CHAPTER 12
A/N: The longest chapter I've ever written. Happy Reading.
And Hi to Joanne Alsonado and Anne Alcones.
CHAPTER 12
PANAY ANG sulyap ni Ivy kay Andrius habang pinapanuod nila ang pelikula na hindi niya maintindihan. Siguro dahil na di-distract siya sa presensiya ni Andrius sa tabi niya na hawak ang kamay niya at pinaglalaruan ang daliri niya.
Panay ang hinga niya ng malalim para mawala ang kakaibang kabang nararamdaman niya pero ayaw talagang mawala. Iba talaga ang epekto sa kaniya ng binata.
At dahil nasa iba ang atensiyon niya, napapansin niyang sila lang ang tao sa buong sinehan. Walang pumasok maliban sa kanilang dalawa.
And she can't help but to ask. "Bakit tayo lang ang nandito?"
Nakatutok ang atensiyon nito sa pinapanuod nila. "I rented the whole cinema."
Napatanga siya rito. "You what?"
He glanced at her, "I rented the whole cinema." Ulit nito sa sinabi, "we can't be in a large crowd. Hindi kita mababantayan ng maayos."
He's thinking of her safety again. Parang may kamay na humaplos sa puso niya. Andrius is not just sweet, he's also caring and its making her fall for him even more, it's scaring her.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka humugot siya ng malalim na hininga. She can't keep running away and deny her feeling for him. Dapat na niyang harapin 'yon. She's already going against her father's wishes because of Andrius. There's no point in being scared of what she feels now.
Lunod na lunod na siya sa nararamdaman niya. Hulog na hulog na siya. Ilang beses na niyang sinuway ang gusto at plano ng ama niya, tatanungin pa rin ba niya ang sarili kung ano itong nararamdaman niya? No. She already knew what this is. She already knew what she feels.
"It's a yes." Wika niya habang titig na titig sa binata.
He frowned at her. "Yes to?"
"Pumapayag ako sa sinabi mo kanina." She leaned in and kiss the corner of his lips then whispered while staring intently at him, "puwede mo akong ligawan."
Ilang beses itong napakurap-kurap sa kaniya na parang hindi makapaniwala bago gumuhit ang ngiti nito sa mga labi. "Wala nang bawian yan ha? Totohanan 'to."
Natatawang tumango siya. "Walang bawian. Promise."
Andrius grinned before kissing her hard on the lips. And when he pulled away, he looks very happy, his eyes are sparkling.
"You look happy." She pointed out.
Andrius nodded, happiness is still on his face. "I am." Hinalikan siya nito sa nuo saka niyakap siya sa beywang ng mahigpit. Nang pakawalan siya nito sa pagkakayakap, pinakatitigan siya nito ng matiim. "I really, really, want you right now."
Luminga-linga siya. "There's no bed here." Biro niya sa binata, "hindi puwede ang gusto mo."
Desire flared in his eyes. "We don't need a bed." He wiggled his eyebrows at her. "I can still make you scream without it."
"Ayoko nga." Sinimangotan niya ito. "Baka may makakita pa satin."
Tumawa ang binata saka mahigpit na hinawakan ang kamay niya saka hinalikan-halikan ang likod niyon habang nakatingin sa mga mata niya. "I promise, I'll take care of you. I will not hurt you and you will always be my first priority."
Hindi niya maiwasang mapatitig sa binata. Ito ang gusto niya nuong una palang. Ang marinig ang mga salitang iyon sa bibig nito, ang maging mahalaga siya rito at mahulog ang loob nito sa kaniya.
And it finally happened. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang mga ginagawa at pinapahiwatig nito sa kaniya. He's sweet and he cares for her. It must've mean something.
"Huwag kang magsalita ng ganiyan." Dinaan nalang niya sa biro ang seryuso nilang usapan, "hindi pa nga kita sinasagot eh. Assuming ka."
A sexy deep chuckle escaped his lips. "Am I assuming too much? Hmm... dapat umu-o ka sakin bago tayo ikasal, para naman ma-i-kuwento natin sa mga magiging anak natin na niligawan muna kita bago pinakasalan."
Natigilan siya. Mga magiging anak? Napakurap-kurap siya. "Mga anak?"
"Yeah. Gusto ko ng maraming anak. Mga apat siguro. Isang Air Force General, Police General, Philippine Army General and Philippine Navy Admiral. Oh, di'ba? Kompleto na. At puwede nating dagdagan pa ng isang Doctora, isang Abogada at isang Business woman." He grinned. "Kaya ba?"
Nakaawang ang labi niya sa sobrang gulat sa mga sinabi ni Andrius. "T-that's seven."
"Yes."
She's still shock. "Wow...ang dami nila. Alam mo naman siguro kung gaano kahirap manganak, no?"
Tumawa ang binata. "Pito nga lang eh. Dagdagan pa natin ng tatlo."
Pinanggigilan niya ang tungki ng ilong nito. "Magtigil ka nga, Corazoncito. Baka maging made in Cinema pa ang panganay natin."
Bigla nalang siyang hinalikan ni Andrius sa mga labi kapagkuwan ay bumaba sa leeg niya ang halik nito saka bumulong sa tainga niya. "Maghuhubad na ba ako?"
"Sira!" Kinurot niya ito sa tagiliran saka tumayo. "Diyan ka na nga muna. Sa Restroom lang ako."
Nang dumaan si kay Andrius, tinampal nito ang pang-upo niya. "Ingat, baby."
"Andrius!" Pinandilatan niya ito. "Don't slap my ass again—"
He slapped her ass again.
"Andrius—"
He looked deep into her eyes, the kind of stare that made her heart throbbed. "Yes, baby? Gusto mo bang samahan kita sa restroom?"
"Heh!" Umakto siyang naiinis pero natawa rin siya habang naglalakad palabas ng Cinema at tinungo ang restroom na nasa gilid lang, katabi ng sinehan.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Ivy habang naglalakad siya papasok sa comfort room. She was even humming to herself when she felt like something is off.
She stopped on her track. Her body is automatically in a defensive mode, the nails on her toes dug onto the insole of her stiletto.
The comfort room is on the inside of the cinema, dapat walang ibang tao doon maliban sa kanila ni Andrius dahil nirentahan nito ang buong sinehan. Then why does she feel another presence in the room?
Her eyes glance at the right cubicles. Empty. The left cubicles are empty as well.
What the hell is happening here?
She was about to turn around and leave when she felt a strong presence behind her.
Fuck! So they now prefer a hand to hand combat, huh?
Nagtatagis ang bagang na bigla siyang lumuhod para lituhin ang nasa likuran niya at itinuod ang kamay sa semento habang nakaluhod ang isang tuhod saka buong puwersa na sumipa paikot hanggang sa tamaan niya ang may ari ng paa na nasa likuran niya.
Nang bumagsak ang tao na nasa likuran niya, nag-angat siya ng tingin dito. And she came face to face with a man wearing a full mask on his face.
Her teeth gritted as she stands up straight. "What do you want?"
Bilang sagot sa tanong niya, may kinuha itong kutsilyo na nakatago sa loob ng jacket nito saka itinutok iyon sa kaniya na para bang dapat siyang matakot sa talim niyon.
Ivy sighed in boredom. This would never stop, huh?
"Bummer..." naiiling niyang sabi saka mabilis na sinalag ng dalawang niyang kamay ang kutsilyong muntik nang humiwa sa braso niya dahil sa pag-atake nito sa kaniya.
Mahigpit niyang hinawakan ang pulsohan ng lalaki at ilang beses na sinipa ang braso nito para mabitawan ang kutsilyo pero malakas ito at nagawa siyang itulak sa sahig at napasubsob ang mukha niya.
Ivy flipped her hair, her sharp eyes dilating in anger. She laid herself flat on the floor, pull her legs up, put her hands flat on the floor next to her ears, rolled back and put all her weight on her shoulder. She then kicked her legs up into the air and push her hand hard upward. Her body flew up and she landed in a perfect squat position and quickly stands up straight with her knuckles fisted tightly.
"Game on, culo."
Her eyes squinted as she stared at her opponent, studying his physique. He's maybe five-six in height, lean but strong. He's good with knife and hand to hand combat and she's pretty sure that he is here to kill her.
Inihanda niya ang sarili ng makitang humigpit ang hawak nito sa kutsilyo at tama nga ang hinala niya, mabilis siya nitong inataki at sinubukang hiwain ang katawan niya at saksakin pero mabilis siyang nakailag.
Panay lang ang ilag niya sa bawat atake nito, pinag-aaralan niya ang bawat paggalaw ng kalaban. At nang makabisado ang mga galaw nito sa bawat atake, saka siya lumaban.
He thrust his knife towards her, planning to stab her in the chest. But she maneuvered her body to swiftly move to the side and dodge his attack and then she punched his arms, twist it, holds it tightly then she jumped and in mid-air, she kicks his chest with both of her feet.
Bumagsak siya sa sahig dahil sa lakas ng sipa niya pero tumilapon din sa sahig ang kalaban niya kasabay ng pagtilapon ng kutsilyong hawak nito sa loob ng isang cubicle.
She quickly twisted her legs in the air and use her knees and leg strength to stand up.
Nang makitang nakatayo na ang kalaban niya, tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa saka tumalon ng mataas at ipinalibot ang mga hita sa leeg nito at pinagsusuntok ang ulo nito gamit ang siko niya.
Pilit nitong inaalis ang mga binti niya sa pagkakasakal sa leeg nito sa pamamagitan na malakas na suntok sa pigi at hita niya pero hindi niya ininda ang sakit na hatid niyon.
"Get off me, you bitch!" Galit nitong sigaw.
Hinawakan nito ang magkabilang binti niya at malakas na ihinampas nito ang likod niya sa salamin.
Ivy gritted her teeth when her back slammed against the large mirror. Ilang segundong hindi siya nakahinga at umikot ang paningin niya pero nanatiling naka-sakal ang binti niya sa leeg ng lalaki. The strength on her legs didn't waver.
"Fuck..." daing niya ng saka malakas na sinuntok ang gilid ng ulo nito.
Nagmura ang lalaki saka hinawakan ulit siya sa binti, umayos ng tayo at akmang ihahampas na naman siya sa pader pero hindi siya makakapayag na mabugbog siya.
She holds both sides of his head and with all the strength she has, she snapped his neck until she heard a cracking sound.
Nang gumiwang ang katawan ng kalaban, ibinagsak niya ang katawan ng pabaliktad, pinakawalan ng binti niya ang leeg nito, kapagkuwan ag tinukod niya ang mga palad sa sahig ng banyo at pinaikot ang katawan sa ere bago eksperto at balanseng umapak ang stiletto niyang suot sa sahig kasabay ng tuluyang pagbagsak ng katawan ng kalaban niya.
Ivy flipped her long hair before standing up. Bahagyan siyang napangiwi ng maramdaman ang kirot sa likod niya pero pinilit niya ang sarili na hindi indahin iyon.
Magkasalubong ang kilay at iritadong pinulot niya ang cellphone na nahulog mula sa bulsa niya ng nakikipaglaban siya saka mabilis na tinawagan si Russo.
"Señorita—"
"Clean this fucking mess. It's in my last location. Do it. Now!" Hindi niya hinintay ang sagot ng kausap, kaagad niyang pinatay ang tawag saka malalaki ang hakbang na lumabas ng restroom.
Worried that someone might try to hurt Andrius while she's away from him, she runs towards the entrance of the cinema only to see Andrius standing outside the door of the cinema.
Nakahinga siya ng maluwang. Thank God he's safe.
Nagmamadali siyang lumabas ng cinema. "Andrius."
Mabilis na umikot ang binata paharap sa kaniya. "Ivy." Kaagad itong naglakad pasalubong aa kaniya. "Where have you been? Kanina pa kita hinahanap."
Napalingon siya sa pinanggalingan bago sumagot. "Doon sa loob. Sa restroom."
Andrius frowned, he looks confused. "May restroom sa loob?"
Tumango siya. "Oo. Pagkalabas mo ng cinema, nasa kanan siya. 'Yong daan paliko, nandoon siya. Hindi mo ba nakita?"
Umiling si Andrius. "No. Akala ko yong restroom sa labas ang tinutukoy mo." Anito saka nabaling ang atensiyon nito sa pisngi niya. Worry streak his handsome face. "Anong nangyari sa pisngi mo?"
She blinked then cursed. Fuck! Dahil ba iyon sa pagkasubsob niya kanina sa sahig?
Mierda!
Hinaplos ni Andrius ang pisngi niya at tiniis niya ang sakit na bumalatay doon para hindi nito masyadong isipin iyon. She didn't flinch nor groan in pain. She just stands there, trying to not feel the pain.
"Napano ka ba?" Kumunot ang nuo nito habang hinahaplos ang pisngi niya. "Bakit namamaga ang pisngi mo? Are you okay?"
Tumango siya saka pasimpleng hinawakan ang kamay ni Andrius na humahaplos sa pisngi niya saka inilayo iyon sa mukha niya. "I'm okay. Nadulas lang ako ng kaunti doon sa CR at tumama ang pisngi ko sa may pinto." Patalikod na ini-angat niya ang paa para ipakita ang stiletto na suot. "Heels problem."
Hinaplos ulit nito ang pisngi niya, mas masuyo keysa sa kanina. "Masakit ba? Gusto mo ba umuwi na tayo para malagyan ng yelo ang pisngi mo?"
She shook her head, a force smile in her lips. "Hindi siya masakit. Okay lang ako." Iniyakap niya ang mga braso sa braso ng binata saka ipinatong ang baba sa balikat ng binata. "Saan na tayo pupunta? Babalik pa ba tayo sa loob ng sine? Or do you have a place in mind, Corazoncito?" Hindi maalis ang tingin ni Andrius sa pisngi niya kaya naman hinuli niya ang mga mata nito. "Hey...okay lang ako."
Andrius sighed. "Nag-aalala lang ako sayo."
"Don't be." Aniya saka nginitian ang binata. "I'm really fine. Ituloy nalang natin ang date natin. Please?"
Andrius heave a deep sighed again. "Fine. But are you sure you're okay?"
Nakangiti siyang tumango. "Yes. I'm really, really, fine." Pangungumbinsi niya rito.
"Okay. Kumain nalang tayo, mukhang hindi mo naman gusto ang pinapanuod nati." Hinalikan siya nito sa nuo bago iginiya paalis ng cinema.
Nagpaubaya naman si Ivy ng masuyo siyang iginiya ni Andrius patungo sa isang Restaurant. And like the Cinema, it's also empty.
She frowned. Did he rent the whole place again?
Nang makapasok sila sa Restaurant, kaagad na sumalubong sa kaniya ang sahig na puno ng nagkalat na paborito niyang bulaklak na sunflower na wala ng stem, tanging ang bulaklak nalang.
What's this?
Bumaling siya kay Andrius. "Ano na naman 'tong ka-sweet-tan mo?"
Ngumiti lang ang binata saka nagkibit-balikat. Napasimangot siya sa sagot nito pero kaagad din iyong nawala ng may lumapit sa kanilang waitress at nilagyan siya ng flower crown sa ulo.
"Welcome to Flowerpetal Restaurant, Ma'am, Sir. Enjoy your meal."
Nagulat siya kapagkuwan ay napangiti dahil iyon ang unang beses na nakapagsuot siya ng flower crown. "Thank you."
Nilingon niya si Andrius na kinindatan lang siya.
Napailing nalang si Ivy habang pinapalibot ang tingin sa kabuonan ng Restaurant at inaayos ang flower crown sa ulo niya.
Flower design tables and chairs. Even the counter looks like a bunch of petals overlapping each other to create a long counter.
Ivy smiled. She like flowers because of her mother and this place reminds her of her Mamá's tea room. Nuong buhay pa ito, ang hapag-kainan nila ay parang bulaklak din ang desenyo pati ang tea room nito na nasa harden kung saan doon palagi sila nagpapalipas ng oras at nagpapahangin.
Natigilan siya ng hawakan siya sa beywang ng binata at iginiya siya sa mesa na sunflower ang desenyo at pinaghugot siya ng upuan. Nang makaupo siya, umupo din ito sa tabi niya at hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong.
"Did you rented the whole place again?"
Kaagad na tumango si Andrius. "Yeah. I told you earlier, I want you safe."
He's thinking of her safety again when she just killed a man in the bathroom.
Pilit siyang ngumiti. "Ganun ba..."
"Yeah..." he stared at her for a couple of seconds before saying, "and could you please stop faking your smile? It's starting to annoy me."
Gulat na napatitig siya sa binata. "Ha?"
He faced her fully, "Matagal ko nang napapansin 'yon sayo." Bumuntong-hininga ito. "Marami na ang pagkakataon na pinipilit mong ngumiti sa harapan ko. I know when you're faking it because your eyes don't sparkle like it does when you're really happy."
Nagbaba siya ng tingin. "Sorry." So he knew. "Sanay lang akong ngumingiti ng ganun. My Papá always wants me to smile even though I don't want to—"
"Then don't smile." He cut her off, "ako ang kasama mo, Ivy, hindi ang Papá mo. Hindi mo kailangang ngumiti kung hindi mo gusto. If you smile, smile from your heart. Ayokong nakikita kang napipilitan."
Her heart ached. Kung sana ganun din ang sinabi ng Papá niya ng sabihin niyang ayaw niyang umaktong masaya kahit hindi naman.
But no. Her father forced her. And now, the man she's falling for told her to not force her smile and she somehow felt free.
Mapakla siyang ngumiti. "Baka hindi mo na ako magustuhan kapag nakita mo ang tunay na emosyon na tinatago ng mga peke kong ngiti."
"No..." Sinapo nito ang mukha niya at matiim siyang tinitigan sa mga mata, "huwag kang mag-isip ng ganiyan. I like you, Ivy. Not only for what you are but for what I am when I'm with you. I became a different person, I became a man whose happiness lies in," he caresses her lips, "your smile," then he caresses her face and smile fondly at her, "and in you. Ewan ko ba," mahina itong natawa, "hindi ko alam kung bakit nakasalalay sayo ang kaligayahan ko. Nakakatakot isipin na ang babaeng ilang beses kong inayawan noon dahil sa katigasan ng ulo ko ay siyang nagiging mundo ko na ngayon."
Hindi makapaniwalang umawang ang labi niya habang nakatitig sa binata. "P-paanong ako ang kaligayahan mo?" She's shocked. "A-are...you...d-do you..." hindi niya matapos ang sasabihin dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman niya.
Andrius smiled at her. "Huwag mong masyadong isipin ang sinabi ko. I told you to don't stress yourself, didn't I?"
Wala sa sarili siyang tumango. Pilit niyang hinahamig ang sarili, lalo na ang puso niyang parang sasabog sa bilis ng tibok.
Gulong-gulo ang isip niya lalo na sa gusto ni Andrius na ipakita niya ang tunay na nararamdaman niya, na hindi niya pilitin ang ngiti niya.
She feels free to show her true emotions now since that's what he asked from her. Pero ang tanong, magugustuhan ba ng binata ang emosyong makikita nito sa mukha niya?
Only one way to find out.
"Okay." Huminga siya ng malalim saka tumingin ulit sa binata. "Like what you asked, I won't fake it anymore. You want to see the real me? Fine." Nanghahamon ang boses niya pero may bakas iyon ng kaba. "I won't fake it. I promise that from now on, what you see is what you will get from me."
Kinakabahan siya na baka bawiin din ang binata ang sinabi kanina pero nakahinga siya ng maluwang ng maliwanag ang mukha na ngumiti ito. "That's more like it. I want my soon to be wife happy. Genuinely happy."
Parang may humaplos sa puso niya at nakaramdam siya ng kasiyahan at munting kalungkutan. She just said that she wont fake her reaction and emotions, but is she really ready for this? Kaya na ba niyang ipakita sa binata ang tunay na siya?
Hanggang sa umorder sila ng pagkain at nakalabas sila ng Restaurant, iyon ang laman ng isip niya. Paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili kung handa na ba talaga siyang ipakita sa binata ang tunay na Ivy Gonzagá.
This is a big risk and she's afraid but she promised Andrius. Kahit man lang sa ganitong paraan ay maging totoo siya sa binata na gustong pasayahin ang babaeng kapahamakan lang ang dala rito.
"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." Pansin ni Andrius sa kaniya habang naglalakad sila patungo sa exit ng Mall.
Akmang pilit siyang ngingiti ng maalala ang sinabi ni Andrius sa kaniya kanina.
No faking her smile.
Humugot siya ng malalim na hininga saka bumaling kay Andrius habang naglalakad sila. "I have a lot of things in my mind." She said honestly. And that's a first for her. "Kaya tahimik ako." Napatigil siya sa paglalakad ng mapansing titig na titig sa kaniya si Andrius. "Bakit ganiyan ka makatingin sakin?"
"Anong nararamdaman mo ngayon?" He randomly asked.
She slightly frowned, thinking for a couple of seconds before answering. "Confused?"
"Are you sure?"
She shrugged. "Yeah."
He looked at her intently before speaking, "you do realise na walang emosyon ang mukha mo kanina habang sinasabi mong marami kang iniisip?"
Napakurap-kurap siya. "Oh. Is that so? Pasensiya na. It has something to do with me being honest with my emotion and all that like you asked, remember? Sanay na kasi akong walang emosyon ang mukha ko eh. I'm not faking it, I swear. That's..." she's nervous, "that's...me, I guess."
Hinaplos nito ang buhok niya. "Its okay. Hindi mo kailangang magpaliwanag."
Akmang ngingiti na naman siya ng pilit pero kaagad niyang napigilan ang sarili. "Okay."
Masuyo nitong hinalikan ang nuo niya saka nagpaalam na pupunta ng parking lot para kunin ang sasakyan nila.
"Dito ka lang, ha? Huwag ka munang lalabas baka may magtangka na naman sa buhay mo. At least dito sa loob may CCTV. I'll call you kapag nasa labas na ako."
Tumango siya saka ngumiti. "Salamat sa pag-aalala."
Nginitian at kinindatan siya ng binata bago ito naglakad patungong Parking lot. Samantalang siya ay tumayo lang doon sa pinag-iwanan sa kaniya ni Andrius habang patingin-tingin sa paligid.
A couple of minutes later, her phone rang.
Andrius Calling...
Kaagad niyang sinagot ang tawag. "Hey. Nasa labas ka na?"
"Yep. Come out and be safe."
Nailing nalang siya sa ka-OA-han nito sa kaligtasan niya pero napapangiti pa rin siya habang naglalakad palabas ng Mall.
Mang makalabas, kaagad siyang kumaway kay Andrius ng makita itong nakasakay sa bulletproof nitong kotse na nakababa ang salamin ng bintana at matiim itong nakatitig sa kaniya mula doon na para bang isa siyang kahanga-hangang modelo na naglalakad sa catwalk.
Then he gets off his car and walk towards her. Nang magtagpo sila, pareho silang napatitig sa isa't-isa.
"Hey." Aniya sa mahinang boses.
Pinatay ni Andrius ang tawag saka ibinulsa ang cellphone. "Hey to you too, baby."
Napangiti siya saka ibinaba na rin ang cellphone at akmang ibubulsa niya iyon ng may pangahas na kamay na humawak sa cellphone niya at inagaw iyon sa kaniya.
Her eyes widen. Snatcher! No! Not her phone!
Awtomatiko ang naging galaw ng katawan niya. She didn't waste any second. Nawala sa isip niya na nasa harapan lang niya si Andrius. Ang isip niya ay nakatuon sa cellphone niyang marami ang laman na puwedeng makapahamak sa kaniya at sa pamilya niya.
Umikot siya pasalubong sa snatcher at sinipa ang kamay nitong may hawak sa cellphone niya dahilan para humagis iyon pataas. Nagulat ang snatcher sa ginawa niya dahilan para mapatulos ito sa kinatatayuan. Siya naman ay ekspertong sinalo ang nahuhulog na cellphone bago hinarap ulit ang snatcher.
Wala siyang sinayang na sandali, hinawakan niya ang pulsohan ng lalaki, pinilipit ang braso nito saka pinagsisipa ito sa tiyan, dibdib at leeg saka binitiwan niya ang pagkakahawak dito pagkatapos ay umikot siya para bumuwelo ng lakas at malakas na sinipa ang snatcher sa ulo gamit ang heels ng suot na stiletto dahilan para umikot ang katawan nito bago padapang bumagsak sa semento.
Nakataas ang kilay na bumaba ang tingin niya sa snatcher, "next time, culo," she flipped her long hair, "pipiliin mo kung sinong nanakawan mo ng cellphone."
Ivy tsked before turning around— and she came face to face with Andrius who looks like in shock.
She blinked and calmed herself like nothing happened. Nang hindi nagsalita ang binata at nanatiling gulat na nakatitig sa kaniya, walang imik siyang naglakad patungo sa passenger seat ng nakaparadang sasakyan at sumakay.
"Halika na." Aniya sa binata na nakatayo pa rin sa labas ng sasakyan.
Andrius turn to face the car then stared at her. It took him a couple of seconds to actually move his body to get in the car and closed the driver's side door.
Hindi siya tumingin sa katabi. She's too nervous to see the reaction on his face, so she just looked out the window and pretend like she's busy watching the scenery outside.
After a couple of second or so, she felt the car move. Kahit nasa daan na sila hindi pa rin siya umimik hanggang sa basagin ni Andrius ang katahimikan.
"Saan ka natutong lumaban ng ganun?"
There's the most awaited question.
She took a deep breath. She will try her hardest not to lie. "Nag-aral ako ng martial arts." Sagot niya. "Kinailangan kong matuto dahil palaging nanganganib ang buhay ko."
Ilang segundong katahimikan ang namayani bago nagsalita ulit si Andrius. "You look like an expert in fighting."
Yes, I am. "Hindi naman masyado. Sapat lang para maproteksiyonan ang sarili ko sa mga gustong manakit sakin."
There. It's not a lie. Well, it's not the whole truth either.
Pareho silang walang imik ni Andrius habang nagmamaneho ito patungo sa mansiyon. Nang makarating sila, ihinatid lang siya nito sa loob ng kabahayan saka nagpaalam sa kaniya na may pupuntahan lang daw na importante.
He looks and sound cold as he bid goodbye. Basta nalang itong tumalikod. Walang halik sa nuo niya tulad ng nakasanayan niyang ginagawa nito, walang kahit na ano, basta bigla lang itong umalis.
Walang nagawa si Ivy kundi ang tingnan ang papalayong likod ng binata.
And with a sad smile on her lips, she whispered, "is this the end of our short yet sweet courtship?"
Pagak siyang natawa saka naiiling na naglakad patungo sa elevator habang ang puso niya ay parang may pumipipit sa sakit.
She can't explain the pain, but its there, in her heart. And it aches.
"WHAT THE HELL are you doing here?" Gulat na tanong ni Yrozz kay Andrius ng makita siya nitong nakatayo sa labas ng bahay nito sa BV. "Kung ano man ang kailangan mo sakin, I won't do it anymore. Kanina ka pa utos ng utos sakin na do this, buy this, do that, but that and look for this. And by the way, dahil sa sunflower na pinabili mo sakin habang nasa sine kayo, nangati ang kamay ko. Oh, did I mention that I'm allergic to flowers? Yes! I did!" Yrozz exclaimed. "Yet, I bought those fucking yellow long petals because you're my fucking friend—"
"I need your expertise." Putol niya sap ag-iingay nito saka pumasok sa bahay nito kahit hindi siya inimbitahang pumasok. "Naguguluhan ako."
Isinara ni Yrozz ang pinto ng bahay nito saka sumunod sa kaniya sa salas. "Anong tingin mo sakin, Doctor ng mga baliw sa babae?" May sarkasmo nitong tanong saka umupo sa mahabang sofa. "Though, it's okay to lose your sanity. I mean, she's really, really pretty."
Pabagsak siyang umupo sa pang-isahang sofa at bumuntong-hininga. "Someone tried to snatch her phone earlier and she fought well. Like an expert fighter."
Yrozz smirked. "Ah, that's why you're here. You need my technical ability and my smart and very genius advise."
"Yes!" Bumuga siya ng marahas na hininga saka napatitig sa kisame habang nakasandal ang katawan sa likod ng sofa. "It's confusing the hell out of me. Kalahati ng isip ko sinasabi na self-defense lang 'yon. But I saw that glint in her eyes earlier. It was cold, ruthless and cunning." He sighed again and looked at Yrozz, "can you hack the Mall's CCTV? Gusto kong makita ulit, baka mali lang ang nakita ko kanina."
Pinakatitigan siya ni Yrozz saka napailing-iling. "Hay, naku, bud. Mababaliw ka dahil sa babaeng 'yan. Anong gamit ng ganda niya kung hindi mo naman mapagkakatiwalaan."
Umiling siya. "No... I do trust her."
"Then why are you here, pestering me?"
That question made him stilled. Yes, why is he here? To make sure that what's nagging in the back of his mind is nonsense? Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung bakit gusto siya nitong pakasalan nuong una. At kung tama ang hinala niya na pinilit lang ito ng ama nito, then there must be a reason behind it.
Of all the men in the world, why him?
Her father is a Drug Baron. His mother is the Drug Baroness of Asia. Kapag nagsama ang dalawang 'yon, they will be unstoppable. At para magsama ang dalawa, there should be a strong tie between them.
A marriage.
Walang buhay siyang natawa. Nagbulag-bulagan ba siya na hindi niya ito nakita nuong una? O talagang ayaw tanggapin ng isip niya 'yon?
Alam ba ito ng ina niya? She must've known something. Ito ang nagdala kay Ivy sa bahay. And Ivy... does she know the real reason behind all of this? May alam ba ito— No. Hindi. Walang alam si Ivy. She told him that. She has a legal business in Bogotá, at hindi ito tutulad sa ama nito.
This must be her father and his mother's plan. Labas dito si Ivy. Tulad niya, biktima lang din ito. She even tried to cancel the wedding. Kung may kinalaman ito sa lahat, eh di sana hindi ito umayaw na magpakasal sa kaniya. She should have seduced her or some sort to force him to marry her.
Though she did try to force him, she stopped and wanted to run away from him. Hindi yon gawain ng babaeng may alam sa pina-plano ng ama nito at ng ina niya.
Or is he trying to make himself believe again that Ivy is innocent?
"This is crazy..." mahina siyang nagmura saka napatingin kay Yrozz na mabilis ang kamay na tumitipa sa keyboard ng laptop nito. "Nahanap mo na ba?"
Hindi sumagot si Yrozz sa tanong niya, panay lang ang tsked nito habang pakunot ng pakunot ang nuo.
"What is it?" He asked.
Yrozz tsked again. "I wonder what happened..." he trailed as he shakes his head in confusion, "all footage are deleted."
Nanlaki ang mga mata niya. "What?"
"Yeah..." ihinarap sa kaniya ni Yrozz ang screen ng laptop nito. "Look. Everything is unavailable. Meaning someone must've taken it down before I hacked into the Mall's CCTV. And what's confusing is that the only deleted part starts from 11:00 A.M. to 3:00 P.M."
"Eleven A.M..." parang sasabog ang utak niya sa kakaisip, "fuck. Can you go to Cinema 4?"
"Sure." Mabilis ang paggalaw ng kamay ni Yrozz at segundo lang ang lumipas, nakita kaagad niya sa screen ng laptop nito ang footage sa labas ng Cinema 4 kaninang ten-forty five A.M..
Andrius can see himself waking behind Ivy and they're about to enter the Cinema.
"Can you fast forwards a little bit?" Utos niya kay Yrozz.
"Nope." Biglang nag static ang footage at nagdilim. "Hanggang diyan lang ang lahat ng footage sa Mall. Bumalik lang ulit ang CCTV nila kaninang 3:00 P.M."
His mind is in chaos. Ivy is with him the whole time, except when she went to the restroom. And after that, magkasama na sila hanggang sa makaalis sila ng Mall.
Napasabunot siya sa sariling buhok. "This is making me insane." He groaned in annoyance. "Anong nangyari mula alas-onse ng umaga hanggang alas-tres ng hapon? Bakit pati ang CCTV sa labas ng Mall ay nawala rin?"
Coincidence ba na pati ang footage ng may nagtangkang mag snatch sa cellphone ni Ivy ay nabura din?
Yrozz shrugged. "Who knows? It was manually erase. Kung sino man ang bumura no'n, alam niya ang ginagawa niya. Kasi kung binura niya iyon thru hacking it, I could just hack it back and recover all the deleted footage. Pero hindi, burado talaga lahat."
His mind is trying to come up with a suitable explanation for everything when his phone rang.
Its Sanford.
"What?" Kaagad niyang sabi ng sagutin ang tawag.
"The head of Oregon Syndicate, Darion Oregon, is dead. Shot in the head and in his dick."
He went rock solid. "Time of death?"
"Between two to three P.M."
That is not a coincidence. "Where?"
"Sea Coral Condominium, sa harap ng—"
"—Mall." Pagtatapos niya sa sasabihin ni Sanford. "I know that place." Dinaanan nila iyon kanina ni Ivy habang pauwi sila sa mansiyon. "The killer?"
"A Sniper. Kasama ni Oregon ang kabit niya sa condo na 'yon pero tumakbo siya ng may bumaril sa pagkalalaki ni Oregon. She called the Condominium Guards and when they get back, Oregon was already shot in the head."
"And the CCTV?"
"Still here. Pero wala namang nakita."
Napabuntong-hininga siya. "What now? Iniimbestigahan natin siya."
"Well..." Sanford sighed. "We'll cross him off our list. We'll move to the second one."
"Okay." He took a deep breath. "We'll infiltrate his mansion later."
"Copy."
Pinatay niya ang tawag saka tumingin kay Yrozz. "Do you have something for me that will make my mind blow?"
"Yes."
He went rigid. "What?"
Ihinarap ulit nito sa kaniya ang screen ng laptop. "Here. That's your car, right?" Anito sabay turo sa sasakyang kapaparada lang sa parking lot ng Mall.
"Yes. That's my car."
"Okay...then watch."
Tinuon niya ang buong atensiyon sa video footage.
He parked his car and they step out. Seconds later, another car parked beside his car and a good looking man in his early thirties stepped out. Nothing uncanny there, but, the man followed them.
Kumunot ang nuo niya. Kahit saang anggulo ng CCTV, sinusundan sila ng lalaki at panay ang sulyap nito kay Ivy.
Is he the Sniper that tried to kill his baby?
Nagtagis ang bagang niya. "Sino siya?"
Nagkibit-balikat si Yrozz. "No idea. Wala siya sa data base sa kahit na anong kilalang Law Enforcement Agency. Whoever he is, he is clean or ... wala pa siyang criminal record."
Binuksan niya ang camera ng cellphone saka kinunan niya ng larawan ang lalaki sa video footage. "Thanks for this, bud."
Yrozz shrugged. "Anything, my friend. Just please," he begged, "don't make me buy flowers again."
That made him smile. "Copy that."
Nagpaalam na siya saka lumabas sa bahay ni Yrozz.
Akmang sasakay siya sa kotse ng nag-ring na naman ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino 'yon, natigilan siya ng makitang ang ama iyon ni Ivy.
Why is he calling him?
Sasagutin sana niya ang tawag ng maalala niya ang pakiusap sa kaniya ni Ivy na huwag sagutin ang tawag ng ama nito.
Hinayaan niya ang cellphone na mag ring lang ng mag ring. Sumakay siya sa kotse saka pinaharurot iyon pabalik sa mansiyon.
Nang makarating siya, kaagad siyang nagtungo sa kuwarto niya. Akmang itutulak niya ang bahagyang nakaawang na pinto ng marinig niya ang boses ni Ivy.
"—I don't even know what to do anymore, Iris. I came here with only one thing in my mind, and that is to do what Papa asked me to. To marry him. Nothing more and nothing less. He's just a job that I have to finish, Iris..."
Everything faded. Para siyang namingi ng marinig ang huling sinabi ni Ivy. Nagtagis ang bagang niya at kumuyom ng mahigpit ang kamao niya habang paulit-ulit na minumura ang sarili.
A job that she need to finish?!
Nasapo niya ang dibdib. Para siyang hindi makahinga sa sakit na sumalakay bigla sa puso niya.
What's this? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Why is my heart aching like this?
He was about to walk away but the door opened and he came face to face with Ivy.
"Andrius..." she whispered his name like he matters.
But no. He's just a job that she needs to finish.
Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha niya habang nakatitig sa dalaga. "Ivy."
She looks at him like he matters to her. "K-kanina ka pa ba diyan?"
Umiling siya. "Kadarating ko lang." Pumasok siya sa kuwarto at nilampasan ito.
"Andrius—"
"I'm tired." Aniya saka hinubad ang pang-itaas na damit at padapang nahiga sa kama. "Huwag mo akong isturbuhin. May lakad pa ako mamaya. I need to sleep."
Ivy didn't say anything. She was silent.
He wanted to stay away from her yet he wants her to do something. Anything! Kahit ano basta mawala lang itong nararamdaman niyang bigat sa dibdib niya!
Hindi niya alam kung nabasa ba ni Ivy ang laman ng isip niya dahil naramdaman niya ang pag-lundo ng kama at ang pag-upo ni Ivy sa tabi niya.
He felt her caress his back and then she kissed his nape and rest her head on his back as she hugged him.
"Kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan...sorry." Humigpit ang yakap nito sa kaniya, "pangako, hindi ko na uulitin kung ano man 'yon. Just talk to me. This is making my heart ache, Corazoncito. Please...kausapin mo naman ako."
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na pinapatigas ang loob ng maramdamang unti-unting nalulusaw ang galit na nararamdaman niya.
Ilang minuto pa siya nitong niyakap ng mahigpit bago siya pinakawalan at umalis sa kama dahil sa hindi pag pansin niya rito.
Andrius senses heightened as he listens to Ivy's movement in the room.
Then her phone rang.
"Russo." Ani Ivy sa malumanay na boses. "Hmm...that's good to hear." A long pause. "Oh. Yes. I'm free. Why?" Paused. "Oh, really? Okay. Where and when?"
His anger rose up. Makikipagkita ito sa ibang lalaki?
"Okay. See you soon."
Andrius knuckles fisted as he listened to Ivy.
"Lalabas lang muna ako sandali." Paalam sa kaniya ng dalaga. "Don't worry. I'll be fine."
Hindi siya umimik.
Nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kuwarto niya, mabilis siyang bumangon saka nagdamit at sinundan si Ivy.
#FunFact - Your vageygey is a self clening machine. Hindi niya kailangan ng soap para linisin kasi mayroon daw siyang sariling panlinis. And it helps daw if your vageygey can breath. So go underwear-free para daw makahinga naman siya. It's according to HercampusDotCom.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top