CHAPTER 18

CHAPTER 18

HINDI MABILANG ni Haze kung ilang beses na bumahing si Lath habang nagmamaneho ito pauwi sa townhouse na tinutuluyan nila. Kaya hindi na rin nagtaka si Haze nang kinagabihan ay nagkaroon ito ng lagnat.

Apat na kumot na ang patong-patong na nakapulupot sa katawan ni Lath pero nilalamig pa rin ito.

Abala si Haze sa paggawa ng sopas, pagkatapos ay nagmaneho siya patungo sa pinakalamapit na botika at bumili ng gamot. Nang makabalik sa bahay, tamang-tama naman na medyo lumamig na ang niluto niyang sopas. Naglagay siya ng sopas sa plato at gumawa ng fresh juice, saka dinala iyon sa kuwarto ni Lath.

Worry filled her when she saw Lath shivering. Kasalanan niya iyon. Kung sana lang ay hindi niya sinabing punuin ang basket, eh, di sana maayos ang lagay nito ngayon.

Agad siyang lumapit at umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Lath, gising. Kakain ka."

Dumaing ito at unti-unting nagmulat ng mata. "W-wifey?"

Masuyo niya itong nginitian, saka patuloy na hinaplos ang pisngi nito. "Okay ka lang, hubby? Kaya mo bang umupo? Susubuan kita." Napakalambing ng boses niya.

Lath grunted and then he pushed himself to sit up. Mabilis niyang nilagyan ng unan ang likod nito para doon ito humilig habang sinusubuan niya.

"Thanks." Lath leaned on the pillow behind him and stared at her. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Ito ang pangalawang beses na tinawag mo akong hubby. Kailangan ko pa palang magkasakit para tawagin mo uli ako ng ganyan."

Ngumiti siya, saka hinalikan ito sa noo. "Gumaling ka lang, I'll call you hubby anytime."

Mahina itong tumawa. "Aasahan ko 'yan."

She smiled and readied the soup. "Subuan kita. Kailangan may laman ang tiyan mo bago ka uminom ng gamot."

Tumago ito at ibinuka ang mga labi nang iumang niya ang kutsara na may lamang sopas sa bibig nito.

"Masarap ba?" tanong niya.

"Wala naman akong malasahan, pero siguradong masarap. Ikaw ang gumawa, eh."

"Nambola na naman," tumatawang sabi niya, saka sinubuan uli ito.

Sa loob ng sampung minuto, naubos ni Lath ang sopas na dala niya. Inilapag niya ang plato na tray, saka kinuha ang gamot at isang basong fresh juice at iniabot iyon dito.

"Uminom ka na."

Agad namang sumunod si Lath, pagkatapos ay nahiga uli sa kama. Inayos naman niya ang kumot nito.

"I'm cold," Lath said while shivering.

Nag-uumapaw na siya sa pag-aalala.

Nahiga siya sa tabi nito at naki-share sa kumot, saka ito niyakap. His body was hot and hers was cold. Hindi yata makakatulong ang init ng katawan niya. Sa isiping iyon, akmang babangon siya pero yumakap sa baywang niya si Lath at isinubsob ang ulo sa leeg niya.

"Don't leave," paanas na sabi nito. "Huwag mo akong iwan, please?"

Yumakap siya at hinalikan ang noo nito. "Matulog ka na, hubby."

He kissed her neck, sending tingles down her spine. "I love you, wifey. Please, maniwala ka naman sa akin. Ano ba pa ang puwede kong gawin para maniwala kang mahal na mahal kita?"

Napakalakas ng tibok ng puso ni Haze. Para iyong nakikipagkarera sa sobrang bilis.

Hinaplos niya ang buhok ni Lath at pagkalipas ng ilang minuto, naramdaman niya ang malalim nitong paghinga. He was asleep.

Inayos niya ang pagkakahiga nito sa kama, kapagkuwan ay hinaplos ang pisngi. Her eyes softened as she stared at Lath's handsome face.

"Hindi kita iiwan, hubby. Hindi ko kakayanin." She kissed the tip of his nose.

Her little confession was answered by a light snore. Mahina siyang natawa. Magiging masaya kaya ito sa kaalamang hindi niya kayang iwan ito?

Ngumiti siya at umayos ng higa sa tabi nito. Hinalikan niya ito sa pisngi bago ipinikit ang mga mata at natulog.



LATH WOKE UP feeling fresh. Hindi na masama ang pakiramdam niya, wala na siyang lagnat at hindi na siya nilalamig. At wala na sa tabi niya ang asawa.

Bumagon siya at naligo, pagkatapos ay hinanap niya si Haze.

Lath found his wife in the side of the swimming pool. Nakatalikod ito sa kanya at parang may inaayos. Nagsalubong ang mga kilay niya, saka pilit na sinisilip ang ginagawa nito.

Tumikhim siya. "Ano'ng ginagawa mo?"

Mabilis itong lumingon at ngumiti nang makita siya. "Okay ka na." Tumakbo ito palapit sa kanya at yumakap nang mahigpit. "Nag-alala ako sa 'yo."

Hinagod niya ang likod nito. "I'm fine now—" Napatigil siya sa pagsasalita nang makita ang mesa sa gilid ng swimming pool.

His mouth gaped in shock. The table was set for two. It was covered in black silk cloth. May mga fresh flower na nakalagay sa vase, may strawberry, bacon, sandwich, egg, fried rice, fresh strawberry juice and coffee.

Kumawala sa pagkakayakap sa kanya si Haze at sinundan ang mga mata niya kung saan iyon nakatingin.

"I was hoping na wala ka nang sakit ngayon," sabi nito at hinawakan ang kamay niya. "Halika na. Mag-agahan na tayo."

Parang sasabog sa saya ang puso niya. "Para talaga sa akin 'yan?"

Haze rolled her eyes at him. "Siyempre. Ikaw lang naman yata ang asawa ko."

That made him froze. Napatitig siya kay Haze. Iyon ang unang pagkakataon na tinawag siya nitong asawa. It was the first time she acknowledged the fact that he was her husband. It made his heart beat like crazy.

Pinaghugot talaga siya ng upuan ni Haze at nilagyan ng kanin ang pinggan niya. Asikasong-asikaso siya nito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman nang mga sandaling 'yon. This feeling was fucking awesome.

"Masaya ako na okay ka na." Ngumiti ito sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Nag-alala talaga ako sa 'yo kagabi."

That kiss took him by surprise. Iyon ang unang beses na ito ang unang humalik at hindi siya.

God. Umaasa na naman ako, at masakit kapag umasa siya sa wala.

"Kain ka na," wika ni Haze at kumain na rin ito.

Lath took a deep breath and sighed. Kumain na rin siya at pasulyap-sulyap siya kay Haze. She looked so beautiful and radiant this morning.

"Wifey?"

"Hmm?"

"I love you."

Haze just smiled at him. Nagniningning ang mga mata nito at maaliwalas ang bukas ng mukha. Lalo itong gumaganda araw-araw. Was that even possible? Or he just loved this woman so much?

After breakfast, napagkasunduan nila ni Haze na manood ng pelikula sa sala. Instead of sitting on the sofa, they were sprawled on the floor.

"Bakit 'yan ang papanoorin natin?" tanong sa kanya ni Haze. "May kahalayan ka na namang naiisip, 'no?"

Natawa lang siya dahil sapul na naman siya. Walang mintis talaga ang bibig ng asawa niya.

"Hindi naman puro kahalayan ang mayroon sa pelikulang 'to." He pressed the play button. "Comedy at drama 'to."

Haze rolled her eyes. "Hubby, Sex Tape ang title ng pelikula, 'tapos sasabihin mo sa aking drama at comedy 'yan? Sino'ng pinaglololoko mo?"

Hubby. Why is my heart flipping a million times?

Tumawa siya at bumalik sa tabi ng asawa na nakaupo sa sahig. Humilig ito sa balikat niya habang nag-uumpisa na ang palabas.

"This better be good, Lath." May pagbabanta sa boses ni Haze.

"It is."

Finally, the movie started. Napapangiti na lang si Lath tuwing tumatawa nang malakas si Haze dahil sa pelikula. He could see clearly that she was enjoying the movie. And when the movie reached the end, Haze looked up at him, leaned in and kissed his lips.

Lath quickly kissed his wife back, kahit pa nagulat siya sa ginawa nito. This day was definitely full of surprises.



HINDI NA NAGULAT si Haze nang mahubad lahat ang damit niya at sumunod doon ang mga damit ni Lath. Madaling nag-init ang katawan nila.

Mapusok na hinalik-halikan ni Lath ang katawan niya. Napapaliyad na lang siya sa bawat pagdampi ng mga labi nito sa balat niya.

"Lath..." she moaned when his lips touched her delicate fold. Mas ibinuka pa niya ang mga hita para mas maging malaya si Lath na paligayahin siya.

Napasabunot siya sa buhok ni Lath at napaliyad nang paglandasin nito ang dila sa pumipintig niyang hiyas.

"Oh, God." Malakas siyang napaungol at halos mapugto ang hininga niya sa sobrang sarap. "Sige pa, Lath... please. Lick me more, hubby."

He bit her clit. "Of course, wifey."

Lath lapped and licked her harder and she moaned louder. Her toes curled, her fist clenched and she threw her head back.

"Oh, God!" Ipinasok ni Lath ang dalawang daliri sa loob niya. "Lath! Lath!" She was chanting his name.

Umiikot ang dila nito sa hiyas niya, dumidiin, sumisipsip at halos nawalan siya ng ulirat. Nawawalan siya ng lakas. At lalo pang lumakas ang ungol niya nang malakas na ipinasok nito ang kahabaan sa loob niya.

"Oh, God! Lath!" Napasigaw siya at napaliyad. "Lath! Oh, God, please, harder."

Hinugot ni Lath ang kahabaan, hinawakan siya sa balakang at pinaikot padapa sa sahig. And then he took her from behind.

He thrust long, deep, hard, fast and rough. Panay ang ungol niya sa sobrang sarap ng sensasyong lumulukob sa buong pagkatao niya.

Hindi pa nakontento si Lath, hinugot nito ang kahabaan, pinatihaya siya, saka ipinasok uli ang pagkalalaki.

"Oh, God! Oh, God!" She was panting. Her breathing was ragged.

Haze was out of breath as Lath thrust harder and faster. Namaos na siya sa kakaungol at wala na siyang lakas na salubungin ang bawat ulos nito. Hindi niya alam kung kailan siya nilabasan. She was writhing in so much ecstasy as Lath filled her with his semen.

Hinihingal na hinugot nito ang kahabaan at tumabi ng higa sa kanya. He was panting. "This is the life I want."

Ngumiti siya habang habol pa rin ang hininga. "Yeah," sang-ayon niya.

Tumagilid ng higa si Lath at niyakap siya sa baywang. He kissed her ear and whispered. "I love you."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na tugunin ang tatlong katagang 'yon. Ang ginawa niya ay bumaling siya kay Lath at hinalikan ito sa mga labi.

In her kiss, she poured out everything that she was feeling, especially her love for him.



MINUTES TURNED to hours and hours turned to days. Walang araw na hindi naging masaya si Haze sa piling ni Lath. Araw-araw, palagi silang lumabas para mamasyal at gabi-gabi ay walang sawa nilang pinagsasaluhan ang init ng kanilang mga katawan.

Kung gugustuhin ni Haze ayaw na niyang umalis sa Baguio pero nang gabing 'yon, nabanggit ni Lath na uuwi na sila bukas.

"This is the best one week of my life," wika ni Lath habang nasa swimming pool sila, nagpo-floating at nakatingin sa buwan at mga bituin sa kalangitan.

Hindi siya nagkomento pero sang-ayon siya rito. This was also the best one week of her life.

"Uuwi na tayo bukas," sabi nito nang hindi siya magsalita.

"Oo nga."

"Mananatili ka ba sa tabi ko o iiwan mo ako?" he asked in a strangled voice.

Kinagat ni Haze ang pang-ibabang labi. "Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?"

Pinalubog nito ang katawan, kapagkuwan ay umahon ang ulo. Ganoon din ang ginawa niya. He looked at her. "Bakit ako nagtatanong? Because I'm afraid that tomorrow, you'll leave me again like what you did in the hospital." Pain and fear shadowed his violet eyes. "It feels like a long sharp sword slashed my heart in half. Masakit 'yon, Haze, at ayoko nang maramdaman 'yon. So tell me now if you'll leave me again so I can prepare myself."

Lumangoy siya palapit kay Lath at yumakap sa leeg nito. "Second chance, 'di ba? Siyempre, hindi kita iiwan."

Lath hugged her so tight. Parang ayaw na siya nitong pakawalan pa. "Thank you. I promise, I'll make it worthwhile."

She nodded. "Okay. Sabi mo, eh."

"I love you," malambing na sabi nito.

"I know," sabi niya, saka inilapat ang mga labi sa mga labi nito.

Lath's hands instantly roamed around her body. Napangiti na lang siya nang ipasok nito ang kamay sa panty na suot niya at hinimas ang biyak niya.

"Really?" Hindi makapaniwalang tumingin siya rito.

Lath just grinned and nodded.

"Hindi ka ba nagsasawa niyan?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. "Halos araw-araw, three times a day nating ginagawa 'yang bagay na 'yan."

Pilyong kinindatan siya nito. "Wifey, sex three times a day, makes your hubby happy. Ayaw mo ba akong maging masaya?"

Tumaas ang sulok ng mga labi niya. "So gusto mo akong gawing gamot sa kahalayan mo?"

Pinupog nito ng halik ang mukha niya. "Ikaw ang puno't dulo ng kahalayan ko. Ikaw ang rason kung bakit ako tinitigasan, ikaw rin ang rason kung bakit ako nilalabasan. So, yeah, I think that makes you my medicine."

Nagbibirong tinampal niya ang balikat nito. "Asus. Talagang mahalay ka. Gamot ka diyan. Karatehin kita gusto mo?"

"Basta sa kama mo ako kakaratehin, ayos lang."

Haze grumbled in annoyance. "You are incorrigible, hubby."

"Yes. Yes, I am, wifey."

Naglapat uli ang mga labi nilang dalawa at sa pagkakataong 'yon, hindi lang mga daliri nito ang pumasok sa loob niya kundi pati ang nag-uumigting nitong pagkalalaki. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top