CHAPTER 20
CHAPTER 20
NANG DUMATING sila sa mansiyon ng mga Coleman, tahimik ang buong bahay. Lalo lang 'yong dumagdag sa kabang kanina pa nararamdaman ni Haze. Nanlalamig ang mga kamay niya, parang nangangatog ang mga tuhod niya, pakiramdam niya ay may nga paruparo sa tiyan niya. Naiihi siya at nanlalamig ang buong katawan niya.
This is nervousness in the highest form.
"Lath, ihatid mo na ako sa condo ko," wika niya habang hinihila ang braso ng lalaki palabas ng bahay. "Mamamatay ako sa nerbiyos nang dahil sa 'yo, eh."
Lath chuckled and wrapped his arm around her waist. "Halika sa kuwarto ko. Para mawala iyang kaba mo."
Haze had two choices—to run and hide in her condo or be with Lath and face his family. Huminga siya nang malalim at nagpaubaya nang hilahin siya ni Lath patungong hagdanan. Yes. She chose the latter.
Pumasok sila sa isang marangyang kuwarto. Black walls. Black marble flooring. Black bed. Black color furniture. Lahat yata na nakikita niya ay itim.
"Hindi ka rin fan ng kulay-itim, 'no?" komento niya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto.
Lath hugged her from behind. "Like it?"
Humarap siya rito. "Wala akong ibang nakita kundi kulay-itim."
"I love the color black." He pressed their forehead together. "And I love you."
Nangingiting kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Yeah?"
"Yes." He kissed her. "And anyway, wala naman akong balak manatili sa bahay na 'to. Napag-usapan namin ni Lash na kapag nag-asawa kami, magpapatayo kami ng beach house at dapat malapit lang ang bahay namin sa isa't isa. And because you're my wife, you will be the queen of our house."
Malapit nang malaglag ang puso niya sa ka-sweet-an ng lalaking 'to.
Hinalikan siya nito sa mga labi. "Stay here. Hahanapin ko lang ang kakambal ko. Dapat narito na siya ngayon."
"Okay."
Pinangko siya nito patungo sa kama at hinalikan sa noo. "Stay here. Babalik din ako agad."
"Okay. Bilisan mo, ha?"
He nodded. "I'll text you while I'm away."
Mahina siyang natawa. "Para namang pupunta ka sa ibang bansa, Lath, lalabas ka lang."
Lath chuckled. "I love you."
"I know."
Sadness shadowed his violet eyes, pero agad din naman 'yong nawala. "Okay. Love yah."
Lath left the room and Haze just sat in the middle of his bed, contemplating if being here was the right thing to do. Pero bakit naman nakakahiya? Eh, asawa naman niya si Lath?
Urgh!
NAPAILING-ILING SI LATH nang sabihin sa kanya ng kakambal na balak ng kanilang ama na legal na ampunin si Nez. That old man was annoying him. Hindi ba talaga ito titigil dahil sa pansariling kadahilanan?
Enough was enough. He had to do something for his twin's sake.
"Sumosobra na si Daddy," sabi niya, saka tinapik ang balikat ni Lash. "'Di bale, pahangin ka muna. Pumunta ka sa Black Pearl Yacht. May kakausapin lang ako."
Kailangang mag-usap nina Lash at Nez kaya nga pinapunta niya si Nez sa yate nang magtanong ito kanina kung nasaan si Lash. And now, his twin needed to go there too for his plan to work.
Kumunot ang noo nito. "Sino? Si Dad?"
"Nope. I'll tell you later." Nilampasan niya ito at hinanap ang taong makakatulong sa kanya.
He had to do something. Ayaw niyang makita ni Haze na magulo ang pamilya niya. It could affect her decision to stay with him. Hindi niya hahayaang iwan siya nito. Over his hot and awesome body.
Minutes later, Lath found himself outside the master's bedroom. Huminga siya nang malalim, saka kumatok.
"Bukas 'yan," sabi ng boses mula sa loob.
Huminga uli siya nang malalim, saka pinihit pabukas ang pinto. He felt nostalgic when he saw the insides of the room. Ang huling beses na pumasok siya sa kuwarto na 'yon ay noong mamatay kanyang ang ina. It was hard to accept that his mom was replaced, but Tita Elspeth seemed nice and caring, so accepting her became easy.
"Tita, puwede ba kitang kausapin?" tanong niya nang makapasok sa loob.
Halata ang gulat na bumadha sa mukha ng ginang bago ito tumango. "Upo ka." Iminuwestra nito ang kamay sa sofa na nasa harap ng queen size na kama kung saan ito nakaupo.
Umiling siya. "Hindi na kailangan. Hindi naman pang-MMK ang sasabihin ko sa 'yo."
Ngumiti ito nang matamis sa kanya. "Sige, magsalita ka na."
Humugot siya ng isang malalim na hininga. "I need you to stop Dad. He's being selfish." Ikinuwento niya rito ang rason kung bakit hindi maganda ang relasyon ng ama at kakambal niya. "You, see, he needs to stop. Sinasaktan niya ang anak mo at ang kakambal ko. Ayokong pati ako ay pakialaman niya. Baka iwan ako ng asawa ko."
Kung umawang ang mga labi ng ni Tita Elspeth sa ikinuwento niya, laglag ang panga nito sa huli niyang tinuran. "M-may asawa ka na?"
Tumango siya at ngumiti. "She is a very wonderful woman. Haze ang pangalan niya. I intend to keep her, Tita Elspeth. 'Pag pinakialaman ni Dad ang buhay pag-ibig ko, giyera kaming dalawa."
"M-may asawa ka na talaga?" hindi pa ring makapaniwala nitong tanong.
Tumango siya uli. "Opo. Wanna meet her?"
Napakurap-kurap ang ginang, kapagkuwan ay ngumiti. "Congratulations, Lath."
Ngumiti siya. "Nasa kuwarto ko siya kung gusto n'yo siyang makilala."
Nakatangong ngumiti ito. "I like to meet her, pero aasikusihin ko muna ang tungkol sa dalawa kong anak na sina Lash at Nez."
It warmed him to know that Tita Elspeth considered Lash as her child.
He smiled once again and left the room. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa, saka tinawagan si Lysander.
"Ready the akyat slash gate bahay gang," sabi niya na nakangisi. "Inuman tayo mamaya. Maybe two hours from now."
If everything goes smoothly as planned.
"Copy," sagot ni Lysander, saka nawala ito sa kabilang linya.
Napailing-iling siya at nagpadala ng mensahe sa asawa niya.
Hey, wifey. Okay ka lang diyan? Nagugutom ka na?'
He hit send.
Agad namang nag-reply ang mahal niyang asawa.
Nagugutom na ako, hubby. Miss your sandwich.
Abot hanggang tainga ang ngiti niya nang mabasa ang "hubby." Shit! That woman had serious effect on his freaking heart.
He replied, Padadalhan kita ng pagkain diyan. Enjoy eating. Love you. Mwah.
Napailing-iling na lang si Lath sa mensahe niya. It was so clear that he was lovesick. Oh, well. He didn't give a damn. He was bitten by love bug and he was freaking shouting it to the world.
Haze quickly replied.
I know, hubby.
Huminga siya nang malalim, saka binura ang mensahe nito. Palagi na lang 'yon ang sagot nito sa kanya. Naiirita siya kasi pakiramdam niya ay siya lang ang nagmamahal at pinapakisamahan lang siya nito.
God! Why was love so painful? Pero si Haze naman ang mahal niya. The pain was worth it.
Nagtungo si Lath sa kusina at nginitian ang mayordoma. "Nay Helen, dalhan mo naman ng brunch ang asawa ko. Nasa kuwarto ko siya."
Napanganga ang mayordoma. "Ang ano n'yo ho?"
"Asawa." Tumawa siya. "Please, nagugutom na siya, nahihiya lang bumaba. Mamaya ko pa siya ipapakilala sa lahat."
Tumango na lang si Nay Helen. "Okay."
He grinned and went to Black Pearl Yacht. Natagpuan niya ang kakambal na nasa top deck at parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Hey." Tinabihan niya ito ng tayo malapit sa railing. "Nasaan si Nez?"
"Nandoon sa library ni Dad." Nagtagis ang mga bagang ni Lash. "Pinag-uusapan na nila ngayon ang adoption ni Nez—"
"So you're just gonna wait?" Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Gusto mong bigyan kita ng uppercut? Loko-loko! Kung mahal mo siya, pumunta ka sa library at ihayag mo ang nararamdaman mo. Bullshit, 'buti nga mahal ka ng babaeng mahal mo." Eh, ako? Walang kasiguruhan. "Time to declare your love in front of our parents."
Mahinang tumawa si Lash, saka tumakbo palabas ng yate. Siya naman ay sinundan ito.
NATIGILAN SI HAZE nang bumukas ang pinto at may pumasok na medyo may edad nang babae. Bumalik agad ang kabang naramdaman kanina.
"Hello, Ma'am," sabi nito. "Heto na ho ang pagkain n'yo."
Napakagat-labi siya. "S-salamat po."
Inilapag ng matanda ang pagkain sa mesa na malapit sa kama at pinakatitigan siya, kapagkuwan ay ngumiti. "Ang ganda n'yo ho, Ma'am. Bagay na bagay kayo ni Sir Lath." Inilahad nito ang kamay. "Ako nga pala ang mayordoma sa bahay na 'to. Ikinagagalak kitang makilala."
Mabilis niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Masaya din po akong makilala ka. Si Lath kasi iniwan ako rito, nahihiya naman akong lumabas. Kakaratehin ko talaga siya mamaya pagbalik niya. Sabi niya madali lang siya—" Napatigil siya sa pagsasalita at nahihiyang nag-iwas ng tingin. "Sorry po."
Tumawa ang mayordoma. "Ayos lang. Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang asawa ni Sir Lath. Matapang ka kasi at matalas ang dila." Tumawa uli ito. "Parang si Ma'am Krisz lang."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Awtomatikong nagselos siya sa narinig. "Sinong Krisz?"
"Ang asawa po ng kaibigan ni Sir Lath. Close po silang dalawa. Akala ko nga noong una ay may relasyon sila."
Parang may sumuntok sa puso ni Haze. Para paghinalaan ng matanda na may relasyon ang dalawa, they must have an intimate relationship. At naaalala niya noong nasa yate pa sila ni Lath, may tinawagan ito at nag-I love you pa. If her memory served her right, he said "Kriszy-baby."
Pasimpli niyang sinapo ang dibdib, saka minasahe 'yon. God. It hurts.
"Sige, Ma'am, aalis na ako."
Tumango lang siya at umalis na ang mayordoma. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Parang pinipilipit sa sakit ang puso niya pero hindi niya hahayaang masaktan siya lalo.
Once and for all, he had to ask Lath who was Krisz to him. 'Yon lang ang tanging paraan para matapos na ang mga hinala at pagdududa niya.
She had to know if Lath really loved her, because she loved him so much.
Uncertainty of the future be damned!
FINALLY, EVERYTHING was settled. Lash and Nez were finally together and the two were shamelessly sucking their faces off in front of him.
Gross.
Inabala na lang ni Lath ang sarili sa pagte-text kay Haze.
Wifey, ready to meet my friends? He hit send.
Sure, she replied.
Ngumiti siya. Sunduin kita riyan, mayamaya.
Okay.
Napakunot ang noo niya sa maiikling reply ni Haze.
So he sent a message.
I love you.
Hinintay niya ang reply nitong "I know" pero walang dumating na mensahe.
Fuck! Something was wrong. Ano ba ang nagawa niyang mali? Malakas ang kabog ng puso niya habang naglalakad patungo sa kuwarto niya.
Hell! Nagiging maayos pa lang ang pakikitungo nito sa kanya, 'tapos hayun naman. Was he just overreacting?
Itinulak niya pabukas ang pinto at nakita niyang nagsusuka na naman si Haze. Nakabukas ang pinto ng banyo kaya naman kitang-kita niya ito habang nasa lababo at nagduduwal.
Fuck!
Agad siyang pumasok sa banyo at hinagod ang likod nito. "Sshh... you okay? Shit! Ayos ka lang ba, wifey? Tatawag ako ng doktor—fuck!" Malakas siyang nagmura nang mas lumala pa ang pagsusuka nito.
Ilang minuto pa itong sumuka ng tubig lang bago nagmumog at umayos ng tayo.
Tumingin si Haze sa kanya. "Okay na ako." Lumabas ito ng kuwarto, nakasunod siya. She pointed the fish on the plate. "Ang lansa. Please pakitanggal mo naman 'yan."
Napatitig si Lath sa isda, kapagkuwan ay bumaling siya kay Haze. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa isda na para bang ang sama-sama ng ginawa niyon.
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya.
"Oo." Nag-iwas ito ng tingin, saka kinuha ang cell phone at may pinindot-pindot. "Sige na, okay na ako, umalis ka na."
Napakurap-kurap siya sa lamig ng pakikitungo nito sa kanya.
"Wifey..." Lumapit siya. "May nagawa ba akong mali?"
Tinaasan siya ni Haze ng kilay. "Bakit? May ginawa ka ba na hindi ko alam o may itinatago ka?"
Nagtagis ang mga bagang niya. He was so tired of her doubting him. "Haze, malapit na akong magalit. Palagi mo na lang akong pinagdududahan. Hindi pa ba sapat na mahal kita? Hindi pa ba sapat na—"
"Sapat na sa akin 'yon noon, 'tapos nakita kitang may kahalikang iba." Her voice was filled with pain. "Sa tingin mo napakadaling mawala n'on sa isip ko dahil lang sinabi mong 'I'm sorry' at 'mahal kita'?" Mapakla itong tumawa. "No, your sorry cannot erase the pain and doubt in my heart, Lath. Ayos na sana, eh, 'tapos may nalaman ako kanina. It brings back the pain in my heart. Bumalik 'yong sakit at takot na nawala na." Nagkibit-balikat ito. "We need space. I need time to think of this relationship."
Dread consumed his insides. "No! You are not leaving me. I won't let you!"
Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. "You won't let me? Fuck you, Lath! Fuck you! Tama na! This time, hayaan mo akong mag-isip. Give me time. Hayaan mo akong magdesisyon sa sarili ko na wala kang kinalaman!" sigaw nito.
Parang nabingi siya sa sakit na bumabalot sa kanya.
"Wifey, please, don't..."
Umiling ito. "Give me time." Tumingin ito sa kisame, saka sa kanya. "May itatanong ako."
"Ask me."
"Ano ang relasyon mo kay Kri—"
There was a loud knock on the door.
Pareho silang napamura ni Haze.
"Sino 'yan?" pasigaw na tanong niya.
"It's Lysander. Come on. Nasaan ang kakambal mo? Hindi namin mahanap," sabi ni ng nasa labas ng pinto.
He sighed and gave Haze a begging look. "Not now, Haze. Mamaya na natin 'to pag-usapan."
Bumagsak ang mga balikat nito. "Fine." Inayos nito ang sarili. "Umalis ka na."
"Sasama ka sa akin." Hinawakan niya ito sa braso pero piniksi lang ang kamay niya.
"Huwag mo akong hawakan," sabi nito, saka nauna nang lumabas ng kuwarto at sumunod naman siya.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top