CHAPTER 20
CHAPTER 20
HINDI alam ni Jergen kung ano ang uunahin niyang gawin sa mga nakatambak na trabaho para sa kanya. Parang bigla niyang gustong magbakasyon sa probinsya nila uli, doon walang stress. At nakakadagdag sa stress niya si Lysander na nauna pa sa kanyang pumasok ng opisina.
Shit!
Huminga siya nang malalim at inumpisahan ang trabaho niya. Hindi pa siya nangangalahati, dumating na si Edna ang sekretarya ng marketing head.
"Jergen," tawag nito sa pansin niya. "Pakibigay naman 'to kay Boss."
Itinigil niya ang ginagawa at humarap sa babae, saka tinanggap ang folder na ibinibigay nito. "Ako na ang bahala rito," sabi niya.
Sa halip na umalis, tinitigan siya ni Edna. "Ano'ng nangyari sa buhok mo?"
Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. "Nagpagupit ako. Pangit ba?"
Umiling ang babae. "No. Ang ganda nga, eh, lalo kang gumanda." Kumunot ang noo nito. saka mas itinutok pa ang mga mata sa kanya. "Ano'ng nilalagay mo sa mukha mo? You look radiant today."
Radiant? Siya? Stress nga siya, eh. Baka epekto iyon ng pagbubuntis. "Naku, wala 'to. Hindi lang ako na-stress for a week kaya siguro glowing ako ngayon," nakangiting sabi niya.
"Sabi mo, eh," sabi ni Edna, saka umalis na.
Ilang minuto lang ang binilang ni Jergen, bumukas na naman ang elevator at lumabas do'n ang isang magandang babae. Napakasopistikada nitong tingnan sa suot nitong mamahaling damit. Paano niya nalamang mamahalin? Fan na fan kasi siya ng mga branded na damit pero hindi naman siya nakakabili minsan dahil na rin sa may pinaglalaanan siya ng pera niya.
"Good morning, Ma'am," bati niya sa babae. "How may I help you?"
Nginitian siya nito. "I'm Red Montero," pagpapakilala ng babae sa kanya. "And I'm here for Lysander."
Nanatili ang ngiti sa mga labi niya kahit pa nga medyo nakaramdam siya ng panibugho. Nang banggitin kasi nito ang pangalan ni Lysander ay parang close na close ang dalawa. Nakaramdam ng kirot ang puso niya.
"Ahm." She composed herself. "May appointment po ba kayo, Ma'am?"
The woman chuckled lightly. "Naku, hindi ko na kailangan 'yan. I'm here for personal reason and Lysander knew that I'm coming. So, can I come in now or you want to call your boss first?"
Pilit ang ngiting ininuwestra niya ang kamay sa pinto ng opisina ni Lysander. "Pasok po kayo, Ma'am."
The woman smiled broadly at her. "Thank you, Miss. I'm excited to see him, God, it's been a long time."
Nang mawala ang babae sa harap niya, nawala rin ang pekeng ngiti sa mga labi niya at masama ang tingin sa pintong pinasukan nito.
She missed Lysander? So, may relasyon ang dalawa noon at ngayon nagbabalik si babae at agad namang tinanggap ni lalaki?
Kumuyom ang kamay ni Jergen. "Subukan mo lang, Lysander, ako mismo ang iitak sa 'yo," sabi niya na nagtatagis ang mga bagang.
Ilang segundo pa niyang tinitigan nang matalim ang pinto bago umupo at bumalik sa ginagawa. Ang nakakainis, hindi siya makapag-concentrate dahil palaging pumapasok sa isip niya kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon at si Lysander, lalo pa at ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa lumalabas ang babae.
Argh! Mababaliw siya sa kakaisip kaya naman umalis siya sa kinauupuan at nilapitan ang pinto, saka pinihit iyon pabukas. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang naka-lock 'yon.
Nagtagis ang mga bagang niya. How dare he lock the door?!"
Inis na sumakay siya sa elevator at nagpahatid sa ibaba. Pupunta sana siya sa pinakamalapit na café para bumili ng malamig at matamis na maiinom nang may mahagip ang mga mata niya.
Kunot ang noong tumuon ang mga mata niya sa lalaking nasa information desk at nakikipag-usap sa mga staff do'n.
Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?
"Carlos?" sabi niya nang makalapit sa lalaki.
Bumaling sa kanya ang lalaki at ngumiti nang magtama ang mga mata nila. "Jergen..."
Lalong kumunot ang noo niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Hinahanap ka," sabi nito. "Gusto sana kasi kitang makausap."
"Oh." Nagkibit-balikat siya. "Sige, pero sandali lang, ha? Kailangan kong bumalik agad sa trabaho. Bibili rin naman ako ng maiinom. Doon na tayo sa café malapit dito."
"Salamat, Jergen," sabi nito na nakangiti.
Tumango si Jergen, saka sabay na silang naglakad palabas ng gusali at nagtungo sa malapit na café. Nang maka-order siya ng frappe at si Carlos naman ay kape, umupo sila sa isang bakanteng upuan.
"So?" Siya na ang bumasag sa katahimikan. "Bakit mo ako gustong makausap?"
Humingi nang malalim si Carlos. "Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa inakto ko at ni Papa sa bahay n'yo." Napakamot ito sa batok na parang nahihiya. "Pasensiya na talaga, ha? Hindi kasi nawala ang pagkagusto ko sa 'yo kahit naghiwalay na tayo. Akala ko puwede pa kung mag-e-effort lang ako pero mali pala ako."
Sumipsip siya ng frappe. "Nakakainis ang tatay mo, alam mo ba 'yon?" Tumaas ang kilay niya. "Hindi por que may pera kayo ay gaganunin n'yo na kami. Sarap n'yong pag-untuging dalawa. Nakakabuwisit kayo."
Hinawakan ni Carlos ang kamay niya at kahit anong agaw niya ay hindi siya makawala.
"Carlos! Bitawan mo nga ako!" asik niya.
"Patawarin mo na ako, Jergen." Nagsusumamo ito. "Lumuwas ako sa Maynila para lang dito kasi hindi ako katahimik. At sana, kapag iniwan ka na ng lalaking yon, bumalik ka sa 'kin."
Tumalim ang mga mata niya. "Ano ba ang gusto mong palabasin? Na iiwan ako ng asawa ko?"
"Jergen, magkaiba kayo ng estado sa buhay. Normal lang na maghanap siya ng ibang kapantay niya. At kapag nangyari 'yon, nandito lang ako."
Malakas na inagaw niya ang kamay rito, saka mabilis iyong dumapo sa pisngi nito. "Go to hell, Carlos. Maayos kitang kinausap pero ito pala ang sasabihin mo." Tinaasan niya ito ng kilay, saka pinukol ng masamang tingin. "Hindi kita patatawarin, bahala kang makonsiyensiya kung may konsiyensiya ka nga." Tumayo siya. "At kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hindi na kita papatulan uli," pagtataray niya, saka iniwan ang lalaki sa loob ng café.
Inis siyang bumalik sa Callahan Building at sumakay sa elevator. Nang makarating siya sa floor kung saan naroon ang opisina niya, naabutan niya si Lysander na nakahilig sa gilid ng oval-shaped niyang mesa at mukhang hinihintay siya. At mukhang wala na rin ang babae nitong bisita sa opisina nito.
"Where have you been?" he asked, irritated.
Well, she was irritated too. "Sa 'baba, sa may café," sagot niya.
Napailing ito at mapaklang tumawa. "Napakasimple ng tanong ko pero nagsisinungaling ka pa rin. Why is that, Jergen? Do you like lying to me?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Ano ba ang pinagsasasabi mo riyan?"
"I saw you. With Carlos." Tumiim ang mga bagang nito. "Kasama mo siya sa café. Bumaba ako kasi hinahanap kita at sinabi ng information desk na narinig nilang pupunta ka sa café kaya sinundan kita. And imagine my shock when I saw you and Carlos." Nagdilim ang mukha nito. "And he's holding your hand. Why, Jergen, getting back together?" nang-uuyam nitong tanong.
Inirapan niya ito, saka umupo sa upuan niya at ipinagpatuloy ang ginagawa nang hindi umiimik.
"Nagkabalikan na ba kayo?" tanong ni Lysander na may sarkasmo ang boses.
Ang matalim niyang mata ay tumingin dito. "Eh, ikaw, huwag mong sabihing nag-jack-en-poy kayo ni Miss Red Montero sa loob ng opisina mo?"
Natigilan ito at kumunot ang noo. "Ano naman ang ibig mong sabihin 'don?"
Lalong tumalim ang mga mata niya. "Puwede ba, Lysander, huwag ako ang lokohin mo. Masarap ba si Miss Montero?"
Irritation filled his face. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo diyan?" Halata ang iritasyon sa boses nito. "Eh, wala namang nangyari sa 'min. She just brought me something from Ream and that's it—"
"Heh!" singhal niya rito dahil sa hindi mapigilang inis na nararamdaman. "Buwisit ka!"
Inis na tumayo siya, saka pumasok sa pribadong restroom na para lang sa kanya na ipinagawa no'n ni Lysander. Panay kasi ang reklamo niyang kailangan pa niyang mangibang floor o kaya pumasok sa opisina nito para magbanyo.
"Jergen! Bumalik ka nga rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" galit na sigaw ni Lysander nang pumasok siya sa restroom.
Umirap lang siya, saka pumasok sa nag-iisang cubicle doon at ini-lock ang pinto, saka umihi.
Natigilan siya nang bumukas ang pinto ng restroom at nakarinig siya ng mga yabag.
"Jergen, huwag mo nga akong talikuran kapag nag-uusap tayo!" inis na sabi ni Lysander na nasa loob ng ng restroom.
Ipinaikot niya ang mga mata sa inis pero hindi siya nagsalita. Bahala ito sa buhay nito.
"Sa tingin mo natutuwa akong makita kang may kasamang ibang lalaki, ha?! I want to kill that man and I would if I saw him again holding you fucking hand like that. At ikaw naman parang okay lang sa 'yo na hinahawakan ka niya. Bakit, Jergen, gusto mo ba siya? Baka nakakalimutan mong may asawa kang tao at ako 'yon! Ako! At magkakaanak na tayo kaya wala ka nang karapatang tumingin sa iba. Akin ka lang. Akin! At kapag nakita pa kitang may kasamang ibang lalaki—"
"Shut up, Boss!" Hindi na niya mapigilang mapasigaw sa sobrang inis na nararamdaman dahil sa mga maling paratang nito. "Kapag nagsalita ka pa diyan habang umiihi ako, iyang ulo mo ang ipa-flash ko rito sa bowl! Buwisit ka!" singhal niya.
Nakahinga si Jergen nang maluwang nang natahimik ang buong restroom. Salamat naman at tumigil na si Lysander. Inis na inis talaga siya. Hindi naman siya madaling mabuwisit noon pero ngayon, parang high blood agad siya.
Dahil ba iyon sa pagbubuntis niya?
Napailing-iling siya, saka lumabas ng cubicle at natigilan nang makitang nakahilig si Lysander sa lababo. Nakapamulsa ito at matiim ang titig sa kanya.
"What?" paasik niyang tanong.
Hindi mapakaniwalang napatitig ito sa kanya. "Wow naman." May sarkasmo ang boses nito. "Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit sa 'kin." Sarkastiko itong tumawa. "That's epic, Jergen. Very epic."
Pinukol niya ito ng masamang tingin, saka malakas na itinulak ito paalis sa pagkakahilig sa lababo. "Tumabi ka nga! Nakaharang ka."
He looked at her in disbelief. "Jergen, ipapaalala ko lang, boss mo ako kaya wala kang karapatang sigawan ako."
Naghugas muna siya ng kamay, saka nakapamaywang na humarap sa lalaki. "Ipapaalala ko lang din sa 'yo, Lysander, asawa mo ako kaya may karapatan akong sigawan ka."
Natigilan ito, saka nanatiling tahimik.
Nang-uuyam siyang ngumisi, at inirapan ito. "Boss nga kita, asawa mo naman ako. Sige nga, sino'ng mas makapangyarihan sa 'ting dalawa?"
Masama ang tingin sa kanya ni Lysander. "Ikaw, pero wala kang karapatang lokohin ako at makipaghawak-kamay sa ibang lalaki."
Naiinis na dinuro niya ito. "At wala ka ring karapatang mambabae!"
"Eh, hindi naman ako nambababae, ah!" Giit nito na mas ikinainis niya.
"Eh, ano'ng ginawa n'yo ng Red Montero na 'yon? Nagtitigan?" Mas dinuro niya ito dahil sa sobrang selos na nararamdaman. "Huwag mo nga akong pinaglololoko, Lysander. Personal ang pakay niya sa 'yo at wala nang mas pepersonal pa sa ginawa n'yo sa loob ng opisina mo. At naka-lock pa talaga! Argh! Buwisit ka!"
Tatampalin niya sana ito sa pisngi pero napigilan nito ang kamay niya.
"Ako nga ang dapat magalit, eh. Nakikipaghawak-kamay ka sa ibang lalaki—"
"Buwisit ka!"
"At wala kang karapatang tawagin akong buwisit." Nagtatagis ang mga bagang nito. "Ikaw ang nanloko sa 'kin, 'tapos ako ngayon ang pagbibintangan mo? Now that's just plain bullshit!"
Sisigawan niya uli sana si Lysander katugon ng pagsigaw nito sa kanya nang biglang may sumigid na kirot na gilid ng tiyan niya.
Napangiwi siya at napaigik. "Aray..." Sinapo niya ang gilid ng tiyan, saka hindi maipinta ang mukhang napatingin siya kay Lysander na gumuhit ang pag-aalala sa mukha. "Boss... ang sakit..."
"Fuck!" pagmumura ni Lysander, saka mabilis siyang pinangko. Lumabas sila ng restroom na buhat-buhat siya nito.
"Kasalanan mo 'to, Boss," paninisi niya sa lalaki habang nakasakay sila sa elevator. Panay ang igik niya dahil sa sakit na sumisigid sa gilid ng tiyan niya. "Kasalanan mo 'to. Ini-stress mo kasi ako!"
"Oo na, kasalanan ko na," sabi ni Lysander, saka lumabas ng elevator.
Pinagtitinginan sila ng mga tao at mga empleyado na nasa lobby pero pareho silang walang pakialam. Mabilis itong lumabas ng gusali, saka mabilis din siyang naisakay sa kotse nito at pinaharurot 'yon patungo sa kung saan.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya kay Lysander habang sapo pa rin ang gilid ng tiyan.
"Sa ospital ni Krisz," sabi nito habang ekspertong nagmamaneho. "Mga high tech ang kagamitan nila roon. Masusuri ka at si baby nang mabuti."
Nalukot ang mukha ni Jergen nang may sumigid ulit na kirot. Ngayon ay sa tagiliran naman niya. "Shit!" Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling magreklamo sa sobrang sakit. "Araaaayyy! Lysaaaander! Masakit!"
"Malapit na tayo, baby," malambing nitong sabi.
Pinukol na naman niya ito ng tingin. "So what? Baby mo na naman ako? Hindi ka na first name basis tulad kanina?" Napaigik na naman siya. "So balik tayo sa endearment, ganoon?"
Napabuntong-hininga ito, saka sinulyapan siya. "Galit lang naman ako kanina pero dalawa lang naman ang baby ko, eh," sabi nito, saka huminga nang malalim. "Ikaw at ang baby sa sinapupunan mo."
Parang tumalon ang puso niya pero para itago ang kilig na nararamdaman, inirapan niya ito. "Buwisit ka, Boss."
"I know," sabi nito, kapagkuwan ay ipinarada ang kotse sa harap ng Romero's Hospital Main Branch. "Were here."
Tulad kanina, pinangko na naman siya ni Lysander papasok sa emergency room at nagpa-panic na kinausap ang nurse na sumalubong sa kanila. "Where's the fucking doctor? I have an emergency here!"
Agad silang iginiya ng nurse patungo sa bakanteng higaan. "Tatawagin ko lang ang doktor, Sir, Ma'am," paalam nito.
At nang bumalik ang nurse, may kasama na itong lalaking doktor. Akmang hahawakan siya ng doktor nang pigilan ito ni Lysander sa pupulsuhan habang madilim ang mukha.
"Don't you dare touch my wife if you don't want to be a patient, Doc."
"Sir, I am the resident doctor here—"
"I don't care. Call Dra. Krisz Wolkzbin or any female doctor that you have," sabi ni Lysander. "My wife is pregnant."
Dahil siguro sa dilim ng mukha ni Lysander at sa talim ng mga mata nito, umatras ang doktor at tumango. "Tatawagin ko na si Dra. Stroam."
Akmang sisinghalan niya si Lysander dahil pinapairal na naman nito ang ka-weird-ohan nang sumakit na naman ang tiyan niya.
"Shit!" mura niya.
Akmang mumurahin niya si Lysander kasi pinaalis nito ang doktor na dapat titingin sa kanya nang may dumating na babae.
"Hey, Lysander," sabi ng doktora na mukhang kilala ang asawa niya, saka bumaling sa kanya. Pamilyar ang boses nito sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan niya narinig. "Ilang buwan ka nang buntis, Misis?"
Natigilan si Jergen at nahihiyang nag-iwas ng tingin. "Hindi ko pa alam. Nalaman ko palang noong isang araw—"
"At itinago niya sa 'kin," pagtatapos ni Lysander sa iba pa niyang sasabihin.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Huwag ka ngang sumabad diyan!"
Mahinang natawa ang doktora. "Hay naku, buntis ka nga. Katulad na katulad mo ako kapag buntis, palagi akong inis sa asawa ko. Napakadali kong mabuwisit." Napailing-iling ito. "Anyway, we have to run some test to make sure."
Sabay silang tumango ni Lysander.
"Do it, Doc," sabi ni Lysander.
Nginitian siya ng doktora, saka dinala sa isang kuwarto na puno ng high tech na kagamitan. Doon isinagawa ang mga test. Pagkatapos ng ilang test, natapos din 'yon at kinausap sila ng doktora.
"Wala namang masyadong nakakabahala sa test results," panimula nito. "Medyo bawas lang sa stress at sa pagtatrabaho. You need to rest, Misis. Kaya sumakit ang tiyan mo dahil sa sobrang stress. Nakakasama kay baby ang stress kaya iwasan mo 'yon. Lalo na't hindi masyadong malakas ang kapit ni baby. Hindi ko naman isina-suggest na mag-ala imbalido ka sa bahay n'yo, basta huwag lang too much na paggalaw. At kung may trabaho ka ngayon, I suggest you take a vacation, a very long vacation from work. Because if you don't, si baby ang magsa-suffer."
Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan, saka hinaplos iyon. "Okay lang ba siya, Doc?"
"For now, yes," sagot ng doktora. "But if you continue working and stressing yourself out, the baby will not be okay." May iniabot itong reseta sa kanya. "Those are vitamins for you and for the baby. May gamot din diyan para mas kumapit pa si baby sa 'yo." Ngumiti ito. "Ingatan mo si baby, okay? And after two weeks, pumunta ka sa clinic ko." Nagbigay ito ng business card sa kanya. "Itse-check natin after two weeks ang lagay ni baby."
Tumango si Jergen, saka ngumiti. "Salamat, Doc."
Ngumiti rin ito. "Sige, ingat kayo. And it's nice to see you walking straight. Akala ko ilang buwan kang maiimbalido dahil sa lacerations mo."
Namilog ang mga mata niya kasabay ng pamumula ng pisngi. "Doc?"
Dra. Stroam grinned. "I was the one who check up on you that day... So, ahm, don't mind me."
Nag-init ang buo niyang mukha. "Ahm, ahm, ano kasi..." Hindi niya alam ang sasabihin.
Kinindatan siya ng doktora. "Don't be embarrassed. You should be proud. I am," sabi nito na nagmamalaki. "I'm proud to say that my husband is big and long." Mahina itong tumawa. "See yah after two weeks, Mr. And Mrs. Callahan."
Namumula pa rin ang pisngi ni Jergen hanggang sa lumabas sila ni Lysander ng ospital. Nang makasakay sila sa kotse, humarap sa kanya ang asawa.
"That's it," sabi nito. "You're taking a leave from work."
Hindi na siya umangal at tumango na lang. "Sige. Para kay baby."
Tumango ito. "Ako muna ang bahala sa opisina."
Umingos siya. "Kaya mo kaya, eh, tamad ka."
"For you and for our baby, I'll try to be as hardworking as you." He gave her a small smile. "Okay?"
Matiim niya itong tinitigan, saka tumango. "Okay. But an answer me first."
Kumunot ang noo nito. "What?"
"Isa ito sa dahilan ng stress ko. Palagi itong laman ng isip ko at gulong-gulo na ako. Pero ayoko namang mag-assume at wala akong tapang na itanong ito sa 'yo pero kasi nadadamay na si baby. Okay lang noon kasi ako lang iyong nai-stress pero iba na ngayon. Dalawa na kami at kailangan ko siyang alagaan nang mabuti. Kaya ayoko nang makipaghulaan sa 'yo, ayoko nang makipaglaro ng Madam Auring sa 'yo. Ayoko nang mag-isip ng kung ano-ano tuwing may ginagawa kang nakakapagpatibok nang mabilis sa puso ko. At ayoko na ring palagi akong nag-a-assume. Kaya ngayon, sagutin mo ako."
Sinalubong ni Lysander ang matiim niyang tingin. "Ask me, Jergen."
Huminga siya nang malalim. "Yes or no, Lysander. Mahal mo ba ako?"
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top