CHAPTER 24
CHAPTER 24
HINDI MAPAKALI si Lysander nang sabihin ng organizer sa kanya na dumating na si Jergen habang nakatayo siya sa ibaba ng altar. Pero lampas sampung minuto na ang nagdaan sa nakatakdang oras ng pagsisimula dapat ng kasal nila pero wala pa rin ang asawa.
"Where the heck are you, baby?" he murmured in nervousness. "Don't you dare ditch me."
Mahinang tumawa ang katabi niya—ang best man ng kasal niya. "You are sweating bullets, my man," sabi ni Andrius.
Humugot siya ng malalim na hininga, saka bumaling dito. "Sino ang hindi pagpapawisan?" masama ang mukha niyang tanong. "Wala pa ang asawa ko. Baka kung napaano na 'yon, o baka naman nagbago na ang isip niya at ayaw na niyang magpakasal sa 'kin. Darn! These past few days, she won't even talk to me! Inisip kong baka naglilihi lang siya. Pero paano kung iba pala, paano kung hindi na pala niya ako mahal?"
Napailing-iling si Andrius, saka tinapik ang balikat niya. "She'll come."
"How would you know that? She's now fifteen minutes late!" he hissed in frustration.
Napabuntong-hininga si Andrius, saka inginuso ang mga labi sa direksiyon ng mga kaibigan nilang may mga asawa na. "I'm single, man. Wala akong alam sa nararamdaman mo. But maybe they can chill you, those married lunatics already experienced what you are experiencing right now."
Tama ito. Huminga si Lysander nang malalim, saka tumango. Akmang maglalakad siya para lapitan ang may mga asawa niyang kaibigan nang may pumigil sa kanya. Nilingon niya kung sino 'yon at nagulat nang makita ang organizer na si Tessmarie.
"Huwag kang gagalaw sa puwesto mo." Pinandilatan siya nito. "Nasa labas na ang bride."
Nagliwanag ang buong mukha niya. "Nasa labas na ang baby ko?"
Tumango ito na may munting ngiti sa mga labi. "Yes. Nasa labas na at naghahanda sa pagpasok kaya huwag kang gagalaw."
Mabilis siyang tumango, saka tumayo nang matuwid habang pasulyap-sulyap sa nakasarang pinto ng simbahan.
"Look at you, man," sabi ni Andrius. "Sino'ng mag-aakaala na magseseryoso ka sa isang babae at pakakasalan pa."
Lysander smiled. "You never know, Salazar, baka ikaw na ang sumunod na magpakasal."
Andrius snorted. "Me? Next in line? Nah." Mahina itong tumawa. "It seems that I'm having trouble finding my 'the one.' Unlike you na nasa harap mo lang at walang kahirap-hirap mong nakita agad."
Nanunudyo ang matang binalingan niya si Andrius. "So, you've been looking?"
Nag-iwas ito ng tingin. "I'm looking for that sign that Tyron told me."
Kumunot ang noo niya. "What sign?"
"'Yong isang babae lang iyong nasa isip ko." Napabuntong-hininga ito at napailing-iling. "When that happens, I'll marry her in no time."
Napangiti siya. "Good luck with that, my man."
"Yeah," Andrius grunted. "Fuck."
Mahina siyang natawa na agad din namang nawala nang makitang bumukas ang pinto ng simbahan at sinalubong ng mga mata niya ang napakaganda niyang asawa.
His face softened as he lovingly look at his beautiful Jergen, his wife. His. Finally.
After five years or reigning his feeling, after five fucking years of suppressing his emotions for her, finally, he got her. Finally, she knew that he loved her and that was all that matters to him.
The very core foundation of his life was now walking towards him. God, he loved Jergen so much... so much that it scared him sometimes. Natatakot siya kung ano ang mangyayari sa kanya kapag hindi na siya mahal ng asawa niya, natatakot siyang may umagaw rito, natatakot siyang iwan nito at natatakot siyang hindi ito maging masaya sa piling niya.
Pero ang takot na 'yon ay unti-unting nawawala habang dahan-dahang naglalakad si Jergen papasok sa simbahan at hindi naghiwalay ang mga mata nilang dalawa. Habang nakatingin siya sa asawa, nararamdaman niyang worth it lahat ang pagod niya sa mag-isang pag-aasikaso ng kasal nila para makapagpahinga ito at hindi ma-stress. Lahat ng pagod, puyat at sakit sa katawan ay nawala nang makita niya ang masayang mukha ng asawa.
This was love, truly. He was really in love with Jergen. No doubt on that one. And he would remain in love with her forever. He was sure of that because he could feel it in his heart. Wala na siyang ibang babaeng mamahaling iba kundi si Jergen lang. Ang babaeng bumaliw sa kanya.
Nang makarating si Jergen sa harap niya, nginitian niya ito. At sa likod ng suot nitong belo, gumuhit rin ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito.
"Hey, baby," he said as he looked at her intently. "Finally, you're here."
"Hey, Boss," she replied with a sweet smile on her lips. "Sorry, na-late ako. Iyong damit ko kasi, nahirapan silang ayusin."
"It's okay," sabi niya habang titig na titig dito.
"Alagaan mo ang anak ko, Lysander," sabi ng ama ni Jergen nang ibigay sa kanya ang kamay ng asawa niya. "Alam mo naman siguro. Itak ko ang puputol-putol sa katawan mo kapag sinaktan mo ang anak ko."
Nakangiting tumango siya, saka iginiya si Jergen paharap sa altar.
"Thank you, Boss," bulong ni Jergen sa kanya na ikinagulat niya
"For what?" he whispered back.
Pinisil nito ang kamay niya. "Look back and see my very long dress."
Mahina siyang natawa, saka inilapit ang kamay nito na hawak niya sa kanyang bibig at hinalikan 'yon. "'Di ba sabi ko naman sa 'yo, kapag kaya ko, ibibigay ko sa 'yo?" Pasimple niyang binalingan ang damit nitong hanggang sa pinto nga ng simbahan ang haba. "You look beautiful in your dress, baby."
"Thank you." She beamed at him.
Tuluyan na silang humarap sa altar, paharap sa pari na magkakasal sa kanila. Pagkatapos ay nag-umpisa na ang seremonya ng kanilang kasal.
Pagkatapos nilang mag-I do sa tanong ng pari, ibinigay na sa kanila ang singsing.
Siya ang unang kumuha ng singsing sa lalagyan, saka isinuot iyon sa daliri ni Jergen habang matiim na nakatingin dito. "I have so many vows in my head while preparing our wedding," panimula niya habang hawak ang kamay ng asawa at matiim na nakatitig dito para makita nito ang senseridad sa mga mata niya. "I also have many worries because I know my shortcomings. And now, as I stood in front of you, I realize that I don't need to promise anything to you. I'll just do it. Kasi 'di ba kapag nangako, may expectation, at kapag may expectation, palaging nandiyan ang disappointment at ayokong ma-disappoint ka sa 'kin, baby. I want you to be happy with me." He smiled. "I love you so much, Jergen. So kung ano man 'yong mga pangako na sasabihin ko sana ngayon sa harap mo, akin na lang 'yon. I won't promise a thing to you, because I might end up breaking them. But... there is one promise that I'm sure I won't break, kaya malakas ang loob kong ipangako 'yon. And that is to love you and to stay with you for as long as God lets me because God knows how much it would hurt me to be apart from you. You're my life, Jergen. Ikaw ang babaeng mahal ko, ikaw ang babaeng kumokumpleto sa 'kin, kaya hindi ko kakayanin kong mawawala ka sa 'kin. Kaya huwag na huwag mo akong iiwan kasi hindi kita hahayaan. Kung kailangan kitang itali sa baywang ko, gagawin ko, manatili ka lang."
Mahinang natawa si Jergen, saka isinuot ang singsing sa daliri niya. "Lysander, kahit itali mo ako sa baywang mo, ayos lang sa 'kin, kasi wala rin naman akong balak na iwan ka. At huwag kang mag-alala, mahal na mahal din kita kaya hindi ko rin kayang mawalay sa 'yo. And of course, I love you the same way you love me. So I vow to stay by your side, always and forever, Lysander. Hindi ako aalis, hindi kita iiwan, hindi ako lalayo sa 'yo. Hindi ko alam kung paano nangyari basta na realize ko na lang na ikaw na rin ang buhay ko kaya huwag kang maglololoko, ipapaitak kita kay Tatay."
Nagtawanan ang mga bisita nila sa huling sinabi ni Jergen pero hindi niya pinansin ang mga ito. Nang sinabi ng pari na puwede na niyang halikan ang asawa, agad niyang itinaas ang belo nito at mapusok itong hinalikan sa mga labi.
Naghiyawan na at nagpalakpakan ang mga bisita nila. Walang pakialam si Lysander, basta hahalikan niya ang asawa niya. Hanggang sa paghiwalayin sila ng mga kaibigan niya para magpa-picture.
"Tama na 'yan." Boses iyon ni Khairro. "Nang-iinggit kayo ng single, eh."
Nagtawanan ang mga kaibigan niya at nakitawa na rin siya, saka napailing-iling. Wala na talagang pag-asa ang mga ito.
Awtomatikong ngumiti si Lysander nang marinig ang sigaw ng photographer na. "Say, cheese."
Natigilan siya at napabaling sa katabi nang maramdamang may umakbay sa kanya.
"Hey, man." It was Tyron. "Welcome to the club of understanding men."
He rolled his eyes. "Whatever, Ty."
Tumawa si Tyron. "Sa tingin mo, sino'ng susunod sa 'yo?"
Lysander shrugged. "Who knows? Ni hindi ko nga alam na ako na pala ang susunod kay Evren na magpapakasal."
Tyron chuckled then grinned. "Beware, lunatics," sabi nito na alam niyang ang mga kaibigan nilang single ang kinakausap. "Isa sa inyo ang sunod na papanain ni Kupido, kaya maghanda kayo. Malapit na kayong gumapang sa lusak dahil sa pag-ibig. Malapit na kayong mabasbasan ng pari. Malapit na kayong maging banal."
Sa sinabing 'yon ni Tyron, nagsitakbuhan ang mga kaibigan nilang single at naiwan ang mga kasal na.
Nagtawanan na lang silang mga naiwan, saka nagpatuloy ang picture taking kasama ang pamilya niya at pamilya ni Jergen.
Ilang minuto ring tumagal ang picture taking bago natapos at napagdesisyunang pumunta na sa reception. Sila na ang huling pupunta dahil habang nagpi-picture taking kanina ay hinatid na ang ibang mga guest gamit ang helicopter nina Khairro at Evren na naghihintay at nakaparada lang sa malaking plaza katabi ng simbahan. Ang iba naman na hindi um-attend sa kasal nila at sa reception lang makakapunta ay hinatid gamit ang cruise ship ni Cali.
"So tayo ang huling darating doon?" tanong ni Jergen sa kanya nang nasa helicopter na sila.
Nauna na sa kanila ang mga magulang nila. "Yep." Pinalibot niya ang mga braso sa baywang ng asawa. "Why? Ayaw mo?"
"Hindi naman." Humaba ang nguso nito. "Kaso mas mauuna nilang makita ang cake natin."
That made him laugh. "Alam kong sasabihin mo 'yan, baby. Kaya naman sinabi ko kay Nate na itago muna ang cake hangga't hindi pa tayo dumarating."
Nagliwanag ang mukha nito. "Really? You did that for me?"
"Of course." He kissed her temple. "For you, baby, anything."
Naglalambing na yumakap ito sa kanya. "Thank you, Boss."
"You're welcome, baby." Nang wala sa sariling napabaling siya sa labas ng helicopter, agad niyang pinaayos ng upo ang asawa. "Look below, baby..."
Mabilis na tumingin sa labas si Jergen at masayang pumalakpak. "My dream reception." Bumaling ito sa kanya, saka malapad ang ngiting mahigpit siyang niyakap. "Thank you so much, Lysander!"
Lysander felt like his heart was about to explode. Seeing his wife happy just because he did what she requested for their wedding. Napakababaw talaga ng kasiyahan ni Jergen. At hinding-hindi siya magsasawang pasayahin ito araw-araw habang nabubuhay sila.
Ayos lang maging understanding siya. Wala siyang pakialam. Ang importante sa kanya ay masaya ang asawa niya, sapat na 'yon sa kanya.
Nang makababa ang helicopter, inalalayan niya pababa si Jergen. Nahirapan sila pareho dahil sa haba ng damit nito.
Natawa na lang si Lysander nang makitang nakasimangot si Jergen habang nahihirapang bumaba ng helicopter. "O, huwag magreklamo, ginusto mo 'yang damit na 'yan."
Inirapan siya nito. "Ewan ko sa 'yo. Huwag kang magsasalita diyan, Boss. Tatamaan ka sa 'kin."
Pinigilan niya ang matawa pero alam niyang nakikita ni Jergen na natatawa siya.
"Boss! Magtigil ka!"
Hindi na niya napigilan ang matawa. "Hindi naman, ah."
Inungusan siya nito, saka pilit na bumaba ng helicopter. At dahil sa haba ng damit nito, muntik na itong matapilok. 'Buti na lang ay mabilis niyang nasalo ang asawa para hindi ito mapasubsob.
"That's what you get—"
"Don't!" pigil nito sa iba pa niyang sasabihin habang pinandidilatan siya. "Kasal natin ngayon at kung ayaw mong-outside de kulambo mamaya, manahimik ka, Boss. Ini-stress mo ako."
Natatawang napailing na lang siya, saka pinangko ang asawa. Naglakad siya patungo sa malaking pavilion na ipinagawa niya talaga para sa reception ng kasal nila ni Jergen. Napailing-iling na lang siya uli nang makitang nakarating na sila sa pavilion pero iyong dulo ng damit ni Jergen ay nasa may dalampasigan pa.
"Your dress is too long, baby," komento niya.
Ngumiti lang si Jergen, saka hinalikan siya sa mga labi. "And that's thanks to you, Lysander."
Tumaas ang isa niyang kilay. "So now we're back to calling me by my name? Hindi na boss?"
Ngumiti ito habang nagpapaliwanag. "Kasi, Boss, ang haba ng pangalan mo. 'Tapos ayoko namang tawagin kang boss habang-buhay kasi ako na ngayon ang boss mo. Kasi nga 'di ba, asawa mo na ako?" Ngumisi ito na parang siyang-siya na boss na niya ito. "Tama ba ako, Lysander? Ako na ang boss mo, 'di ba?"
Natawang napailing na lang siya. "Yes, Boss. Now, walk."
Nangingiting naglakad si Jergen patungo sa uupuan nila sa pavilion. Habang siya ay nakagiya sa baywang nito at inaayos ang dulo ng damit nito para hindi ito masyadong mabigatan.
Kawawa naman ang baby niya kung mabibigatan ito sa sariling dream wedding gown.
"Mr. Callahan, kami na po," sabi ng babae na inaagaw sa kanya ang pag-aayos ng damit ng asawa.
"No," sabi niya. "Ako na. She's my wife. This is part of my responsibility."
Nang makaupo si Jergen, naayos niya rin sa wakas ang pag-aayos sa damit nito. Umupo siya sa tabi ng asawa at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa.
Bumaling ito sa kanya. "What?" Bumaba ang tingin nito sa kamay nila. "May kailangan ka? Bakit hawak mo ang kamay ko?"
Umiling siya. "I just like holding your hand," sabi niya.
Lumalam ang mga mata ni Jergen, saka hinalikan siya sa mga labi. "Ang sweet talaga ng asawa ko."
His heart thumped rapidly. Darn. Jergen's effect on his heart was unexplainable.
"Welcome Mr. And Mrs. Callahan," sabi ng emcee na pumukaw sa pag-iisip niya. "And welcome, guests." The emcee smiled. "We are gathered here today to celebrate the matrimony of Mr. And Mrs. Callahan. And to start the celebration, let's make way for their very special cake!"
Pumalakpak si Jergen habang maliwag pa sa sikat ng araw ang mukha at nakaguhit doon ang sobrang kasiyahan at excitement. "Yehey! My cake!" tili nito.
Mahina siyang natawa, saka niyakap sa baywang ang asawa. "It's for you, baby, so enjoy it."
Nakangiting tumango si Jergen, saka hinalikan siya sa mga labi. Pero nang marinig ang emcee na ini-announce na naroon na ang cake, agad itong tumigil sa paghalik sa kanya, saka tumingin sa cake na nasa harap na nila ngayon.
Jergen was shocked as she looked at the cake, even he was shocked. Kung tatayo siya, talagang ka-height niya 'yon at talagang lahat ng ni-request niya ay nagawa ni Nate. Mula sa disenyo ng cake hanggang sa disenyo n'on sa pinakatuktok.
Manghang napailing-iling siya, saka nginitian si Nate na nakatayo sa tabi ng napakalaki nilang wedding cake ni Jergen. "Thanks, man," sabi niya.
Iminuwestra ni Nate ang kamay sa cake, saka nagsalita. "For the newlyweds." Malapad itong ngumiti. "I had a hard time transferring that here so enjoy it."
Bumaling siya kay Jergen para sabihing para dito ang cake na nasa harap nila pero ganoon na lang ang gulat niya nang makitang umiiyak ang asawa niya. "Baby..." Agad siyang tumayo, saka masuyong sinapo ang mukha nito at tinuyo ang mga luha ro'n. "Why the heck are you crying?"
Suminghot-singhot ito. "Hindi lang ako nakapaniwala na ginawa mo ang lahat ng gusto para sa kasal natin." Humikbi ito. "Mula sa gown ko, sa reception, sa mga pagkaing nakahain at sa cake." Naglalambing na yumakap ito sa kanya. "You're pampering me too much, Lysander. Baka masanay ako, sige ka."
Natatawang hinagod niya ang likod ng asawa. "Ayos lang kung masasanay ka. I don't mind. And I like pampering you, baby. It makes me happy."
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya, saka matiim siyang tinitigan.
"What?" tanong niya nang hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya.
Slowly, a smile appeared on her lips. "Nothing." Umiling ito habang nakangiti. "I just felt so lucky to have you, Lysander. So darn lucky."
Hinawakan niya ang kamay ni Jergen at dinala iyon sa mga labi niya para halikan. "I'm the lucky one, baby, kasi minahal mo ako." Nginitian niya ito, saka iminuwestra ang kamay sa cake nila. "Well? What are you waiting for? Let's slice it."
Jergen's whole face brightened, her eyes twinkled in delight and Lysander felt like he was in heaven. Seeing his wife made him happy.
Nakamasid lang si Lysander sa asawa niya habang masaya itong nag-i-slice ng cake. Inilipat nito ang ini-slice sa cake sa platito, kumuha ng tinidor, saka humarap sa kanya at sinubuan siya ng cake.
"Eat up, Lysander," sabi ni Jergen na masayang nakangiti.
Ibinuka niya ang bibig para tanggapin ang cake. It was sweet and it tasted good. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na ibuka ang bibig nang subuan siya uli ng asawa. Kapagkuwan ay siya naman ang nag-slice ng cake, saka sinubuan si Jergen.
"Ang sarap..." komento ni Jergen habang nginunguya ang cake.
Nangingiting sinubuan niya uli ito, kapagkuwan ay ginawaran ito ng halik sa mga labi. "I love you," bulong niya sa labi ng asawa habang titig na titig sa mga mata nito.
Jergen actually blushed, then she smiled. "I love you too."
Pareho silang nakangiting tinapos ang pagkain ng cake, saka uminom ng wine na magkalingkis ang mga braso. Pagkatapos ay iginiya sila ng organizer patungo sa gitna ng pavilion at pumailanlang ang magandang boses ni Faith Gabriel-Yilmaz, ang asawa ng kanyang kaibigang si Evren, hudyat na dapat na silang mag-umpisang sumayaw.
Pinalibot niya sa baywang ni Jergen ang mga braso niya kasabay ng pagyakap ng nga braso nito sa leeg niya. Nang magtama ang mga mata nila, pareho silang napangiti.
"Thank you," bulong ni Jergen sa kanya.
"For what?" he asked, slightly frowning.
Ihinilig nito ang ulo sa dibdib niya. "For making my dream wedding came true."
Hinaplos niya ang likod nito. "For you, baby, anything."
Humigpit ang yakap ni Jergen sa kanya. "This is it, Lysander. The start of our new life together." Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang isa nitong braso, saka humaplos ang kamay sa dibdib niya habang nakahilig pa rin. "Bubuo na tayo ng sarili nating pamilya. Magkaka-baby na tayo. Wala nang bawian 'to. Akin ka na talaga."
He smiled. "As if I would take everything back." Hinalikan niya sa pisngi ang asawa. "This is it, baby, you're really mine. Wala ka nang kawala."
Mahina itong natawa, saka bumaba ang mga braso at sa baywang na niya yumakap. "Mahal na mahal kita, Lysander."
Napapikit si Lysander nang marinig ang sinabi ng asawa. He could feel his heart beating fast, loving every second he spend with his wife. "Mahal na mahal din kita, Jergen," bulong niya sa may noo nito, saka hinalikan ito roon. "Mahal na mahal."
Tiningala siya ng asawa, saka buong pagmamahal na nginitian. "Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na maririnig ko iyan mula sa 'yo," sabi nito habang matamang nakatitig sa kanya. "And hearing you say that now, it makes my heart so happy, Lysander. Very happy. Sana hindi magbago ang pagmamahal mo sa 'kin kasi alam ko sa sarili ko na hindi magbabago ang pagmamahal ko sa 'yo."
Umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito nang masuyo. "Walang magbabago sa 'ting dalawa, baby. Our hairs may turn gray, our skin may wrinkle, our bones may give up on us and our body may die, but my love for you will never perish. Magbago na ang lahat sa 'tin pero hindi ang pagmamahal na mayroon ako para sa 'yo."
She smiled lovingly at him. "'Yon lang ang gusto kong marinig mula sa 'yo, panatag na ako."
"I'll be with you, always," bulong niya, saka masuyong hinalikan ito sa mga labi. "Hindi kita iiwan, Jergen, kaya huwag mo rin akong iiwan."
Itinaas ni Jergen ang kamay na parang nanunumpa. "Promise. I'll stay with you too."
Hinalikan niya ang nanunumpa nitong kamay, saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. "I'll hold on to that, baby."
Lysander smiled and he felt like everything is falling into place. Everything was perfect. Perfect in a sense that they might have imperfections along the way of their marriage, but still, they were okay, they were perfect. Perfectly happy with each other.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top