CHAPTER 2

CHAPTER 2

I HATE WEDDING. Iyon ang nasa isip ni Iuhence habang nakatayo sa harap ng altar sa tabi ni Train, pero wala siyang choice dahil siya ang best man ni Train. Kung puwede nga lang na hindi umatend ay hindi siya a-attend.

Bumuga siya ng malalim saka bumaling sa katabi.

Mahina siyang napatawa ng makita ang itsura ni Train. He looked like a man who was suffering from diarrhea. Sobrang lukot na lukot ang mukha nito at kahit pa siguro si Leonardo Da Vinci ay hindi kayang ipinta ang mukha nito.

"Chill, man," aniya na natatawa. "Look alive, bud. You look like a dead man walking."

Pinukol siya nito ng masamang tingin. "Fuck off, Iuhence. I'm not in the mood today."

Ngumisi siya. "Hindi ko puwedeng gawin iyon. I am your best man after all."

Train puffed an annoyed sigh. "Ipaalala mo nga ulit sakin kung bakit ikaw ang best man ko?"

"Kasi gwapo ako at gusto mong sakin nakatingin ang bride mo kaysa sayo." Nakangising sagot niya.

Umiling-iling ito at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Sana nga ikaw nalang ang nasa posisyon ko ngayon."

Gumuhit ang pagkadisguto sa mukha niya. "Pare, kaya kung gawin lahat para sayo. I can even give you the moon and the sun, but not to be you right now. Mag-isa ka sa kamiserablihan mo. Mandadamay ka pa e."

Humarap sa kanya si Train. Walang buhay ang mukha nito. "Diba kaibigan naman kita?"

"Yeah," nag-aalangang aniya.

"Then take me away from here." Napaka-seryuso ng boses nito.

"Dude, you are so dramatic. Man up. Nasa altar ka na e. At saka, maghunusdili ka naman Train. Sisirain mo ang puri ko kapag itinakbo kita rito."

Pinukol siya ng masamang tingin ni Train at akmang sisinghalan siya ng biglang tumunog ang death march—este, wedding song pala.

Tinapik niya ang balikat ng kaibigan saka umayos siya ng tayo. "Good luck, man. You're going to need lots of it."



RECEPTION was boring as hell. Parang mga-stick ang ikinasal at ilang na ilang ang dalawa. Gustong pagtawanan ni Iuhence si Train. Halata ang pagka-disgusto sa mukha nito. Ang tanging masaya lang yata sa kasal na iyon ay ang mga magulang ng ikinasal.

Itinaas niya ang kamay para kuhanin ang atensiyon ng waiter. Agad naman itong lumapit sa kanya. Napatingin siya sa hawak nitong tray na may lamang isang kopita ng vodka.

"Do you speak English?" Tanong niya sa waiter.

Tumango ang lalaki. "Slight. Not fluent."

"That's good enough." Kinuha niya ang isang kopita ng vodka sa tray. "Can you get me a bottle of vodka please? I don't think this—" Itinaas niya ang kamay na may hawak sa kopita na may lamang Vodka. "—can sate my thirst."

Napatingin ang waiter sa hawak niyang kopita ng vodka. "Sir, that vodka you are holding is already owned by someone. I was about to give it to her when you called my attention. I am sorry, sir. I will get you another one."

Tumaas ang kilay niya. "She?"

"Yes, sir." May itinuro ito sa likod niya. "That's her."

Magkasalubong ang nuo niyang tiningnan ang babaeng tinuro nito.

Parang tinamaan siya ng kidlat ng makilala ang babaeng tinuro ng waiter. Hindi na kulay abu ang buhok nito pero hinding-hindi siya magkakamali na ito ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Imposibleng makalimutan niya ang maganda nitong mukha na palaging laman ng mga panaginip niya mula ng mawala ito.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatingin sa dalaga na walang kaalam-alam na nakatingin siya. And just like in a cliché movie scene, her head slowly turned towards his direction. Nang magtama ang mga mata nila, nabasa niya ang emosyong kumislap sa mga mata nito. Gulat. Takot. Tapang.

"Mhelanie..." Bulong niya sa pangalan ng babae.

Dumilim ang ekspresyon ng mukha niya ng makitang bigla itong tumayo at nagmamadaling naglakad patungong exit ng reception.

Para naman niyang hahayaan niya itong makatakas. Not this time, honey. I won't let you run away this time. Over my hot well-toned gorgeous body!

THOSE SOUL-SUCKING emerald eyes stared at Mhelanie like he was looking into the depths of her soul. Kahit gustuhin ni Mhelanie mag-iwas ng tingin, hindi niya magawa. Parang may magnet ang tingin ng binata at nahi-hipnostismo siya.

Kinurot niya ang sarili para bumalik siya sa kasalukuyan.

Unti-unting binabalot ng takot ang puso niya. Bakit? Bakit ito narito? Bakit kailangang makita siya nito?

Parang may sariling isip ang mga katawan niya at tumayo. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang niya patungo sa exit ng reception hall. Shit! Bakit naman kasi umatend pa siya sa kasal na ito?! At bakit hindi niya nakita ang binata kanina sa simbahan?

Dapat niyang sisihin ang babae na katabi niya na panay ang tanong sa kanya tungkol sa mga bulaklak! Argh!

Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan na siyang makalabas sa reception hall. Akmang tatakbo siya patungo sa kalsada kung saan may nakaparadang taxi ng may pumigil sa braso niya.

Sa isang kisap mata, naisandal siya sa pinakamalapit na pader at sinalubong ng kulay berdeng mga mata ni Iuhence ang mga mata niya.

"Where do you think you're going?" Tanong nito sa mahinang baritonong boses. His voice gave her goosebumps.

Napalunok siya ng maramdamang parang may kumiliti sa parteng iyon ng katawan niya dahil sa pagkakalapit ng katawan nila. Just like that passionate night they shared together. Kung anong naramdaman niya sa gabing iyon ay iyon din ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

"Saan ka pupunta?" Mahina pero matigas ang boses nito. "Alam mo ba kung anong nangyari sa mga taong iniwan mo ng umalis ka?"

Nanliliit siya sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya. Mhel felt suffocated as she stared back at the man's emerald eyes. "Ah ... Ahm, ah. N-Naka—" Hindi siya makapag-isip ng sasabihin habang nakatingin dito.

Bakas ang galit sa mga mata nito. "Saan ka nakatira ngayon?"

Napalunok siya ng maamoy ang mabangong hininga ito. Halos manginig ang tuhod niya. "D-Does it m-matter?" Nauutal na aniya.

"Yeah, it does," anito na madilim ang ekspresyon ng mukha. "If I were you, sasabihin ko na kung saan ka nakatira. Kasi baka biglang umatake ang ka-demonyuhan ko at tawagan ko pa ang mga magulang mo na halos mabaliw sa paghahanap sa'yo. You wouldn't like that, yeah? Nagtago ka nga ng walong taon para hindi mahanap. So, humor me."

He was threatening her, and it was working. Sigurado siyang kapag tawagan nito ang ama niya ay pupunta kaagad iyon dito sa Moscow. Baka nga bukas narito na ang ama niya.

"B-Bakit ba gusto mong malaman k-kung nasaan ang b-bahay ko?" Nani-nerbiyos na tanong niya.

"I'm curious," simpling sagot nito.

"Hindi mo ba alam na curiosity always kills the cat?"

"Yeah, I know that. But the cat has nine lives. Sa tingin ko naman ay mabubuhay pa siya ng matagal-tagal."

Nagpakawala siya ng hininga at lihim na tinanggap ang pagkatalo. "Fine. I'll show you my house. Pero kapag nakita mo na, umalis ka na."

"Hindi ikaw ang magdi-desisyon kung aalis ako o hindi. That's my decision, not yours," anito sa malamig na boses.

Kapagkuwan ay hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya patungo sa parking lot ng malaking solar na pinagdarausan ng reception.

Nang makarating sila sa parking lot, hinila na naman siya nito at siya naman ay nagpahila lang. Nasa state of shock pa siya sa mga nangyari. Someone found her. Ano na ang gagawin niya ngayon?

They stopped in front of a sleek black Bugatti Veyron. Hindi na siya nagulat ng buksan nito ang nasabing sasakyan. Iuhence Vergara was after all a shipping magnet. The CEO and owner of the Pacific Pearl Shipping lines.

"Sakay na," anito ng buksan nito ang driver's seat. "Doon ka sa passenger seat at hindi sa backseat," wika nito ng makita siyang akmang bubuksan ang backseat.

Humalukipkip siya. "No. Kung gusto mong malaman kung nasaan ang bahay ko, sa back seat ako—ahhhh!" Malakas siyang napatili ng pangkuin siya nito at parang sako ng bigas na isinampay nito sa balikat.

Umikot ang paningin niya dahil sa posisyon niya. Dahil sa posisyon na 'yon, napakalapit ng mukha niya sa pang-upo nito. It still looks edible even clothed.

Namula ang pisngi niya sa naisip lalo na ng pumasok ang imahe ng pang-upo nito sa utak niya. Mhel perfectly knew how edible his ass was.

Napahiyaw si Mhel ng bigla siyang idiniposito niya si Iuhence sa passenger seat. Mabilis na isinuot nito ang seat belt sa kanya at isinara ang pintuan. Akmang bubuksan niya iyon ng marinig niya ang lock ng pinto. Naniningkit ang mata niya sa galit habang nakatingin sa hawak nitong maliit na remote. Peste!

Nang makasakay ang binata, mabilis nitong binuhay ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon palabas ng parking lot.

Pagkalipas ng mahabang minuto, nakarating na sila sa labas ng kaniyang maliit na apartment.

"Dito ako nakatira," aniya at iminiwestra ang kamay sa apartamento niya. "Masaya ka na?" Puno ng sarkasmo ang tanong niya.

"Ecstatic." Walang emosyong sabi nito saka hinila na naman siya palapit sa pinto. "Gusto kong makita ang loob ng apartment mo. Let's go."

Napipilitang sumunod siya sa binata.

Ipinasok niya ang susi sa keyhole ng doorknob saka pinihit iyon pabukas. Pagkatapos ay siya na ang naunang pumasok sa apartment niya.

Nang makapasok si Iuhence sa loob, parang pagmamay-ari nito ang apartment na komportabling umupo sa couch na nasa tabi ng bintana.

Ano ba ang binabalak ng lalaking 'to?



IUHENCE DIDN'T want to be rude but Mhelanie's apartment sucked. Para iyong tao na naaagnas na. Isang tingin palang niya ay parang isang langaw nalang ang peperma sa apartment nito. Good thing the whole apartment was neat and tidy. Halatang babae ang nakatira.

"Ngayong nakita mo na ang loob ng apartment ko, please, umalis ka na," narinig niyang sabi ni Mhelanie.

Napatingin siya sa dalaga na naka-krus ang braso sa harap ng dibdib. "Honey, aalis ako kung kailan ko gusto. Okay?" Sabi niya sa dalaga.

Ang matatalim nitong mga mata ay tumuon sa kaniya. Kumunot ang nuo ni Iuhence. "Hindi na kulay pula ang mata mo," aniya.

"Contact lens ang kulay pula kong mata noon." Tumaas ang kilay nito. "Ano ba talaga ang kailangan mo sakin, ha, Iuhence?"

Parang may sumipa sa dibdib niya ng marinig niyang sabihin nito ang pangalan niya. Wala namang espesyal sa pagkakasabi nito sa pangalan niya, but the sound of her voice while saying his name awaken the beast between his legs. Oh, no. I'm in trouble.

Ipinilig niya ang ulo para mawala ang iniisip niya. "Bakit ka nagtitiis sa maliit na apartment na ito kung puwede ka namang manatili sa isang penthouse? Your father is rich—"

"Eight years akong nakatira sa apartment na 'to, kaya please lang, huwag mong insultuhin," iritado nitong sabi.

"Kainso-insulto naman talaga ang tinitirahan mo," aniya sa nanunuyang boses. "Walang aircon. Napakainit." Iminuwestra niya ang kamay sa kama nito. "Your bed looks like someone died on it." Tinuro naman nito ang maliit niyang kusina. "It is very neat but still not enough to even bake a cookie. And you don't even own a coffee maker." Dumako ang tingin nito sa sahig. "Malapit nang magiba ang sahig nitong apartment mo. At—" naglakad ito patungo sa banyo at sumilip doon. "—ang liit ng banyo. No space for extracurricular deed like bathroom sex."



NAPANGANGA si Mhel sa pinagsasasabi ni Iuhence. Grabe din ang bibig nito. Sasabihin ang gustong sabihin ng walang habas. Ang sarap busalan. Ang sarap ingudngod ng bibig nito sa 'magigiba' nang sahig ng apartment niya.

"Una sa lahat, hindi ko kailangan ng aircon kasi bilang lang ang araw na mainit dito sa Moscow." Nameywang siya. "Pangalawa, I don't cook cookie. Pangatlo, mumurahin lang ang apartment na 'to kaya expected nang ganiyan ang sahig. Pang-apat, huwag mong pakialaman ang banyo ko. At sino naman may sabing gumagawa ako ng milagro riyan sa banyo?"

Biglang may gumuhit na ngiti sa labi ng binata na para bang nasiyahan ito sa huli niyang tinuran. "Mabuti naman at hindi ka gumagawa ng milagro riyan."

Papalayasin na sana niya ito ng tumunog ang cell phone nito. Mabilis na kinuha nito ang cell phone sa bulsa ng Armani suit na suot nito at sinagot ang tawag.

"Hello? Iuhence Vergara, speaking." Isang mahabang katahimikan ang namayani bago ito nagsalita. "That's better. I want you to monitor the shipment of LaCars. Oh, and—" Sadyang binitin nito ang sasabihin at tumuon ang tingin sa kaniya bago nagsalitang muli, "— Cancel all my appointments for a month. I'll be very busy."

Napalunok siya sa uri ng pagkakatingin nito sa kaniya. Hell! Why did he cancel all his appointments for a month? Ano ba ang nasa isip ng lalaking 'to? Sana naman hindi siya pi-perwesyohin nito sa loob ng isang buwan.

Tinapos nito ang tawag kapagkuwan ay hinubad nito ang Armani suit na suot at tanging boxers lang ang itinira.

Napakurap-kurap siya sa ginawa ng binata. He stood before her with all his glory. Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi niya dahil sa hubad na katawan nito.

"Iuhence! What the hell? Mag-damit ka nga!" Naiiskandalong sigaw niya.

Napaatras siya ng mag-umpisa itong humakbang palapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" Abot and kaba na nararamdaman niya ng tumama ang binti niya sa kama.

"Naglalakad palapit sayo," pa-inosenteng sagot nito.

Napatili siya ng mawalan siya ng balanse at napahiga sa kama.

Napaawang ang labi niya ng kubabawan siya ng binata. Kahibla lang ang layo ng kanilang mga labi. Their eyes were locked with each other and her breasts were intimately pressed against his chest. Their closeness made her feel hot all over. It was making her wet down there. Shit! This is not good!

"Say my name, Mhelanie," bulong nito sa mga labi niya.

She hated her full name. Ayaw niyang tinatawag siya sa buong pangalan niya, pero nang si Iuhence ang tumawag sa kaniya gamit ang buong pangalan niya, parang may kakaiba iyong hatid sa puso niya.

"Say my name, Mhelanie," ulit nito.

Napalunok siya. "Iuhence..."

His emerald eyes darkened with desire. "Hmmm. I like it." Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya saka hinalik-halikan siya do'n. "Ang sarap sa pakiramdam kapag sinasabi mo ang pangalan ko." Kinagat-kagat nito ang balat sa leeg niya. "It's giving me a massive boner, honey."

Pigil niya ang sarili na hindi mapadaing sa ginagawa nito. "A-ano ba ang sinasabi mo?"

Napasinghap siya ng dilaan ni Iuhence ang gilid ng taenga niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mahinang halinghing na gustong lumabas sa nga labi niya.

"S-Stop it, I-Iuhence," nauutal na aniya. Ang katawan niya ay nag-uumpisa nang mag-init.

Bahagyang binigayan nito ng distansiya ang mukha nila saka matiim siyang tinitigan. May emosyon siyang nakikita sa mga mata nito na hindi niya mabasa.

"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mong pag-iwan sa'kin." Wika nito. "Eight years had passed, Mhelanie pero wala pa ring nagbago." He expertly slid his hand inside her panty. "And you'll be punished for leaving me on the bed like that." Pagkasabi niyon ay nilukumos nito ng halik ang nakaawang niyang mga labi.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top