CHAPTER 11

CHAPTER 11

TAHIMIK na kumain ang pamilya ni Jergen habang kasalo nila si Lysander na walang imik din habang kumakain ng cake na binili nila. Nakikiramdam naman si Jergen sa mga magulang niya na panay ang sulyap kay Lysander, lalo na ang kanyang ina na parang sinusuri si Lysander kung makatingin.

Ang katamihikang namamayani ay binasag ng bunso nilang kapatid, si Justine.

"Kuya Lysander, alam mo ba 'yong Xbox?"

Agad na sumagot si Lysander habang nakangiti. "Oo. Mayroon nga ako n'on sa bahay."

Nagningning ang mga mata ni Justine. "Talaga? Ginagamit mo ba, Kuya? Maganda ba?"

"Oo. Maganda. Pero hindi ko naman palaging ginagamit."

"Wow." Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Justine. "Dinala mo ba?"

"Justine!" saway ng ama nila sa bunso nilang kapatid. "Kumain ka na diyan."

Napasimangot si Justine pero hindi na nagsalita. Napabuntong-hinga siya nang tumingin sa kanya si Justine na parang humihingi ng tulong. Umiling naman siya para iparating sa bunsong kapatid na makinig na lang sa ama nila.

"Anak," sabi ng kanyang ina. "Kailan ka babalik sa lungsod?"

"Sa makalawa po, 'Nay," sagot niya. "Bakit ho?"

"Nagbabaka-sakali lang, anak, na baka puwedeng mag-extend ka?" Nginitian siya ng ina. "Mag-leave ka muna, anak. Miss ka na namin, eh."

"Naku..." Bumagsak ang mga balikat niya. "Naka-leave ako this week, 'Nay. Ayoko nang mag-leave na naman. Marami pa akong trabaho sa opisina." Bumaling siya kay Lysander. "'Di ba, Boss?"

"Nope." Sa halip na tumingin sa kanya si Lysander, bumaling ito sa kanyang ina. "Puwede naman siyang mag-leave uli."

"But—"

"I'm your boss, baby. You listen to me," sabi ni Lysander sa may diing boses pero hindi iyon ang ikinalaki ng mga mata niya.

Please, please... sana hindi nila napansin... please...

"Baby?" tanong ng ama niya. "Tinawag mo ang anak kong baby?"

Napabungisngis si Jenny. "Bagay naman sila, 'Tay."

"Tinawag mo ang anak kong baby?" Tumayo na ang ama niya at masama ang tingin kay Lysander na mukhang nagulat din sa pagkakadulas nito. "Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ng anak ko, ha? Boss ka lang ba talaga niya? Kanina pa ako nagtitimpi." Kinuha nito ang itak na nasa may lababo. "Sagutin mo ako nang maayos—"

"'Tay!" sigaw niya.

"Ernesto!" galit na sigaw ng kanyang ina, saka tumayo at hinawakan ang kamay ng ama niyang may hawak na itak. Bumaling ito sa kanya. "Jergen, ilabas mo muna ang bisita mo. Pakakalmahin ko lang 'tong tatay mo."

Tumango siya, saka mabilis na tumayo at hinawakan sa kamay si Lysander. Hinila niya ito palabas ng komedor.

"Boss, naman, eh!" Pinandilatan niya ito nang nasa sala na sila. "Sinabi ko na sa 'yong mag-iingat ka sa pananalita mo."

Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Sorry, baby. I slipped."

Inirapan niya ito. "Kasi naman, eh."

"Sorry na." Yumakap si Lysander sa baywang niya, saka hinalik-halikan siya sa pisngi patungo sa mga labi niya. "Sorry na, baby, please? Forgive me?"

Napapikit na lang si Jergen nang angkinin ni Lysander ang mga labi niya. Nawala sa isip niya na nasa sala pala sila ng bahay nila. Kaya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina na tinatawag ang pangalan niya, mabilis niyang itinulak si Lysander nang malakas at namumula ang pisngi na humarap sa ina.

"'Nay..." Abot-abot ang kabang nararamdaman niya.

Ang kanyang ina naman ay mataman lang siyang tinitigan. Kapagkuwan ay lumipat ang tingin nito kay Lysander na nanatiling nakatayo sa tabi niya, saka napailing-iling "Malawak ang pag-unawa ko, anak," sabi nito. "Pero kapag ang tatay mo ang nakakita ng nakita ko..." Tumuon ang tingin nito kay Lysander. "Baka maputulan ka ng kaligayahan ora-mismo."

"Ma'am, let me explain—"

Itinaas ng ina niya ang kamay dahilan para tumigil sa pagsasalita si Lysander. "Respetuhin mo ang anak ko, 'yon lang ang hinihingi ko."

Mabilis namang tumango si Lysander. "Malaki ang respeto ko kay Jergen, Ma'am."

"Mabuti naman." Kapagkuwan ay tumuon ang tingin nito sa kanya. "Anak, malaki ka na. Alam mo naman kung ano'ng paniniwalaan namin ng tatay mo tungkol sa mga ganitong bagay. Palalampasin ko to ngayon, pero sa susunod, tatamaan ka rin sa 'kin. Matanda ka na. Alam mo na ang tama sa mali."

Nahihiya siyang tumango siya. "Oho, 'Nay."

"Mabuti. Siya nga pala, ipinadala ko na ang bag mo sa kuwarto mo." Pagkasabi niyon ay umalis na ang kanyang ina sa sala.

Natigilan siya nang may yumakap sa kanya mula sa tagiliran.

"I'm sorry, baby." He kissed her temple. "I'm sorry."

Huminga si Jergen nang malalim. "Kasalanan ko naman," sabi niya, saka humarap sa lalaki. "Dito ka lang. Aayusin ko lang ang tutulugan mo."

Tumango si Lysander, saka umupo sa sofa. "Yes, Boss."

Lihim siyang napangiti, saka binuhat ang bag nito at iniwan ito sa sala. Nagtungo siya sa kuwarto ni Justine para ayusin ang hihigaan ni Lysander. Nang matapos, bumalik siya sa sala kung saan naabutan niya ang kanyang ama na kinakausap ang lalaki.

"Patay ka sa 'kin, hindi ako nagbibiro." Iyon lang ang naabutan niyang sinabi ng kanyang ama.

"'Tay!" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Tigilan n'yo nga si Lysander. Wala namang ginagawa 'yong tao, eh."

Nakangiting bumaling sa kanya ang ama. "Wala talaga siyang gagawin, dahil patay siya sa 'kin."

Napabuntong-hininga siya. "'Tay, naman, eh."

"Ako ang ama mo at anak kita, Jergen, 'tapos babae ka pa." Hinaplos nito ang buhok niya. "Aalagaan kita sa abot ng makakaya ko. Aalagaan kita sa mga manlolokong..." Tiningnan nito nang masama si Lysander. "... tao sa mundo."

Napailing-iling siya. "Oo na, 'Tay. Salamat sa pagpoprotekta."

"Nakahanda ang itak ko, anak."

Napangiwi siya. "Salamat, 'Tay."

Nginitian siya ng ama, saka umalis na sa sala at bumalik sa kusina.

Siya naman ay bumaling kay Lysander. "Ano'ng sinabi sa 'yo ni Tatay?"

Gumuhit ang mapalad na ngiti sa mga labi nito at kinindatan siya. "Sekreto 'yon."

Tiningnan niya ito anng masama. "Boss."

Lysander just smiled, got up, kissed her lips then whispered. "I'm very naughty, baby, and I'm not gonna change."

Inirapan niya ito, saka dumistansiya para wala nang masabi ang mga magulang niya. "Ano ba'ng pinag-usapan n'yo ni Tatay?"

Sa halip na sagutin siya, iniba nito ang usapan. "Ang daming lumang bagay dito sa bahay n'yo."

"Hilig iyan ni Nanay. Noong bata pa ako, hilig niyang mangolekta ng mga lumang bagay na itinatapon na ng mga kapitbahay namin," sabi niya. "Naging hilig ko rin 'yon. Tumutulong pa nga ako kay Nanay noon. There's something about old things that fascinates me."

"Hmm..." Lysander smiled and took out something from his front jeans pocket. "Something like this?"

Namilog ang mga mata ni Jergen nang makita ang isang bracelet na hawak nito. It really looked old. The carvings on the gold band and the stones looked antique. Parang galing pa 'yon sa medieval era.

"Saan naman iyan galing?" tanong niya. "Nasa bulsa mo lang talaga 'yan mula pa pa kanina?"

Tumango si Lysander. "Nasa 'kin na to nang ibigay ko sa 'yo iyong kuwintas," paliwanag nito habang isinusuot sa kanya ang bracelet. "Sabi n'ong antique shop na pinagbilhan ko nito, this bracelet is more than a hundred years old. This was given by an Egyptian wealthy merchant to his wife before their marriage."

Namilog ang mga mata niya. "Talaga?" Wow. She had been dreaming to have this kind of antique bracelet!

"Yes. Nang makita ko 'to, ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko. Nagiging habit ko nang kapag nasa ibang bansa ako, naghahanap ako palagi ng antique shop para pampasalubong sa 'yo." Hinawakan nito ang kamay niya, saka pinisil 'yon. "The antique shop owner said that this bracelet symbolize the merchant's feelings for his wife."

"Feelings?"

"Yes."

"What kind of feelings?"

Sasagot sana si Lysander nang marinig niya ang boses ng kanyang ama. "Huwag mong hahawakan ang kamay ng anak ko!"

Mabilis na binitiwan ni Lysander ang kamay niya, saka nakangiting bumaling sa kanyang ama. "Wala akong ginagawang masama, Sir."

Pinukol nito ng masamang tingin si Lysander, saka tumuon ang tingin sa kanya. "Doon ka na sa kuwarto mo."

"Pero, 'Tay—"

"Ngayon na, Jergen!"

Napaigtad siya sa paglakas ng boses nito. "Opo, 'Tay."

Sinulyapan muna niya si Lander bago umalis at pumunta sa kuwarto niya kapag umuuwi siya.

Hindi niya maiwasang mag-alala kay Lysander. Baka kung ano ang gawin ng ama niya rito. Ayaw naman niyang mapahamak ang lalaki nang dahil sa kanya. Her boss maybe a tease, but she cared for him. A lot.

Nahiga siya sa kama, saka tumitig sa kisame. Pagabi pa lang kaya tiyak mahihirapan siyang makatulog kakaisip kay Lysander. Nag-aalala siya rito. Ano kaya ang ginagawa nito ngayon?



HINDI NAMALAYAN ni Jergen na nakatulog pala siya habang nakatitig sa kisame. Nang magising ay gusto niyang lumabas sa kuwarto pero tuwing bubuksan niya ang pinto, naiisip niya ang kanyang ama at si Lysander. Mas makakabuti sigurong nandoon lang siya sa loob ng kuwarto. Ayaw niyang may gawin na naman si Lysander, 'tapos makita sila ng kahit sino sa bahay nila.

Tiningnan niya ang relong pambisig. Ten PM na. Matagal-tagal din pala siyang nakatulog.

Bumuntong-hininga siya, saka kinuha ang cell phone sa dala niyang bag. Binuksan niya iyon. Pinatay niya ang power niyon kanina habang nasa biyahe sila.

Napakurap-kurap siya nang sunod-sunod na magsipasukan ang mga mensahe sa cell phone niya.

"What the..." Binuksan niya ang inbox. Lahat ng text galing kay Lysander. Napailing-iling siya. "Ano naman kaya ang kailangan ni Boss?"

Binuksan niya ang mga mensahe nito at binasa. Nasa mga sampu 'yon. Napangiti siya nang mabasa ang huling mensahe nito.

Baby... I'm bored. Text back please. Kanina pa ako kinukulit ng kapatid mo tungkol sa Xbox. 'Buti nakatulog na. Napagod siguro.

"Ang lalaking 'yon talaga." Napailing-iling si Jergen at nangingiting nag-reply.

Matulog ka na para hindi ka ma-bored, Boss. Fan na fan talaga si Justine ng Xbox na 'yan, hindi ko lang binibilhan kasi hindi naman importante 'yon. Mas may importante pa akong dapat paglaanan ng pera sa ngayon.

Nang mai-send niya ang text, ilang segundo lang ang lumipas, nag-reply agad si Lysander.

Gising pa pala ang loko. Akala niya bukas pa ito magre-reply dahil tulog na.

Hooray! Nag-reply ka. Kagigising mo lang ba, baby?

Agad siyang nag-reply. Yes. Hindi ko nga napansing nakatulog pala ako.

Can I come over?

Nagsalubong ang mga kilay ni Jergen habang nagre-reply. Ha? What do you mean?

Parang tulog na naman ang mga tao rito sa bahay n'yo, puwede ba akong pumunta diyan sa kuwarto mo?

Napanganga siya. Goodness! This man was incorrigible. Paano kung makita ito ng kanyang ama? Tiyak talagang maiitak ito nang wala sa oras.

Akmang magre-reply siya at pipigilan ito nang may masuyong kumatok sa pinto ng kuwarto.

Kunot ang noong napatitig si Jergen sa pinto. Was that Lysander? Dali-dali siyang umalis sa kama, saka maingat na binuksan ang pinto.

Napaawang na lang ang mga labi niya nang makitang si Lysander nga ang nasa labas ng pinto.

"Boss!" pabulong siyang sumigaw at pinandilatan ito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? At paano mo nalamang ito ang kuwarto ko?"

"I asked Justine earlier after dinner." Ngumiti ito, saka pumasok sa loob ng kuwarto niya at ito na ang nagsara ng pinto, saka nag-lock niyon.

Napaawang ang mga labi niya. "Boss!" pabulong niyang sigaw uli. "Get out of my room. Now."

Pero nuncang makinig sa kanya si Lysander. Sa halip ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya sa baywang. "I miss you," bulong nito, sabay halik sa pisngi niya pababa sa mga labi niya. "Ang sama ng tingin sa 'kin ng tatay mo kaninang hapunan."

Napailing-iling siya, saka kumawala sa pagkakayakap nito. "Boss, bumalik ka na sa kuwarto mo."

"No, baby—"

"Boss, I'm serious."

"And I'm dead serious too."

Ang tigas talaga ng ulo nito.

"Pero, Boss, kapag nakita ka ni Tatay—"

"Hindi niya ako makikita." Sinapo nito ang mukha niya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Hindi ako sumama sa 'yo rito pauwi para lang matakot sa tatay mo. I respect them and all that, but I really wanna see you, baby. I wanna talk to you. I wanna be with you."

Lumambot naman agad ang puso ni Jergen para sa lalaki. Ewan ba niya, pagdating dito, ang dali niyang bumigay.

"Lysander—"

"There's my name." He kissed her cheeks, chin and the corner of her lips. "I don't like it every time you call me boss."

Napapikit siya nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. "Bakit naman?"

Sa halip na sagutin siya, mapusok siya nitong hinalikan, habang ang mga kamay ay naglalakbay sa kanyang katawan, dumadama at pumipisil sa mga maseselang bahagi.

"Lysander..." ungol niya sa pangalan nito nang pahigaiin siya nito sa kama at bumaba ang halik sa leeg niya.

Napakagat-labi siya nang itinaas nito ang pang-itaas niyang damit para makita ang mayayaman niyang dibdib. Napadaing na lang siya nang ipasok nito sa mainit na bibig ang nipples niya na naninigas dahil naaapektuhan na siya ng ginagawa nito sa kanyang katawan.

Ang sarap ng bawat haplos ng kamay nito, nakakawala sa tamang huwisyo. Pero nang dumako ang kamay nito sa pagkababae niya, pinigilan niya ito.

"Don't."

Natigilan si Lysander, saka tumingin sa kanya. "Does it still hurt?" pabulong nitong tanong.

Umiling siya.

"Then why?" pabulong na naman nitong tanong.

Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin. "Hindi pa ako naliligo mula kanina nang makarating tayo." Nag-init ang pisngi niya. "Kaya huwag mo akong hawakan diyan."

"Take a shower then."

Bumalik ang tingin niya sa lalaki. "Nasa may kusina ang banyo namin."

"So? Go." Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya at tumayo sa gilid ng kama. "Take a shower. I'll wait."

Lalong nag-init ang pisngi niya habang paalis sa kama. "Alam mo, Lysander, bumalik ka na lang do'n sa kuwarto ni Justine."

Yumakap ito mula sa likuran niya, saka hinalikan siya sa batok at bumulong. "You have two choices, baby, either you take a bath or not." He kissed her neck sending tingling sensation down her belly. "Maligo ka man sa hindi, wala akong pakialam. Basta ngayong gabi, akin ka."

Napalunok siya, nag-iinit ang katawan niya sa mga sinasabi nito. "Lysander, naman, eh."

"What?" He chuckled as he kissed his earlobe. "I want you, baby. Please, pagbigyan mo na ako. Isang linggo na akong nagtitiis. Hindi ko na kaya."

Napakagat-labi siya habang nag-iinit ang pisngi. Alam niya sa sarili niya kung saan patungo itong usapan nila ni Lysander. Patungo iyon sa pagpayag niyang maangkin siya nito ngayong gabi.

And if she was being honest to herself, she wanted that too. She wanted Lysander tonight, on her bed and making love to her.

"Fine." Kumawala siya sa pagkakayakap nito, saka nagmamadaling kinuha ang dalang tuwalya sa bag at humarap dito. "Huwag kang lalabas at hintayin mo ako rito. Lock the door too. I'll knock only once for you to know that it's me."

Lysander grinned mischievously. "Darn, I love this sneaking around."

Inirapan niya ito pero ang totoo, nae-excite din siya sa gagawin nila sa hindi niya malamang kadahilanan. Who would know that doing naughty things with Lysander in her parents' house could be this exciting? Ni minsan, wala pa siyang ginawang ganito sa tanang buhay niya. Ngayon lang.

Lysander was definitely a bad influence on her. A bad influence that she would gladly accept in her bed. Anyday and anytime. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top