo at hinayaan siyang lumabas ng sasakyan na nakatakip ang kalahati ng mukha mula ilong pababa sa leeg niya.

Palinga-linga siya sa paligid habang naglalakad patungo sa drop off point ng package. At nang makarating sa parte kung saan ihinulog ang produkto nila, napatitig siya sa plastic container na nasa harapan. It sealed and safely delievered.

"This is too much." Mahina niyang wika ng makita ang actual na laki ng package. "What is Papá thinking? There's no way that no one detected the transport and drop off."

Kinuha niya ang pocket knife sa bulsa saka malakas na sinaksak niya sa ibabaw ng plastic na lalagyan saka hiniwa niya iyon, sapat lang para makita niya ang nasa loob.

White powder. And some transparent liquids. Safe and sound.

Naiiling na tinawagan niya si Russo na nasa sasakyan.

"Señorita—"

"This is it thought it's huge. You carry it." Aniya saka naglakad pabalik sa sasakyan.

Kaagad siyang sumakay sa passenger seat at hinintay si Russo na makabalik. After he put the package in the back compartment, he immediately hopped in and start the car.

Nang nasa daan na sila, tinawagan niya si Track.

"Is there any checkpoint ahead of my location?"

"A minute." Nawala ito sa kabilang linya kapagkuwan ay bumalik din pagkalipas ng ilang segundo. "No. You're clear."

"Thanks." Pinatay niya ang tawag saka bumaling kay Russo. "To Madam Salazar's Laboratory. We need to mix, pack and deliver it."

"Yes, Señorita."

Isinandal ni Ivy ang katawan sa likod ng passenger seat saka napatitig sa kawalan. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Andrius kapag malaman nito ang ginawa niya at gagawin pa niya?

Its scary to even think about it.

"ZACARIAS ZUELA and Gregorio Rodriguez is dead." Imporma ni Sanford kay Andrius ng makalabas silang dalawa sa opisina ni General Veracio. "Isa siya sa apat na leader ng sindikato na dapat ay iimbestigahan natin para sa Airbone Drug Case. Pero kagabi, habang nasa bahay tayo ni Manuel Hudo, pinatay silang dalawa."

"Fuck this." Nagtagis ang bagang niya. "At hindi ako makapaniwalang nasa ahensiya pa namin ang Pilotong nagdadala ng mga Druga na 'yan." Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng Urgent meeting kasama si Heneral Veracio.

"Yeah. Fuck that too." Hindi makapaniwalang napailing-iling si Sanford. "Sa dami ng puwedeng maging Piloto, galing pa talaga sa ahensiya niyo."

Napabuntong-hininga siya. "I hate this. By the way, do we have the same killer for those two men?"

"Yeah, they are killed by the same Sniper. They were shot in the dick first before they were shot in the head."

He blows a loud breath. "Why would someone do that?"

"Kasi gusto nila." Namulsa si Sanford. "At kaya nilang gawin."

Napailing siya, "wala ba tayong lead?"

"Nope. Its a clean kill. Tanging si Manuel Hudo nalang ngayon ang natira sa apat na leader ng mga sindikato. Either he's the one responsible for the airborne drugs or he isn't." Khairro keeps shaking his head. "Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba 'tong isa-isang pagkamatay ng mga leader ng sindikato o—" napatigil ito sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone nito.

Andrius was silent as Khairro spoke to someone over the phone.

"You better have something for me—what the fuck?! Is that legit?" Khairro looks shock. "Kung nagsisinungaling ka, ako mismo ang magpapakulong sayo." Napatango-tango si Sanford. "Good. Keep him there but don't do anything that will backfire on you. Kapag may ginawa kang hindi ko nagustuhan, isasama kita sa mga kriminal na nakakulong sa Presento natin. Good. Now shut up."

Napailing siya at mahinang natawa ng matapos makipag-usap si Sanford sa nasa kabilang linya. "Ganun ka ba talaga makipag-usap sa mga tauhan mo sa Presento?"

"Yeah. I'm the Chief of Police. I can say whatever I want."

Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa kaibigan o ano. "Kaya walang naniniwala na mataas ang ranggo mo eh. Sa ka weirdo-han mo, kahit mga Pulis sa Presento mo, nagdadalawang isip na sundin ka. Ikaw ang pinakabatang Chief of Police na kilala ko."

"Ganun talaga, ang guwapo ko kasi eh." Pagbubuhat nito ng sariling bangko kapagkuwan ay bumukas ang pagtataka at kaguluhan sa mukha nito ng bumaling sa kaniya.

"What?" Andrius asked.

Nag-isang linya ang kilay ni Khairro. "Something insane just happened."

"What?" He asked again.

"Manuel Hudo is in my Precinct." Anito na bakas pa rin ang mukha ang hindi makapaniwala. "He's asking for protection."

"Protection?" He frowned, confused. "From who?"

Ilang segundong tumitig sa kaniya si Sanford bago nagsalita. "My Secretary said and I quote 'I need protection from Felipe Gonzagá's daughter, Ivy Gonzagá."

Andrius lips parted and his eyes widen. "What the fuck?"

"Yes, Salazar." Khairro blows out a loud breath as he looked at him questioningly. "What the fuck?"


#HappyReadingAndHaveAGoodNight

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top