CHAPTER 12
CHAPTER 12
NANG MAKAPASOK si Jergen sa kuwarto niya, hindi pa siya nakakapagbihis ay inangkin na ni Lysander ang mga labi niya. Pinasandal siya nito sa pinto na nakasara, saka ito na ang naghubad sa nakapulupot na tuwalya sa katawan niya.
Matiim na tinitigan ni Lysander ang hubad niyang katawan, puno ng pagnanasa ang mga mata. "Damn, baby..." Agad na bumaba ang halik nito sa mayayaman niyang dibdib. He sucked her nipples inside her mouth and flicked it with his tongue.
Pinigilan niya ang sarili na mapaungol dahil katabi ng kuwarto niya ang kuwarto ng mga nakababata niyang kapatid. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mga daing na gustong lumabas sa mga labi niya.
His mouth on her nipples felt so good but she couldn't moan to show how pleasurable it felt for her. She had to contain her moan. Baka may marinig sa kanya.
Napasabunot siya sa buhok ni Lysander nang pinagsalit-salit nito ang pagsipsip sa nipples niya na lalong nagpabaliw sa diwa niya.
This is heaven...
Umawang ang mga labi ni Jergen at napatingala siya sa kisame habang abala ang mga labi ng lalaki sa dibdib niya. At nang salatin ng daliri nito ang hiyas ng pagkababae niya na nag-uumpisa nang Mabasa, lalo siyang nahibang sa sarap.
"Lysander..." Hindi niya mapigilan ang sarili, pabulong niyang inungol ang pangalan nito. "Oh, baby..."
Napaigtad siya at nahigit ang hininga nang dahan-dahang ipasok ni Lysander ang isang daliri sa loob niya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang sarap pero hindi niya magawa. Mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata at inindayog ang balakang kasabay ng bawat paglalabas-masok ng daliri nito sa pagkababae niya.
Pigil niya ang mapaungol kahit gusto niyang sumigaw na sa sarap. She couldn't believe that this would feel good after the laceration. Wala na ang sakit, sarap na lang ang nararamdaman niya.
May kumawala na ungol sa mga labi niya nang hugutin ni Lysander ang daliri sa loob niya. At nang pangkuin siya nito at ihiniga sa kama, hindi na naman niya napigilang mapadaing nang ipasok uli nito sa loob ng pagkababae niya ang dalawang daliring hinugot nito.
Lust filled her. She wanted to scream in pleasure. She wanted to moan to let go of the sensation, but she couldn't. Tinakpan niya na lang ang bibig gamit ang kamay, lalo na nang maramdamang lalabasan na siya.
The sensation... the pleasure... the tingling sensation on her belly... his fingers inside her... it was too much. Hindi na niya kayang pigilan 'yon, kaya bumaon na lang ang ngipin niya sa kanyang mga labi nang maramdaman niyang nilabasan na siya.
Hinihingal na bumagsak ang balakang niya sa kama. Agad siyang kinubabawan ni Lysander at hinalikan sa mga labi pababa sa leeg niya.
Nag-uumpisa na naman niyang maramdaman ang kakaibang kiliti sa kaibuturan nang biglang tumigil si Lysander sa ginagawang paghalik sa leeg niya, saka tumingin sa kanya.
"I can't do this."
Tumaas ang kilay niya. "Ha?"
"I can't do this." Ibinagsak nito ang katawan sa katawan niya, saka ibinaon ang mukha sa leeg niya. "Hindi ko kayang gawin 'to."
Kumunot ang noo niya. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"
Bumuntong-hininga ito, saka umalis sa pagkakakubabaw sa kanya at nahiga sa tabi niya. "Hindi ko kayang gawin 'to." Bumuga ito ng marahas na hininga, saka patagilid na humarap sa kanya. "I mean, maayos akong tinanggap ng pamilya mo rito sa bahay n'yo. Pinakain nila ako at hinayaan pa akong matulog dito. And this is how I repay them? By being unrespectful." He looked really bothered. "Ang gusto lang naman ng nanay mo ay respetuhin kita, at ang tatay mo naman ay huwag kang hawakan. Well, kaya ko iyong irespeto ka pero iyong hindi ka hawakan?"
Habang nagsasalita si Lysander ay nakatagilid din siya paharap rito, saka mataman itong tinititigan. "So, ano na ngayon?"
Hinagod siya nito ng puno ng pagnanasang tingin, saka marahas na umiling. "Dress up, baby."
Pigil niya ang mapangiti. "Talaga? iyon ang gusto mo? Magdamit ako?"
"Yes, no, I mean yes." Ipinikit nito ang mga mata. "Magbihis ka na. Hindi ako titingin para hindi ako maakit na hawakan at angkinin ka."
Nangingiting umalis si Jergen sa kama at mabilis na nagbihis ng simpleng sweatpants, saka spaghetti strap na sleeveless. Nang bumalik siya sa kama, saka lang nagmulat ng mga mata si Lysander na ikinatawa niya.
"Really?" Amusement danced in her eyes as she looked at him.
"What?" Dumukwang ito palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "I respect your parents, baby, that's why I'm trying to reign myself from seducing you. At siyempre, may respeto naman ako sa bahay n'yo. Hindi ko kayang angkinin ka habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko iyong mukha ng nanay at tatay mo. Nakokonsiyensiya ako. They trusted me to respect you and your house, so that's what I'm doing."
Parang may humaplos na kamay sa puso ni Jergem. Hindi niya akalain na may ganito palang side ang boss niyang tamad na nga, mahalay pa. Akala niya puro lang kahalayan ang laman ng isip nito, mayroon din pala itong konsiyensiya at respeto para sa iba.
She was thankful that he stopped though. Alam niya sa sarili na hindi niya kayang tanggihan ang lalaki kapag nag-umpisa na itong halikan siya pababa sa leeg niya. Nagiging marupok siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto nito kanya na kahit anong laban niya, nauuwi pa rin sa pagpayag niya ang lahat.
His lips had some kind of magic and she was under his spell every time he kissed her.
"Matulog na tayo," wika ni Lysander na pumukaw sa kanya.
Napakurap-kurap siya, saka tumuon ang tingin dito. "Matulog? Sige, bumalik ka na ro'n sa kuwarto ni Justine."
"Nope." Umayos ito ng higa, saka niyakap siya sa baywang at hinapit palapit. "Ang sabi ko hindi kita aangkinin ngayon gabi, pero hindi ko sinabing aalis ako sa kuwarto mo. Gusto kitang makatabing matulog, bahala na bukas kung ano'ng mangyayari."
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Paano kung itakin ka ni Tatay?"
"O, eh, di itakin niya." Hinalikan siya nito sa balikat, saka mas humigpit pa ang yakap sa kanya. "Kung ang itak ang kapalit para makatabi kang matulog, ayos lang, nakahanda ako."
Inirapan niya ito para itago ang kilig na nararamdaman. "Baka kapag nakita mo ang itak ni Tatay tumakbo ka."
Mahina itong natawa. "We'll see about that, baby. We'll see..."
Napailing-iling na lang si Jergen, saka ipinagsiksikan ang sarili kay Lysander. Iniyakap niya ang mga braso sa braso nitong nakayakap sa baywang niya. "Good night, Boss," bulong niya ng ipikit ang mga mata.
Lysander kissed her bare shoulder. "Good night, baby. Dream of me."
She smiled. "I won't."
Lysander chuckled. "You will."
Hindi na nakasagot pa si Jergen kay Lysander dahil nilamon na siya ng antok.
NAGISING KINAUMAGAHAN si Jergen na nakayakap pa rin sa baywang niya si Lysander at ang hita nito ay nakapulupot sa hita niya. Namula ang pisngi niya sa posisyon nilang dalawa.
Marahan niyang niyugyog ang balikat ni Lysander para gisingin ito. "Boss... Boss, gising na. Umaga na."
Umungol lang ito, saka lalong humigpit ang yakap sa kanya.
"Boss, ano ba..." Niyugyog niya uli si Lysander para magising na ito. "Boss gising na, please. Baka gising na si Tatay, ano ka ba."
Lysander just groaned and tightened his embraced on her.
Naiinis na pilit niyang inaalis ang braso nito sa baywang niya. "Boss, ano ba, gumising ka na."
Ayaw talagang matinag ng lalaki. Kahit pa nga panay ang yugyog niya sa balikat nito. Nakakainis, ayaw talagang magising.
"Boss!"
No reaction.
"Lysander!"
He groaned. "What, baby?"
"Gising na—" Naputol ang iba niyang sasabihin nang marinig na may kumatok sa pinto ng kuwarto niya.
Naramdaman niyang natigilan si Lysander, saka bigla itong bumangon at tumingin sa pinto bago bumaba ang tingin sa kanya. "Sino 'yon?" pabulong nitong tanong.
Nagkibit-balikat siya, saka bumangon na rin. "Malay ko." Pinandilatan niya ito. "Ikaw kasi, eh, sinabi nang gumising ka na!"
Umalis ito sa kama, saka naglakad patungo sa pinto.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" pabulong niyang sigaw. "Bumalik ka rito, Boss."
Tumigil sa paglalakad si Lysander, saka nilingon siya. "What?"
"Huwag mong bubuksan 'yan." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Tatamaan ka sa 'kin, Boss."
Sasagutin sana siya ni Lysander nang biglang magsalita ang kanyang ama sa labas ng pinto.
"Jergen, buksan mo 'to!" pagalit na sigaw ng kanyang ama. "Alam kong nandiyan ang lalaking 'yan. Buksan mo 'to!"
Inatake ng kaba ang dibdib niya. Oh, my God. Patay sila ni Lysander!
"Jergen! Buksan mo 'to!" sigaw na naman ng ama niya habang pinagsususuntok ang pinto ng kuwarto niya. "Buksan mo 'to!"
Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang dibdib niyang kinakain na ng kaba. Kapagkuwan ay umalis siya sa kama at naglakad patungo sa pinto.
Bago niya iyon buksan, bumaling siya kay Lysander. "Tumabi ka, Boss. At humanda ka na rin. Kakatayin tayo ni Tatay."
Namutla si Lysander. "Are you sure?"
"Yes."
Huminga ito nang malalim, saka hinawakan ang kamay niya. "Wala tayong ginawang masama. Let's face him together."
Tumango si Jergen, saka kinakabahang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Napalunok siya nang makita ang ama niya na nasa labas ng pinto at may hawak na itak. Katabi nito ang kanyang ina na hawak ito sa kamay na parang pinipigilan.
"Oh, God," mahina niyang sambit, saka sinalubong ang tingin ng ama niya. "'Tay, wala kaming ginagawang masama ni Lysander. Natulog lang kami—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil itinulak ng ama niya ang pinto dahilan para mapaatras siya.
"Binalaan na kita!" sigaw nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Lysander. "Sinabihan kitang iwasan mo ang anak ko!"
"Sir—"
"Huwag mo akong ma-sir-sir na hayup ka!" Bigla na lang tinaga ng ama niya si Lysander, 'buti na lang ay mabilis na nakaiwas ang lalaki
"Jergen! Alisin mo rito ang bisita mo!" sigaw ng kanyang ina na pinipigilan naman ang ama niya.
"Hayup ka! Ano'ng ginawa mo sa anak ko, ha?!" Panay ang taga ng ama niya pero mas mabilis na umiiwas si Lysander.
"Boss! Run!" natatakot niyang sigaw baka matamaan ito ng ama niya.
"No!" Lysander hissed. "I'm staying."
Umangat ang kamay ng ama niyang may hawak na itak, saka tinaga si Lysander. Sa pagkakataong iyon, hindi naging mabilis si Lysander para makailag ito. Mabuti na lang at kontrolado ng ama niya ang hawak nitong itak. Tumigil iyon nang gahibla na lang ang pagitan ng leeg ni Lysander at ang matalim na bahagi ng itak.
Para siyang tinakasan ng lakas. That was so close. Oh, God.
"'Tay, bitawan n'yo na 'yang itak n'yo!" sabi niya nang makita ang pamumutla ng mukha ni Lysander pero nanatili itong nakatayo, hindi ito tumakbo tulad ng sinabi niya.
"Ernesto, tama na 'yan," sabad ng kanyang ina. "Mukhang wala naman silang ginagawa—"
"Hindi ako tanga, Julita!" galit na sigaw ng ama niya na nagpaigtad sa kanilang lahat. Naroon din ang mga kapatid niya sa labas na mukhang natakot din sa galit na pagsigaw ng ama nila. "Lalaki rin ako, Julita! Lalaki ako at alam ko ang likaw ng mga bituka namin." Ipinagduldulan nito ang matalas ng parte ng itak sa leeg ni Lysander. "Hindi ako makakapayag na basta mo na lang ganunin ang anak ko. Hindi por que nasa probinsya kami ay mauuto mo na ako! Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaan na gaguhin mo ang panganay kong anak! Hindi maaari!"
Nanatiling tahimik si Lysander at nakatingin lang sa ama niya.
"Justine!" sigaw ng ama niya.
"Po?" mabilis na sagot ng bunso nila.
"Puntahan mo si Pareng George. Sabihin mong kailangan natin ang tulong niya," utos ng kanyang ama.
Namilog ang mga mata ni Jergen. "'Tay! Hindi natin siya kailangan!" Hindi niya mapigilang ang mapasigaw sa pagkabahala. "Pag-usapan natin 'to, hindi iyon ang solusyon!" Hindi puwede! Alam niya kung ano ang iniisip ng ama niya nang utusan nito si Justine. Hindi maaari! Ayaw niyang mangyari iyon sa kanila ni Lysander. "Tatay, pag-usapan naman natin 'to. Hindi naman natin kailangan si Tito George."
Ang matalim na mga mata ng ama niya ay tumuon sa kanya. "Tumahimik ka, Jergen. Hindi kita pinalaking malandi! Talagang pinatulog mo pa ang lalaking 'to sa kuwarto mo! Hindi ka ba nag-iisip? Babae ka! Iyan ba ang natutunan mo sa Maynila, kalandian?!"
Para siyang sinampal sa sinabi ng kanyang ama. Nagbaba siya ng tingin para itago ang pamamasa ng mga mata. Ayaw niyang makita ng pamilya niya at ni Lysander ang luha niya.
Masakit sa dibdib dahil hindi niya akalain na maririnig niya iyon mula sa bibig ng ama niya na mahal na mahal niya. Mas masakit pala kapag kapamilya mo at mahal sa buhay ang magsabi ng masasakit na salita sa 'yo.
"Wala kayong karapatang pagsabihan nang ganoon si Jergen."
Napamulagat ang mga matang nag-angat siya ng tingin kay Lysander nang marinig itong nagsalita. "Boss..."
"Alam kong ama ka niya at nirerespeto ko kayo, pero wala naman kayong karapatang sabihan nang ganoon si Jergen." Nakatuon ang mga mata ng lalaki sa ama niya. "Hindi n'yo alam ang hirap na pinagdadanan ng anak n'yo sa opisina araw-araw para lang mabigyan kayo ng maayos na buhay. Wala siyang ginawa sa Maynila kundi magtrabaho, kumayod at maghanap ng pera para sa inyo. Alam ko ang hirap at pagod niya kaya hindi ko matatanggap 'yang sinabi n'yo. Bawiin n'yo 'yon. Hindi malandi si Jergen. Hindi siya ganoong klaseng babae at dapat alam n'yo iyon kasi anak n'yo siya. Wala kaming ginagawang masama ng anak n'yo. Natulog lang kaming magkatabi. At oo, hindi lang basta boss at empleyado ang relasyon naming dalawa pero hindi iyon sapat para tawagin n'yo siyang malandi. Jergen is an amazing woman, Sir."
May kung anong emosyon ang dumaan sa mukha ng ama niya bago ito nagsalita. "Wala ka ring karapatang pagsalitaan ako nang ganyan kasi bisita ka lang sa pamamahay namin. At mahal ko ang anak ko kaya ginagawa ko 'to." Ibinaba ng nito ang itak pero nanatili pa rin ang mga mata kay Lysander. "Maghanda ka na. Hindi ko hahayaang makawala ka sa ginawa mo sa anak ko. Hindi ako makakapayag na umalis ka rito sa pamamahay ko na hindi kayo ikinakasal ng anak ko!"
Pareho silang napanganga ni Lysander nang marinig ang huling sinabi ng ama.
Ikinakasal? Ano 'to? Akala niya balak kasuhan ng ama niya si Lysander kaya nito ipinatawag si Ninong George na isang judge?
"'Tay!" Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. "Ano ba naman 'to?"
Hindi siya pinakinggan ng ama, sa halip ay dinuro si Lysander. "Pakakasalan mo ang anak ko sa ayaw mo o sa gusto," sabi nito. "Hindi ako tanga. Hindi ako papayag na gaguhin mo ang anak ko." Pagkasabi n'on ay umalis na ito kasama ang kanyang ina at tatlong kapatid.
Naiwan sila ni Lysander na nakatanga sa kawalan.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top