CHAPTER 14
CHAPTER 14
NAPASIMANGOT si Mhelanie ng magising siya at wala na si Iuhence sa tabi niya. Sanay na siyang nagigising na katabi ito kaya naman hindi kaagad maganda ang bungad ng umaga niya.
Nawala ang panunulis ng nguso niya ng makitang pumasok sa kuwarto si Iuhence.
He smiled at her. "Hey, honey." Lumuhod ito sa gilid ng kama saka hinalikan siya sa nuo. "Good morning."
She yawned. "Good morning." Ininat niya ang mga braso at likod. "Bakit ang aga mong magising? Saan ka ba nagpunta, ha?"
"Kinausap ko ang sekretarya ko," sagot nito.
"Ah, okay." Umalis siya sa kama at naglakad patungo sa banyo. Bago siya pumasok doon ay nilingon niya ito. "Bawal ang manyak sa banyo. Naka-lock ang pinto." Malapad ang ngiting sabi niya sa binata.
Napailing-iling ang binata at mahinang tumawa. Siya naman ay tuluyan nang pumasok sa banyo at ini-lock ang pinto.
Pagkatapos niyang maligo, wala na sa silid nila si Iuhence ng makalabas siya sa banyo. Mabilis siyang nagbihis at hinanap ang binata. Natagpuan niya ito sa kusina, nagluluto ng pancake.
"Mukhang gumagaling ka na sa pagluluto ng pancake, ah," wika niya saka nilapitan si Iuhence at hinalikan sa pisngi. "You're improving."
"For you, I'll improve," anito at kinindatan siya.
She giggled. "Aww...That's so sweet of you." Pinanggigilan niya ang pisngi nito. "Thank you, Iuhence."
Gumuhit ang nakakapanghina ng tuhod na ngiti nito saka dumukwang palapit sa kanya at hinalikan ang mga labi niya.
"May surpresa ako sayo," anito ng pakawalan ang mga labi niya.
Namilog ang mata niya sa excitement. "Talaga?" Pumalakpak siya sa sobrang saya. "Ano naman 'yon?"
"Kumain muna ta'yo," sabi nito at pinaupo siya sa silya.
Mabilis na inubos ni Mhel ang pancake na niluto ni Iuhence para sa kaniya. Akmang kukulitin na niya ito sa surpresa nito ng marinig niya ang malakas na tunog, hinuha niya ay Helicopter ang may gawa ng tunog na 'yon.
Kumunot ang nuo niya. "Ano 'yan?"
Humugot ito ng isang malalim na hininga bago siya sinagot. "It's my Company's helicopter. Aalis na tayo rito sa isla. Pupunta na tayo sa lungsod."
Matiim itong tumingin sa kaniya na parang bang binabasa ang reaksiyon niya at laman ng isip niya. Pinanatili naman ni Mhelanie ang emosyon sa mukha niya at itinago ang tunay niyang nararamdaman.
"Babalik na tayo sa totong mundo kung saan nagkakandarapa ang mga babae sayo." Tipid siyang ngumiti. "Sige, ihahanda ko na ang mga gamit ko. After all, you are still my kidnapper and I have no resources to escape from your clutches."
WALANG-BUHAY na nag-impake si Mhel. Pupunta na sila sa lungsod at iiwan ang isla na ito kung saan ipinakita ni Iuhence ang sweet side nito. Natatakot siya na baka kapag nasa lungsod na sila ay hindi na siya pahalagahan ng binata at mawala na ang nakilala niyang Iuhence Vergara sa islang ito.
Umaasa siya na sasabihin nito rito sa isla ang nararamdaman nito para sa kaniya, kung mayroon man. Pero mukhang aasa nalang siya. Mukhang nakalimutan na nga yata nito ang nangyari at mga sinabi nito sa yacht. Ang sakit naman.
Ayaw niyang mawala ang Iuhence Vergara na umangkin sa puso niya. Yes, Iuhence now owned her heart and she was afraid that he might break it it if they were back in Manila. Ngayon palang ay kinakain na ng selos ang puso niya sa isiping nagkalat sa Manila ang magagadang babae na siguradong handang paligayahin ang binata na mas higit pa sa kaya niya.
But what choice did she have? Sasama siya rito kasi wala naman siyang pamasahe pabalik sa Russia.
Pagkalipas ng ilang minuto, pareho silang walang imik ni Iuhence habang nakasakay sa helicopter na papuntang Maynila. Napatingin siya sa kamay nito na hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon.
Tumingin siya sa mga mata nito. May kislap iyon ng kalungkutan.
"Anong problema mo?" Tanong niya.
Malaya silang nakapag-usap dahil may suot silang helmet na soundproof at mayroon iyong mini-mic at mini-speaker sa loob para magkarinigan silang dalawa.
Napakunot ang nuo niya ng kunin nito ang braso niya at nag-drawing doon gamit ang hintuturo nito.
He draw a letter 'I'. Pagkatapos ay letter 'L' and then 'O'. Mas lalong lumalim ang pagkunot ng nuo niya ng hindi niya maintindihan ang sumunod na letra na isinulat nito sa braso niya. Hindi siya sigurado kung ano 'V' ba iyon o 'U'. Hanggang sa matapos itong magsulat. Tanging I.L.O lang ang mga letra na naintindihan niya na isinulat nito sa braso niya.
Kinuha niya ang kamay nito at ang-drawing doon ng question mark. She wanted him to know that she didn't get what he was trying to draw.
Nginitian lang siya ni Iuhence saka pinagsiklop ang mga kamay nilang dalawa.
Magkahawak-kamay sila hanggang makarating sa Manila. The helicopter landed on the roof top of Pacific Pearl Shipping building. Mula roon, sumakay sila sa Bugatti Veyron ni Iuhence at pumunta sila sa pamilyar na bahay ng mga magulang nito.
Hindi niya makakalimutan ang malaking mansiyon ng mga Vergara.
"Anong ginagawa na'tin dito?" Tanong niya kay Iuhence habang nakatingin sa malaking mansiyon. I'm freaking nervous!
Hinawakan ng binata ang kamay niya at pinisil iyon. "May dadaanan lang tayo tapos pupunta na tayo sa penthouse ko."
"Okay." Huminga siya ng malalim saka lumabas ng sasakyan.
Hinawakan siya ni Iuhence sa siko at halos mapugto ang hininga niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Nang buksan ni Iuhence ang pinto ng mansiyion, sinulyapan muna siya nito bago siya masuyong hinila papasok.
"Iuhence..." Bakas ang kaba sa boses niya.
"You'll be fine," anito at iginiya siya patungong sala.
"Anong you'll be fine? Akala ko ba may dadaanan ka lang rito. Kunin mo na at ng makaalis na tayo. I don't want to meet your parents—"
"Bakit naman?" Kumunot ang nuo nito at nagdilim ang ekspresyon ng mukha. "May mali ba sa mga magulang ko? Bakit ayaw mo silang makilala? Hindi naman sila nangangain ng tao—"
"It's not that." Panay ang hinga niya ng malalim at tingin sa paligid. "Nakakahiya kasi e. Malalaman nila na magkasama tayo sa isla. Ano nalang ang iisipin nila?"
"Mhelanie, trust me—"
Isang malakas na singhap ang nagpatigil sa pag-uusap nila ni Iuhence. Mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng tunog. Standing in the bottom of the staircase is none other than Othella Vergara, Iuhence's mother.
"Oh my God!" Iuhence mother exclaimed. "Is that you, Mhelanie?" Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito at sinapo ang mukha niya at parang sinuri iyon. "Do you remember me from eights years ago?"
Napalunok siya kapaguwan at nakipag-beso sa ina ni Iuhence. "Good afternoon po, ma'am. And yes, naaalala ko po kayo."
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "Good morning din sa'yo, iha." Biglang sumeryuso ang mukha nito na ikinakaba niya. "Anyway, tama ba ang narinig ko ngayon-ngayon lang? Magkasama kayo ni Iuhence sa isla? Kayong dalawa lang?"
Namumula ang pisngit na tumango siya.
"Sumama ka ba sa kanya ng buong puso?" Tanong ulit ng ginang.
"Ahm." Ayaw niyang magsinungaling. "Kinidnap po ako ng anak niyo."
"Mhelanie!" Reklamo ni Iuhence ng lapitan ito ng ina ang piningot sa tainga.
"Ikaw talagang bata ka! Kailan ka natutong mangidnap, ha?" Galit na wika ng ina nito habang pinipingot pa rin ang tainga nito.
"Mommy—ouch! Mom, let go of me. Si daddy ang sisihin niyo. Nakakahiya kay Mhelanie. Ang laki-laki ko na pinipingot niyo pa rin ako."
Natigilan ang ina nito at tumingin sa kanya kapagkuwan. "Mhelanie, sagutin mo ako."
"Ano po 'yon?" Usisa niya habang nasa-sahig ang tingin.
"Girlfriend ka ba ng anak ko?"
"Mom!" Iuhence shouted like a little kid. "Huwag ka ngang magmadali, mommy. Nililigawan ko palang siya," sabi nito habang papalayo.
Mas malakas pa sa yabag ng kabayo ang tibok ng puso niya. Her heart was beating so fast like she'd been in a horse race. Nililigawan?
"Yan ba ang panliligaw mo?" Sikmat ng ina nito. "You kidnapped her and called that courting?!" Lumapit ito sa kanila at piningot na naman ang tainga ni Iuhence. "Pareho lang kayo ng daddy mo. Mag-ama nga kayo."
Mahina siyang napatawa ng mahina ng makitang hindi maipinta ang guwapong mukha ni Iuhence dahil sa pagpingot ng ina nito rito.
"Mommy, huwag mo na akong pingutin," nakangiwing wika ni Iuhence. "Masakit kaya. Tama na. Mommy naman e." Parang bata na nagmamaktol si Iuhence at hindi niya mapigilang matawa.
Iuhence glared at her. "Don't laugh at my misery, Mhelanie! Help me."
Binilatan niya ito. "Buti nga sa'yo," aniya na nakangisi. "Sige pa po, pinugutin niyo pa po iyang anak niyo. Natakot po talaga ako ng sobra ng kidnapin niya ako. When I woke up, mas nadoble ang takot ko tapos nalaman ko pong siya pala ang kumidnap sa akin."
Puno ng pag-unawa at pag-aalala ang mukha ng ginang ng bumaling sa kanya. "Anong ginawa sa'yo nitong loko-loko kong anak?"
"Pinaamoy po niya yata ako ng pampatulog kasi namalayan ko nalang po nasa isla na niya ako."
Naningkit ang mga mata ng ginang at pinukol ng masamang tingin si Iuhence. "Hindi kita pinalaki para mangidnap ng babae! Alam kong loko-loko ang daddy mo pero hindi ko alam na mangingidnap ka rin ng babae katulad ng ginawa niya sa akin noon—"
"I did that because I want her to notice me!" Sigaw ni Iuhence na ikinatigil ng ginang.
Pati rin siya ay parang natulos sa kinatatayuan at nakatitig sa binata habang ang puso niya ay nakikipag-karera sa sobrang bilis ng tibok niyon.
Nakaawang ang labi niya ng salubungin ni Iuhence ang gulat niyang tingin.
"Kinidnap kita kasi gusto kong makilala mo ako bilang ako. Hindi bilang si Iuhence Vergara na tinakbuhan mo walong taon na ang nakakaraan." Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Her heart went crazy inside her chest. "Truthfully, I'm not sorry that I kidnapped you. Nagpapasalamat pa nga ako at naisipin ko ang ideya na iyon."
Napailing-iling siya at marahang tinampal ang pisngi nito. "I should be really mad at you for kidnapping me, but, ironically, I'm not. At least, not anymore."
Iuhence grinned wickedly. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin e. You reached heaven a couple of times because of me—"
"Oh my God!" Tili ng ina ni Iuhence at lumapit sa kanya kapagkuwan ay nilapat ang kamay sa tiyan niyan. "May laman na ba, iha? Magkaka-apo na ba kami?" Mangiyak-ngiyak ang boses nito.
Umawang ang labi ni Iuhence sa ina nito kapaguwan ay hinawakan siya sa braso at hinila palabas ng pinto ng mansiyon.
"Saan na kayo pupunta, Iuhence?" Tanong ng ina nito na nasa likod nila at hinahabol sila. "Please take good care of my grandchild!"
Iuhence groaned. "Coming here was a mistake," he muttered under his breath as they stepped out from the mansion. "Hindi pa nga ako nakakapagtapat, apo kaagad," mahinang bulong nito kaya hindi siya sigurado kong tama ang narinig niya.
Sumakay sila sa sasakyan nito at pinaharurot iyon ni Iuhence paalis sa malaking mansyon.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top