CHAPTER 19

CHAPTER 19

HABANG kumakain si Jergen, nagtitimpla naman ng gatas niya si Lysander. Magana siyang kumain ng tocino at kanin. Nakakailang balik na siya sa rice cooker dahil sarap na sarap siya sa ulam niya. It was weird though. Hindi naman niya paborito ang tocino.

"Inumin mo na." Inilapag nito ang isang basong gatas sa tabi ng pinggan niya. "Gusto mo pa ng kanin?"

Umiling siya. "Okay na ako. Busog na ako." Kinuha niya ang baso, saka inilapit iyon sa bibig niya.

Hindi niya maiwasang mapangiwi nang maamoy ang amoy ng gatas na nanuot sa ilong niya. Mabilis niya iyong idinistansiya sa mukha niya.

"Yuck!" Hindi maipinta ang mukha ni Jergen, saka inilapag ang baso sa mesa. "Ano bang gatas 'yan?" kunot ang noong tanong niya kay Lysander na nagtatakang nakatingin sa kanya. "Iba ba ang gatas na tinimpla mo?"

Nakakunot na umiling si Lysander. "No. The same milk brand."

Agad siyang nag-iwas ng tingin nang pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Doc. Krisz. Mag-iiba ang panlasa niya.

Siguro ito ang sinasabi ni Dra. Krisz na pag-iiba ng panlasa sa pagkain. Shit!

Isinandal niya ang katawan sa likod ng upuan, saka napatitig sa pinggan. Ganito ba talaga kapag buntis? Tiyak na mapapansin ni Lysander ang pagbabago ng panlasa niya. If she knew Lysander too well, he knew her too well too. Limang taon na silang magkasama bilang boss at sekretarya kaya kilala na nila ang isa't isa.

"Hey!" Nakarinig siya ng pagpitik ng daliri. "Earth to my baby. Are you okay?"

Napakurap-kurap si Jergen at napatingin kay Lysander na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. "Ano'ng sabi mo?"

Lalong lumalim ang gatla sa noo nito. "Ayos ka lang ba? Dapat na ba akong mag-alala?"

Mabilis siyang umiling. "Ayos lang ako." Pilit siyang ngumiti. "I just need to go back to my condo."

"Go back to your condo?" gagad ni Lysander at nagdilim ang mukha. "Bakit?"

"Kasi doon naman talaga ako nakatira," sabi niya, saka uminom ng tubig at tumingin kay Lysander. "Boss, don't you think it's weird na dito ako nakatira sa 'yo—"

"Asawa kita. Walang weird do'n." He was gritting his teeth.

Bumuga siya ng marahas na hangin. "Lysander, hindi mababago ng kasal natin ang relasyon nating dalawa." Itinuro niya ang sarili. "Ako ang sekretarya mo at ikaw ang boss ko. Nakatira ako sa condo, ikaw naman dito. Oo nga at kasal na tayo pero wala namang patunay, 'di ba? Sa mata ng pamilya ko, oo, kasal tayo pero sa mata ng ibang tao, hindi. Kaya pauwiin mo na lang ako. Saka hindi ka na makakadala ng ibang babae dito kapag dito ako nanatili sa bahay mo." Parang may kumurot sa puso niya sa huli niyang sinabi.

Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ni Lysander pagkatapos niyang magsalita. "So you want to go back to the way we were?"

Parang may pumiga sa puso ni Jergen sa isiping babalik sila sa dati ni Lysander pero tumango siya. Hangga't hindi naayos ang relasyon nilang dalawa, mas makakabuting sa condo niya siya tumira. Hangga't hindi nito sinasabing mahal siya nito, hindi siya titira sa bahay nito kahit pa nga gusto rin niya.

Living in with Lysander would just make everything more complicated than before. And having his baby? More complicated than ever.

"Lysander, intindihin mo naman ako. Wala namang magbabago. Doon lang ako titira sa condo ko—"

"Fine," putol nito sa iba pa niyang sasabihin, saka walang emosyong ang mga matang tumingin sa kanya. "Gusto mong doon tumira sa condo mo, okay lang sa 'kin, basta maghanap ka na rin ng bago mong trabaho."

Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata niya. "Lysander! You're being unfair!" Hindi niya napigilang sigawan ito.

And Lysander just shrugged. "You want to stay as my secretary, you stay here in my house. Kung gusto mo namang umalis sa bahay ko, umalis ka rin bilang sekretarya ko."

Hindi siya makapaniwalang napatitig kay Lysander. He couldn't do this to her! But she knew that he could! He owned the freaking company! At nasisiguro niyang mahihirapan siyang maghanap ng trabaho na kasinlaki ang sahod ng sahod niya ngayon. It was a battle out there, applying for a job. And it would be very hard to win that battle.

Napaupo siya sa iniwang upuan, saka nagbaba ng tingin sa pinggan.

"Jergen—"

"Why?" Nag-angat siya rito ng tingin. "Bakit mo ba sa 'kin ginagawa to? Why are you blackmailing me like this? Ano ba ang mapapala mo kung mananatili ako rito sa bahay mo?"

"Because you're my wife, Jergen! May diin ang bawat salitang binibitawan nito. "And this is now your house so you're staying." He looked deep into her eyes. "You're mine, and I always takes care of what's mine."

Tumalim ang mga mata niya. "Palagi ka na lang mine nang mine, eh, mas ginugulo n'on ang isip ko!" Hindi niya mapigilan ang sariling mapasigaw. "Alam mo, Lysander, gulong-gulong na ako sa kaka-mine mo kasi palagi akong nagiging assuming." Nanghahamon na tumingin siya sa mga mata nito. "Sige nga, Lysander, sabihin mo ngayon sa 'kin kung ano mo ba talaga ako? Sekretarya ba, asawa, isang bagay na puwedeng angkinin o parausan? Mamili ka sa apat na 'yon kasi kapag hindi ka pa nagsalita diyan, talagang itong tinidor na 'to, itatarak ko 'to sa lalamunan mo—"

"You're my wife, Jergen." His face softened. "Please, stay..."

Parang may humaplos sa puso niya habang nakatitig dito dahilan para mapatango siya. "O-Okay... I'll stay."

Tumango si Lysander, saka iniwan siya sa kusina. Siya naman ay napabuga ng marahas na hininga at napailing-iling.

Ano na ang gagawin niya ngayon. Mananatili siya rito bilang asawa ni Lysander.

Napasabunot siya sa sariling buhok.

Bakit naman kasi ang komplikado ng lahat?



MASAMA ang mood ni Jergen. Hanggang kasi sa sumapit ang oras para matulog, hindi siya kinibo ni Lysander. Nanatili itong tahimik habang inaayos ang kamang tutulugan nila. At nang maayos na, padapa itong nahiga sa kanang bahagi ng kama at hindi siya pinansin.

Napabuntong-hininga na lang siya habang nakatitig sa lalaki.

Mukhang nagtatampo ang loko.

Napailing-iling siya, saka naglakad palapit sa study table nito. Umupo siya roon at binuksan ang laptop nito. At dahil alam niya ang password niyon, madali niya iyong nabuksan at binuksan ang emails nito. Gawain na niya iyon dahil tamad talaga si Lysander na magbukas at magbasa ng emails.

Nang mabuksan lahat ng unread emails, ginawa niya ang ibang reports na hinihingi sa emails galing sa isang sister company ng Callahan Real Estate na isang construction firm. Alam naman niya ang mga data na hinihingi kaya madali lang para sa kanya na gawin 'yon.

Hindi namalayan ang oras nang matapos siyang gumawa ng reports. Nang mag-angat siya sa relong pambisig, mahina siyang napamura nang makitang maghahatinggabi na.

Si baby! impit niyang sigaw sa isip. Bawal yata sa buntis ang nagpupuyat. Shit naman, o!

Nagmamadali siyang nahiga sa kama at nagkumot hanggang baywang. Ipinikit niya ang mga mata at akmang pipilitin ang sarili na makatulog nang marinig niya ang boses ni Lysander.

"Does your back hurt?"

Natigilan siya at mabilis na nagmulat ng tingin, saka binalingan ang katabi. "Gising ka pa?"

Sa halip na sumagot, bumangon ito at umupo sa kama, saka kinuha ang kamay niya at minasahe iyon. "You're always working, baby. Hindi ako makakatulog knowing na nagtatrabaho ka kaya hinintay na lang kitang matapos bago kausapin kaysa istorbuhin kita. Alam ko namang hindi ka titigil hangga't hindi ka pa natatapos sa ginagawa mo."

Parang may humaplos sa puso niya at kinilig 'yon. "Ayos lang ako, Lysander."

Binitawan nito ang kamay niya, saka dumako naman ang kamay sa balikat niya at masuyo siyang minasahe ro'n.

Hindi mapigilan ni Jergen na mahinang mapadaing habang minamasahe siya ni Lysander sa balikat pataas sa may leeg. Pero natigilan siya nang may lumapat na malambot na bagay sa mga labi niya. Mabilis niyang iminulat ang mga mata at nagtama ang tingin nila ni Lysander.

"Lysander..." pabulong niyang sambit sa pangalan nito.

Ginawaran siya uli nito ng halik sa mga labi, saka bumulong. "Bati na tayo," ungot nito, saka ipinagdikit ang ilong nilang dalawa at hinalikan siya uli sa mga labi. "Hindi ako makatulog kasi magkagalit tayo, eh."

Kinunotan niya ito ng noo. "Hindi naman ako galit, ikaw itong hindi namamansin. Hindi mo nga ako kinakausap, 'di ba?"

"I'm sorry." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Forgive me? I was just irritated. At ayokong kausapin ka kapag galit ako baka ano pa'ng masabi mo at masaktan kita."

Sumikdo ang puso niya. "Ayaw mo akong masaktan?"

Tumango ito. "I can't bear to see you hurt because of me." Masuyo itong ngumiti habang hinahaplos ang pisngi niya. "At hindi rin ako mapakali kapag nagkakasagutan tayo."

Masuyo siyang ngumiti, saka sinapo ang mukha nito. Hinaplos niya ang pisngi nito habang titig na titig siya rito. "Lysander, normal lang naman na magsagutan, eh. At saka hindi mo naman maiiwasang hindi ako saktan. Hindi mo hawak 'yon."

"Hanggang kaya ko, iiwasan ko. Ayokong masaktan ka nang dahil sa 'kin." Napabuntong-hininga ito. "Marami na akong babaeng nasaktan, baby, at ayokong maging isa ka sa kanila. Hindi kita sasaktan kasi hindi ko kaya, alam ko kasing mas doble ang sakit na mararamdaman ko kapag sinaktan kita. I don't want to see you cry, baby, and I don't want to see you in pain. So I'm really sorry if I had hurt you in some ways that I didn't know about. Masyado kang mahalaga ka sa 'kin para saktan ko."

Nilukob ng kasiyahan ang puso ni Jergen. "Salamat." Nginitian niya ito. "Mahalaga ka rin sa 'kin, Lysander. Kaya ayokong nag-aaway tayo, hindi ako mapakali. 'Buti na lang kinausap mo na ako ngayon."

"Ikaw pa, eh, malakas ka sa 'kin."

Sumikdo nang mabilis ang puso niya. "Malakas ka rin naman sa 'kin, eh. Kaya patas lang tayo."

Lysander chuckled then kissed her forehead. "Sige, magpahinga ka na." He kissed her lips. "Good night, baby... Sleep well."

Nakangiting tumango si Jergen. "I will." Dumukwang siya para gawaran ito ng halik sa mga labi. "Good night, boss, sleep well too."

Nahiga na sa tabi niya si Lysander. Siya naman ay ipinikit na ang mga mata. Akala niya ay nakatulog na ang katabi nang marinig niya itong magsalita.

"I actually hate at the same time like it when you call me boss, baby," pabulong nitong sabi. "Because I know I'm the only boss you have. Just me. No other. Only me."

Napangiti siya habang nakapikit ang mga mata. "And I won't have any other boss but you." Kapagkuwan ay dinagdagan niya iyon. "Saan pa ako makakahanap ng boss na tamad na weird pa. Ikaw lang."

Mahina itong natawa, saka yumakap sa baywang niya at pinagsiksikan ang katawan sa katawan niya. "Good night, baby."

She answered back. "Good night, boss."

"Hmm... boss... I like it."

"I like you calling me baby too, Boss."

Nahigit ni Jergen ang hininga nang ipinasok ni Lysander sa pang-itaas niyang damit ang kamay nito, saka sinapo ang isa niyang dibdib kapagkuwan ay bumulong.

"Good night..." he whispered, his hand still on her breast.

Napailing na lang siya, saka hinayaan ito. Umayos siya ng higa at inayos ang kumot sa katawan, saka hinayaan ang antok na lamunin siya.



MAAGANG nagising si Jergen kinabukasan. Gumalaw siya na parang tulad lang noon, naligo siya at naghanda para sa pagpasok sa opisina. Pagkatapos ay pumunta siya sa kusina at nagluto ng agahan.

Nasa kalagitnaan siya ng paglagay ng bawang para sa lulutuin niyang fried rice nang maamoy niya ang mabaho niyong amoy.

Nabitawan niya ang platito na may lamang bawang. Sinapo niya ang bibig at mabilis na tumakbo sa pinakamalapit na lababo, saka doon sumuka. Napahawak pa siya sa gilid ng lababo habang nagduduwal siya nang nagduduwal.

Inis niyang pinikit ang mga mata nang patuloy siyang nagduduwal sa lababo. Natigilan lang siya nang maramdamang may humagod sa likod niya.

She knew it was Lysander.

Mabilis siyang nagmumog, saka tumayo nang tuwid at parang hinihingal na humarap kay Lysander. "Hey... morning."

Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Baby, ano ba ang nangyayari sa 'yo? Ayos ka lang ba?"

Bumuka ang bibig ni Jergen para sumagot pero nagsalita uli si Lysander.

"And don't lie to me," dagdag nito.

Itinikom niya ang bibig, huminga nang malalim, saka nagsalita. "Ayos lang ako, wala akong sakit."

Lysander narrowed his eyes on her. "Don't lie to me, Jergen."

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi naman ako nagsisinungaling—"

"You're lying to me, baby, and I wanna know why."

Napabuntong-hininga siya, saka bumuga ng marahas na hininga. "Lysander, please, kailangan ko nang pumasok sa opisina. Tiyak marami akong tatrabahuhin do'n."

Akmang lalampasan niya ang lalaki nang pinigilan siya nito sa braso, saka niyakap siya sa baywang at hinapit palapit.

"Lysander—"

"Don't lie to me, baby," sabi ni Lysander, ang mga labi nila ay ilang dangkal lang ang layo. "Huwag mo akong gawing tanga. Oo nga at tamad ako pero hindi naman ako bobo."

Nag-iwas siya ng tingin. "Lysander, naman—"

"Tell me the truth." May diin ang boses nito. "Huwag kang magsisinungaling sa 'kin, Jergen."

Hindi siya makatingin nang deretso rito. "Wala akong sakit, Lysander." Pilit siyang kumawala sa pagkakayakap nito pero hindi siya nito hinahayaan. "Lysander, ano ba!"

Hinawakan nito ang baba niya, saka pilit na pinatingin siya sa mukha nito para magtama ang mga mata nila. "Yes or no, Jergen. Buntis ka ba?"

Namilog ang mga mata niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. "A-ano bang..." Hindi niya matapos ang sasabihin dahil sa kabang nararamdaman. "A-ano b-ba ang... A-ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"

Napabuntong-hininga si Lysander, saka napailing-iling. "Krisz didn't told me, his husband, Train, did." Tumiim ang mga bagang nito. "Nakatanggap ako ng tawag mula kay Train ngayon lang at kino-congratulate niya ako." Malamig itong ngumiti. "Buntis daw kasi ang asawa ko at dapat akong magpainom." Mapakla itong tumawa. "Imagine my surprise."

Nagbaba si Jergen ng tingin. Kinakain ng konsiyensiya ang puso niya. "I'm sorry, Lysander."

"Not accepted." Pagkasabi niyon ay iniwan siya nito sa kusina.

Gustong kutusan ni Jergen ang sarili. Galit si Lysander at kasalanan niya kasi nagsinungaling siya rito.

Ang gaga kasi niya. Bakit ba kasi niya itinago.

Tinampal niya ang noo. "Ang gaga mo kasi!" sabi niya sa sarili, saka napaupo sa upuan ng hapagkainan. "Shit ka talaga, Jergen! Shit ka! Ang gaga mo! Nagsinungaling ka pa kasi, eh. Buwisit ka! Ang arte mo kasi! Argh!"

Pagkatapos tampalin ang sariling noo ng ilang beses, umalis siya ng kusina, saka napagdesisyunang pumasok na lang sa opisina kahit hindi pa nag-aagahan. Pero dadaan muna siya sa salon para mawala ang inis na nararamdaman niya para sa sarili. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top