CHAPTER 12

CHAPTER 12

NAGISING SI HAZE na parang hinahalukay ang tiyan niya. Mabilis siyang bumangon at tumakbo papasok sa banyo kung saan siya nagduduwal sa lababo.

Shit! May nakain ba siyang hindi maganda kagabi?

Nang maramdamang kumalma na ang tiyan niya, nagmumog siya, saka bumalik sa kama. Lath was already awake and looking worriedly at her.

"Wifey, you okay?" tanong nito, saka lumapit sa kanya.

Katulad niya, wala rin itong saplot at kitang-kita niya ang gising na gising nitong pagkalalaki. She gulped at the size. They made love last night and fell asleep afterwards, kaya nakalimutan na nilang magdamit. Palagi 'yong nangyayari gabi-gabi. At dapat masanay na siya sa sukat ng pagkalalaki nito. She had been enjoying his manhood for weeks now.

Tumango siya at nag-iwas ng tingin sa nag-uumigting nitong pagkalalaki. "Okay lang ako."

"Good." He kissed her neck and bit the skin. "I want you, wifey."

Bahagya niya itong itinulak. "Lath, please, not now. Wala ako sa mood."

Agad namang tumigil ang lalaki sa ginagawa, saka tumingin sa mga mata niya. "May sakit ka ba? Do you want anything for breakfast?"

Actually, yes, she wanted something for breakfast. She craved for it actually.

"Gusto ko ng pinya na dalawa lang ang mata," sabi niya.

Lumuwa ang mga mata ni Lath at napanganga. "A freaking what?"

"Pinya na dalawa lang ang mata," ulit niya.

Lath was still gaping, dumbfounded.

Nagkibit-balikat lang siya. "'Yan ang gusto kong kainin ngayon." Bumalik siya sa kama para mahiga. "Hanapan mo ako or else tigang ka hanggang bukas."

Bumukas ang pinto at sumara. Ipinikit naman ni Haze ang mga mata. Sana paggising niya, may pinya na.



LATH DIDN'T KNOW what to do as he put on his clothes. Saan naman kaya siya makakahanap ng pinya na dalawa lang ang mata.

What the fuck!

Kinuha niya ang cell phone na basa bulsa ng pantalong suot, saka lumabas ng kuwarto. He needed to call someone and consult if such pineapple existed.

Damn it!

Tinawagan niya ang kaibigan niyang may pinakamalaking farm sa buong Pilipinas. He exported fruits and vegetable throughout Asia.

After five rings, the dimwit finally picked up.

"This is Hunt Baltazar, how may I fucking help you?" he asked, grumpy as ever.

Lath snickered. "May tanong ako."

"Sino 'to?" tanong ni Hunt sa kabilang linya. "Sino ka sa dalawang Coleman?"

"I'm hurt." He feigned a hurt in his voice. "Hindi naka-save ang number ko sa cell phone mo? You broke my heart, Hunt."

"Fuck you. This number is saved under Coleman Idiot. Nakalimutan ko kung kaninong number 'to. Kasi may naka-save din sa aking Coleman Moron."

Napailing-iling na lang siya. "This is Lath you piece of shit." Ngumiti siya kapagkuwan. "Anyway, may tanong ako."

"Fire away, dimwit."

"May pinya ka ba riyan na dalawa lang ang mata?"

Isang napakahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ni Hunt bago ito nagsalita.

"Lath, ako ba talaga pinaglololoko mo? Baliw! Walang pinyang dalawa lang ang mata."

Sabi na, eh! "Okay, just deliver some pineapples to me. Nasa Black Pearl Yacht ako." Ibinigay niya rito ang coordinates niya para matukoy nito ang kinaroroonan niya.

"How many?"

"Dalawa lang."

"So..." Hunt sighed heavily, like talking to him was draining the shit out of him. "Let me get this straight. Gusto mong gamitin ko ang helicopter ko para ihatid diyan sa 'yo ang dalawang pirasong pinya? I say, you're losing my mind, Lath. Hindi ko sasayangin ang fuel ng helicopter ko para sa kabaliwan mo."

"I'll pay for the fuel—"

"Kung sinabi mo agad, eh, di, on the way na sana ako," sansala nito sa iba niyang sasabihin. "I'll be there."

Nawala ang kausap sa kabilang linya.

Agad na nagtungo si Lath sa top deck at doon hinintay si Hunt. Minutes later, he heard a helicopter closing in. Sa halip na lumapag ang helicopter sa dagat, ibinaba nito ng dalawang pinya gamit ang net. Nang mapasakamay niya iyon, agad na umalis ang helicopter.

Then his phone rang. It was Hunt. Sinagot niya ang tawag.

"Yes?"

"Fifty thousand, Lath."

Nalukot ang mukha niya. "Twenty-five thousand bawat isa?"

"Gago. Mahal ang gasolina." Iyon lang at pinatay nito ang tawag.

Lath sighed. Fifty thousand for two pieces of pineapple. This is so unheard of.

Ibinalik niya ang cell phone sa bulsa, saka nagmamadaling nagtungo sa kusina para balatan ang pinya. Hiniwa-hiwa iyon, saka inilagay sa pinggan at dinala sa kuwarto nila ni Haze.

Nang makapasok siya kuwarto, tulog pa ang asawa.

"Hey, wifey, wakey-wakey." Inilapag niya ang pinggan sa maliit na mesa na katabi ng kama. "Nandito na ang pinya na gusto mo."

Thankfully, Haze stirred on her sleep and awakened. Kinusot nito ang mga mata at nalukot ang mukha. "Anong amoy 'yan? Ang lansa naman."

Tumaas ang kilay niya. "Wifey, 'yong pinya 'to."

Tumingin ito sa pinya na nasa mesa at mas nalukot ang mukha. "Iyan ba ang hiningi kong pinya?"

"Yes."

"Bakit ang lansa ng amoy?"

Napapantastikuhang napatitig siya sa asawa. "Kailan pa naging malansa ang pinya?"

"Dalawa lang ba ang mata ng pinyang 'yan?" she asked, annoyed.

Why on earth is she annoyed?!

"Ahm..." Napakamot siya ng batok. "Ahm, no."

Inirapan siya nito. "Ayoko niyan. Itapon mo 'yan sa dagat. Gusto ko ng kambal na strawberry. 'Yong parang sa Forevermore na teleserye. 'Tapos gusto ko sa La Presa rin makukuha. Gisingin mo na lang ako kapag nakahanap ka na." Bumalik ito sa pagtulog.

Samantalang siya ay nakaawang lang ang mga labi habang hindi makapaniwalang nakatingin dito.

Fifty thousand for two pineapples and she wouldn't even eat it? Itinikom niya ang bibig, saka kinuha ang pinggan na may lamang pineapple at dinala sa kusina.

As he ate ten slices of pineapple, tinawagan uli niya si Hunt.

"Ano na naman ang kailangan mo?" naiiritang tanong nito.

"Kambal na strawberry," he said in a flat voice.

"Hmm, I actually have those," sabi ni Hunt. "Pero nasa Baguio at inuunahan na kita, hindi ako puwedeng pumunta do'n para kunin lang ang letseng strawberry na 'yon."

Lath cursed. Kailangan niyang ibigay lahat ng gusto ni Haze para kahit paano ay magbago ang isip nito at hindi na siya iwan. Iyon lang ang naiisip niyang paraan.

"This is the address of my farm in Baguio." Ibinigay nito sa kanya ang exact address. "Send someone to get it. Tatawagan ko na lang ang caretaker ko ro'n na ibigay sa kung sino man ang ipapadala mo ro'n."

"Thanks."

"Anytime, dimwit."

Nang mawala sa kabilang linya si Hunt, tinawagan naman niya ang pinsan niyang si Phoenix Martinez. A real-life Toni Stark except the Iron Man part.

"Couz, how are yah?" tanong agad ni Phoenix sa kanya.

"Nix, can you do me a favor?"

Si Phoenix ang uri ng tao na mahilig tumulong sa iba. This favor was a piece of cake for him.

"Anything," tugon nito.

He grinned. "Puwede mo bang kunin ang kambal na strawberry sa farm ni Hunt Baltazar?" Ibinigay niya ang eksaktong address ng farm ni Hunt. "Then bring it to me." Ibinigay niya rito ang coordinates niya para madali siya nitong mahanap. "I'm in my yacht."

"Copy. I'll be there in less than an hour," sabi ni Phoenix at pinatay ang tawag.

Bumuga ng marahas na hangin si Lath at umupo sa island counter. Damn! Mukhang ang dami niyang babayaran pag-uwi niya.

"Lath?"

His eyes snapped at Haze. Nakahawak ito sa hamba ng pinto ng kusina, maputla ang mukha. She looked as white as paper.

Dread consumed him. Oh, God! No!

"Baby?" Nanlamig ang buong katawan niya sa sobrang pag-aalala sa kalagayan nito. "Ayos ka lang, baby?" malambing ang boses na tanong niya. "May masakit ba sa 'yo?"

"Lath..." Sinapo ng isang kamay nito ang ulo. "Nahihi... lo... a-ako." Bigla na lang nanghina ang mga tuhod nito.

"Haze!" Agad siyang lumapit dito at niyakap nang bigla na lang itong natumba. "Fuck! No!"

Mabilis niyang pinangko si Haze, saka dinala sa kuwarto. He was cursing again and again as he put her to bed. Nanginginig ang kamay na tinawagan niya si Ymar.

"Stroam, please, help me, my wife... fuck!" He was panicking and trembling. "Fuck, Ymar! Nahimatay ang asawa ko."

"Don't panic, Coleman. Just relax," Ymar said in a soothing voice. "Baka nahimatay siya dahil sa init, pagod o kaya naman kulang sa tubig ang katawan niya."

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi nito sinabi na baka malala ang karamdaman ng asawa niya. "Pagod? Yeah, I think I definitely tired her."

Mahinang tumawa si Ymar. "TMI, Lath. So TMI." He tsked. "Anyway, pagpahingahin mo lang siya at painumin ng maraming tubig."

"Thanks, man."

"Welcome."

Pinatay ni Lath ang tawag at napatitig kay Haze na mahimbing na natutulog. Napagod ba talaga niya ito nang husto para mahimatay ito? Fuck.

This was his entire fault. Sa kagustuhan niyang mabuntis ito, hindi niya inisip ang magiging kalagayan nito, hindi niya maiisip na mapapagod ito.

Umupo siya sa gilid ng kama, saka hinaplos ang pisngi nito. "I'm sorry, wifey. Hindi ko gustong mangyari 'to sa 'yo." Huminga siya nang malalim. "Rest, wifey. Nandito lang ako."

Hinalikan niya sa noo si Haze, saka umalis ng kuwarto. Pinalipas niya ang oras sa paglilinis at pagsubok na magluto ng ulam na magugustuhan ng asawa niya.

Nasa sala siya naglilinis nang may nagsalita sa likuran niya.

"If this is what marriage looks like, I'm not gonna marry anyone."

Mabilis siyang napalingon at napangiti nang makita si Phoenix.

"Nix." He gave him a man hug. "Kumusta? Hindi ko narinig ang pagdating mo, ano'ng sinakyan mo?"

"Halika sa top deck at alamin mo," sabi ni Phoenix at nauna nang umakyat sa 'taas.

Lath sighed and went to top deck. Namilog ang mga mata niya nang makita ang mas malaking yate na nakatigil sa tabi ng yate niya. It doubled the size of his yacht and he knew too well who was the owner of Titus Revenge—the yacht beside his.

Napatitig si Lath sa lalaking nakatayo sa gilid ng yate at may hawak na bote ng brandy.

Titus Morgan, the jackass half Filipino-half Arab who owned an oil company in Dubai. But Titus didn't look like a filthy rich businessman. Black faded jeans and blue hooded jacket. Balak yata nitong gayahin si Jack Frost.

At sa pagkakaalam ni Lath, matalik na magkaibigan sina Phoenix at Titus kaya nga naging kaibigan din nila ito ni Lash.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" pasigaw na tanong niya kay Titus. "And what the fuck did you do to your hair?"

Natatawang ginulo ni Titus ang sariling buhok. "I figured I'll be more handsome in white silver hair."

Dumako naman ang tingin niya kay Phoenix. "And you think red hair will suit you too."

Nix chuckled. "Tama naman ako. I am handsome in red hair." May iniabot ito sa kanyang maliit na basket. "Ang laman niyan ay kambal na strawberry. Sabi noong lalaki sa farm, mahal daw 'yan. Anyway, maghe-helicopter sana ako kaya lang nakita kong pakalat-kalat itong Titus Revenge kaya naman inilapag ko na lang ang helicopter ko sa yate at kay Titus na lang ako nakisakay. Took you by surprise, does it?"

Lath rolled his eyes after accepting the basket. "Magsialis na nga kayo."

Natatawang tinapik ni Nix ang balikat niya. "Anyway, Lath, happy honeymoon."

Itinaas ni Titus sa ere ang brandy na hawak. "Congratulations! Walang forever!"

"Lasing ba yang kaibigan mo?" tanong niya kay Nix na naghahanda nang tumawid patungo sa yate ni Titus gamit ang mahaba at malapad na kahoy.

"Nah, bitter lang talaga siya," natatawang sabi ni Nix, saka tuluyan nang tumulay sa kahoy.

Kumaway siya ng papalayo na ang yate, habang si Titus naman ay binigyan siya ng "fuck you" salute. Naiiling na natatawang bumalik siya sa loob ng yate at ipinagpatuloy ang paglilinis.



NANG MAGISING si Haze, medyo magaan na ang pakiramdam niya. Bumangon siya at nagtungo sa banyo para maligo, pagkatapos ay lumabas ng kuwarto para hanapin si Lath.

She found him in the kitchen, preparing their meal. The scene made her heart skip a beat. Panay ang ayos nito sa pinggan kahit maayos na, 'tapos aayusin naman ang pagkakalagay ng baso kapag sa tingin nito ay hindi tama.

Lath was mumbling, "Hindi 'to magugustuhan ni Haze and he would change it."

Napailing-iling siya pero natutunaw ang puso niya sa kilig.

"Hey," kuha niya sa atensiyon nito.

Napatalon sa gulat si Lath, saka tumingin sa gawi niya. Agad na ngumiti ito nang makita siya. "Hey, wifey. Ayos na ang pakiramdam mo?"

Tumango siya. "Yes."

May kinuha ito sa ref ay itinago 'yon sa likod, pagkatapos ay lumapit sa kanya at inilabas ang itinatago.

"Sana kainin mo na 'to," sabi nito nang buksan ang kamay at bumulaga sa kanya ang kambal na strawberry.

Napasinghap si Haze at mabilis na kinuha ang strawberry, saka mabilis na kinain 'yon.

"Hmm..." she moaned. "Ang sarap." She kept on moaning as she ate. And then she embraced Lath so tight. "Salamat nang marami, Lath. Hindi ko akalain na talagang ibibigay mo ang gusto ko."

He hugged her back, the same tightness. "I'll do anything for you, wifey. Anything."

Her heart melted again. "Thank you."

"Welcome, baby." He kissed her temple. "Ikaw pa, malakas ka yata sa puso ko."

Mas bumilis pa lalo ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Ano ba ang pinagsasasabi nito?

Kumawala siya sa pagkakayakap ni Lath at sabay silang dalawang umupo sa silya ng hapagkainan at tahimik na kumain. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top