CHAPTER 8
CHAPTER 8
TALO pa ni Jergen ang isang imbalido sa loob ng limang araw na nasa bahay siya ni Lysander. Overacting na ito sa pag-aalaga sa kanya pero hindi naman siya makapalag. Pasalamat na lang siya dahil hindi siya nito sinasamahan sa banyo para maligo o kaya naman maglinis sa sarili.
Thank God for that.
Maingat siyang bumangon mula sa pagkakahiga, saka tiningnan ang orasan na nasa bedside table.
Nine AM.
Ininat niya ang mga braso, saka umalis sa kama at dahan-dahang humakbang patungo sa banyo para ayusin ang sarili niya.
Napangiti si Jergen nang kaunting sakit na lang ang nararamdaman niya sa pagkababae niya. Noong mga unang araw pagkatapos nilang lumabas sa ospital ang pinakamalala sa lahat. Halos mawalan siya ng malay sa sobrang sakit kapag umiihi siya. The pain was excruciating that she had been killing Lysander in her mind over and over again as she peed.
Pagkatapos niyang mag-toothbrush, naghilamos siya sa may lababo, saka dahan-dahan uli na naglakad pabalik sa kama. Tamang-tama naman na bumukas ang pinto at pumasok ang boss niya na nalukot ang mukha nang makitang nakatayo siya.
"Bakit ka naglalakad?" usisa nito.
Natigilan siya sa paglalakad, saka tuwid na tumayo at inosenteng ngumiti. "Ayos lang ako, Boss. Kaya ko na ang sarili ko."
"No." Pinukol siya ni Lysander ng matalim na tingin. "Dra. Czarina said one week. So, go back to bed right now and rest."
Napasimangot siya. "Ayoko. Bagot na bagot na ako," reklamo niya. "Gusto ko nang lumabas sa silid na 'to. Gusto ko nang pumasok sa opisina—"
"No." May finality sa boses nito. "You will rest."
Lalong humaba ang nguso niya nang lumapit sa kanya si Lysander, pinangko siya saka maingat siyang ihiniga sa malambot na kama.
"There," sabi nito. "Stop being so stubborn, Jergen. You're making me worry."
Inirapan niya ito. "Buwisit ka, Boss."
"I know. You said that every day."
Umayos siya ng higa. "Naiinis talaga ako sa 'yo. Bakit mo kasi ginawa sa 'kin 'to?" Pinandilatan niya ito. "I hate you."
"You don't mean that," sabi nito sa walang emosyong boses. "Anyway, tumawag pala si Terron. Tinatanong niya kung nasaan daw iyong folder ng account ni Mr. Zaragoza. Hindi raw kasi niya mahanap."
Inungusan niya ito. "Ikaw ang boss, dapat alam mo 'yan."
"That's what Terron said but as you know, I'm lazy. So, where is it?"
She rolled her eyes. "In my desk. Sa ilalim ng limang house designs na hindi ko naibigay sa 'yo. Nasa loob siya ng isang brown envelope."
"Copy that." Bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga labi, saka nagpaalam. "Tatawagan ko lang si Terron. Huwag kang gagalaw, magpahinga ka lang."
Inirapan na naman niya ang lalaki pero hindi nawala sa isip niya ang bigla na lang nitong paghalik sa kanya bago umalis.
That was the first intimate contact they had for five days now. Nang makarating sila sa bahay nito three days ago, inilagay siya nito sa guest room na malayo sa kuwarto nito. Halata namang iniiwasan siya ni Lysander kahit pa nga nag-aalala ito sa kanya. At tumigil na rin ito sa pagtawag sa kanya ng baby. Hindi naman siya bobo at malakas talaga ang kutob niya na umiiwas ito. At sabi pa nga ng matatanda, malakas ang kutob ng mga babae.
Kaya naman nagulat siya sa paghalik nito sa kanya ngayon. What happened?
At dahil matigas ang ulo niya, bumangon na naman siya sa pagkakahiga, saka lumabas ng kuwarto. Dapat niyang isiksik sa utak ng boss niya na maayos na siya, na hindi na masyadong masakit.
Nakita ni Jergen si Lysander sa sala. May kausap ito sa cell phone kaya naman umiwas siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain sa ref.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkagat ng isang slice ng pandan cake nang marinig niya ang boses ng lalaki.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, 'no?"
Natigilan siya, saka nakangiwing ngumiti na humarap dito. "Hey, Boss." Ipinakita niya ang cake na hawak. "I'm craving for sweets so, ahm..."
Malakas itong napabuntong-hininga, saka lumapit sa kanya at walang pasabing bigla na lang siya binuhat, saka pinaupo sa island counter na gawa sa marble. "Baby—"
"So balik na tayo sa baby ngayon?"
Natigilan si Lysander, saka napatitig sa kanya. Mukhang nagulat ito sa pagputol niya sa sasabihin nito.
"Akala mo hindi ko nararamdaman?" Umingos siya. "Lysander, alam kong iniiwasan mo ako. I felt that these past few days. But you don't have to worry a thing. Alam ko na hindi ka sanay sa ganito."
Tumaas ang isang kilay nito. "Sanay sa ano?"
"This." Bahagya niyang idinipa ang mga braso. "I know that you dispose your women after sex, but here I am so... yeah."
Kumunot ang noo nito at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. "Sa tingin mo iyan ang rason kaya umiiwas ako? Because I dispose women after sex?"
Mabilis siyang tumango. "Yes." She was one hundred percent sure of that. "Bakit, may iba pa ba?"
Napailing-iling si Lysander at hinilot ang sentido. "Umiiwas ako kasi ayokong matuksong angkinin ka uli." His deep brown eyes looked into hers. "I want you again, Jergen, and I can't have you because you're still sick. Hindi mo alam kung anong klaseng pagtitimpi ang ginagawa ko araw-araw. You don't know how much I want you so don't judge me so harshly." Tumiim ang mga bagang nito. "You're in my house, not in your condo, so your judgement is not welcome here."
Napatitig na lang si Jergen sa papalayong likod ng lalaki na nag-walk out pagkatapos siyang pagsalitaan.
So, he still wanted her even after they had sex? Kumunot ang noo niya. Possible pala 'yon? Alam niya kung gaano kababaero ang boss niya. After sex, dispose agad kung sino man ang babaeng 'yon kaya ano ang pinagkaiba niya sa mga naging babae nito?
She was just Jergen Carbonell Camince. Wala namang espesyal sa kanya.
Inubos niya ang cake na hawak, saka bumaba sa island counter at lumabas ng kusina. Hinanap niya si Lysander. Pagkalipas ng ilang minutong paghahanap, natagpuan niya itong nakatayo sa may gilid ng malaking swimming pool na nasa right side ng bahay at umiinom ng beer.
Walang ingay siyang lumapit at tumayo sa tabi nito. "Pasensiya na, hinusgahan kita." sabi niya sa malumanay na boses.
Uminom ito ng beer mula sa bote na hawak. "Palagi mong ginagawa 'yan. Hindi por que limang taon ka nang nagtatrabaho para sa 'kin, kilala mo na ako. There are thing you don't know about me, Jergen. A lot of things. Kaya huwag kang umaktong kilala mo na ako mula ulo hanggang paa kung makahusga ka."
Nagbaba si Jergen ng tingin. Nagi-guilty siya. Tama naman kasi ito pero may punto rin naman siya. "Boss, hindi mo naman ako masisisi sa panghuhusga sa 'yo. Siguro nga marami pa akong hindi alam tungkol sa 'yo. Pero iyong mga alam ko tungkol sa 'yo, lahat 'yon negatibo kaya madali sa aking husgahan ka nang ganoon kasi may pruweba ako." Humugot siya ng malalim na hininga. "I saw how you treat women, Boss. And it's scary."
Binalingan siya nito. "Am I that bad?"
Umiling siya. "Hindi ko alam."
"Fuck." Mahina nitong mura. "Bakit hindi mo alam?"
"Sa hindi ko malamang kadahilanan, mabait ka sa 'kin kaya hindi ko masabi-sabi na masama ka." Kinagat niya ang pang-ibabang labi, saka sinalubong ang tingin nito. "Nang mag-apply ako bilang sekretarya mo, alam kong tinanggap mo ako kasi naawa ka sa 'kin. You let me insult you and boss you around even if I'm just your secretary. At hinahayaan mong kotongan kita sa pamamagitan ng extra payment bukod sa sahod ko samantalang hindi naman iyon kailangan minsan." Nagtatanong ang emosyon ng mga mata niya habang nakatingin sa lalaki. "Bakit, Boss? Bakit mabait ka sa 'kin?"
"Contrary to your belief, Miss Secretary, I hired you because you're true to yourself. Nang araw na 'yon, ikaw lang ang hindi nagsinungaling sa 'kin." He smiled. "And I like it when you boss me around. It makes me feel normal, not some billionaire bachelor. At iyong extra payment, I know you need it. Bakit ako mabait sa 'yo? Because you're one of the people I trust. Kasi sa limang taon na pagtatrabaho mo sa 'kin, mabibilang lang ang araw na pumapasok ako. You have all the time in the world to steal money from the company or do something bad with it, but you didn't. You stay loyal to me and that, baby, is what money can't buy. Loyalty."
Napuno ng kasiyahan ang puso ni Jergen. He trust her. That mean so much to her.
"Thank you," sabi niya na nakangiti. Kapagkuwan ay kumunot ang noo niya nang may pumasok na tanong sa isip niya. "Teka, parte ba ng loyalty na iyan iyong paghalik mo sa 'kin?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Saan mo na naman 'yan nakuha?" Hindi ito makapaniwalang napailing-iling, saka walang sabi-sabing inangkin ang mga labi niya. Kapagkuwan ay pinakawalan din. "I kiss you because I want to. Plain ang simple."
Kumabog nang mabilis ang puso niya sa sinabi nito. "Ganoon ba?" 'Yon lang ang nasabi niya.
"Yes. Now, get inside and rest," utos na naman nito. "Akala mo nakalimutan ko nang dapat nagpapahinga ka?"
Napasimangot si Jergen. "Ayoko nga. Nababagot na ako ro'n sa kuwarto."
Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata nito. "Kung ganoon doon ka sa kuwarto ko, tiyak hindi ka mababagot do'n."
Inirapan niya ang lalaki. "Gusto mong masipa?" Inungusan niya ito. "Umiika pa nga ako kasi medyo masakit pa, 'tapos hayan ka na naman? Talagang masasapak na kita, Lysander."
Mahina lang itong tumawa, saka hinalikan na naman siya sa mga labi at bumulong. "Maybe you can suck me?"
Umawang ang mga labi niya at namula ang buong pisngi. "Bastos!" Tinalikuran niya ito.
Habang naglalakad papasok sa kabahayan, narinig niya ang mahinang pagtawa ni Lysander na iba na naman ang epekto sa puso niya.
Bakit ba niya nararamdaman 'yon? Dapat hindi niya nararamdaman iyon para kay Lysander kasi alam naman niya sa sarili na walang patutunguhan iyon. And she knew better than to feel like this towards her boss. Judgemental na kung judgemental pero hindi talaga niya hahayaang maging katulad siya ng mga babaeng iniwan nito pagkatapos pagsawaan.
Ngayon, oo, hindi pa siya nito iniiwan. Kasi nga kung sa menu, isa siyang bagong putahe na natikman nito. Pero paano kung magsawa ito? Saan siya pupulutin?
Siya ang kawawa kapag nagsawa si Lysander sa kanya na tiyak niyang mangyayari sa loob lang ng isang buwan. Kilala niya ang boss niya, madali itong nagsawa sa mga babae nito noon. Kaya habang mas maaga, dapat burahin na niya kung ano man itong nararamdaman niya kasi masasaktan lang siya.
This emotion wouldn't do her any good. It would only lead to two things... heartbreak and pain.
PAGSAPIT ng hapunan, sabay kumain si Jergen at si Lysander. Pasulyap-sulyap si Jergen sa boss niya. Kanina pa ito walang imik habang kumakain at parang ang lalim ng iniisip.
"Boss?" kuha niya sa atensiyon nito.
No reaction.
"Boss?"
Still, no reaction.
Napabuntong-hinga siya, saka niyugyog ang balikat nito. "Boss?"
Napakurap-kurap ito, saka bumaling sa kanya. "What?"
Kinunutan niya ito ng noo. "Ano'ng nangyayari sa 'yo?"
Umiling si Lysander. "Nothing." Bumuntong-hininga ito. "Anyway, may kailangan ka?"
"Ahm, Sabado na kasi bukas," umpisa niya. "Kailangan kong umuwi sa probinsya namin. Birthday kasi ng kapatid ko."
Tinapos nito ang pagkain. "Ihahatid na lang kita bukas."
Agad na umayaw ang isip niya. "Pero, Boss—"
"Walang pero-pero. Ihahatid kita and that's final," wika nito, saka inilagay ang pinagkainan sa lababo. "Anyway, ililipat ko 'yong mga gamit mo sa kuwarto ko. Doon ka na matutulog mula ngayong gabi."
Napanganga si Jergen at napakurap-kurap. "Ano? Bakit?" Tumayo siya at humarap dito. "Okay na naman ako, ah. Puwede na ako sa condo tumira. Nakakalakad na ako nang tuwid. Bakit inilipat mo pa ang mga gamit ko sa kuwarto mo, eh, uuwi na naman ako sa condo ko."
Walang emosyon ang mukhang tumingin sa kanya si Lysander. "Sino'ng may sabing pauuwiin pa kita?" tanong nito, saka umalis sa kusina.
Napanganga siya sa nilabasan nitong pinto. Ano raw? Nagbibiro na naman siguro ito, 'di ba? Hindi naman nito totohanin ang sinabi, 'di ba?
Why the hell would he wanted to keep her here in his house?
Mabilis niyang sinundan ang lalaki sa kuwarto nito at naabutan niyang pahiga sa malapad nitong kama. Tumuon ang mga mata niya sa bag niya na nasa gilid ng kuwarto nito. Nasa loob niyon ang mga damit niya na kinuha nito sa condo niya pagkatapos siya nitong ilabas sa ospital.
"Boss—"
"Good night, baby." Kinindatan siya ni Lysander bago ipinikit ang mga mata.
Napaawang na lang ang mga labi ni Jergen. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga siya, saka malalaki ang hakbang na lumabas ng silid nito at tinungo ang guest room na inookupa niya.
Pero ganoon na lang ang gulat niya nang pihitin niya ang doorknob at naka-lock 'yon.
"What the hell?"
Sinubukan niyang buksan ang iba pang kuwarto na nasa second floor pero lahat talaga naka-lock maliban sa kuwarto ni Lysander.
Ano ba ang nasa isip ng lalaking 'yon?
Puwede naman siyang matulog sa sala. Pero sa kalagayan ng kaselanan niya, hindi puwede. Baka sa halip na maging maayos 'yon ay mabinat pa.
Bagsak ang mga balikat na bumalik si Jergen sa kusina, saka inubos ang pagkain sa plato at hinugasan ang pinagkainan nila ni Lysander. Pagkatapos ay umakyat siya sa hagdan patungong second floor at pumasok sa kuwarto ni Lysander kung saan amoy na amoy ang panlalaking pabango nito na nanunuot sa ilong niya.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga habang nakatitig sa kama ni Lysander. Wala siyang ibang pagpipilian. Sa tabi talaga siya ng lalaki matutulog.
Paano kong akitin siya nito at isuko na naman niya ang wasak na niyang Bataan?
Hindi! Hindi mangyayari 'yon! Kailangan lang niyang maging matatatag at hindi maging marupok sa tentasyon. Ayaw niyang iyon ang maging cause of death niya.
Jergen, pagkausap niya sa sarili. Kumapit ka lang. Huwag mong iisiping may nangyari na sa inyo ng lalaking katabi mo, na may abs na nakapaglalaway, may katawang nakakawala sa tamang huwisyo at may mahaba at malaking pagkalalaki na literal na winasak ang pagkababae mo.
Huminga siya nang malalim. Easier said than done.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top