CHAPTER 5

CHAPTER 5

PAGKATAPOS KUMAIN ni Haze ay nagtungo siya sa kuwarto at may dala-dalang sopas. Dahan-dahang niyang binuksan ang pinto at parang pusang naglakad palapit sa kama.

"Naririnig ko ang mga yabag mo, wifey."

Napatigil siya sa paglalakad nang magsalita si Lath. Itinirik niya ang mga mata, saka inilapag sa maliit na mesa na katabi ng kama ang ginawang sopas.

"Kumain ka na," sabi niya.

Tinanggal ni Lath ang braso na nakatakip sa mga mata nito, saka tumingin sa kanya. "Ano?"

Itinuro niya ang sopas. "Kain na."

Tumaas ang kilay ni Lath. "Sopas?" Mahina itong tumawa. "Wala akong sakit."

Mabilis niyang diniinan ang sugat nito.

"Fuck! Ouch!" agad na sigaw ni Lath at bumangon.

Napangisi si Haze. "So wala kang sakit?"

Pinandilatan siya ni Lath. "Ewan ko sa 'yo."

Inirapan niya ito. "Kainin mo 'yang sopas na 'yan kahit wala kang sakit. Huwag kang mag-alala, walang lason 'yan kasi wala akong makitang nakakalason para ilagay diyan. At habang kumakain ka..." Umupo siya sa gilid ng kama. "Mag-uusap tayo."

Mataman siyang tinitigan ni Lath, kapagkuwan ay umusod ito palapit sa sopas. As he ate the soup, he stared questioningly at her. "So? May sasabihin ka?"

Tumango siya. "Kailan mo ako ibabalik sa Manila?"

Napatigil ito sa pagsubo. "Hindi pa ngayon."

Tumalim agad ang mga mata niya. "At bakit naman?"

"Kasi kailangan mo munang tanggapin na mag-asawa na tayo."

Pinandilatan niya ito. "Hindi tayo mag-asawa. Hindi ko alam kung ano'ng ginawa mo para maging legal ang marriage certificate na 'yon. You tricked me into signing! Walang kasalang naganap!"

Hinilot nito ang tainga. "Tuwing magsasalita ka, kailangan talagang sumigaw? Hindi ba puwedeng dahan-dahan lang. Ang sakit sa tainga, eh."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Nakadepende ang boses ko sa kausap ko."

"So feeling mo bingi ako na kailangang sigawan?" Puno sarkasmo ang boses nito. "Well, FYI, okay ang tainga ko. Walang sira."

Inirapan niya ito. "Iuwi mo na kasi ako. Ano ba ang gusto mong makuha sa akin?"

"Your heart—"

"Letse ka!" sansala niya kay Lath.

"Your love—"

"Hinayupak ka."

"Your virginity."

Napanganga siya. "M-my what?"

"Ngayong asawa na kita, may karapatan akong angkinin ka gabi-gabi at araw-araw."

Laglag ang panga niya. "Ano? Araw-araw? Gabi-gabi? Hindi kaya sumabog ang obaryo ko sa kahalayan mo?"

Malakas na tumawa si Lath. "Chill. We'll make it three times a day."

Wala na siyang panga sa kanganganga. "Three times a day? Uy, ano ako, gamot sa kahalayan mo? Hoy, Lath, hindi ako gamot na reseta ng doktor para sa gamot mo sa kabaliwan."

Lath chuckled and she stared at him, admiring how sexy his chuckled was. Napakurap-kurap siya. Holy shit! I am so not going there again!

Huminga siya nang malalim, saka nagtanong uli. "Paano kung hindi ako pumayag sa gusto mo? I don't want to have sex with you, Lath," she said in a flat voice.

Ngumisi lang si Lath, saka lumuhod sa kama at inilapit ang mukha sa mukha niya. Napalunok si Haze nang maramdamang parang mga kabayong nakikipagkarera ang puso niya sa bilis ng tibok niyon. Nanlalamig din ang kamay niya at hindi maiwasang mapatitig sa natural na mapupulang labi ni Lath.

"Wifey?"

Wala sa sariling tumugon siya. "A-ano?"

"Kapag hindi ka pumayag." Hinawakan nito ang baba niya, saka inilapat ang mga labi sa kanya—hindi para halikan siya kundi para kagatin ang pang-ibabang labi niya. "Gagapangin kita," pabulong nito sabi sa mga labi niya. "At sisiguruhin kong magugustuhan mo 'yon."

Doon siya nagising sa huling tinuran nito. Tumaas ang isang kilay niya at taas-noong sumagot. "Sige, hahayaan kitang gapangin ako." God. Her pride and ego would be the death of her! "Pero nasisiguro kong hindi ka magtatagumpay. Hindi mo mabubuhay ang katawang lupa ko."

Naughtiness and wickedness flashed through Lath's eyes. "Challenge accepted my peach scented pussy wife." Ang pang-itaas na labi naman niya ang kinagat nito at pinaglandas ang dila para tuksuhin siya. "You will scream my name in ecstasy."

Nang bitawan nito ang baba niya, nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto, saka sinapo ang dibdib at sumandal sa nakasarang pinto.

Pinakiramdaman ni Haze ang sarili. Umawang ang mga labi niya nang mapansing parang basa ag nasa gitnang bahagi ng mga hita niya... basa ang... oh, my God! Is my vagina wet?

What the heck was that?



PINAKALMA NI HAZE ang sarili sa lower deck ng yate. Mayroong duyang doon na natatakpan mula sa sikat ng araw. Doon siya umupo habang nakatingin sa kalmadong karagatan.

Minutes later, Lath joined her.

"Anong—" Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang umupo ito sa duyan, sa tabi niya. "Umalis ka. Sa sahig ka maupo."

"This is my yacht, wifey," sabi nito, saka pilit na pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. "I have the right to sit wherever I want."

Kahit anong pilit niya, hindi siya makawala sa pagkakahawak ni Lath. She gave up from trying to pull away her hand from him. Hindi naman siya magtatagumpay.

"Bitawan mo ang kamay ko," mahinahong sabi niya pero hindi niya uli sinubukang hilahin ang kamay.

"Ayoko," sabi nito na nakatingin pa rin sa karagatan.

Umirap siya sa hangin. "Palagi na lang 'ayoko' ang sagot mo sa lahat ng gusto ko." She puffed an angry breath. "Pero hindi mo naman matanggap na ako naman ang magsabi ng 'ayoko.'"

Lath sighed heavily. "Sanay akong palaging nakukuha ang gusto ko. I have my wicked ways in acquiring what I want, wifey, and I happen to want you."

"Hanggang kailan?" Bumaling siya sa lalaki. "And, Lath, what exactly do you want from me?"

Bumaling ito sa kanya. "Sinabi ko na sa 'yo ang gusto kong makuha, ayaw mo lang makinig. I want you heart, your love, your body and everything you can offer."

"Why?" Bumuntong-hininga si Haze. "Ano ba ang mapapala mo sa puso ko, sa pagmamahal ko, sa katawan ko o sa lahat ng kaya kong ibigay sa 'yo? God, Lath, puwede mo iyang makuha sa kahit sinong babae na gustuhin mo. I am just a plain Haze Tito. Wala akong kayang ibigay sa 'yo. I'm not gonna give you my heart, my love and my body. There are lots of women who will eagerly and happily give those to you in a silver platter."

Nagkibit-balikat lang ito. "Alam ko 'yan. I know my effect on women. Alam kong kaya ko 'yong makuha sa kahit sinong babae." Bumaling uli ito sa kanya at tumitig sa mga mata niya. "Maliban sa 'yo." He chuckled nonchalantly. "And I don't want them, Haze, I want you."

Bumilis ang tibok ng puso niya. Pigil niya ang hininga nang ihilig nito ang ulo sa balikat niya. Para silang tunay na mag-asawa sa posisyon nila.

"Haze?"

"Ano 'yon?"

"I want to have sex here."

Agad na nawala ang mahika na lumukob sa kanya. "Gago." Pinalis niya ang ulo nito na nasa balikat niya at inagaw ang kamay niya pero bigo siya.

Lath hugged her tightly from the side like he didn't want to let go of her and buried his face on her beck. Napakabilis ng tibok ng puso niya habang nararamdaman ang mainit nitong hininga sa leeg niya.

Haze tried to get off the hummock but failed. Mahigpit ang yakap sa kanya ni Lath.

"Stay still," pabulong na sabi ni Lath at naramdaman niya ang paglapat ng mga labi nito sa leeg niya.

Napalunok siya. "Lath—"

"Masakit ang ulo ko."

Dahil sa sinabi nito, nakonsiyensiya na naman siya. Even if he deserved to be cut in the head, he didn't deserve to have a concussion.

"Pasensiya na." Parang may sariling isip ang kamay niya na tumaas iyon at dumapo sa ulo nito. She brushed his hair softly. "Gusto kitang tirisin at at ilibing nang buhay, pero hindi ko alam na makokonsiyensiya pala ako sa maliit na sugat mo sa noo na ako ang may gawa."

He chuckled softly. His hot breath fanning her neck. "Minsan ko lang 'to sasabihin. Inaamin ko, I deserve this cut in my forehead."

"'Buti alam mo," mataray niyang tugon at nagpakawala ng malalim na hininga. "Pero gusto ko nang umuwi, Lath."

"Not now... but soon," sabi nito na mas humigpit pa ang yakap sa kanya.

"Kailan naman ang soon na 'yan?"

He kissed her neck and bit it lightly. "Kapag nakabayad ka na ng utang sa akin."

She frowned. "Wala akong utang sa 'yo." Umiling-iling pa siya. "I don't owe you anything, Lath, kaya wala akong dapat bayaran."

Kailangang kagatin ni Haze ang labi para hindi mapadaing nang maramdaman ang mga labi ni Lath na gumapang pataas, patungo sa tainga niya at marahang kinagat ang gilid niyon.

She shivered in pleasure.

"Haze, you don't know what I'd been doing for eight years." Hinawakan nito ang baba niya at pilit na ihinarap ang mukha niya sa mukha nito. Their lips were only a breath apart. "Samantalang ako, alam ko lahat ng galaw mo sa loob ng walong taon. I paid people to monitor your every move."

Umawang ang labi niya. "A-ano?"

Mapakla itong tumawa. "I paid people to make you happy for eight years, wifey. Now, it's time for you to make me happy. It's time for you to pay."

Marahas siyang umiling. "H-hindi kita maintindihan. Ano ba ang pinagsasasabi mo? Monitor me? Paid people to make me happy? Gosh, Lath, nahihibang ka na ba at hindi mo na alam ang pinagsasasabi mo?!"

His eyes lost its emotion. Again. "Hindi lang ikaw ang nasaktan nang maghiwalay tayo sa Baguio."

Pagkasabi nito niyon ay umalis ito sa duyan at kinarga papunta sa itaas ang isa sa mga kahon na nasa lower deck.

Naiwan si Haze na gulong-gulo ang isip. Ano ang ibig sabihin ni Lath? Hindi niya maintindihan ang mga lumalabas na salita sa bibig nito.

Argh! This is confusing as hell!

Pero kahit pa gulong-gulo siya at kinakain ng kuryosidad ang buo niyang pagkatao, kahit gusto niyang intindihin at alamin ang pinagsasabi ni Lath, nangingibabaw pa rin ang kagustuhan niyang umuwi. Hindi pa rin niya matatanggap na asawa niya ito.

Never.

Hindi niya ito hahayaang lokohin siya at paglaruan sa ikalawang pagkakataon.



LATH NEARLY punched himself. Fuck! He nearly slipped and tell Haze the truth. Ang katotohanang kahit ang kakambal niya ay hindi alam. Ayaw niyang may makaalam na iba sa kabaliwang pinaggagagawa niya.

Lath knew what he feel was not normal, it was madness. Lahat ng ginawa niya para kay Haze ay isang kahibangan.

Napailing-iling siya. It was better if he kept it to himself. Wala namang may alam n'on kundi siya.

Inilapag niya ang kahon sa sala at umupo sa mahabang sofa. Ayaw niyang bumalik sa lower deck dahil nandoon pa si Haze. She might question him. Mag-aaway lang sila dahil wala siyang balak na magsalita uli.

Nakatunganga si Lath sa kawalan nang pumasok si Haze. Mukhang may damit sa kahon na ibinigay ni Lysander dahil nakapagbihis na ang babae. Pinukol siya nito ng masamang tingin, saka nagmamartsang pumasok sa kuwarto niya.

Akmang susundan niya ito nang makaramdam siya ng pagkahilo. Fuck! Maybe he had a mild concussion. Bakit naman kasi hindi siya nakailag nang batuhin siya kanina ni Haze?

Nahiga siya sa mahabang sofa at ipinikit ang mga mata. Nakarma yata siya sa pinaggagagawa niya kay Haze.

Natatawang-napailing-iling siya. Yeah, right. Karma was really a bitch, and her name is Haze.

Ilang minuto ang lumipas, nakarinig ng mga yabag si Lath. Binuksan niya ang mga mata nang marinig na may naglapag ng kung ano sa center table.

"Kumain ka na," sabi ni Haze na masama pa rin ang tingin sa kanya. "Lampas lunch na. Iyan lang ang niluto ko kanina, kanin at fried chicken. Bago ka matulog diyan, kumain ka muna."

Ha stared at her, slightly dumbfounded. "Pakakainin mo ako kahit galit ka sa akin?" hindi makapaniwalang tanong niya. "I mean, you couldn't careless what happened to me. You shouldn't feed me and left me to weaken."

Inirapan siya ni Haze. "Hindi ako katulad mo na ginagamit ang kahinaan ng iba para makuha ang gusto."

That shut him up. Damn! Ang talas talaga ng dila ng babaeng 'to.

"Thanks." Lath grumbled and ate the food.

Habang kumakain, umalis si Haze at nang bumalik, may dala na itong isang basong tubig.

"Thanks," he murmured and drank.

Inirapan lang siya ni Haze at iniwan sa sala. Hanggang sa matapos siyang kumain, hindi na ito bumalik.

Pagkatapos hugasan ang pinagkainan, nagtungo si Lath sa kuwarto. Papasok na sana siya nang marinig ang mahinang paghikbi ni Haze. It made him froze. Hearing her cry again was twitching his heart in unbearable pain.

Kasalan niya kung bakit umiiyak ito. Kasalanan naman talaga niya lahat. Why couldn't he leave Haze alone? He did so for eight years. Why now? Bakit hindi na lang niya ito hinayaan sa mundo nito?

Maybe... because... he was done waiting for God to make a move. Kung gusto niyang makuha ang babaeng hindi niya maamin sa iba na bumabaliw sa kanya, dapat siya na ang gumawa ng paraan.

Bumalik si Lath sa sala. Hindi niya kayang pumasok sa kuwarto. He could be heartless at times but not that heartless. Showing his face to Haze would just make her cry harder. His main goal was to make her happy, not sad... like now.

Sino ba naman ang matutuwa kung ikinasal ka sa lalaking kinamumuhian mo?

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng khaki short, saka tinawagan ang isa niyang matalik na kaibigan na maiintindihan ang pinagdadaanan niya.

"Hey, Kriszy-baby," he purred.

Tumawa ang nasa kabilang linya. "Kapag narinig ka ni Train, patay ka."

Tumawa siya nang mahina. "Yeah. Yeah. I'll make this call quick."

MATAPOS UMIYAK dahil wala siyang magawa sa sitwasyon niya ngayon, lumabas si Haze ng kuwarto para silipin kung tapos nang kumain si Lath.

She went to the living room and saw him talking to someone on the phone.

Natigilan siya nang makita ang masaya nitong mukha. Malapad ang ngiti, nagniningning ang mga mata at napakalambing ng boses.

"Come on, Kriszy-baby," he said sexily. "Help me here, will you? Akala ko ba mahal mo ako? Please, baby, please?"

Parang may kamay na sumakal sa puso niya sa nakikita at naririnig. He called me Hazey-baby.

Tama nga ang hinala niya. Hindi mapagkakatiwalaan kailanman ang isang Lath Coleman. Mabuti at napigilan niya ang sarili na magustuhan uli ang lalaki.

"Thanks. You're an angel!" Lath grinned. "I love you, Kriszy-baby."

Parang may isang milyong karayom na tumusok-tusok sa puso ni Haze sa narinig. Mapait siyang napangiti. Walang ibang eksplenasyon kung bakit siya nasasaktan. Kung wala siyang pakialam kay Lath tulad ng pilit niyang sinasabi sa sarili, eh, di sana hindi siya nasasaktan.

Ngayon lang niya na-realize, nasasaktan pa rin siya. She knew in that moment that she hadn't moved on even one bit.

Damn it!

Tinapos ni Lath ang tawag at humarap sa gawi niya. Agad na nawala ang ngiti nito sa mga labi nang makita ang mukha niya.

He must have saw something in her face... maybe jealousy because his eyes widened. Pero nasisiguro niya na itinago niya ang emosyong iyon mula rito.

"Haze..."

Tumaas ang isa niyang kilay. "What?"

"Krisz is just a friend. I mean, hindi kita niloloko kung iyan ang iniisip mo."

She scoffed. "Ito ang unang pagkakataon na nagpaliwanag ka. Save it. I don't need it. At hindi ako naniniwala sa 'yo." Tinalikuran niya ito at nagmamadaling pumasok sa kuwarto at ini-lock 'yon.

A tear escaped her eyes. Shit! Not again! Sinabi niya sa sarili na hindi na siya kailanman iiyak nang dahil kay Lath. Pero ngayong araw, ilang balde ang niluha niya dahil dito.

Kailangan niyang mas tigasan pa ang sarili. She couldn't let Lath break her heart again for the second time. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top