CHAPTER 9

CHAPTER 9

HINDI NA HUMIHINGA si Jergen habang katabi niya sa kama si Lysander. Ilang minuto na siyang parang robot na nakahiga, hindi gumagalaw at parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kabang nararamdaman.

Shit! Makakatulog ba siya nito? Baka maging panda na siya bukas dahil sa laki ng eye bags niya.

Lalo siyang nanigas sa kinahihigaan nang yumakap sa baywang niya si Lysander at hinapit siya palapit sa katawan nito.

Gising ba ito o tulog na?

Abot-abot ang kabang nararamdaman na bumaling siya sa katabi. Ganoon na lang ang lakas ng pintig ng puso niya nang makitang gising ang lalaki at matiim itong nakatitig sa kanya.

"Lysander..." mahina niyang sambit sa pangalan nito habang nagkakatitigan sila.

"Hey," Lysander whispered as he rubbed his thumb around her navel, tickling her. "Matulog ka na."

She gave him the are-you-kidding-me look. "Katabi kita. Sa tingin ko, hindi ako makakatulog nang mahimbing."

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Really now?"

"Yes."

"At bakit?"

"Kasi hindi ako sanay na katabi ka," sabi niya na kinakabahang tumagilid ng higa paharap dito. "Saka baka akitin mo ako. Kailangan kong maging handa."

Mahina itong natawa. "Hindi kita aakitin, pangako 'yan."

Inungusan niya ito. "Hindi ako naniniwala sa 'yo, Boss. Ikaw pa, salisi gang ka."

"Maniwala ka." Umangat ang kamay ni Lysander, saka marahang hinaplos ang pisngi niya. "Hindi ko 'yon gagawin sa 'yo."

Umiling siya. "I don't believe you."

"You should." He gave her a soft smile sending her heart into frenzy. "Alam ko naman masakit pa iyong nasa pagitan ng mga hita mo kaya hindi ko gagalawin 'yan hangga't hindi iyan tuluyang gumagaling."

Namilog ang mga mata ni Jergen. So kapag magaling na siya, magiging salisi gang na naman ito at aakitin na naman siya? O kailangan pa ba siyang akitin? Napapansin kasi niyang pagdating sa lalaki, nagiging marupok siya.

Napalunok siya. "K-kapag magaling na ako," nauutal niyang sabi. "Ahm, ano... gagalawin mo na ako?"

Amusement danced in his eyes as he guided her arm to wrapped around his waist. "Only if you let me, baby." Ginawaran siya nito ng halik sa tungki ng ilong. "Now, sleep, you need to rest. Mahaba ang biyahe natin bukas."

Umiling uli siya. "Hindi nga ako makakatulog nang mahimbing dahil katabi kita." Humaba ang nguso niya. "Do you even know how awkward is this? You and me? In the same bed? Facing each other and cuddling?"

"I don't know..." A panty-dropping smile stretched his lips. "But I kinda like this cuddling... with you."

Her heart was hammering inside her chest. "But still, I can't sleep."

Sinuklay nito ang buhok niya. "Let me."

Kumunot ang noo ni Jergen nang bumangon si Lysander at umalis sa kama. Pumasok ito sa walk-in closet. Nang makalabas na ay may dala itong gitara, saka sumampa uli sa kama. Pero sa pagkakataong iyon, nakaupo lang ito habang ang likod ay nakasandal sa headboard.

"Kakantahan kita para makatulog ka," sabi nito habang kinakalabit ang gitara.

Lihim siyang napangiti. Alam niyang maganda ang boses ng lalaki. He played his guitar and sang whenever he was bored and she had the privilege to listen to him before.

"Okay," sabi niya, saka umayos ng higa, nakaharap pa rin siya rito. "Sing me to sleep, Boss."

Huminga muna si Lysander nang malalim bago masuyong kumanta ng 'I Hate Love' sa mababang boses na tanging silang dalawa lang ang makakarinig.

Titig na titig si Jergen sa guwapong mukha ni Lysander habang nakapikit ang mga matang kumakanta ito. Nararamdaman niyang ramdam na ramdam nito ang kinakanta at sa hindi malamang kadahilanan, tumatagos 'yon sa puso niya.

Iminulat nito ang mga mata, saka nagbaba ng tingin sa kanya at sinalubong ang mga mata niya habang kumakanta pa rin.

Nagpatuloy sa pagkanta si Lysander habang nakikipagtitigan pa rin sa kanya. Hanggang sa naramdaman na lang niya na namimigat na ang talukap ng mga mata niya at inaantok na siya.

At bago siya tuluyan lamunin ng antok, narinig niya ang huling liriko ng kantang kinakanta nito.

'I wish I didn't need you this much, but I love how it feels when we touch.'

Then she fell asleep, and everything vanished.



MAAGANG NAGISING si Jergen kinabukasan, pero wala na si Lysander sa tabi niya. Agad siyang bumangon at pumasok sa banyo na dala ang tuwalya at isang pares ng damit. Pagkatapos maligo at mag-toothbrush, lumabas siya ng kuwarto, saka bumaba sa unang palapag ng bahay habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang tuwalyang dala.

"Matatapilok ka sa ginagawa mo." Boses iyon ni Lysander.

Agad siyang nag-angat ng tingin at tumigil sa pagtuyo ng basa niyang buhok. "Boss, ang aga mong magising," komento niya kasi wala siyang ibang masabi habang nakatingin sa maaliwalas nitong mukha sa umaga.

He looked so fresh and handsome in his black cotton sweatshirt with white stripe design and simple rugged jeans.

"Yeah, maaga akong nagising," sabi ni Lysander, saka naglakad palapit sa kanya. "Naghanap kasi ako ng cake shop na bukas na ng ganitong oras at may nakita naman ako. I believe you promise your sister a cake, right?"

Namilog ang mga mata niya. "Paano mo nalaman?"

"Narinig kita noong kausap mo ang kapatid mo bago ako umalis sa condo mo."

The night when he walked out? Nakikinig pala 'to?

"Oh." Napatango-tango siya, saka nginitian ito. "Thank you. Nakalimutan kong um-order dahil sa nangyari sa 'kin."

"That's why I ordered for you." Inagaw ni Lysander ang tuwalyang hawak niya, saka ito na ang tumuyo sa buhok niyang tumutulo pa sa pagkabasa. "Dapat hindi mo tinutuyo ang buhok mo habang naglalakad ka, lalo na kung pababa ka sa hagdan. Paano kung natapilok ka, ha? Eh, di mag-aalala na naman ako sa 'yo. Hindi na naman ako makakatulog sa kakaisip kung okay ka lang ba o hindi."

Lihim siyang napangiti sa pangaral nito sa kanya habang tinutuyo ang buhok niya. He really care that much?

At sino ang mag-aakala na tutuyuin ng boss niya ang buhok niya? Akala niya ay tamad ito. May alam din pala itong gawin maliban sa mag-chillax.

"Hayan." Pinalibot nito sa leeg niya ang tuwalya matapos tuyuin ang buhok niya. "Magsuklay ka na. Iwan mo sa 'taas ang bag mo na dadalhin mo pauwi, ako na ang kukuha n'on. Bawal kang magbuhat ng kung ano-ano. Maliwanag?"

Tumango si Jergen. "Yes, Boss."

"Good. Pagkatapos ay kumain ka na ng agahan, naghain na ako sa mesa. Take out lang 'yan." Tinalikuran na siya nito. "I also bought you milk, nasa cupboard. Mag-agahan ka na. Magpapa-gas lang ako. Pagbalik ko, aalis na tayo."

"Eh, ikaw?" pahabol niyang sabi habang naglalakad ito palabas ng bahay. "Nag-agahan ka na ba, Boss?"

"I'm done, baby," sagot nito bago makalabas ng pinto.

Sinapo ni Jergen ang dibdib kung nasaan ang puso niya, saka tinapik-tapik 'yon na parang pinapakalma. "Easy, heart. Huwag kang masyadong magpahalata," bulong niya, saka nagmamadaling nagtungo sa kusina para mag-agahan.

Tamang-tama naman na nang makabalik si Lysander, tapos na siyang kumain at nahugasan na niya ang pinagkainan.

"Doon mo na ako sa sasakyan hintayin," wika nito nang magkasalubong sila sa sala. "Kukunin ko lang ang bag mo."

Tumango siya, saka walang imik na lumabas ng bahay. Kapagkuwan ay natigilan nang makitang ang pinakaluma nitong sasakyan at ang pinakamura din ang gagamitin nila.

"Sakay na," narinig niyang sabi ni Lysander sa likuran niya.

Humarap siya rito at natigilan nang makitang dalawa ang bag na dala nito. Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano'ng mayroon sa isang bag?"

"In case of emergency." 'Yon lang ang sagot nito, saka inilagay sa back compartment ng sasakyan ang mga bag.

Siya naman ay sumakay na sa passenger seat at hinintay itong makasakay.

Nang nasa kalsada na sila at tinatahak ang daan palabas ng Bachelor's Village, tinanong niya kay Lysander ang kanina pa gumugulo sa isip niya.

"Bakit ito ang sasakyang ginamit mo?" Ang alam niya ay lumang sasakyan iyon ng ama nito noong naroon pa ang matandang lalaki sa Pilipinas. "I'm sure hindi 'to kabilisan kumpara sa Lamborghini mo."

"It'll survive." Inayos ni Lysander ang rearview mirror. "And I don't want to intimidate your family. Ito ang unang beses na makikita nila ako at ayokong isipin nila na nagmamayabang ako."

Lihim siyang napangiti. Lysander was really full of surprises sometimes.

"Anyway," sabi nito nang hindi siya umimik. "Kumusta ang tulog mo?"

"Mahimbing," sagot niya, saka ibinaba niya ang bintana sa passenger seat side. "Ikaw? Nakatulog ka ba agad?"

"Nope."

Bumaling siya rito. "Bakit naman?"

He smirked. "I was staring at you while you sleep."

Napangiwi siya. "That's creepy, Boss."

Mahina itong tumawa. "I was actually horny last night so I was having a hard time falling asleep."

Namula ang mga pisngi niya kaya umiwas siya ng tingin. "Bastos ka na naman, Boss. Baka masipa talaga kita nang totohanan dito."

Tumawa ang lalaki, saka pasulyap-sulyap ito sa kanya habang nagmamaneho. "I actually tried masturbating but failed."

"Boss!" nahuhumindik niyang sigaw.

Ang lakas ng tawa nito habang nagmamaneho. "I'm just teasing you."

Inirapan niya ito. "I hate you, Boss."

"And you, baby, don't mean that." Kinindatan siya nito, saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Siya naman ay paminsan-minsang iniirapan ito tuwing nagtatama ang mga mata nila at nababasa niya ang kapilyuhan do'n.

Lysander was really a tease. She just praying that he wouldn't tease her in front of her family. Masyado pa namang old fashioned ang mga magulang niya, lalo na ang ama niya na palaging may hawak na itak.

God bless me.



ININAT NI Jergen ang mga braso at paa habang nakaupo pa rin sa passenger seat ng sasakyan ni Lysander. Halos tatlong na oras na silang nasa biyahe at dahil nakabukas naman ang bintana sa tabi niya kaya ayos lang siya. Hindi siya nakaramdam ng pagkahilo.

Bumaling siya kay Lysander na abalang nagmamaneho. Kanina pa ito walang imik, basta nakatuon lang ang mga mata sa daan habang ang kamay ay nakatakip sa ilong at bibig.

Kumunot ang noo niya nang mapansing namumutla ito. "Ayos ka lang ba, Boss?"

"Hmm-mm." 'Yon lang ang sagot sa kanya ng lalaki.

No, he was not okay. Something was wrong with him, she was sure of that. Akala niya kanina ay nagko-concentrate lang ito sa pagmamaneho pero ngayong napansin niyang namumutla ito, baka may sakit ito at hindi lang nagsasabi sa kanya.

Humarap siya kay Lysander, saka sinalat niya ang noo nito. Ang lamig nito at pinagpapawisan. What the hell?

"Boss, itigil mo ang sasakyan," utos niya. "Boss!" sigaw niya nang hindi ito nakinig sa kanya.

"I'm fine, baby," sabi nito at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Pero, Boss—" Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Ngingiti sana siya dahil nakinig ito sa kanya nang mapansin niya ang usok na nanggagaling sa unahan ng sasakyan. "Oh, Shit."

Nang tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada, mabilis na lumabas si Lysander, saka binuksan ang hood ng sasakyan. Lalo pang dumami ang usok na lumalabas do'n. At mula sa passenger seat, naririnig niya ang mahina nitong pagmumura kaya lumabas na rin siya ng sasakyan.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya.

Bumuntong-hininga si Lysander. "Tumirik yata." Napailing-iling ito. "Ilang taon na kasi itong nakaburo sa garahe, sasakyan pa ito ni Daddy noon, eh." Inis na sinipa nito ang gulong ng sasakyan. "Buwisit."

Bumagsak ang mga balikat niya. "So, what now?"

Kinuha nito ang cell phone sa bulsa, saka may tinawagan. "Hey, Storm, tumirik ang sasakyan ko. Can you come here and fix it?" Kumunot ang noo nito habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. "Fuck. I'm three hours away from the city, man. I can't." Lalong kumunot ang noo nito sa ilang segundong pakikinig nito sa sinasabi ng nasa kabilang linya. "Fine. Mukhang wala naman akong ibang choice. Iiwan ko na lang dito sa gilid ng kalsada ang sasakyan, ipa-tow mo na lang." Pinatay nito ang tawag, saka bumaling sa kanya. "We're taking the bus."

Ang noo naman ni Jergen ang kumunot. "Wala ka bang ibang matatawagan na puwede nating hiramin ang sasakyan? I mean, you have powerful friends..." Bigla niyang naalala si Khairro. "'Di ba may helicopter si Khairro—"

Dumilim ang mukha nito. "Don't mention him."

Napakurap-kurap siya sa galit nitong mukha. "Nag-away kayo?"

"Just don't mention him," sabi nito, saka nagtungo sa back compartment ng sasakyan at binuksan iyon. Inilabas nito roon ang dalawang bag, saka ang kahon na lalagyan ng cake. "Ito lang naman ang dala natin. Hindi natin siya kailangan."

Nahihiwagaan talaga siya sa kung bakit galit ito kay Khairro. Pero wala naman siyang maisip kaya naman nanahimik na lang siya baka mas magalit pa ito kapag binanggit niya uli ang pangalan ng lalaki.

So here they were, at the side of the road, waiting for a bus.

"Hindi mo na ako kailangang samahan, tutal bus naman," basag niya sa katahimikan sa pagitan nila ni Lysander.

"No. You need me with the bags and the cake."

Sinulyapan niya ito, madilim pa rin ang mukha. "Kaya ko na 'yan."

"No argument, baby. I'm still pissed."

Nagsalubong ang mga kilay ni Jergen. "Bakit ka naman galit? Ano na naman ba ang problema mo?"

Hindi ito umimik at nanatiling tikom ang bibig. Napailing-iling na lang siya. Mukhang inaatake na naman sa ka-weird-ohan si Lysander. This happened sometimes.

Tumingin siya sa kalsadang pinanggalingan nila at para siyang nakahinga nang maluwang nang makitang may paparating na bus. Akmang itataas niya ang kamay para pumara pero pinigilan siya ni Lysander.

"That's not the right one," sabi nito.

"Eh, papunta 'yan sa 'min, eh," sabi niya.

"It's airconditioned."

Realization dawn on her. "Oh..." Napatitig siya kay Lysander. This man's attitude and personality really surprised her sometimes.

"That's the right one," sabi nito na gumising sa nag-iisip niyang diwa.

Mabilis na itinaas ni Jergen ang kamay, saka pinara ang paparating na bus. Nang tumigil 'yon sa harap nila, agad siyang sumakay at naghanap ng bakanteng upuan.

Nakahinga siya nang maluwang nang makitang may dalawang bakanteng upuan na magkatabi. Doon siya agad umupo malapit sa nakabukas na bintana habang si Lysander ay abala sa paglalagay ng bag nila sa itaas na compartment ng bus at ang cake naman ay wala silang choice kundi sa may paanan ilagay. Selyado naman ang kahon na pinaglagyan ng cake, siguradong walang alikabok na makakapasok.

Nang makaupo si Lysander sa tabi niya, hinawakan nito ang kamay niya, saka pinisil. "Pasensiya na, tumirik ang sasakyan."

"Okay lang." Parang napakagaan sa dibdib na humilig sa balikat ng lalaki kaya humilig siya rito. "Hindi mo naman 'yon kasalanan."

Pareho silang natahimik nang umusad na ang bus. Nasa mga dalawampung minuto na silang nakasakay nang bigla na lang ibinaon ni Lysander ang mukha sa leeg niya.

Nagtatakang binalingan niya ito. "Boss, ayos ka lang?"

"Nahihilo ako, Jergen," bulong nito pero sapat na para marinig niya. "Nasusuka yata ako."

Namilog ang mga mata niya. Shit! Parang alam na niya kung bakit malamig ang noo nito kanina at pinagpapawisan.

Mabilis siyang tumayo, saka luminga-linga. Panay ang dasal niya na sana may pasahero na nagtitinda ng kung ano-ano at may plastic na dala. Nadinig naman ang panalangin niya kasi may nakita siya.

"Manong, puwede po bang manghingi o kaya makabili?" tanong niya sa lalaki, sabay turo sa plastic na nakasabit sa daliri nito. "Please, Manong? Itong kasama ko kasi, nahihilo, baka biglang sumuka."

Nang marinig ng lalaki ang salitang sumuka, agad siya nitong binigyan ng plastic. "Heto, Miss, libre na lang yan," sabi nito. "Basta huwag mong papasukahin 'yang kasama mo sa sahig."

"Oho." Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ni Lysander, saka binigyan ito ng isang plastic. "If you felt like vomiting, vomit here not—"

Bigla itong sumuka. Napangiwi siya nang maamoy ang hindi kaaya-aya niyong amoy. 'Buti na lang na-shoot 'yon sa plastic at walang lumabas.

"Shit, Boss." Bahagya siyang dumistansiya sa lalaki. Ayaw niyang maamoy ang suka nito nito baka pati siya masuka. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Hindi ka naman nahihilo sa biyahe, 'di ba?"

"I..." He vomited again. "I can't stand cars without aircon or open window buses." He vomited once more. "I... hate... the smell."

Napakurap-kurap siya. Lysander couldn't stand cars without aircon, kung ganoon bakit hinahayaan nitong buksan niya ang bintana ng kotse nito? Bakit ang ordinary bus ang pinara nila at hindi 'yong bus na may aircon na unang dumaan?

Parang may humaplos sa puso niya nang maintindihan kung bakit nito ginawa iyon. He did it for her. Alam nitong ayaw niya sa may aircon na sasakyan. Mas gugustuhin pa nitong ito ang mahilo kaysa sa kanya.

Hinaplos niya ang likod. Ito na ang may hawak sa plastic kaya may laya siyang tumayo para buksan ang bulsa ng bag niya at kunin do'n ang face wipes, saka ilang pirasong kendi. Kinuha niya rin sa bag niya ang sarong niya na iniregalo nito sa kanya noong pumunta ito ng Egypt.

Pinalibot niya ang sarong kay Lysander. At nang tumigil ito sa pagsusuka, inutusan niya itong pagbuhulin ang dulo ng plastic, saka ipinalagay 'yon sa isa pang plastic. Pagkatapos ay siya na ang umalis sa upuan para ilagay ang plastic sa basurahan na nasa may pinto palabas ng bus.

Nang bumalik siya, kinuha niya sa bag ang sanitizer, saka bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Lysander. Nilagyan niya ang kamay nito ng sanitizer para iwas-virus at amoy.

"Humarap ka sa 'kin," sabi niya na agad naman nitong sinunod. Kumuha siya ng isang face wipe, saka pinunasan ang paligid ng mga labi nito. Inilagay niya ang pinagpunasan sa isa pang plastic na naka-ready na sa sunod na pagsuka nito. Pagkatapos ay binalatan niya ang kendi at isinubo rito. "Here. Makakatulong 'yan para hindi ka masuka."

Pinakiramdaman niya si Lysander at pinakatitigan ang mukha nito. Halatang nanghihina ito at nag-aalala na siya. Naawa siya sa lalaki na mas pinili ang maging komportable siya kaysa ang sarili.

"Baby..." Lysander whispered.

Hinaplos niya ang mukha nito. "I'm here," pabulong niyang sabi. "Halika nga rito." Niyakap niya ito sa baywang. "Bakit ka pa kasi sumama, eh."

Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya. "Sorry, I'm a mess," pabulong nitong sabi. "I didn't mean to... I thought I got it under control."

Gusto niya itong pagalitan pero hindi naman niya magawa kasi nag-aalala siya rito. "Matulog ka para hindi ka sumuka na naman. Mahaba-haba pa ang biyahe natin."

Yumakap ang braso nito sa baywang niya at pabulong na naman itong nagsalita. "Hindi ko na kaya, Jergen." Mas humigpit ang yakap nito sa baywang niya. "Kung hahayaan kitang umuwi nang mag-isa na hindi ako kasama, mami-miss kita kaya sumama na lang ako sa 'yo."

Lalo pang bumilis ang pintig ng puso niya. "Lysander, magpahinga ka na."

He kissed her neck. "Nanghihina ako," pabulong nitong sabi.

"Nandito lang ako," sabi niya saka niyakap ang braso nitong nanlalamig na nakayakap sa kanya. "Hindi kita iiwan—"

"That's a promise?"

"Yes, it is."

"That's good..." Parang hinang-hina ang boses nito. "Five years, baby. I'd been waiting for five years... hindi ko hahayaang umabot 'yon ng anim na taon... no fucking way..."

Nakakunot ang noong sinulyapan niya ito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Ang malalim na paghinga ni Lysander ang sumagot sa tanong niya tanda na tulog na ito dahil siguro nanghihina na pagkatapos sumuka nang sumuka.

Napailing-iling na lang si Jergen. May nalaman na naman siya tungkol kay Lysander ngayong araw. At nararamdaman niya sa puso niya na gusto pa niya itong mas makilala pa nang lubusan. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top