CHAPTER 2
CHAPTER 2
NAKANGANGA LANG si Haze habang nakatingin kay Lath na nakangisi sa kanya. "Ano'ng sabi mo?" Napakurap-kurap siya. "Mali yata ang narinig ko."
"Naaalala mo ang sinabi ko sa'yo noon bago tayo maghiwalay?" He smirked. "Eight years na, single ka pa rin. So, magpakasal na tayo."
Napakurap-kurap siya uli, saka malakas na tumawa. Sinapo pa niya ang tiyan sa sobrang tawa. Sino naman ba ang hindi tatawa sa joke nito?
"Good joke," sabi niya habang tumatawa pa rin.
Kinunutan siya nito ng noo. "Hindi ako nagbibiro."
That made her stop laughing. Nakaawang ang mga labi na napatitig siya rito. "Ano?"
"Hindi ako nagbibiro." Napakaseryoso ng boses at mukha ni Lath. "Magpapakasal talaga tayo sa ayaw mo at sa gusto. Nangako ako, remember?"
Itinikom niya ang nakaawang na bibig. "At sa tingin mo naman ay papayag ako?"
Nagkibit-balikat ito. "Whether you like it or not, you're marrying me."
Napanganga uli si Haze. "Nahihibang ka na ba? And why the hell would you want to marry me?"
"Nangako ako, eh."
"Well, break your promise. I'm sure hindi iyan mahirap gawin para sa 'yo."
Lath leaned in, so close she could smell his minty breath. "Ayoko. I want to keep my promise. At saka kasalanan mo naman 'yon, hindi ka nag-asawa agad. 'Yon tuloy, pakakasalan kita ngayon."
Halos malaglag ang panga niya. "At kasalanan ko pa talaga? Hudas ka talagang lalaki ka. Matiwasay na ang buhay ko, bigla ka na lang darating para guluhin 'yon. Puwede bang maghanap ka na lang ng ibang babaeng guguluhin mo kasi wala akong oras sa mga kalokohan mo." Padaskol siyang tumayo at iniwan ito.
Nasa pinto na siya ng café at bubuksan iyon nang tawagin ni Lath ang pangalan niya.
"Haze."
Nakataas ang kilay na binalingan niya ito. "What?"
"I always get what I want." His stare seared to her soul. "And I want you."
Haze scoffed. "Not today. Not ever."
Agad niyang inihanda ang sarili nang tumayo si Lath at naglakad palapit sa kanya. Bahagya siyang napaatras nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya.
"Hazey-baby..." Tinapik-tapik nito ang tungki ng ilong niya. "I always get what I want."
Pinukol niya ito ng nakamamatay na tingin. Gusto niya itong tirisin at ilibing nang buhay. "Hindi ako isang bagay na gusto mong angkinin. At hindi ako magiging sa 'yo, hinding-hindi."
Hinaplos nito ang pisngi niya. Nilabanan niya ang mga mata na gustong pumikit at namnamin ang kakaibang sensasyong hatid niyon.
"I have my ways, Hazey-baby." Tumigil ang daliri ni Lath sa paghaplos sa pisngi niya nang makarating iyon sa gilid ng mga labi niya. "I am finger licking wicked to the core." Inilapat nito ang mga labi sa mga labi niya. At parang Jell-o ang tapang at galit niya na bigla na lang natunaw dahil sa simpleng halik na 'yon. "Magiging pagmamay-ari kita, sa ayaw mo at sa gusto. You are mine to begin with, anyway. Remember? I was your first boyfriend and I intend to be the last."
Humakbang ito palayo sa kanya, yumukod, at naunang lumabas ng café. Siya naman ay naiwang nakatunganga habang nakatingin sa papalayong likod ng lalaki.
What the hell was going to happen now? Nasisiguro niyang hindi titigil si Lath hangga't hindi nito nakukuha ang gusto. Kailangan pa niyang mas maging matigas at matapang para mag-survive siya habang hindi pa ito sumusuko.
At nararamdaman niyang mas madalas niyang makikita ang hinayupak na 'yon. She needed to stay alert in order to survive unscathed. Dahil nararamdaman niya, kapag hindi siya nag-ingat, makakapasok na naman si Lath sa puso niya at sasaktan na naman siya nito.
I won't let that happen to me again! No way!
ON THE FLIGHT BACK from Macau, kalmado si Haze. Mukhang nanatili rin si Lath sa Macau.
"Haze, the passenger in seat thirty-seven needs your assistance," sabi sa kanya ng co-stewardess niya. "Kailangan daw niya ng kausap kasi kinakabahan siya."
Tumango siya at nakangiting tinungo ang seat number na tinutukoy ng katrabaho niya.
Haze was expecting a senior citizen, but her jaw dropped when she saw Lath-freaking-Coleman.
"Ano na naman ang ginagawa mo rito?" nanggigigil sa inis na pabulong niyang tanong.
Lath just shrugged and patted the empty seat beside him. "Upo ka. Kailangan ko ng kausap. Kinakabahan ako, eh." Napakainosente ng mukha nito pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang kasamaang binabalak.
Sisinghalan sana niya ito nang dumaan ang head ng mga stewardess sa flight na 'yon. She pressed her lips together.
"Miss Tito, please accompany Mr. Coleman. He is a very important passenger," sabi ng head niya.
Kinalma niya ang kumukulong galit sa dibdib. Gusto niyang magpapadyak pero hindi iyon gawain ng mga professional na tao.
Nagtatagis ang mga bagang na tumango siya. She forced a smile. "Yes, Ma'am."
"Good."
Napipilitan siyang umupo sa tabi ni Lath. Akala niya ay matiwasay ang flight niya pauwi sa Pilipinas pero nagkamali siya. Present pala ang hinayupak at ngayon ay guguluhin na naman siya.
"Ano'ng kailangan mo?" mahinahon niyang tanong kay Lath.
Bumaling sa kanya ang lalaki, saka ngumiti. "Kailan ang kasal natin?"
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim. Pilit niyang pinapakalma ang inis na nararamdaman. "Mr. Coleman, hindi tayo ikakasal," mariin niyang sabi. "Kaya please lang, tigilan mo na ako."
Mataman siyang tinitigan ni Lath ng ilang segundo, kapagkuwan ay ngumiti nang malapad. "Ayoko nga. Ikakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo."
Haze exhaled loudly. "Ano ba ang makukuha mo kapag ikasal tayo? My gosh, Lath, wala kang mapapala sa akin."
"Of course, may mapapala ako sa 'yo." Mahina itong tumawa. "At ano'ng kailangan ko sa 'yo? Hmm. Your heart, maybe? Your love?"
"What could you possibly want from my heart and love? You stomped my heart and trashed my love eight years ago. So bakit ngayon ay gusto mo na 'yon?"
He shrugged. "I don't even know. Ang alam ko lang, pakakasalan kita kasi 'yon ang ipinangako ko. And anyway, I'm not getting any younger. I will need a wife and an heir. And you seem like a decent type of woman."
She chuckled in disbelief. "Wow." Umiling-iling siya, saka mahinang natawa. "Lath, nagsasayang ka lang ng oras sa akin. Hindi ako magpapakasal sa 'yo. Break your promise, hindi ako interesado maging asawa mo o maging nanay ng mga anak mo. After what happened between us eight years ago, I don't think so."
All emotion in Lath's face disappeared. "Magiging akin ka, Haze, sa ayaw at sa gusto mo."
Ipinilig niya ang ulo. "Hindi ako magiging sa 'yo, Lath. Hindi ako magpapakasal sa isang babaerong hudyo."
Lath's tongue licked his lower lip. Hindi mapigilan ni Haze ang mga mata na sundan ang ginawang 'yon ng lalaki. Tumaas ang sulok ng mga labi nito nang mapansin ang ginawa niya.
Agad siyang nag-iwas ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi. Shit! Bakit kailangan kong makita 'yon?
"Hazey-baby, looked at me," sabi ni Lath sa baritonong boses.
Ibinalik niya ang tingin dito at nagtama ang mga mata nila. His violet eyes twinkled with an unknown emotion. Hindi niya mabasa kung ano 'yon.
"What do you want, Lath?" She sighed. "Leave me alone."
Umiling-iling ito. "Nope. I can't do that."
"Why?"
"Kasi nangako ako," sabi nito at malapad na ngumiti. "And I always keep my promise."
Napailing-iling siya. Her lips curled in irritation. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. Wala siyang pakialam kung napakabilis ng tibok ng puso niya dahil ilang hibla na lang ang layo ng mga labi nilang dalawa.
"Lath?"
Bumaba ang tingin nito sa nakaawang niyang mga labi. He gulped. "Yeah?"
"Fuck off," mahinahon niyang sabi, saka malapad na ngumiti. "I will not be your property."
Lath smirked smugly. "Let's see about that, Hazey-baby."
Inirapan niya ito, saka iniwang mag-isa. Wala na siyang pakialam kung pagalitan siya ng head niya. Punong-puno na siya kay Lath. Kailangan niya ng space bago siya tuluyang ma-mental sa pinaggagagawa at pinagsasasabi nito.
THE FLIGHT back home was uneventful. Hindi na sumubok uli si Lath na pestehin si Haze. Thank God for that. Baka makapatay na talaga siya sa sobrang inis sa lalaki.
Habang bumababa ang mga pasahero sa eroplano, pilit na ngumingiti si Haze. At nang makita ng sulok ng mga mata niya si Lath na pababa, pilit niyang pinanatili ang ngiti sa mga labi.
"See yah again, Hazey-baby." Hinawakan nito ang baba niya, saka kinindatan siya. "Soon."
Umingos siya at laking pasasalamat nang lumampas na sa kanya ang lalaki. Nakahinga rin siya nang maluwag.
She took a deep breath and the exhaled loudly. Kapagkuwan ay kinuha niya ang mga gamit at naglakad papasok sa airport.
"Haze!" Sinalubong siya ni Thalia, ang kaibigan niyang nagtatrabaho sa AirJem Airport bilang receptionist. "Narinig mo ba ang balita?"
Tumaas ang kilay niya. Tsismosa talaga si Thalia kahit kailan. "Ano naman daw?"
Naglalakad sila habang nag-uusap. They are both walking like a model in the catwalk, proud and feeling pretty.
"Tinanggal daw sa trabaho si Mr. Gallego dahil nag-suggest ito sa board na maglagay ng paliparan sa Japan at Spain."
Umingos siya. "Alam nang may saltik ang boss natin at hindi maka-move on sa history, nag-suggest pa siya ng ganoon. Mr. Gallego brought it to himself. Nanahimik na lang sana siya, eh, di, masaya sana si Boss at hindi nagalit."
"Oo nga, 'no?" Tumango-tango pa si Thalia. "Bakit kaya galit si Boss sa mga Hapon at Espanyol?"
Nagkibit-balikat siya. "Malay ko sa kanya. Tanungin mo, baka sagutin ka."
Namutla si Thalia sa sinabi niya. Mahinang natawa si Haze. Sino ang hindi mamumutla kapag kaharap ang may-ari ng AirJem Airlines na si Valerian Volkzki?
Sa pagkakaalam niya, kaibigan ni Lath si Valerian Volkzki. Well, those two ran in the same circle. Ang mga mayayaman, magkakaibigan 'yan. At ang past time siguro ng mga ito ay magbilang ng pera.
Napailing-iling siya sa sariling naiisip.
"Miss Haze Tito, you are needed in the manager's office."
Nagkatinginan sila ni Thalia.
"Ano'ng kailangan sa 'yo ni Manager?"
She shrugged. "Who knows?" sabi niya na parang walang pakialam pero kinakabahan siya.
Simula nang magtrabaho siya roon, ngayong pa lang ang unang beses na ipinatawag siya ng manager. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Lath. What else could it be? Baka nagsumbong ito kay Mr. Volkzki at ngayon ay sesesantehin na siya!
No!
Siya lang ang tanging inaasahan ng pamilya niya na nasa probinsya. May sakit din ang ama niya at kailangan nito ng gamot buwan-buwan.
Talagang makakatikim sa kanya ng upper cut ang hudyong lalaking 'yon.
Huminga si Haze nang malalim. "Sige sa manager's office muna ako. Kita na lang tayo maya sa locker room."
"Okay." Thalia grinned. "See yah."
"See yah." Humiwalay siya kay Thalia at naglakad patungo sa opisina ng manager.
MALAPAD ANG NGITI ni Lath habang nakaupo sa driver seat ng Porsche niya at kausap si Volkzki. "Come on, Valerian, help me here."
Valerian snorted. "Gago ka, alam mo ba 'yon? Gustong mong takutin ko siya para pumunta sa Bachelor's Bar? Nahihibang ka na ba? I don't want to be responsible for her death."
Malakas siyang natawa sa huling tinuran nito. "Chill, Valerian. Hindi naman siya mamamatay. Nandoon ako. Aalalayan ko siya."
"Ano ba talaga ang binabalak mo, ha, Lath?"
He snickered. "Nothing. Just plain old plans."
"Plain old plans, my ass." Valerian sighed. "Fine, gagawin ko na. Pero may bayad 'to, Lath."
"Sure," masayang sagot niya. "I'll invest in your company."
"Great. Bye." Pinatayan siya ng tawag ni Valerian.
Mahinang tumawa si Lath at tinawagan naman si Knight Velazquez. It was not in everyone's knowledge that Count Knight was actually a lawyer. At ito ang makakatulong sa kanya ngayon. He would have called his lawyer but he thought Knight was more than capable of the job.
"Hey, Coleman Number Two," bati sa kanya ni Knight. "Ano'ng kailangan mo?"
"I need your help," sabi niya.
"Help like what?"
"It involves marriage certificate, city hall and eloping."
"Fuck, Coleman," Knight cursed. "Walang magandang nangyayari sa ganyan. I would know. May tinulungan akong kaibigan noon. Well, let's just say it was a disaster."
Bigla siyang nag-alala. "Ano'ng nangyari?"
"Well, I don't know much but after all that disaster, Cleevan and Clarianette is now happy. Hmm..." Tumawa nang mahina si Knight. "Tingnan natin kung maging successful itong plano mo. You are a cunning man, Lath Coleman."
Tinawanan lang niya ito. "Well, matutulungan mo ba ako?"
"Of course. What are friends are for?"
"Great. Thanks."
"Welcome."
Pinutol niya ang tawag at ngumiti nang malapad habang ini-imagine ang magandang mukha ni Haze.
I always get what I want, Hazey-baby. And I want you.
KUMATOK MUNA si Haze bago pumasok sa loob ng manager's office. Nanigas siya sa kinatatayuan nang hindi ang manager ang nakita niya kundi ang may-ari mismo ng AirJem Airlines.
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang pinipigil na hininga, saka napakurap-kurap kay Mr. Volkzki. Guwapo ito sa mga magazine napi-feature ito pero mas guwapo ang lalaki sa personal. He had a face of angel... a sinful angel.
"Sir..." She was breathless.
Tumango ito, saka iminuwestra ang kamay sa visitor's chair. "Upo ka, Miss Tito."
Nahihiya siyang umupo at tumingin dito. This was the first time she'd seen Mr. Volkzki up close.
"Miss Tito, as your boss...." Para itong ngumiwi. "Ahm, gusto kong pumunta ka sa Bachelor's Bar at mag-enjoy. You had been a good employee and it's my bonus for you and for your friend. Thalia Buenafuerte."
Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. Akala niya ay may nagawa na siyang mali. But what his Boss said made her frown.
"Sir, I don't think going to Bachelor's Bar is right. May pasok pa po ako bukas—"
"You'll accept it or I will fire you," matigas na sabi nito.
This was the strict boss.
Napalunok siya. "But, Sir—"
"I'll give you one month vacation with pay," sabi nito na ikinaawang ng bibig niya. "Ano ang pipiliin mo, Miss Tito? Tatanggalin kita sa trabaho o magbabakasyon ka nang may suweldo?"
Napakurap-kurap siya. "Ho?"
"Mamili ka." Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "I suggest you choose the second one."
May choice ba siya? Boss niya ito! "I choose the second one."
"Good." May iniabot si Mr. Volkzki sa kanyang credit card. "Nasa two hundred thousand ang limit ng card na iyan. Ikaw ang bahala kung ubusin mo o hindi. Makakaalis ka na."
Tinanggap niya ang card at nagmamadaling lumabas ng opisina. Shit! Talang hindi siya makakapagsinungaling. Mr. Volkzki would be monitoring the credit card.
Ano ba itong nangyayari sa kanya?
"NAGAWA KO NA," sabi ni Valerian sa kabilang linya at napangiti nang malapad si Lath.
"Thanks, man," sabi niya at ipinagpatuloy ang pagpi-fill out sa marriage certificate na hawak.
"Whatever, Coleman." At nawala na ito sa kabilang linya.
Lath smirked. "Everything is going according to my plan. Nice."
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top