CHAPTER 1

CHAPTER 1

PINAGPAPAWISAN na nagising si Andrius mula sa isang masamang panaginip. Bumangon siya saka naupo sa kama at hinilot ang sentidong pumipintig sa sakit. Bumaling siya sa orasan na nasa night stand para alamin kung anong oras na.

It's just 3:00 A.M.

"Fuck." Mahina niyang mura saka ibinagsak ang katawan pabalik sa pagkakahiga sa kama.

Napailing siya saka wala sa sariling napatitig sa kisame. He can't believe his dream— no, its not a dream, it's a freaking nightmare! Being a groom, being in a wedding and marrying someone is a nightmare for him. A fucking nightmare! It's scaring the shit out of him.

Ayaw niyang maging katulad sa mga kaibigan niya na naging understanding bigla ng makapag-asawa. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang kinokontrol siya. His mother had done it to him a hundred times already and he had enough of it. And not to mention his father who would do anything for his mother just because they're married.

Napabaling siya ulit sa bed side table ng marinig ang message alert tone ng cellphone niya na nakalagay doon. Tinatamad na inabot niya ang cellphone saka binasa ang laman ng mensaheng natanggap.

It's from Lysander.

'Have you heard the news? Furrer is alive.'

Umawang ang labi niya sa nabasa saka napabangon bigla sa pagkakahiga, hindi pa rin makapaniwala sa nabasa. "T-that fucker is alive?!"

Hindi siya makapaniwalang napailing saka akmang tatawagan si Lysander ng may tumawag sa kaniya.

Mother calling...

Naihilamos niya ang palad sa mukha at nawala sa isip niya ang pagtawag kay Callahan. Ano na naman ang kailangan ng ina niya? As much as he likes to cancel the call, he knew his mother too well. He will never hear the end of this and that's what he hated the most.

Napipilitan man, sinagot niya ang tawag. "Yes, Mother?"

"Oh, hello, son." Bakas ang kasiyahan sa boses nito. "How are you? How was your date last night?" She sounds so excited. "Was it super fun?"

He grunted as he dropped himself to bed. Again. "I'm annoyed, mother. Kailan ka ba titigil sa pag set up sakin ng mga date na 'yan? I told you, it's not going to work." Napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa frustrasyong nararamdaman. "So stop already. You're starting to piss me off—"

"Don't use that tone on me, young man." May babala sa boses nito at kaagad na nakagat niya ang labi. Kung may isang tao man siyang kinakatakutan, 'yan ang ina niya. He knew how ruthless she can be when she wants to. "Wala akong pakialam kong Lieutenant Colonel ka na ngayon, anak pa rin kita. And when I say you go date someone, you date her. No but's! Hindi naman siguro mahirap 'yon di'ba? Its just a date, Andrius! And beside, you're not getting any younger, and as a mother who's worried for her only son, I'm just helping you out. You're already thirty-three, ang mga kaibigan mo nakapag-asawa na. Look at Lysander, he's already happily married."

He rolled his eyes. Here we go again.

"Mother, iba si Lysander sakin—"

"And why is that?" She asked haughtily.

"Because he fell in love—"

"Then why can't you?"

He groaned. "Mother, hindi 'yon ganun kadali. And besides, I don't believe in love and how the hell could I date peacefully when you're pressuring me like this?"

His mother groaned in annoyance. "I set you up with four dozens of women already. Ni isa sa kanila, wala kang nagustuhan. At dahil do'n, wala ng may gustong makipag-date sayo. Your reputation as a Bachelor has already been tarnish, thanks to your rude behavior in your dates. So don't use that 'I don't believe in love' phrase, because, my son, ang mga kilala kong taong nagsabi niyan ay na-in love din, mas malala pa nga sila magmahal eh. At ikaw, hindi mo pa nahahanap at katapat mo kaya ganiyan ka masalita. Kaya naman tinutulungan kitang mahanap siya. And for your information, I have to force those women to date you because no one wants to. What am I supposed to do with you, huh, Andrius?"

Tinakpan niya ang mukha niya ng unan. "Don't set me up on dates and wait like what normal mother does." Aniya na mas sumasakit ang sentido.

"Maghintay? Ako?" Tumawa ang ina niya. "No, son, I can't do that when I know I can do something."

His mother is hopeless. "Mother, can we have this conversation later? You do realize that its just 3 AM?"

"Ahm...no." Anang ina, "I'm in Bogotá so our time is different."

Bogotá? "Anong ginagawa mo diyan?"

"Business as usual. You don't want to know actually."

He grunted. "You're right. I don't want to."

He's allergic to anything illegal. If only he can push away his mother from his life, he would.

He's a Lieutenant Colonel and it's his job to protect the civilians from harm. And if the higher-ups find out about his mother, he'll be incarcerated. Not just him but his father and Uncle as well. So as much as possible, he wants her out of his life so he could pretend that his mother is a normal person and not a head of a syndicate.

As to why his father married his mother is still unknown to him. Wala namang magandang katangian ang ina niya na magugustuhan na ama niyang palaging nasa ikabubuti na marami ang mga desisyon kaya nga isa na itong heneral ngayon. Sa edad niya ngayon, hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit pinakasalan ng ama niya ang ina niya.

Bumangon siya at umalis sa kama dahil nawala na ang antok niya sa pagtawag ng ina saka naglakad siya patungo sa kusina ng penthouse niya.

"Mother, I'm hanging up now." Aniya. He just can't hang up on his mom like he wanted. The last time he did, his new Chevrolet got burn.

"Okay." Anang ina niya na pumukaw sa pag-iisip niya. "Bye, son. And just a reminder, you owe me and I can take all your toys away from you if you don't listen to me. Kapag may sinabi ako, dapat sundin mo, okay? Or else, I will burn your car again, destroy your penthouse and freeze all your accounts. Remember, honey, your mother is a powerful woman."

He sighed heavily. "I know."

His mother laughed. "Okay, son. I love you."

"Yeah...love you too, mother."

Nang mawala sa kabilang linya ang ina, mabilis siyang gumawa ng kape at naglagay sa tasa saka ininom iyon.

Hindi pa niya nauubos ang kape ng tumawag ulit ang ina niya.

"Mother, seriously, its 3AM—"

"Andrius Teodore Salazar III—"

Napangiwi siya ng marinig na binanggit nito ang buo niyang pangalan. "Mother, please, cut the Teodore and the III."

Hindi siya pinansin ng ina. "Andrius Teodore III, pack your bags and be at the mansion tomorrow." Wika nito na ikinasalubong ng kilay niya. "May bisita tayong darating na dapat mong pakiharapan ng maayos."

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "What the hell is this, Mother? I left the mansion for a reason and you knew it and I'm not going back there. Hell no!" He instantly disagreed.

"Hell yes, or I will make your life a living hell." It's a warning and a fact. "Starting with your accounts. How would you like that?"

Napaawang ang labi niya. "What is this? Ano na naman itong pakulo mo, ha, Ma? Ano na naman ang balak mong gawin para sirain ang buhay ko, ha?"

"Para ito sa ikabubuti mo, Andrius." Anito sa seryusong boses. "At walang ina na sisirain ang buhay ng anak niya. I mean no harm, son. At alam kong ayaw mo pero wala akong pakialam. Gagawin mo ang sinabi ko. Go back to our mansion before I burn your beloved car, Ducati and penthouse. Ayokong mapahiya sa bisita natin. Trust me, son, you'll have a hard time explaining that to the authorities." She said the last part in a sing-song voice.

Ini-untog niya ang ulo sa pinakamalapit na pader saka pinatay ang tawag.

How did everything go so wrong in just a matter of minutes? And that's because of his mother. At ano na naman kaya ang binabalak ng ina niya sa pagkakataong ito?

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nitong pinakialaman ang buhay niya, at nag-uumpisa na naman ito ngayon. Kung ano man ang binabalak nito, sigurado siyang hindi maganda 'yon.

ANDRIUS planned to fight his mother for his freedom to do what he wants, but before he can even start, someone kidnapped his Ducati, smashed his beloved car into pieces and ransacked his penthouse until everything is in chaos. And the worst part, he can't even go to the Police. It doesn't end there though, all his cards got declined and all his account got frozen.

At nangyari ang lahat ng 'yon sa loob lang ng tatlong araw na hindi niya sinunod ang ina niya.

And just like that. His mother got what she wanted. Again.

Bagsak ang balikat ni Andrius habang naglalakad papasok sa napakalaki nilang mansiyon. Umalis siya sa bahay na 'to para makaiwas sa mga magulang niya, lalo na sa ina niyang kung pakialaman ang buhay niya ay parang buhay nito iyon.

Fuck!

But here he is again. He was forced into going back to the place he considers hell.

Fuck it!

"Señorito, kayo pala." Anang mayordoma nila ng makita siyang naglalakad papasok ng mansion. "Akala ko kung sino ang pumasok sa gate."

Tipid niyang nginitian si Manang Rita at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa kabahayan.

Kaapasok lang niya sa malawak nilang salas ng makita ang ama niya. Inaayos nito ang uniporme habang pababa ito ng hagdan.

"Dad." Aniya.

Bumukas ang gulat sa mga mata nito ng makita siya. "Son...w-what are you doing here? Did your mother blackmailed you again into coming home?"

He sighed. "You know her...of course she did."

"I'm sorry, Andrius." Lumapit sa kaniya ang ama saka tinapik-tapik ang balikat niya. "Nonetheless, welcome home, son. Sana maging komportable ka sa pananatili rito."

"We both know that it's not going to happen." He blows a frustrated breath before glancing at his father. "It boggles me, bakit mo ba siya pinakasalan? Alam mo mula't sapol kung sino at ano siya. So why? Sundalo ka na noon ng makilala mo siya kaya bakit?"

Gumuhit ang munting ngiti sa mga labi ng ama niya saka napailing, "hindi mo ako maintindihan, anak. You have to be in my shoes to understand."

He scoffed. "Tama ka, Dad, hindi kita maiintindihan. Because I will never be like you. Hinding-hindi ako magkakamali na pumatol sa babaeng dapat na ipakulong ko." Napailing siya saka tuloy-tuloy na naglakad patungo sa elevator ng bahay at nagpahatid sa ika-apat na palapag kung nasaan ang kuwato niya.

Nang makapasok sa kuwarto niya, itinapon niya sa sahig ang backpack na dala saka iritadong pinalibot ang tingin sa kabuonan ng malaki niyang silid.

He has a very huge room, so huge he has a customize double king size bed, a drum set in the corner, a bar on the side, his gun replica collection on the other side, a small living room in front of his collection, his bathroom with a huge bathtub and spacious shower space, his walk-in closet that is connected to his bathroom and his small kitchen.

Yep. His room is huge. So huge that he doesn't want to be here. Because all this came from his mother's wealth. And that wealth came from her illegal deeds.

Malalim siyang napabuntong-hininga saka naupo sa gilid ng malapad na kama.

He wants this over with. Sana dumating na ang ina niya galing Bogotá para makaharap na niya ang bisita nito para matapos na ang lahat ng ito at makabalik na siya sa buhay niya.

Napabuga siya ng marahas na hininga saka tinawagan niya ang superior niya.

"Salute." Aniya ng sagutin nito ang tawag niya. "Sir."

"Oh, Andrius, napatawag ka."

Sa itinawag nito sa kaniya, kaagad niyang itinigil ang pormal na pakikipag-usap dito. "Uncle... I know I'm on leave but can I take it back?"

Kasalanan 'to ni Furrer, buhay naman pala nag leave pa siya para ipagluksa ang gago na 'yon.

Ilang segundong natahimik ang nasa kabilang linya. "Why? What happened? Ilang beses mo akong kinulit para permahan ang leave mo, kaya bakit gusto mong bawiin ngayon?"

Pabagsak niyang ihiniga ang katawan sa malambot at malapad na kama. "I'm in the mansion."

Sa sinabi niya, tumawa ang Uncle niya. "Ah, kaya naman pala. Nagpa-blackmail ka na naman pala sa Mama mo."

Napasabunot siya sa sariling buhok. "Kilala mo naman 'yang kapatid mo, Uncle."

He chuckled then tsked. "Sorry, nephew, I can't take back your leave. Your mom will kill me if I save your ass. Just enjoy your stay there."

"But Uncle—"

"Goodbye, Andrius--

"Uncle— Uncle—" The end tone beeped making him sigh heavily. "Fuck."

Inis na tinapon niya ang cellphone, pero dahil malapad ang kama niya, hindi iyon nahulog sa sahig sa halip ay sa kama niya bumagsak ang cellphone.

"Great." Puno ng sarkasmo niyang sambit.

Mariin niyang pinikit ang mga mata niya. He's forcing himself to feel calm but a knock on the door shattered the small peacefulness he felt for a second.

Napipilitan siyang bumangon saka binuksan ang pinto.

Si Manang Rita ang nasa labas, ang mayordoma nila.

"Manang Rita... May kailangan kayo?" Tanung niya sa bored na boses.

"Nasa salas po si Señora kasama ang bisita, kadarating lang po nila, pinapababa ho kayo." Anito.

Bored siyang tumango. "Sure. I'll be down in a minute. Magbibihis lang ako."

Tiningnan siya ng Mayordoma mula ulo hanggang paa. "Okay naman po ang suot niyo, Señorito."

"Nah." Tumaas ang sulok ng labi niya, "I'm overdress."

Umalis siya sa may pinto at pinulot ang bag na tinapon niya kanina pagkatapos ay kinuha doon ang pinaka-komportableng damit na paborito niyang suotin kapag nasa bahay lang saka iyon ang ipinalit sa suot niyang damit.

Nang tingnan niya ang sarili sa salamin, natawa nalang siya. His mother is going to freak out if she sees him.

Nakangiti at pasipol-sipol na lumabas siya ng kuwarto at naglakad siya patungo sa elevator na naghatid sa kaniya sa unang palapag ng mansiyon.

Nang makalabas siya ng elevator, namulsa siya sa cargo short na suot saka naglakad patungo sa salas.

Pinigilan ni Andrius ang sarili na matawa ng makita ang pamimilog ng mata ng ina niya ng makita ang itsura niya.

"Hey, mother." Bati niya sa ina. Hindi niya pinansin ang bisita nito ng makalapit siya sa sala. "You're home. Akala ko hindi ka pa uuwi."

"Andrius Teodore Salazar III." Nagtatagis ang bagang ang ina niya ng tumayo ito mula sa pagkakaupo at hinarap siya. "I'm sure Manang Rita told you that we have a visitor."

He shrugged.

Pinandilatan siya nito. "Then why didn't you change?" Nilapitan siya nito saka mahigpit na hinawakan sa braso, "nakakahiya sa bisita natin. Go! Change!"

Jesus! He hates being told what to do! "Ayoko. Komportable ako sa suot ko." Pagkasabi niyon ay nakapamulsang hinarap niya ang bisita na sinasabi ng ina niya.

Natigilan siya ng makitang babae ang nakaupo sa pang-isahang sofa. Naka-krus ang mga hita nito habang abala ito sa cellphone na hawak kaya malaya niyang napag-masdan ang kabuonan nito.

She's wearing an off-shoulder black lace dress with white underlining reaching before her knees. But what caught his attention is her rose gold curly hair that flows up to her waist.

Pretty hair. Napakurap-kurap siya saka napailing. He pulled himself together before speaking to their guest with an irritated voice. Gusto niyang malaman nito na hindi siya masayang makaharap ito kahit pa maganda ang buhok nito.

"Hey." Panimula niya. "Welcome to the Philippines. When are you leaving?"

His mother gasped audibly. "Andrius!"

"It's okay." Anang babae na may kakaibang accent ang pagsasalita ng English. "I like it rough."

I like it rough. Why does it make his cargo short tightened as he felt himself grow and hardened? Fuck!

She looked up at him and smiled. "Hi."

Her hazel eyes locked against his black ones.

Pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga habang nakikipagtitigan sa babae na matiim din ang titig sa kaniya. Hindi niya maalis ang tingin sa maganda nitong mukha na halata ang dugong latina. Parang nang-aakit ang mga mata nito, ang matangos nitong ilong na mas nagpaganda dito at ang perpektong arko ng kilay nito. Lalo naman ang mga labi nitong parang nanghihibo.

Bigla siyang nakaramdam ng panliliit ng maalala ang suot niyang damit.

Why the hell did he wear a white sleeveless shirt and cargo pants? Well, the only good thing about it is his muscles are on full show. Not that he wants her to see it and enjoy.

"You..." He trailed as he roams his eyes on her beautiful face. "What's your name?"

Nakangiting inilahad nito ang kamay sa kaniya. "Ivy Gonzaga, your bride."

Nabitin sa ere ang pagtanggap sana niya sa kamay nitong nakalahad ng marinig ang huli nitong tinuran. "You're my what?"

"Your bride." She smiled again.

Mahina siyang natawa na nauwi sa malakas na tawa pero wala namang iyon buhay. Kapagkuwan ay ibinalik niya ang tingin sa babae. "That's a good joke—"

"No. Joke. I'm here to marry you."

He stilled then he chuckled again. "Woman, mamamatay muna ako bago ko itali ang sarili ko sayo." He snorted. "Now that we already settle that, get out of our house."

"Andrius!" It's his mother and she's fuming mad. "Mind your manners! Ivy will be staying in our house from now on, specifically, in your room."

He went rigid. "What?" His eyes widened. "No!"

"Yes!" Pinandilatan siya ng ina saka hinawakan ang kamay ng babae at nakangiting nakipag-usap dito. "Andrius room is very huge, I'm sure you'll like it. And since you'll be husband and wife soon, dapat ka ng masanay na sa iisang kuwarto lang kayo matulog."

"I like that." Anang babae sa nalumanay na boses.

It's odd though, mataray ang bukas ng mukha nito pero napakabait naman ng pagsasalita.

Ngumiti ang ina niya saka inilahad nito ang kamay sa elevator. "Fourth floor, honey. Isang pinto lang ang nandoon, 'yon ang kuwarto ni Andrius. Feel at home since this mansion is going to be your home from now on."

Tumango ang dalaga saka nagpasalamat ulit. What a polite woman. Saan naman kaya ito napulot ng ina niya at ilang dolyar kaya ang binayad dito ng ina para gustuhing magpakasal sa kaniya? As far as he knows, no sane woman wants to date him. Magpakasal pa kaya?

"Just tell me if something or someone," pinukol siya ng masamang tingin ng ina bago ibinalik ang tingin sa dalaga, "makes you uncomfortable. I'll deal with them myself."

"Thank you for taking care of me."

"Of course, hija."

Nagpaalam kapagkuwan ang ina niya sa kanilang dalawa ng tumunog ang cellphone nito at kailangan nito iyon sagutin.

Illegal business as usual.

Nang silang dalawa nalang ang nasa salas, tiningnan niya ng matalim ang babae. "Who the hell are you and what do you want from me?"

"I'm here to marry you." Simple nitong sagot na may ngiti sa mga labi na para bang hindi ito apektado sa talim ng mga mata niya. "Anyways, do you want to have a pre-wedding honeymoon with me?" Tanung nito sa malumanay na boses at napaka-inosente ng dating no'n sa kaniya. "Don't worry, I won't disappoint—"

"I'm not interested."

"Are you sure? Your mother said you like to have sex a lot."

"No— I mean, yes!"

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Yes you want to have a pre-wedding honeymoon with me or yes, you like to have sex a lot?"

"I'm a healthy male." 'Yon lang ang tanging nasabi niya.

"Okay." She smiled. "I'll keep that in mind."

"No." Aniya saka umiling. "Don't keep that in mind. You'll be gone in a few days—"

"No... I'm staying—"

"No." Giit niya. "You will be gone in a few days because you wanting to marry me is full of bullshits." Dinuro niya ito. "Ikaw...magkano ba ang binayad sayo ng Mama ko para gustuhin mong magpakasal sakin? She even paid those women to date me because I'm not a boyfriend nor husband material, kaya hindi na nakakagulat kung pati babaeng magpapakasal sakin ay babayaran din niya. How much? I'll double it. Or triple. Basta umalis ka lang sa harapan ko."

Sa halip na matinag ay tumawa lang ng mahina ang dalaga saka masuyong ibinaba ang daliri niyang nakaduro dito. "Chill, Andrius, I'm not after your money."

"Really?" Puno ng sarkasmo niyang sabi.

Tumango ito saka matamis siyang nginitian na ikinairita niya. "I'm really here because I want to be with you and marry you."

Tumawa siya saka napailing. "That's a good joke."

Sa halip na mainis sa kaniya ay nginitian lang siya nito. "I'm not joking."

"You are." Giit niya.

"Nope." She smiled. "I really want to be with you and marry you. That's why I'm here."

He snorted. "Fuck you."

Sa halip na mainsulto, nagkibit-balikat lang ang dalaga. "I'm still gonna marry you." Nginitian siya nito saka tinalikuran siya at naglakad patungo sa elevator.

Siya naman ay sinundan lang ng tingin ang dalaga.

Hindi ito seryuso, sigurado siya doon. Ni hindi pa nga sila nito nagkikita tapos gusto siya nitong pakasalan? Yeah, right, and hell is selling ice water.

Gusto niyang malaman kung ano talaga ang pakay nito sa kaniya. Sigurado siyang may hidden agenda ito kung bakit gustong magpakasal nito sa kaniya. At iyon ang aalamin niya. Sooner or later, she will pack her bags and go. At siguraduhin niyang mangyayari 'yon sa mga susunod na araw

He doesn't want to get married. Hell! For him, marriage is a nightmare. At kahit kasing ganda pa ni Ivy Gonzaga ang pakakasalan niya, hindi pa rin siya makakapayag. Hindi pa rin niya itatali ang sarili niya at magiging sunod-sunoran dito.

He will send her packing. He will make sure of that.

But that pre-wedding honeymoon though...

NANG MAKASAKAY si Ivy sa elevator na maghahatid sa kaniya sa ika-apat na pakapag ng mansiyon, kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi niya na kanina lang ay naka-plaster sa mukha niya. Napalitan ang ngiti niya ng iritasyon. Hindi siya sanay na hinihindian ng mga taong nakapaligid sa kaniya, mas lalo naman na pinagsasalitaan ng masama. And Andrius saying no to her and insulting her is pissing her off. Big time.

For two years, she honed herself to speak Tagalog fluently, she even took a special class on how to be nice to people since from her childhood she was exposed to violence and unpleasant environment. Sinanay din niya ang sarili na magsalita ng malumanay para sabihing mabait siya dahil mataray ang bukas ng mukha niya. Sinanay din niya ang sarili na hindi ipakita kung ano ang tunay na nararamdaman sa mukha. Isa sa mga naperpekto niya ay ang ngumiti kahit nagpupuyos na siya sa galit.

Ang dami niyang ginawa para lang maging handa sa araw na makakaharap niya ang mapapangasawa niya dahil iyon ang utos sa kaniya ng ama. At ito lang ang mangyayari? Sisinghalan siya? Duduruin siya? Sasabihan ng fuck you? At tatawaging mukhang pera?

Andrius should be glad that she promised her father she'll be good. Kung hindi lang siya nakapangako sa ama na gagawin niya ang lahat makuha lang ang loob ni Andrius Salazar, baka kanina pa niya binaril sa ulo ang gagong lalaki na 'yon.

Bakit ba kasi siya pumayag na magpakasal kahit alam niyang nasa disadvantage siya? Maybe because she never once disobeyed her father. Never. Kung anong iniutos nito ay sinusunod niya. At nang sabihin nitong magpakasal siya sa nag-iisang anak na lalaki ni Madame Salazar para mapanatag ang kalooban nito na nasa mabuti siyang kamay kapag tumanda ito, tango kaagad ang naging tugon niya at hindi kinuwestiyon ang kagustuhan ng ama. Sa halip ay sinanay niya ang sarili para maging isang mabuting asawa kay Andrius.

Though for her, Andrius Salazar in not her husband to be but a job she needed to do.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka lumabas ng elevator ng tumigil iyon at bumukas.

Naglalakad siya patungo sa nag-iisang pinto sa palapag na 'yon ng tumunog ang cellphone niya.

Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, kaagad niyang sinagot 'yon.

"Vy! Are you crazy?!" Kaagad na singhal sa kaniya ng kakambal niya na siyang nasa kabilang linya. "Please, tell me you didn't do it."

She frowned. "Do what?"

"Marry a stranger!"

"Oh." Tumigil siya sa harapan ng pinto saka pinihit iyon pabukas, "we're not married yet."

"Thank God—"

"I have to get his affection first." Tinulak niya pabukas ang pinto. "Dad's order."

Irish, her twin, blows a loud breath. "Are you kidding me?! And you'll actually do it?!" Her twin is fuming mad, she's sure of that. "Goodness gracious, Vy, don't let that old man control your life like what he did to me! Have you forgotten that I'm now married because Dad arranged everything for his convenience?"

Naglakad siya papasok sa kuwarto saka pinalibot ang tingin. "Not bad..."

"What do you mean not bad? It is bad! Look how miserable I am now—"

"No, not your marriage, but the room I'm in." Aniya saka umupo sa gilid ng kama. "Not bad at all."

Irish groaned in annoyance. "Are you even listening to me?!"

She sighed heavily. "I'm fine, Rish, really. Don't worry about me."

"Of course, I'm worried! You're my twin and our father sent you to a far away country to get married to a total stranger!" Halos sumigaw na ito sa kabilang linya. "I'm worried!"

Bumuntong-hininga siya ulit. "I'm fine. I agreed to do this. Anyway, I'll hang up now. I need to get ready." Akmang papatayin na niya ang tawag ng magsalita ulit ang kakambal niya.

"Vy... If you're doing this to make it up to Papá, don't. Go home...please. You don't need to do this. Vy...please."

"You're wrong." Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka bumuga ng marahas na hininga. "I need to do this."

"Vy..."

"Bye, Rish. I'll call you when I get the chance." Pinatay niya ang tawag saka malakas na napabuntong-hininga.

I need to do this, for my Papá. And for my Mamá. If this is the only way to make up for everything that has happened, then so be it.

Binuksan niya ang bagaheng dala saka kumuha doon ng damit, gamit pampaligo at pumasok sa banyo. She feels uncomfortable after that very long flight.

Nang makalabas siya ng banyo pagkalipas ng kalahating oras, nakapag-half bath na siya, nakapagsipilyo saka nakabihis na. Habang naglalakad-lakad sa kuwarto, inalis niya ang tuwalya na naka-pulupot sa mahaba niyang buhok.

Kapagkuwan ay itinabi niya ang tuwalya saka kinuha ang lotion sa bag at naglagay sa braso, sa balikat, sa dibdib pababa sa tiyan hanggang sa mga hita niya at binti. Sapat na ang inilagay niyang lotion sa katawan para kumalat ang mabangong amoy niyon sa loob ng kuwarto. Kapagkuwan ay ang suklay naman sa bag ang sunod niyang kinuha, pagkatapos ay humarap siya sa salamin at sinuklay ang buhok.

Napatigil siya sa pagsuklay ng bumukas ang pinto ng kuwarto. Kaagad siyang napabaling sa pinto at nagtama ang mga mata nila ng mapapangasawa niya.

He's really handsome. She won't deny that.

At dahil nakatitig siya sa binata, hindi nakatakas sa paningin niya ang pagkunot ng nuo nito at pagsinghot nito ng hangin sa paligid.

"What is that..." He sniffed the air again, "sweet smell?"

"Ahm," niyakap niya ang sarili para pasimpleng takpan ang dibdib niya dahil wala siyang suot na bra sa loob ng suot na manipis na spaghetti top. "My lotion I think. Hindi mo ba nagustuhan ang amoy?"

Andrius took a deep breath before looking intently at her, down to her bare neck, her waist then to her bare legs. Maikling short lang ang suot niya kaya kitang-kita ang magandang hubog ng mga hita niya.

She saw his jaw tightened. "Fuck..." Pagkasabi nito niyon ay kaagad itong naglakad palabas ng kuwarto.

Naiwan naman si Ivy na nakatitig sa pintong padabog nitong isinara.

What just happened? 


A/N: Okay let's start. Happy reading. 

#SexFunFact - According to enkirelation.com, Approximately 60% of men who get aroused have erect nipples. In fact, the nipples are just as sensitive in men as they are in women, which is why so many men get erect nipples. (LOL. Is this true? Sa may mga asawa diyan, totoo ba 'to?)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top