CHAPTER 1
CHAPTER 1
LONELINESS was inevitable, especially when someone was alone. At iyon ang nararamdaman ni Mhel habang mag-isa siyang nagkakapae sa isang coffee shop sa Russia. It was Sunday. It was boring. I wish I could go back home.
She was now twenty-nine years old. Eight years had passed already.
There was never a day that she didn't remember her father and mother. Palagi niyang naaalala ang mga magulang niya. Kumusta na kaya ang mga ito? Gustong-gusto na niyang umuwi at balikan ang buhay niya noon pero natatakot siya na baka kontrolin na naman siya ng ama niya.
Ayaw na niyang bumalik sa buhay na lahat ng galaw niya ay kontrolado ng kaniyang ama. Pati ang personal niyang buhay ay pinapakialaman nito. Ayaw na niyang maulit na wala siyang boses para magdesisyon sa gusto niya. Masyadong strikto ang daddy niya. Walang boyfriend at walang manliligaw. Bawal iyon sa kaniya habang nag-aaral siya. He was preserving her for a better man he said. Halos lahat yata ng sulok sa paaralang pinapasukan ay may mata ang ama niya at mabilis na nagsusumbong ang mga ito kapag may ginagawa siyang labag sa kagustuhan ng ama, katulad nalang ang makipag-usap sa mga lalaking napupusuan niya noon. Wala siyang kalayaan. Isa lang ang tanging kaibigan niya na hinayaan ng mga magulang niya na makasama niya at si Raine iyon.
She already tasted what freedom felt like and it was amazing. She didn't want anyone stealing away her beloved freedom.
Walong taon na rin siyang nakatira rito sa Moscow. Nuong una, natakot siyang mag-isa. She had never been alone all her life. Palaging nariyan ang mga magulang niya para sa kanya pero sa nakalipas na walong-taon, mag-isa niyang hinarap ang buhay. Kahit nakakatakot, para sa kalayaan niya, kaya niyang gawin ang lahat.
Hindi niya kinaya ng malaman niya noo na ipapakasal siya ng ama niya kay Iuhence Vergara kaya naman tumakbo siya at nagtago sa Russia. Ang tanging bansa na hindi i-che-check ng ama niya sa kadahilanang hindi nito aakalain na pupunta siya roon. It was very far away. Nahirapan siyang makapasok sa nasabing bansa kasi kailangan ng mga papeles. Dahil wala siyang mga papeles at saka wala siyang sapat na pera para kumuha ng visa para makapasok sa Russia, kinailangan pa niyang tumigil muna sa Belarus bilang tourist, wala kasi iyon boarder patungong Russia. At mula sa Minsk, Belarus, may truck na nagpasakay sa kaniya patungong Moscow kapalit ng pera na pang-gasolina ng mga ito.
Yes, she was an illegal immigrant. Sa walong taong pananatili niya sa Russia, wala pang police na nakasalubong siya na hinanapan siya ng passport o visa. Pinagpasalamat niya iyon sa Diyos dahil alam niyang makukulong siya kapag nalaman ng mga ito kaya naman naging maingat siya sa lahat ng bagay na ginagawa niya sa Moscow.
"Hello, beautiful lady. Can I sit with you?" Pukaw sa kaniya ng isang baritonong boses.
Tumayo siya at hinarapan ang lalaki. "You can have my table, sir," aniya sa lengguwahing Russian at naglakad palabas ng coffee shop.
Sa walong taon na narito siya sa Russia, natutunan niya magsalita sa lengguwahe ng mga ito pero hindi siya gaanong kagaling. Sa walong taon na mag-isa siyang naninirahan dito, wala pa siyang lalaki na pinapasok sa buhay niya.
She was afraid to welcome a man in her life for a reason that he might steal her freedom away from her.
Habang naglalakad siya patungo sa apartment niya, tumunog ang cell phone niya.
Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot ng pantalon saka sinagot ang tawag.
"Hello? Mhel Lorenzo, speaking," aniya sa kabilang linya.
Nang umapak ang mga paa niya sa Moscow, iniba na niya ang kaniyang apelyido. Ginamit niya ang apelyido ng ina niya ng dalaga pa ito na Lorenzo.
"Mhel, hello," said a woman with a heavy English accent on the other line. "I know it's your day off, but I have a favor to ask."
Napangiti siya sa sinabi nito. "It's okay. What is it?"
Humugot ng isang malalim na hininga ang nasa kabilang linya bago nagsalita. "I want you to deliver some flowers to Wolkzbin Mansion. Can you do that for me, Mhel? It was a last-minute order, but it is the Wolkzbin so I cannot say no."
Wolkzbin Mansion was well known throughout Russia. Halos lahat ng business dito sa Moscow ay pag-aari ng pamilya Wolkzbin. Mula sa paggawa ng vodka na ni-export sa iba't-ibang panig ng mundo hanggang sa mga restaurants at hotels na nagkalat sa buong Russia at Europa. Sa madaling salita, napakayaman ng pamilyang iyon.
"Sure. Just wait for me at the flower shop," sabi niya sa nasa kabilang linya. "I'm on my way."
"Spasibo, Mhel." She said 'thank you' in Russian.
"Pozhaluysta," sagot niya sa Russian na ang ibig sabihin ay 'you're welcome'.
Mahigit pitong taon na rin siyang nagta-trabaho sa Dio Flower Shop. Iyon lang kasi ang trabaho na hindi siya hiningan ng papeles. Hangga't masipag ka, ayos lang sa may-ari. Nang mag-apat na taon siya sa Dio Flower Shop, naglakas ng loob siya na sabihin sa may-ari na si Ayana na naging kaibigan din niya ang kalagayan niya at naiintindihan naman nito na wala siyang passport o visa. Ayana understood and she promised to keep her secret.
Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na siya sa Dio Flower Shop. Nakalagay na sa truck ang idi-diliver niyang mga bulaklak. Ang kailangan lang niyang gawin ay ihatid ang mga bulaklak sa mansiyon ng mga Wolkzbin at puwede na siyang umuwi at matulog.
After a few minutes long drive, nakarating din siya sa mansiyon ng nga Wolkzbin. The magnificent enermous house stood perfect before her. Para sa kanya hindi iyon isang mansyon, para iyong palasyo sa sinaunang panahon. It looked so regal and breathtakingly beautiful.
Ang boses ng Security Guard ang gumising sa naglalakbay niyang diwa.
"Who are you?" Matigas ang boses ang walang emosyong tanong ng security guard sa kaniya.
"I'm Mhel Lorenzo from Dio Flower Shop," pagpapakilala niya.
Recognition dawned on the security guard's face. "You may enter," anito at binuksan ang gate.
She drove the car towards the large solar where the mistress of the house, Clara Garay-Wolkzbin stood, waiting for the flowers. Ang alam niya ay may lahing Pilipino ang ginang. Ang kwento ng pag-iibigan nito at ng lalaking Wolkzbin ay talaga naman inspirasyon ng kababaihan na nangangarap na makasungkit ng mayamang mapapangasawa. Clara Garay-Wolkzbin was just an employee at Wolkzbin Enterprise hanggang sa nakilala ito ni Troyn Wolkzbin at nagpakasal ang dalawa.
Lumabas siya ng sasakyan at nilapitan ito. Magalang siyang bumati. "Good morning, ma'am."
"Good morning." Unlike other Russian, she didn'thave an accent. Her English was flawless. "Where's the flower?" Bakas ang kasiyahan sa mukha ng ginang. "Oh, I'm so excited to see the flowers."
Napangiti siya sa reaksiyon nito at naglakad patungo sa likod ng truck para buksan iyon.
A loud, excited shriek echoed in the whole solar making her jumped. Nang tingnan niya kung sinong tumili, walang iba kung hindi si Mrs. Wolkzbin. Puno ng kasayahan ang mukha nito habang nakatingin sa mga bulaklak sa loob ng truck.
"So beautiful." The woman sighed in happiness.
Then, a very handsome man stepped out from the door of the mansion. Puno ng pag-aalala ang gwapo nitong mukha.
"Mother! What happened? Bakit ka sumigaw?" Anang lalaki na ikinagulat niya.
Tagalog?
"Oh, son," anang ginang na nakangiti. "Tingnan mo ang mga bulaklak. Aren't they beautiful, Train? Magugustuhan ito ng bride mo."
So, it is true. May dugong Filipina nga si Mrs. Wolkzbin. Wow. Just amazing. Akala niya hindi iyon totoo at gawa-gawa lamang.
Ang bagong dating na lalaki na nagngangalang Train ay nalukot ang mukha. "Mother, leave the flowers alone. Malay ko ba kung magugustuhan 'yan ng mapapangasawa ko. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yon e."
"Kasi naman hindi mo binigyan ng pagkakataon ang sarili na kilalanin siya. You have eluded your destiny to marry her, Train," anang ginang. "Bakit hindi mo kilalaning mabuti si Krisz? Mabuti siyang babae, Train. Magiging mabuti rin siyang asawa sa'yo."
"Paano ko naman po siya kikilalanin gayong magpapakasal na kami sa makalawa?" Umingos ang binata. "And I don't want to get to know her. Pakakasalan ko lang siya kasi nakaratay ngayon si papa sa hospital at ang tanging magagawa ko lang para mapabuti ang kalagayan niya ay ang pakasalanan ang babaeng 'yon," mahabang anito na hindi maipinta ang mukha.
Bago pa humaba ang usapan ng mag-ina, sumingit siya.
"Excuse me po," wika niya sa magalang na boses. "Ilalabas ko na po ba ang mga bulaklak at saan ko po ilagagay?" Aniya sa tagalog na lenguwahe. Nakakaintindi naman kasi ang mga ito at nami-miss na niyang magtagalog.
She and her mother used to speak Tagalog. Tinuruan siya nito dahil gusto nitong hindi siya maging banyaga sa bansang pinagmulan nito.
Napatitig sa kaniyang dalawang pares ng mata na halata ang gulat. Ang lalaki na nagngangalang Train ang unang nakabawi sa pagkabigla.
"You speak tagalog?" Ani ng binata na may pagkagulat pa rin ang boses.
Tumango siya at ngumiti. "Oo, my mother is a Filipina," imporma niya sa nga ito.
Napaigtad siya ng bigla nalang tumili ang babae at niyakap siya. "Oh my God! Ang saya naman ng araw na ito. A filipina! Matagal-tagal na rin mula ng makauwi ako sa Pilipinas. Since my parent's death, hindi na ako umuwi!" She exclaimed. "Amazing!" Natigilan ang babae kapagkuwan na para bang may ideya na pumasok sa isip nito. "Wait here. May kukunin lang ako sa loob."
Pinakawalan siya ng ginang sa pagkakayakap at excited na pumasok ito sa loob ng kabahayan. Siya naman ay naiwan sa labas, sa ilalim ng mapanuring mga mata ng anak nito.
"So," namulsa si Train at mataman siyang tinitigan. "Anong pangalan mo?"
"Mhel Lorenzo," sagot niya na nakatungo.
"You said your mother is a Filipina. So, ang tatay mo ay ano?" He sounded innocently curious.
"My father is a German." She had said too much personal information already.
"Lorenzo is not a German surname."
Nang mag-angat siya ng tingin ay nahuli niyang nakakatitig sa kanya si Train at parang sinusuri ang bawat anggulo ng mukha niya.
"Bakit ka ganiyan makatingin?" Kinakabahan niyang tanong.
Marahan itong umiling. "Nothing. I just thought I know you from somewhere."
She paled. Kilala siya nito? Nagkita na ba sila nito? Pero hindi niya maalala na may nakilala siyang kasing gwapo nito noon, maliban nalang kay— no! Don't go there! Don't you dare remember that man who unexpectedly hangs around her heart even when she tried to forget the memories of him. Hindi pa rin nilubayan ng lalaking iyon ang puso't isip niya.
"A-Ahm ... s-saan mo naman ako nakita, sir?"
Bago makasagot ang binata, lumabas na ang ina nito na may malapad na ngiti sa mga labi.
"I'm back." Malapad na ngumiti ang babae saa may inabot sa kaniyang sobre. "Para ito sayo, hija."
Train groaned in irritation. "Mom, you already invited three thousand guests to my wedding. At ngayon dadagdag ka pa?"
Umikot ang mga mata ng ginang. "Silly, boy. Normal lang na marami ang bisita kasi nga kilala ang pamilya natin. Marami ang magtatampo sa atin kapag hindi natin sila imbitahan." Kapagkuwan ay bumaling ito sa kaniya. "Here, hija, an invitation to Train and Krisz wedding.
"Mom!" Pigil ng lalaki sa ina. "We already have three thousand guests—"
"It's okay." Ibinalik niya ang imbitasyon sa mabait na ginang. "I don't want to attent—"
Mrs. Wolkzbin cuts her off. "Then we'll make it three thousand and one and oh, shut up, please." Pinukol nito ng masamang tingin si Train saka nakangiting bumaling ulit sa kaniya. "You will attend, yeah? Magtatampo ako kapag hindi."
"Ahm, kasi po—"
"This could help your flower shop, too," dagdag nito. "Kapag nagustuhan nila ang mga bulaklak, puwede mong i-advertise ang mga bulaklak niyo. Tutulungan pa kita."
Napaisip siya sa sinabi ng ginang. That would greatly help the Dio Flower Shop. Ayana, the owner, had been a good friend to her. Malaki rin ang naitulong nito sa kanya sa pananatili niya rito.
"Ahm." Tumikhim siya. "Sige po, a-attend ako."
"Great!" The woman chirped. "Come." Iginiya siya nito papasok sa loob ng mansiyon. "I know you don't have a dress because it was an impromptu invitation. Kaya naman, ipapahiram ko nalang sayo ang mga damit ko. Pareho naman tayong sexy." Napakalapad ng ngiti nito. "Oh, I'm so excited."
Napailing-iling siya. Ano ba itong napasukan niya?
IUHENCE was comfortably sitting on the couch with Lander, Calyx, Ymar and Dark when Train barged in unannounced. Hindi maipinta ang mukha nito.
"Bud, what's with the irritated face?" Tanong niya sa kaibigan. "Dumating na ba ang asawa mo?"
"Hindi ko siya asawa," ani Train na masama ang timpla. "I'm just so annoyed!" Pasalampak ito na upo sa sahig. "Argh! My mom is being a pain in my ass! She already invited three thousand guests and now she's adding one! Can't this get any worse?" He sighed in defeat.
Natawa siya sa hitsura nitong parang pinagsakluban ng langit at lupa. "You could leave," he offered nonchalantly. "But, then, your father will die."
Train glared at him. "My father will not die!"
He raised his two hands in surrender. "Okay. Okay. Mabubuhay siya. Pero huwag masyadong umasa. Medyo matanda na rin ang ama mo e. Mamatay din 'yon—" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ni Lander ang bibig niya.
"Shut up, Iuhence," ani Lander.
Umiling-iling si Calyx. "Damn, man. I am blunt but I am not like you. Your mouth doesn't have a filter. Kailangan sayo busalan ang bibig. You are so insensitive. Alam mo naman kung gaano nag-aalala si Train sa ama niya."
Inalis niya ang kamay ni Lander na nakatakip sa bibig niya.
"Totoo naman ang sinasabi ko," aniya at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa pagkatapos ay naglakad patungo sa teresa.
He was at Train's house in Russia. Dito sila titira hanggang sa matapos ang kasal nito.
Iuhence leaned on the balcony railing and then looked down. May truck na nakatigil sa gitna ng malaking solar sa baba at may mga lalaking naglalabas ng mga bulaklak mula sa truck. Iyon siguro ang gagamitin para sa kasal ni Train.
Speaking of Train, he admitted that it was insensitive of him to say those words pero katutuhanan naman 'yon. Kung hindi mo gusto ang mga nangyayari sa buhay mo, then leave ... to run away was always the best answer. But that best answer was the wrong one.
Life really sucked... big time.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top