CHAPTER 16

CHAPTER 16

NANG matapos niyang ma-i-kuwento kay Raine ang lahat ng nangyari mula ng unang pagkikita nila ni Iuhence hanggang sa pagdating nila kanina, tinitigan niyang mabuti ang kaibigan. Inaarok niya ng nasa isip nito. Mukhang dina-digest pa nito ang mga impormasyong sinabi niya.

"So, you're saying na may gusto sayo si Iuhence?"

Umiling siya. "No. I'm hoping and assuming." Napayuko siya. "I can read between the lines, Raine. Alam kong may pinapahiwatig siya. Confirmation nalang ang kailangan ko."

Raine let out a sigh. "Okay, fine. Sana nga ma-confirm na 'yan. Ayokong masaktan ka, Mhel. Babaero 'yang si Iuhence. Baka masaktan ka lang sa kanya."

Tipid siyang ngumiti. "I know that. Sinabi nga niya sa akin na gago siya and I believe him, but he's the sweetest gago that I ever met. And I love him."

Napangiti ang kaibigan. "I never thought that this day would come na maririnig ko ang mga salitang iyon galing sa bibig mo. Mukha ngang masyadong kang in love kay Iuhence." Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito. "Alam ba niya?"

"Hindi." Nagbaba siya ng tingin. "Aamin lang ako kapag sigurado na akong mahal din niya ako. Ayokong mapahiya."

"I feel you," ani Raine. "Iyan din ang nasa isip ko nuong mahalin ko si Tyron. Hinding-hindi ako aamin hangga't hindi siya mauuna. Dapat lalaki ang mauna. Sa kadahilanang ayoko ring mapahiya. Baka assuming lang ako."

Tumango-tango siya. "Tama," pagsang-ayon niya.

Nagkatawanan sila at napagdesisyunang lumabas na sa kuwarto.

Nang bumalik sila sa sala, hindi lang si Tyron at Iuhence ang nakita nila. Naroon din si Train Wolkzbin!

"Train!" Tili ni Raine at niyakap ang lalaki. "Kumusta na ang buhay may asawa? Sorry at hindi kami nakadalo sa kasal mo. Alam mo naman na takot sa airplane si Timber." Ang tinutukoy nito ay ang anak nitong lalaki.

"Madam Raine." Ngumiti si Train at niyakap siya nito. "I'm okay."

Tyron growled. "Get your hands off of my wife Wolkzbin! Baka baliin ko 'yan!"

Hindi makapaniwalang binalingan ni Train si Tyron. "Man, kasal na kayong dalawa. Possessive ka pa rin?"

"So?" He glared at Train. "Basta bitawan mo ang asawa ko!"

Raine giggled and went to sit on Tyron's lap. "Aww. Ang asawa ko talaga, napaka-seloso."

Sumimangot si Tyron. "Kiss me para hindi na ako magselos."

Raine obliged. Mhel felt envious of the two. Sana maging masaya rin siya katulad ni Raine, pero mukhang matatagalan pa bago mangyari ang gusto niya.

"Oh. I know you," anang boses ni Train na pumukaw sa pag-iisip niya. Nang balingan niya ito, nakatingin ito sa kanya. "Ikaw iyong babae na nagdala ng flowers para sa kasal namin ni Krisz diba?"

Tumango siya at nginitian ito.

Sinuklian nito ang ngiti niya saka tumayo at akmang yayakapin siya ng marinig niya ang walang emosyong boses ni Iuhence.

"Touch her, Wolkzbin, and your arms will be detached from your body," Iuhence threatened him in a very dangerous voice that even the wildest animal in the forest would be scared.

Napatigil si Train sa akmang pagyakap kay Mhel at nakangising binalingan si Iuhence. "Damn, my man. Hindi ko akalain na darating ang araw na magiging possessive ka sa isang babae. Nagyeyelo na ba ang impyerno?"

Hindi nga siya niyakap ni Train pero gumalaw naman ang kamay nito para tapikin ang balikat niya. Hindi pa dumadampi ang kamay nito sa balikat niya ay nagsalita na naman si Iuhence. "Not even a tap, Wolkzbin." Iuhence growled.

Train let out a dramatic sigh. "Ikaw na talaga, Iuhence. Puwede ka ng maging hari ng mga possessive."

"Ahh, so kapag may humawak na ibang lalaki sa asawa mo, okay lang sayo?" Nakangising tanong ni Iuhence at tumayo para lapitan siya.

Biglang dumilim ang mukha ni Train at nagtagis ang bagang. "Touch my wife and you will die."

Marahang tumawa si Iuhence at niyakap siya mula sa likuran. Ang baba nito ay nakapatong sa balikat niya. Nakikiliti siya sa hininga nito na tumatama sa tainga niya.

Ang madilim na mukha ni Train ay biglang umaliwalas ng tumunog ang cell phone nito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hello, wifey?" There was a silly smile on his face. Yan ang ngiti ng mga taong in love. "Ah, sige. Uuwi na ako. Bye, wifey." Tinapos nito ang tawag at nagpaalam sa kanila. "I have to go. Gabi na rin kasi e. Baka kaliskisan ako ng buhay ng asawa ko kapag hindi pa ako umuwi." Pagkasabi niyon ay umalis na ito.

Sunod na umalis si Tyron at Raine. Tumawag kasi ang ina ni Tyron at sinabing hinahanap na ang mga ito ni Timber at ayaw matulog kung hindi nito nakikita ang mommy at daddy nito. Aww. That was so sweet, Mhel thought. She wanted to see Raine's son. Ang cute siguro nito.

Hinatid nila sa pintuan ang mag-asawa at hinintay na makapasok ang mga ito sa elevator bago nila isinara ang pinto. Pero hindi pa nga sila nakakahakbang palayo sa pinto, may nag doorbell na naman.

Binuksan ulit ni Iuhence ang pinto at napatingin sila pareho sa babaeng nasa labas. May iniabot ito sa kay Iuhence na invitation card.

"Ms. Oquendo will be expecting you, sir," ani ng babae at umalis pagkatapos magpaalam.

Humarap sa kanya si Iuhence at ipinakita ang invitation. "This is an invitation to a charity ball for wounded and battered animals. Inimbitahan tayo ni Grace." Ipinakita nito ang pangalan niya sa imbitasyon. "Pupunta ba tayo?"

Nagkibit-balikat na ngumiti siya. "Yeah. Mukhang animal lover si Grace. Suportahan natin siya. I'm sure magdo-donate ka, mas makakatulong 'yon sa adhikain niya na maalagaan ang mga wounded at battered animals."

Napatango-tango si Iuhence. "Yeah. We should attend this ball."

"Yeah."

Natigilan siya ng biglang sakupin ng binata ang mga labi niya. She just sighed and kissed him back. Mukhang papagurin na naman siya nito.

Hindi na siya nagtaka ng lumapat ang likod niya sa malambot na kama at wala ng saplot ang mga katawan nila.

As Iuhence thrust himself inside her, napuno ng halinghing niya ang buong silid nila. Sinasalubong niya ang bawat pag-ulos nito hangang sa labasan siya at naramdaman niyang napuno ng katas nito ang sinapupunan niya.

And then a realization hit her. "Hindi ka ba talaga gumagamit ng condom?"

"Gumagamit," sagot nito na nakakubabaw pa rin sa kanya at nasa loob pa rin ang kahabaan nito sa loob niya.

"E bakit hindi ka gumagamit kapag nagtatalik tayo? Baka mabuntis ako—"

"Would that be so bad?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Are you ... implying something?"

"Am I?" Balik tanong nito habang matamang nakatitig sa kanya.

Hindi niya ito sinagot at ipinalibot ang binti sa beywang nito pagkatapos ay mas ibinaon pa sa loob niya ang kahabaan nito. That made Iuhence moan.

That's it. Moan until you forget what we are talking about. Hindi rin kasi niya alam ang isasagot.

MHELANIE was clad in a Versace gown, paired with Prada stiletto, courtesy of Iuhence Vergara. Naglakad sila ng binata papasok sa Grand Hall ng Oquendo Casino kung saan gaganapin ang charity ball. Hindi siya nito hinayaang magsuot ng mumurahing gown at wala siyang ibang pagpipilian dahil hindi talaga siya hinayaang lumabas sa penthouse nito hangga't hindi iyon ang suot niya.

Nakapalibot sa beywang niya ang braso nito. He held her possessively in his arms. At kapag may lalaking tumitingin sa kanya na may paghanga sa mga mata nito ay nagdidilim kaagad ang mukha ni Iuhence.

Sa halip na mainis sa inaakto nito, kinikilig siya. Iuhence looked so edible when he was being possessive.

"It was a mistake to let you wear that sexy immoral dress." Iuhence hissed under his breath and guided her towards the exit. "Halika. Umuwi muna tayo. Magbibihis ka."

Tinampal niya ang kamay nito na nasa beywang niya. "Tumigil ka nga, Iuhence. Ikaw itong nagpilit na isuot ang gown na 'to. So, suck it up, honey."

Mas dumilim pa ang mukha nito. "They are not allowed to see your bare back!"

"Whatever, Iuhence." Mabilis siyang naglakad palapit kay Grace ng makita niya ito.

"Hello, Grace," aniya at nakipagbeso-beso sa dalaga.

Malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Grace. "Oh my, thank you at nakarating kayo." Tumingin ito sa likuran niya. "Thanks for coming Iuhence. Sana mag-donate ka."

Tumakap ang mga braso ni Iuhence sa beywang niya saka hinapit siya palapit sa katawan nito. "Oo naman. Anyway, do you have a jacket or something to cover Mhelanie's bare back?"

Tinaasan niya ng kilay ang binata pero hindi siya nito pinansin.

Sumulyap muna sa kaniya si Grace bago nagsalita. "Wala akong available na jacket."

Iuhence scowled. "Dapat talaga umuwi tayo e."

Napailing-iling siya. "Hayaan mo na nga ang damit ko. Okay lang 'yon. Ikaw naman ang kasama ko e."

Lumambot ang mukha nito. "Ayoko lang naman na may tumitingin sayo at yung mga mata nila ay puno ng pagnanasa. Your body is mine to ogle. Akin lang 'yan."

Ginawaran niya ng halik ang mga labi nito. "Okay na?"

Kaagad itong ngumiti. "Guess so."

"Hey, Vergara," anang bored at lalaking-lalaki na boses mula sa likuran nila.

Sabay silang lumingon ni Iuhence. Hindi niya kilala ang guwapong lalaki na nasa harapan nila ngayon. He had these tantalizing lazy eyes that added up to his gorgeousness.

"Valerian Volkzki." Malamig ang boses ni Grace habang nakatingin sa bagong dating. "Salamat at pumunta ka."

Valerian's eyes darkened dangerously when he stared at Grace. "After this, we're even."

Malamig na ngumiti si Grace. "Even steven, Mr. Volkzki."

"Good. And for the record, hindi ko ginustong masagasaan ang pinakamamahal mong poodle. Kasalanan mo ang nangyari," ani Valerian at humarap kay Iuhence. "May isinend pala akong mga larawan sa e-mail mo. Malapit ng matapos ang construction ng AirJem Airline and Airport sa Singapore."

"Thanks, man," ani Iuhence at nagkamay ang dalawa at umalis na si Valerian na hindi manlang nagpapaalam.

Bastos din e.

Humarap siya kay Grace na may naglalarong ngiti sa mga labi nito. "What's with you and that guy?" Tanong niya.

"Muntik na niyang masagasaan ang poodle ko. Thanked God at injury lang ang nakuha ni Valerian."

"Valerian? Yung lalaki?"

"No. Valerian ang name ng poodle ko. Bigay 'yon ni daddy kaya mahalaga sa akin 'yon." Ani Grace. "Sige, maiwan ko na kayo. Mag-uumpisa na ang auction."

"Auction?" Gagad ni Iuhence.

"Yes. We are auctioning men. Bachelor men. Makakatulong ang pera na malalakap namin para sa mga aso na nangangailangan ng kalinga at pagaaruga." Ngumiti si Grace. "Enjoy you two," anito at iniwan sila.

Napangiti siya ng yumakap mula sa likuran niya si Iuhence.

"Trying to hide my bare back?" Nanunuksong tanong niya.

Iuhence chuckled. "Yes, yes I am."

Napangiti nalang siya at ninamnam ang init ng katawan nito na nakayakap sa kanya.

Napakasarap sa pakiramdam na yakapin ng binata. She felt so lucky to be in his arms. Maraming mga babae na nakatingin sa kanya at puno ng inggit ang mga mata nito. Wala siyang pakialam sa mga ito.

"You want something to drink?" Tanong ni Iuhence sa kaniya kapagkuwan.

"Nah," aniya. "Patapusin muna natin ang auction saka tayo kumain."

"Sige," anito habang nakayakap pa rin sa likod niya at hinihintay na mag-umpisa ang auction.

NANG magumpisa ang sinasabing auction ni Grace, lahat ng kababaihan ay nag-aagawan sa pagbi-bid ng pera para sa nag-gu-gwapuhang kalalakihan. Pataasan ito ng pera. Napapangiti nalang si Mhel. Mabuti nalang hindi kasama si Iuhence sa mga kalalakihan na ino-auction. Baka itali niya ang binata sa beywang niya kapag nagkataon.

Napatigil sa pag-iisip si Mhel ng makitang umakyat sa stage si Valerian Volkzki na may dalang poodle na may benda sa paa. Nakita niyang nanigas sa kinatatayuan si Grace. Dahil malapit lang siya sa dalaga, kitang-kita niya ang tensiyon sa katawan nito habang nakatayo.

Lumapit si Valerian sa microphone at nagsalita. "Hi, I'm Valerian Volkzki. And this poodle here is for sale," anito at itinaas ang poodle. "Napakalungkot ng poodle nito. Who ever bought this poor poodle will have me for a month." He flashed the audience a sweet smile.

"No! That's my poodle!" Sigaw ni Grace na halata sa mukha nito ang pagkainis!

"Don't be selfish!" A woman hissed at Grace. "Hindi mo iyan poodle. Nang-aangkin ka ng hindi sa'yo. Ikaw pa naman ang organizer ng charity ball na ito."

"Oo nga. Mahiya ka naman." Sang-ayon ng isang babae. "Huwag kang selfish."

Walang imik si Grace habang nanlilisik ang matang nakatingin kay Valerian.

The bidding started.

Women bid. Even gays. Pataas ng pataas ang bid hanggang sa may nag-bid na babae na ikinatigil ng lahat.

"Five hundred thousand for my poodle," ani Grace sa galit na boses. "Hindi ko kailangan ang lalaking may hawak sa poodle ko."

Lahat ng mata ay tumuon kay Grace. Kahit sila ni Iuhence ay nagulat. Mukhang mahalaga nga kay Grace ang poodle nito.

"Valerian Volkzki is not someone you should mess with," ani Iuhence habang nakayakap pa rin sa likuran niya. "Gaganti at gaganti iyan. Kawawang Grace."

"Six hundred thousand!" Sigaw naman ng isang babae mula sa likuran nila.

Nawalan ng imik si Grace at nagbaba ng tingin. Nagtatagis ang bagang nito.

"Six hundred! Going once! Going twice—"

"One million for the poodle and for myself."

Lahat ng nasa Grand Hall ay napatingin sa stage kung nasaan si Valerian na siya ring nag-bid ng one million.

"One million," anang emcee ng makabawi sa pagkabigla. "Going once. Going twice. Sold to Mr. Volkzki!"

Lumapit sa microphone si Valerian at nagsalita. "Because I bought the poodle, may karapatan akong pumili ng pagbibigyan ko sa sarili ko sa loob ng isang buwan." Bumaba ito sa stage at lumapit kay Grace na malalaki ang mata na nakatingin sa lalaki. "Here," ani Valerian at ibinigay ang poodle kay Grace. "You have me for a month, my sweet."

Kinuha ni Grace ang poodle at malalaki ang hakbang na umalis sa Grand Hall. Si Valerian naman ay nagkibit-balikat lang at tumalikod pagkatapos ay lumapit sa kanila ni Iuhence.

"Hey," anito. "May naalala pala ako. Hindi ko nasabi sa'yo na limang airplane palang ang bi-biyahe from Singapore to anywhere in Asia. We need more planes. Hindi ba ikaw na ang bahala sa mga flights to U.S. and other continents?"

"Oo, ako na ang bahala roon. By the way, what you did to Grace was rude, man," wika ni Iuhence na parang naiinis.

Valerian smirked. "You want to know what's rude?" Tumingin sa kanya ang lalaki. "Mhelanie Tschauder, right?"

Tumango siya.

"Kilala ko ang ama mo at despress siya ngayon. Alam mo bang nasa hospital ang ina mo ngayon? May board meeting kasi kanina ang lahat ng investors ng AirJem Airlines at isa roon ang ama mo. Hindi siya nakarating kasi na-heart attack ang ina mo. Alam 'yon ni Iuhence kasi nabanggit ko 'yon ng huli akong tumawag sa kaniya." Bumaling ito kay Iuhence. "So, who's rude now?"

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. No! Her mom! No! No! No! No!

Binaklas niya ang pagkakayakap ni Iuhence sa kanya at mabilis na hinanap si Grace para manghiram ng phone.

Nakita niya si Grace na nasa labas ng hall at sinusuklay ang buhok ng poodle.

"Grace, puwede ko bang mahiram ang cellphone mo?" Tanong kaagad niya ng makalapit dito. "May tatawagan lang ako, please. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang cell phone ko. Hindi ko alam kung saan iyon nilagay ni Iuhence," she said in a frantic voice.

"Sure." Inabot nito ang phone sa kanya.

Mabilis niyang kinuha ang cell phone nito at tinawagan ang number na ibinigay ni Raine sa kanya kanina. She memorized it in case of emergency.

"Hello? Raine Lynn Zapanta, speaking."

Mahigpit siyang napahawak sa cellphone. "Raine, ako 'to, si Mhel. Kailangan ko ang tulong mo."

Walang pag-aalinlangan na sumagot ito. "Sure. Anong magagawa ko para matulungan ka?"


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top