CHAPTER 10

CHAPTER 10

IBINIGAY ni Jergen kay Lysander ang isang bote ng Gatorade nang makarating sila sa terminal at makababa ng bus. Hinayaan niya muna itong umupo at pinagbantay niya ng mga dala nila. Umalis kasi siya at bumili ng makakain at maiinom na makakapagpabalik sa lakas nito kahit paano.

"Inumin mo 'yan," wika niya. "Makakatulong iyang maibalik ang tubig na nawala sa 'yo." Sunod niyang iniabot ay isang pack ng chocolate. "At ito, kainin mo 'to. Makakatulong iyan para maibalik kahit paano ang enerhiya mo."

Pagkatapos uminom ng Gatorade ni Lysander, tiningala siya nito at pinakatitigan. "Thank you for taking care of me back there."

Nginitian niya ang lalaki. "Inalagaan mo rin naman ako nitong mga nakaraang araw. At baka akala mo libre 'yan, may bayad 'yan," pagbibiro niya.

Nanunudyo ang mga mata ni Lysander. "Halik gusto mo?"

Nawala ang ngiti ni Jergen. "Binabawi ko na. Libre na ang pag-alaga ko sa 'yo. Solohin mo 'yang halik mo."

Malakas na natawa si Lysander, saka kinain ang chocolate na bigay niya. "So, what now? Saan na tayo pupunta? Malapit lang ba rito ang bahay n'yo?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, saka inilibot ang tingin bago sinagot si Lysander. "Nandito na tayo pero malayo pa ang bahay namin dito. Nasa liblib 'yon, eh. Pero dito ako nag-college. Nagbo-boarding house lang ako no'n tulad ng kapatid ko ngayon kasi malayo nga ang bahay namin."

Napatango-tango si Lysander. "So paano tayo makakapunta sa bahay n'yo?"

Ngumisi siya. "Sasakay tayo sa tricycle na walang aircon."

"Oh, fuck." Bumagsak ang mga balikat ni Lysander. "Matagal ba?"

"Kung magdyi-jeep tayo, nasa mga forty minutes lang." sabi niya. "Kaya lang ayokong mag-jeep. Mag-special na lang tayo ng tricycle kasi bugbog-sarado na 'yong cake."

"Ilang minuto kapag sa tricycle?"

"One hour."

Huminga ito nang malalim. "One hour? I can do that."

"Good." Nginitian niya ang lalaki. "Halika na."

Tumayo si Lysander, saka ito na ang nagbuhat ng dalawang bag na dala nila at siya naman ang nagbuhat ng cake. Iginiya niya ang lalaki patungo sa mga tricycle na puwedeng special patungo sa kanila. Nang makasakay at nasa biyahe na sila, nakabaon lang ang mukha ni Lysander sa leeg niya na nagpapabuhol-buhol naman ng tibok ng puso niya.

"Baby?"

"Hmm?" agad niyang sagot. Nasasanay na siyang tinatawag siyang baby ni Lysander.

"You smell good." He kissed her neck. "God, I'm horny."

Tinampal niya ito sa balikat. "Magtigil ka, Boss. Huwag kang ganyan, lalo na sa bahay. Tatagain ka ni Tatay."

Bahagya itong nag-angat ng tingin sa kanya. "Talaga bang tatagain niya ako kapag ginawa ko 'to sa 'yo?" Kinagat nito ang balat sa leeg niya dahilan para mapadaing siya. "Because I will always do this to you, baby."

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Magtigil ka, Boss. Seryoso ako."

"Seryoso rin naman ako." Lumapat ang kamay nito sa isa niyang dibdib. "Sa tingin mo nagbibiro ako?"

Pinigilan ni Jergen ang sarili na makaramdam ng kiliti sa pagkababae niyang hindi pa nga magaling dahil sa kahalayang ginawa nila ni Lysander.

"Stop it, Lysander," saway niya, saka inalis ang kamay nito sa dibdib niya. "Seryoso ako. Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Hindi mo kilala ang tatay ko, baka may mangyaring pagsisihan mo habang-buhay kapag ipinagpatuloy mo 'tong pagbibiro mo."

Ibinalik ni Lysander ang mukha sa pagkakasubsob sa leeg niya. "I like touching you, I don't think I can stop."

"Basta pigilan mo 'yan pagiging mahalay mo." Huminga siya nang malalim. "I'm begging you, Lysander, not in my parents' house. Masyadong old fashioned ang mga paniniwala ng mga 'yon. Mapapahamak tayong dalawa."

He kissed her neck again. "I won't promise."

Napabuntong-hininga siya, saka hinayaan na lang si Lysander. Sana lang talaga ay makinig ito sa kanya, dahil talagang lagot siya sa tatay niya. Bakit naman kasi sumama pa ito sa kanya? Nararamdaman na niyang mapapahamak siya dahil sa lalaki.

Ang kabang nararamdaman ni Jergen ay mas nadagdagan nang makarating sila sa labas ng bahay nila.

"Nandito na tayo, Boss," imporma niya. "Umayos ka na."

Agad namang tumuwid ng upo si Lysander, saka huminga nang malalim. "Do I look okay?" tanong nito.

Inirapan niya ang lalaki. "Boss, kahit yata mamutla ka sa sobrang pagsusuka, guwapo ka pa rin."

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "You, baby, is always boosting my confidence."

She rolled her eyes. "Boastful."

Ngumisi lang ito, saka nauna nang lumabas ng tricycle at kinuha ang mga dala nilang bag sa likod ng tricycle.

Nang makalabas siya, itinuro niya si Manong Driver. "Boss, bayaran mo na," sabi niya.

Agad namang binitawan ni Lysander ang bag na hawak, saka kumuha ng pera sa pitaka nito na nasa bulsa.

Nalukot ang mukha niya nang maglabas ito ng isanlibo. "Ano 'yan?" kunot-noong tanong niya.

Tumingin ang lalaki sa kanya na para bang dapat alam na niya kung para saan ang pera. "Pambayad sa driver."

Pinandilatan niya ito. "Nababaliw ka na ba? Two hundred lang kapag special ng tricycle, 'tapos babayaran mo siya ng isanlibo?"

He looked at her, clueless. "Baby, alam mo ba kung gaano nakakapagod mag-drive ng tricycle?"

Napapantastikuhang napatingin siya sa lalaki. "Malamang hindi. Limang taon mo na akong inaalila sa opisina mo."

"Kaya nga," sabi nito na dapat bang maintindihan niya ang lahat. "Hindi ko rin alam kaya magtanong tayo kay Manong."

Hindi makapaniwalang napailing-iling si Jergen nang lumapit si Lysander kay Manong Driver na walang imik na naghihintay na magbayad sila.

"Manong," kuha ni Lysander sa atensiyon ng driver. "Sa tingin mo, dapat magkano ang ibayad namin sa 'yo?"

Nakita niyang nag-alangan ang driver bago sumagot. "F-for hundred ho, Sir. Bako-bako kasi ang daan papunta rito."

Nalukot ang mukha niya. "Hoy, Kuya, sobra naman kayo." Namaywang siya. "Ako pa talaga niloloko mo? Dito ako lumaki sa probinsya kaya huwag mo akong utuin. Mahal na nga ang two hundred, eh," pagtataray niya.

"Pity." Lysander sighed. "Sana mas minahalan mo pa. Isanlibo sana ang ibibigay ko sa 'yo, eh." Napailing-iling ito, saka kumuha ng apat na piraso ng isandaan sa pitaka nito at ibinigay sa driver. "Heto, Manong. Ingat sa pagda-drive pabalik."

Ngumiti ang driver. "Salamat, Bossing."

Nang makaalis ang driver, pinandilatan niya si Lysander nang tumingin sa kanya. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo?"

"Binayaran si Manong Driver." Ibinalik nito sa bulsa ang pitaka at lumapit sa kanya. "Look, baby, he must have been tired driving around just to feed his family. I could have given him more. Saka ilang daan lang 'yan, hindi ako mamunulubi dahil do'n."

Hindi na siya nagkomento. Kahit naman hindi halata, alam niyang may malambot na puso at kalooban si Lysander para sa mga mahihirap.

Huminga siya nang malalim, saka nginitian ito. "Fine. Pero sa susunod huwag mo nang gagawin 'yon. Kapag nalaman ng mga taong nakapaligid sa 'yo na mabait ka at marami kang pera, baka i-take advantage ka nila."

Amusement danced in his deep brown eyes. "Like how you took advantage of me?"

Inirapan niya ito. "Actually, kulang pa ang sahod ko at extra payment sa pang-aalila mo sa 'kin sa kompanya mo."

Mahinang natawa si Lysander, saka wala sa sariling napatingin sa bahay na nasa harap nila. Kitang-kita niya ang pamimilog ng mga mata nito habang nakatingin sa bahay. Halata ang gulat at pagtataka sa mukha.

"Bahay n'yo?" Nakaawang pa rin ang mga labi nito.

Kagat ang labing tumango si Jergen. "Oo."

Hindi makapaniwalang bumaling ito sa kanya. "And here I thought you're poor."

Huminga siya nang malalim, saka tumingin din sa bahay nila na dalawang palapag. Hindi man iyon kasinrangya ng bahay ni Lysander sa Bachelor's Village pero masasabi naman niyang maganda ang bahay nila.

"Well..." She smiled softly while looking at their house. "Five years ago, hindi ganito ang bahay namin. Gawa lang 'yon sa coco lumber." Mahina siyang natawa. "'Tapos natanggap ako sa kompanya mo. Masyadong malaki ang sahod ko na salamat sa 'yo kasi masyado mo akong spoiled plus iyong extra payment na ibinabayad mo sa 'kin tuwing may ipapagawa ka o magpapasama ka sa kung saan-saan. Malaki rin 'yon, baka akala mo. Nakapag-ipon ako para bilhan sina Tatay at Nanay ng sakahan at palayan. Naalala mo iyong hiningi ko ang tulong mo para tanggapin ng isang lending company ang proposal ko para makautang? Iyong nautang ko ro'n ay idinagdag ko sa ipon ko at iyon ang pinambili ko. A year ago, nakabayad na ako sa kanila." Nakaramdam siya ng kasiyahan. "This year, nagpapadala ako ng pera para sa mga kapatid kong nag-aaral pero hindi ko na problema iyong pagkain nila at kung ano pa kasi nagamit nang tama ng mga magulang ko ang sakahan at palayan na binili ko. At itong bahay ang pruweba n'on."

Puno ng paghanga ang mga mata ni Lysander na nakatingin sa kanya. "Wow. Kaya pala masyado kang matipid at tuso pagdating sa pera, may pinaggagamitan ka pala."

Masaya siyang ngumiti. "Syempre, hindi ko naman magagawa 'to kung hindi dahil sa 'yo, Boss. I was lucky because you're my boss."

He smiled softly at her. "I'm glad something like this happen to you because of me. Masaya akong may naabot ka nang dahil sa pagtatrabaho mo para sa 'kin."

Pumintig nang mabilis ang puso niya dahilan para mag-iwas siya ng tingin. "Halika na, pasok na tayo."

Tumango ang lalaki. "Sige. Kung welcome ako."

Inirapan niya ito. "Ewan ko sa 'yo, Boss. Narito ka na nga, 'di ba? Pasok na."

Nakangiting naglakad si Lysander sa likuran niya, dala nito ang dalawang bag at siya naman ang may dala ng cake. At bago pa siya makakatok sa pinto ng bahay, bumukas na 'yon at bumungad sa kanya ang masayang mukha ng kapatid niyang may birthday.

"Ate!" tili ni Jenny, saka niyakap siya mula sa tagiliran at lumingon sa loob ng bahay. "'Nay! 'Tay! Si Ate, nandito na!"

"Ate!" Naglakad palapit sa kanya si Jennica, ang pumapangalawa naman sa kanilang magkakapatid. Siya kasi ang panganay. Anim na taon ang pagitan nilang dalawa. Fourth year college na ito sa kursong Education Major in English. "Welcome home, Ate." Kinuha nito ang cake na dala niya. "Pasok ka na, Ate. Kanina ka pa namin hinihintay."

Nakangiting pumasok si Jergen at sumunod na pumasok ay si Lysander dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi ng dalawang kapatid at mapatitig sa kasama niya.

"Jenny, Jennica." Iminuwestra niya ang kamay kay Lysander. "Siya ang boss ko. Si Lysander Callahan. Sumama siya sa 'kin dahil gusto niyang makita ang probinsya natin," pagsisinungaling niya. Ni hindi nga niya alam kung bakit ito sumama pero kailangang may sabihin siya.

Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Jennica, saka inilahad nito ang kamay kay Lysander. "Hi po Boss. I'm Jennica."

Agad namang binitawan ni Lysander ang bag na dala, saka nakipagkamay sa kapatid niya. "Hi. Just call me Kuya Lysander," nakangiting sabi nito, saka sinulyapan siya. "Only bab—" Tumikhim ito. "I mean, only Jergen calls me that."

Nanunudyo ang ngiti sa mga labi ni Jennica nang bumaling ito sa kanya. "Boss ba talaga?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Tumigil ka nga diyan. Ilagay mo muna iyan sa ref."

Bumungisngis lang si Jennica, saka umalis. Si Jenny naman ay kanina pa nakatitig kay Lysander.

"Hey," Lysander said to Jenny.

Tipid na ngumiti si Jenny. "Hello po. Kayo po pala ang boss ni ate. Ako po si Jenny." Inilahad nito ang kamay. "Nice to meet you po."

Agad namang tinanggap ni Lysander ang pakikipagkamay ni Jenny. "Nice to meet you din."

"Mas guwapo ka po sa personal, Kuya Lysander."

Natigilan siya nang marinig ang pagtawag ni Jenny kay Lysander ng "Kuya." Bago iyon sa pandinig niya pero parang napakagaan at napakasarap sa pakiramdam. At mukhang nasiyahan din si Lysander dahil ang lapad ng ngiti nito.

"Guwapo talaga ako," pagmamayabang ng ipuipo.

Pinaikot niya ang mga mata. Hayan na naman ang ipuipo.

Mahinang tumawa si Jenny. "Bagay kayo ng ate ko."

Nakataas ang sulok ng mga labi ni Lysander na bumaling sa kanya. "Your sister is very honest. Bagay nga tayo."

Sumikdo ang puso niya pero itinago niya iyon sa pamamagitan ng pag-irap dito. "Tigilan mo ako, Boss. Baka masapak kita nang wala sa oras."

Tinawanan lang siya ni Lysander, saka bumaling ito sa kapatid niya. "Bagay kami, 'di ba? Ayaw lang maniwala ng ate mo, eh."

Tumawa si Jenny, saka ngumiti sa kanya. "Sobrang bagay po, Ate."

Pinandilatan niya ito. "Magtigil ka, Jenny."

Nginitian lang siya ng kapatid, saka nagpaalam na aalis sa sala para puntahan ang mga magulang nilang nasa kusina raw at abala.

"Upo ka," sabi ni Jergen kay Lysander na inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.

Tumigil ang mga mata nito sa graduation picture niyang noong college. "Hmm... you look actually sexy in black hair."

Inungusan niya ito. "Sige, mambola ka pa."

Nakangiting lumapit ito sa kanya, saka yumakap sa baywang niya. "Hindi kita binobola. Hindi lang kasi ako sanay na makita kang walang kulay ang buhok. But you do look sexy in black hair."

Sinupil niya ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya at inirapan ito. "Tigilan mo ako, Boss—"

"Jergen, anak?"

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang marinig ang boses ng ama, saka malakas na itinulak si Lysander paupo sa sofa. Kinakabahang humarap siya sa pinanggalingan ng boses. "Tatay," sabi niya, saka kinakabahang ngumiti. "K-kumusta ho kayo?"

"Ayos lang naman, anak," sagot ng ama niyang si Ernesto pero wala naman ang tingin sa kanya kundi na kay Lysander. "Nandito raw ang boss mo sabi ni Jennica, sumama raw." Matiim ang tingin nito sa lalaki. "Ikaw pala 'yon."

Mabilis namang tumayo si Lysander at ngumiti sa ama niya. "Hi po. Ako po si Lysander Callahan. Ikinagagalak ko po kayong makilala."

Hindi pinansin ng ama niya ang pagpapakilala ni Lysander, sa halip ay bumaling ito sa kanya. "Bakit siya sumama sa 'yo? Kailan siya uuwi?"

"'Tay!" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng ama. "Boss ko ho siya."

"O, eh, ano naman ngayon?" sikmat nito. "Ang pagiging boss niya ay natapos pagkalabas mo sa kompanya niya. At bakit siya sumama sa 'yo? Mamamanhikan ba siya?"

"'Tay!" Pinandilatan niya ang ama, hindi niya napigilan ang sarili. "Ano ka ba naman, 'Tay. Gusto lang niyang mamasyal dito sa 'tin."

Umingos ito. "Mamasyal?" Tumingin ito kay Lysander. "Mamamasyal ka rito?"

Sumulyap muna sa kanya si Lysander bago sumagot. "Ahm... o-opo... mamamasyal po ako."

Halata sa ama niyang hindi ito naniniwala kay Lysander kaya naman nagsalita siya.

"'Tay." Nilapitan niya ang ama, saka niyakap sa braso. "Please po, maging mabait naman kayo sa boss ko," bulong niya. "Mabait iyan sa 'kin, eh."

Bumuntong-hininga ito. "O, siya." Tumingin ito kay Lysander. "Dahil mabait ako, pakakainin kita pero pagpasensiyahan mo na dahil simple lang ang mga pagkain namin dito." May sarkasmo sa boses ng kanyang ama. "At doon ka matutulog sa kuwarto ni Justine, ang bunso namin na nasa high school. Malayo ang kuwarto nitong si Jergen kay Justine kaya huwag kang magkakamali na pumunta roon dahil nakahanda ang itak ko. At kapag nakita kitang malapit sa anak ko katulad ng nakita ko ngayon-ngayon lang, kabahan ka na." Peke nitong nginitian si Lysander. "Sige, kain na tayo. Lalamig na ang pagkain."

Nang makaalis ang ama niya humarap siya kay Lysander. "Pasensiya na. Ayaw talaga ni Tatay sa mga lalaki na hindi niya kilala, 'tapos nakita pa niya tayo na ganoon ka-close."

Lysander just smiled. "I finally find someone who dislikes me," biro nito, saka lumapit sa kanya at inakbayan siya.

"Boss?"

"Hmm?"

"Gusto mo bang manatili na nakakonekta ang braso mo sa balikat mo?" tanong niya.

Napapantastikuhang napatingin sa kanya si Lysander. "Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Kasi maghihiwalay ang braso at balikat mo kapag nakita ni Tatay na nakaakbay ka sa 'kin."

"Fuck." Mabilis na inalis ni Lysander ang braso sa balikat niya. "This is torture."

Mahina siyang natawa. "Binalaan na kita kaya makinig ka sa 'kin."

Tumango lang si Lysander pero nakikita niya sa mukha nito na parang hindi nito siniseryoso ang sinabi niya. Napailing-iling siya. Ayaw niyang dumating sa punto na gamitin ng tatay niya ang itak nito. Nasisiguro niyang hindi maganda ang kalalabasan niyon. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top