CHAPTER 16

CHAPTER 16

HINDI ALAM ni Jergen kung paano pakikitunguhan ang mga magulang ni Lysander. Sa limang taong pagtatrabaho niya kasi sa boss niya, isang beses palang niyang nakita ang mga magulang nito. Pasko noon at binisita ng mga ito si Lysander. Noong mga panahong 'yon, pormal ang usapan nila dahil siya ang sekretarya ni Lysander. Pero ngayon, iba na ang relasyon nila ng boss niya.

She wasn't just his secretary anymore. She was his wife for goodness' sake!

Ang dami niyang katanungan sa isip. Tatanggapin ba siya ng mga ito? Aayawan ba dahil sa estado nila sa buhay? Mamaliitin ba siya? Irerespeto ba ng mga ito ang mga magulang niya?

Kanina nang dumating ang mga ito, tumakbo siya patungo sa kuwarto para mag-ayos ng sarili. At mula noon ay hindi pa siya lumalabas kasi kinakabahan siya, kaya nga sinundo na siya ni Lysander.

Humugot siya ng malalim na hininga, saka natigilan nang maramdamang may humawak sa kamay niya at pinisil 'yon.

"Baby, relax," sabi ni Lysander na nakaupo sa gilid ng kama, sa tabi niya. "They'll love you."

Humaplos ang isang kamay nito sa hita niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang kiliti na bumiyahe patungo sa pagkababae niya. Pinilit niya ang sarili na walang maramdaman dahil sa pasimpleng paghaplos ng kamay ni Lysander.

"Paano kung ayaw nila sa 'kin?" kapagkuwan ay tanong niya. "Ipapa-annul mo na ba itong kasal natin?"

Inilapit nito ang mukha sa mukha niya, saka masuyo siyang hinalikan sa mga labi bago sumagot. "They will love you and if they don't, who cares?" He kissed her chin. "Ako naman ang makakasama mo, hindi naman sila. So no, I won't annul our marriage." He kissed her neck, sending tingles down her belly. "I'm still having fun, baby."

Napalunok si Jergen dahil sa kiliting nararamdaman ng katawan niya. Simpleng paggapang lang ng kamay iyon at halik ni Lysander pero nararamdaman niyang parang nababasa ang pagkababae niya.

Huminga siya nang malalim, saka tumayo. Baka kapag nagtagal sila roon ay kung saan mauwi ang mga paghawak at paghalik nito. Kilala niya ang sarili, tiyak na bibigay na naman siya. Hindi naman niya yata kayang humindi kay Lysander pagdating sa bagay na 'yon.

"Halika na," yaya niya.

Pinagsalikop ni Lysander ang kamay nila, saka hinalilan siya sa mga labi. "You look beautiful."

Inirapan niya ito para itago ang pamumula ng pisngi. "Sige, mambola ka pa."

Nginitian lang siya ni Lysander, saka hinila siya palabas ng kuwarto. Pareho silang walang imik habang naglalakad patungo sa sala. Nang makarating do'n parang sasabog sa sobrang kaba ang dibdib niya.

Jergen didn't know why but she wanted Lysander's parents to like her. Kahit wala namang kasiguruhan kung magtatagal itong pagiging mag-asawa nila ni Lysander.

"Hello po, Ma'am, Sir," bati niya sa mga magulang ni Lysander na nakaupo sa sofa habang nakangiti.

"Hi, Jergen," sabi ng ama ni Lysander, saka tipid siyang nginitian. "Kumusta ka na?"

"Maayos naman po," magalang siyang sagot. "Kayo po? Kumusta po ang Seattle?"

"Ayos lang din," nakangiting sagot ng ama ni Lysander. "Hayun, Seattle pa rin. Gusto nga namin na mag-migrate na itong si Lysander at sumama sa 'ming manirahan sa Seattle pero ayaw talaga niya." Nanunudyo ang ngiti nito. "Now I know why."

Hindi niya ipinakita ang gulat sa mukha niya. Ayaw ni Lysander at siya ang dahilan? O baka nag-a-assume lang naman siya?

Sa isiping baka nag-a-assume lang siya, ngumiti siya. "Siguradong tinamad lang ang anak n'yo, Sir."

Mahinang natawa si Lesandro. "Tamad nga 'yang anak ko. Kaya nakapagtatakang pinatulan mo, hija."

"Dad!" Sumama ang mukha ni Lysander.

Mahina namang natawa si Jergen. "Eh, sa tamad ka naman talaga kaya huwag kang magreklamo diyan."

Lalong sumama ang mukha ni Lysander. "Asawa kita, dapat panig ka sa 'kin."

Ngiting aso lang ang tinugon niya kay Lysander, saka bumaling sa ama nito. "Tamad po talaga yang anak n'yo, Sir—"

"Don't 'sir' me, hija," putol ni Lesandro sa iba pa niyang sasabihin. "It's 'Dad' now. Asawa ka na nang anak ko kaya 'Dad' na dapat ang tawag mo sa 'kin."

Naiilang na tumango siya. "S-sige po, D-Dad."

It was weird calling someone "Dad," lalo na't sanay siya sa simpleng "Tatay" na pagtawag. Mula bata pa siya, nakaukilkil na sa isip niya na kapag "Dad" o "Daddy" ang tawag ay mayaman. Kaya ngayon nakakailang kasi hindi naman siya sanay.

Napabaling siya sa ina ni Lysander na si Leah nang tumayo ito, saka nakangiting sinugod siya nito ng yakap na ikinagulat niya.

"Oh, Jergen." Lysander's mother sounded so delighted to see her. "It's nice to see you again, hija. And it's 'Mommy,' not 'Ma'am,'" pagtatama nito sa kanya, saka pinakawalan siya sa pagkakayakap at sinapo ang mukha niya. "Look how you grown! So beautiful." Sinuklay nito ang buhok niya gamit ang kamay. "And your hair! Still colorful, I see." Mas lumapad ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya, saka bumaling sa asawa nitong si Lesandro. "Kita mo, mahal, sabi nang itong dalawang 'to ang magkakatuluyan, eh. I just knew it!"

Tumikhim si Lysander. "Mom, she still doesn't know."

Sabay silang napabaling kay Lysander. Nagtatanong ang mga mata niya samantalang nakataas naman ang kilay ng ina nito.

"Ano ang hindi ko alam?" tanong niya kay Lysander.

Tumikhim si Lysander, saka nag-iwas ng tingin. "It's nothing important." Tumingin ito sa ina. "Anyway, Mom, Dad, thanks for coming in short notice."

"No worries, son," sabi ni Lesandro.

Ngumiti naman si Leah. "Oo naman. Matagal ko nang hinihintay 'to." Pinisil nito ang kamay niya, saka bumalik sa pagkakaupo sa sofa, katabi ng asawa nito. Bumaling ito sa mga magulang niyang nakaupo sa magkatabing pang-isahang sofa. "Balae, iyong tungkol pala sa pinag-uusapan nating simpleng salusalo sana. Ayos lang ba na dito ganapin sa bahay n'yo? Para kasing hassle masyado kung sa Maynila pa, eh, nandito lang din naman kami."

Agad na tumango ang ina niyang nakangiti. "Oo naman, balae. Ayos lang. Tutulong din ako sa pagluluto para mapadali ang lahat. Ayoko kasi nang bumibili sa labas kung kaya ko namang lutuin."

"Ay, gusto ko 'yan." Nagliwanag ang mukha ng ina niya Lysander. "Halika na, balae, magluto na tayo. Na-miss ko na rin ang magluto." Pumalakpak pa ito, halatang excited. "Na-excite ako bigla."

Ngumiti ang kanyang ina. Halata ang kasiyahan sa mukha nito habang iginigiya ang ina ni Lysander patungo sa kusina. Ang ama naman niya ay inaya ang ama ni Lysander patungo sa labas ng bahay para daw mamasyal at makasagap ng sariwang hangin.

Nang maiwan sila ni Lysander sa sala, nagkatinginan sila.

"See?" He smiled. "They love you."

When will you love me? Nag-iwas siya ng tingin nang pumasok sa isip niya ang katanungang iyon na dapat hindi niya iniisip.

They do love me, but what about you? Gusto niyang itanong iyon pero hindi niya magawa. Nawawala ang tapang niya kung ang bagay na 'yon ang pag-uusapan.

Kaya naman ay huminga na lang siya nang malalim at iniba ang usapan. "Paano pala nalaman ng mga magulang mo na ikinasal tayo? Alam ba nilang sapilitan 'yon?"

"I called them," sagot ni Lysander, saka mas inilapit pa ang katawan sa kanya. "Why are you asking?"

"Wala naman." Simple siyang napalunok nang magdikit ang katawan nila at maramdaman niya ang pagkalalaki nito na buhay na buhay. "N-nagtataka lang ako." Hindi niya mapigilang mautal. Ang bilis kasi ng tibok ng puso niya.

Iniyakap ni Lysander ang mga braso sa baywang niya, saka masuyong idinampi ang mga labi sa pisngi niya patungo sa tainga niya dahilan para maramdaman niya ang pamilyar na kiliti na bumiyahe pababa sa kanyang puson.

God! This man is really a temptation at its finest!

"Lysander." Bahagya niya itong itinulak. "Nasa sala tayo."

"So?" He bit her earlobe. "We can go to your room."

Nagsimula nang mag-init ang katawan niya. "Lysander, magtigil ka."

He licked the edge of her ear then his lips traveled down to her neck. "Come on, baby, just a quickie."

Namula ang pisngi niya. Quickie? Ano 'yon, madalian? Ayaw niya ng quickie.

Handa na siyang tanggihan ito at itulak kahit pa nga nadadarang na rin siya nang bigla na lang may pumasok na limang kalalakihan sa loob ng bahay nila, saka sabay-sabay na sumigaw.

"Welcome to Tyron's Gang, lunatic!"

Parang napasong bigla siyang humiwalay kay Lysander, saka napatingin sa mga lalaki. Kumunot ang noo niya nang makilala ang mga kaibigang 'yon ni Lysander, maliban sa isang kasama ng mga ito ngayon.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" halos sabay nilang tanong ni Lysander.

It was Khairro who answered. "I miss my baby." Kinindatan siya nito. "Jergen, hi, babe."

Agad na nagdilim ang mukha ni Lysander. "Try calling my wife babe again, I'll beat the shit out of you, Sanford."

A smug smirk crept into Khairro's lips. "Callahan, may I remind you that I'm a military man?"

Bago pa makasagot si Lysander, namagitan na si Andrius. "Don't answer, Ly," sabi nito at pinandilatan si Khairro. "Ikaw naman, huwag kang epal. Ako ang sasapak sa 'yo."

Nanatili ang ngisi sa mga labi ni Khairro. "Come on, Dri. Huwag mong sabihing hindi masarap asarin ngayon si Callahan?"

Bumaling sa kanilang dalawa si Andrius, kapagkuwan ay nanunudyong ngumiti. "Yeah, mukhang masarap silang asarin ngayon."

Napailing-iling na lang si Lysander. "Ano ba ang ginagawa n'yo rito?"

"Hinanap ka namin." Si Thorn, the chef ang sumagot. "Naka-lock kasi ang barn, 'tapos hihiramin sana namin ang susi. Naka-lock naman ang bahay mo. Kaya naman nagpauto kami kay Shun. Pinagbayad lang naman niya kami nang malaki mahanap ka lang."

"Eh, bakit kayo nagpauto?" tanong ni Lysander na hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Eh, kasi hihiramin nga namin ang susi sa barn mo," sagot ng lalaking hindi pamilyar sa kanya. Nakasuot ito ng dark sunglasses, ang buhok ay naka-top knot, nakasuot ng leather jacket at maangas ang dating. Kulang na lang sigarilyo para matawag itong bad boy.

"Wow." Lysander looked amazed as he looked at the man with a top knot hair. "Nasunog ba ang bahay mo sa Baguio kaya ka narito?"

"Nope. I'm just bored," sagot naman ng lalaki.

"Come on, Phoenix. You love Baguio so much." Namulsa si Lysander habang ini-interrogate ang lalaking nagngangalang Phoenix. "Bakit nasa Maynila ka? At sa barn ko pa?"

Phoenix rolled his eyes then sighed in defeat. "I need a place to stay. Wala sa port ang yacht ni Titu. At dahil kaibigan naman kita, napagdesisyunan kong sa barn mo na lang matulog."

Napapantastikuhang napatitig si Lysander kay Phoenix. "Bud, maraming hotel sa Manila."

"I hate hotels."

"Sabihin mo, kuripot ka lang talaga," sabad ni Thorn sa usapan ng dalawa.

"Yeah." Phoenix took off his dark sunglasses showing his tantalizing gray eyes. "That too."

Lysander shook his head. "You are unbelievable, Phoenix."

"Yes, I can make unbelievable things happen." Phoenix said in a smug voice. "Now, can we eat?"

Kumunot ang noo ni Lysander. "Bakit?"

"Actually..." It was Khairro. "We came here to ask for the key to your barn, pero nakasalubong namin sa labas ang daddy mo at siyempre kasi nga hindi naman kami mga tsismoso, nagtanong kami at nalaman nga naming kasal na pala kayo." Gumihit ang malapad na ngiti sa labi nito. "So saan ang kainan? Nandito na lang din kami, eh."

Pinukol ni Lysander ng masamang tingin ang mga kaibigan. "Magsilayas nga kayo." Lumapit sa kanya ang asawa, saka ipinulupot ang braso sa baywang niya. "Iniistorbo n'yo kami ng asawa ko."

Nanunudyo ang ngiti sa mga labi ng kaibigan ni Lysander at mukhang alam na niya ang iniisip ng mga ito.

"You know..." Khairro grinned. "I always knew that Lysander, our buddy here." Iminuwestra nito ang kamay sa asawa niya. "Has hots for his secretary. Hindi lang niya maamin."

Sabay na tumango sina Thorn at Andrius. "Yeah."

Tumibok nang mabilis ang puso ni Jergen. Lysander had hots for her? Was that true?

"Shut up." Lysander hissed at Khairro.

And Khairro just grinned. "Dapat tumawag ka na kay Tyron, Callahan." He gave Lysander a knowing look. "Humingi ka ng advice. Kasi nasisiguro kong hindi mo iyan kaya pang pigilan." Tumaas ang sulok ng labi nito. "And I bet my delectable ass that you'd been slipping."

"Yes, he is," sabad ni Terron na kanina pa tahimik.

Phoenix tsked. "Hindi ko alam ang pinag-uusapan n'yo pero may narinig akong kasabihang ihi lang daw ang napipigilan. Kaya kung ano man 'yan, Callahan, ilabas mo na 'yan."

Naguguluhan si Jergen sa pinag-uusapan ng magkakaibigan. Ano ba ang pinipigilan ni Lysander? May kinalaman ba 'yon sa kanya?

"Dude..." Terron grimaced at Phoenix. "Really? Ihi talaga?"

"Yeah." Phoenix shrugged. "What's wrong with my saying? It is true, well, sort of."

Napailing-iling si Andrius. "Phoenix, for an engineer with a lot of patents under your name, you are not that genius sometimes."

Phoenix just shrugged. "The fact still remain that I have many to mention patents under my name." He smirked. "And that makes me a genius, Salazar."

"Whatever," Andrius murmured. "Smug face."

Lysander sighed heavily. "Magsilayas nga kayo. Ipapaitak ko kayo kay Tatay," pananakot nito sa mga kaibigan. "Naitak ako n'on kaya maiitak din kayo. Ayaw n'on sa mga pangit. Nuknukan pa naman kayo ng pangit kaya magsilayas na kayo."

Hindi mapigilan ni Jergen ang mahinang matawa sa sinabi ni Lysander. Ang lalaking 'to talaga, baliw rin, eh.

Akmang sasagot si Khairro nang pumasok sa kabahayan si Justine.

"Kuya Ly, puwedeng patulong uling magbilad ng palay?"

Sa halip na si Lysander ang sumagot, naunahan ito ni Terron. "Magbilad ng palay? Puwede kaming tumulong?"

Napatanga si Justine sa limang kalalakihng nasa harap nito. Isang tingin pa lang masasabi nang mayayaman ito pero gustong tumulong magbilad ng palay? Sino ang hindi mapapatanga?

"Come on, kid." Inililis ni Khairro ang polo hanggang sa siko. "Let us help. Hayaan mo muna 'yang Kuya Ly mo, bagong kasal, eh. Mga kaibigan niya kami."

Nag-aalangan man ang kapatid niya, tumango rin ito. "S-sige. Kung 'yan po ang gusto n'yo."

Isa-isang nagsilabasan ang mga kaibigan ni Lysander. Mukhang excited ang mga ito.

Napailing-iling si Jergen. Sino ang mag-aakala na magboboluntaryong magtanim ng palay ang mayayaman at kilalang businessmen sa buong bansa?

"They're all lunatics," sabi ni Lysander ng silang dalawa na lang sa sala.

"Yeah."

"At least they left."

Natigilan siya. "So?"

He moved to face her and claimed her lips softly, then he whispered. "So we can have some alone time together."

Napalunok si Jergen at hindi niya mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi. Darn this man. Akala niya ay napatay na niya ang init ng katawan kanina nang dumating ang mga kaibigan nito.

But it only took one kiss from Lysander to bring all the heat back. Damn. Was that even normal? Kasi pakiramdam niya nagiging abnormal na ang reaksiyon ng katawan niya simula noong una siyang halikan ni Lysander na gustong-gusto naman niya.

Maybe this is just hormones. Yup. Just hormones.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top