CHAPTER 1
CHAPTER 1
"HAZE TITO, twenty-eight years old, lives in SB Condominium, owns a Honda Civic, a beautiful stewardess in AirJem Airlines and yes, she's still single. Known as a man-hater, according to her best friends, Anniza, Dark's wife and Czarina, Ymar's wife. Wala siyang naging boyfriend since she's twenty." Ngumisi si Shun at inilahad ang kamay nito. "Pay up, Coleman Number Two."
Bumuntong-hininga si Lath, saka inilagay sa nakabukang kamay ni Shun ang tseke na nagkakahalaga ng tatlong milyon. "Thanks, Kim," sabi niya at tumingin sa karagatan. "Keep that info a secret."
"Yeah. Sure." Tinapik nito ang balikat niya, saka iniwan siyang nakahilig sa railing ng cruise ship.
Ilang oras na lang ay dadaong na ang Black Pearl Cruise Ship sa Coleman's port. And then he had three months to woo the woman he wanted. Nangako siyang hahanapin niya ito pagkalipas ng limang taon. Pero walong taon na ang nakakaraan, single pa rin ito.
Bakit?
Lath grinned wickedly. "Hazey-baby, are you waiting for me?" Natawa siya sa sariling tanong, saka nagpakawala ng buntong-hininga. "Kumusta ka na kaya? Hmm. I can't wait to see you again after eight years."
INAYOS NI HAZE ang suot na uniform at pumasok sa loob ng eroplanong patungo sa Macau. Nakaplaster ang ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad.
"Good morning, Ma'am," magiliw niyang sabi sa babae na nakaupo sa Seat 26. "Please put on your seat belt. The plane is about to take off any minute from now."
Agad naman siyang sinunod ng babae.
Bumaling naman si Haze sa kanang bahagi at nang makitang may batang parang nasusuka ang hitsura, nginitian niya ito at nagtanong. "Okay ka lang? You need a plastic bag?"
Tumango ang bata at agad niyang kinuhanan ito plastic bag. Nang maibigay niya iyon sa bata, she walked towards their sit where they buckled up as the plane ascended into the sky.
Napatigil siya sa paglalakad nang may mahagip ang mga mata niya. Umawang ang mga labi niya at na-drain lahat ang dugo sa mukha niya.
No! It can't be him!
She went rigid and she couldn't walk. After all these years, bakit ngayon pa niya ito nakita?
And why the hell was she acting this way? Wala siyang pakialam sa lalaking iyon.
Huminga siya nang malalim, saka pinilit na inihakbang ang mga paa. But before that happened, the man she couldn't forget and hated for eight years took off his sunglasses. He stared into her eyes and winked.
Lihim siyang napasinghap at nagmamadaling naglakad.
No way! Imahinasyon niya lang na nakita niya si Lath Coleman! Why would he be here? Sa walong taon na nakalipas, updated siya sa mga nangyayari sa buhay nito. Well, as updated as the newspaper and tabloids. Alam niyang may pagmamay-aring private jet ang lalaki at ang kakambal nito kaya naman bakit ito naroon?
Lath and Lash Coleman were considered hot pirates in the tabloids. With the success of Black Pearl Cruise ship and their wealth, halos lahat ng babae ay gustong masilo ang dalawa.
Pero sa kambal na Coleman, si Lath ang palaging laman ng balita. With his womanizing in every country, he was a star in any tabloid. Everywhere. Kaya naman updated na updated siya.
Hanggang sa lumipad ang eroplano at nakarating iyon sa Macau, naging maayos naman ang lahat. Walang pesteng lalaki na humarang-harang sa daraanan niya at as much as possible, nagpanggap siyang hindi niya nakita si Lath.
Paisa-isa nang nagsilabasan ang mga pasahero.
"Welcome to Macau," nakangiting sabi niya sa unang pasahero na lumabas.
And then the second one exited.
"Welcome to Macau."
Ngumiti lang ang pasahero. Ganoon ang palagi niyang sinasabi sa bawat pasahero na bumababa. And then the last passenger exited.
"Welcome to—"
"Macau. I know."
Nanigas si Haze sa kinatatayuan at nanigas ang ngiti na nakaplaster sa mga labi niya. Her eyes met his violet ones. Her heart galloped like a horse in a race.
"Hazey-baby," nakangiting sambit ng lalaki habang parang nang-aakit ang mga titig at ngiti.
Irritation filled her. "Huwag mo akong tawaging ganoon, Sir."
Ngumisi lang ang walanghiya. "Hmm. I like it when you call me, Sir." Then he purred. "I'm turned on, Hazey-baby."
Nagtagis ang mga bagang niya at pinukol ang lalaki ng nakamamatay na tingin. "Bumaba ka na kung ayaw mong itulak kita pababa."
Tumawa lang ang hudyo. "Now, now, Hazey-baby, alalahanin mong stewardess ka at isa akong mayamang negosyante. Kapag itunulak mo ako, sisiguruhin kong tatanggalin ka ni Valerian Volkzki sa AirJem Airlines at wala kang matatanggap na recommendation letter para matanggap ka sa ibang airlines."
Nanlilisik na ang mga mata ni Haze. Wala siyang pakialam kung may makakarinig sa kanyang ibang stewardess. She took a menacing step to Lath, their bodies slightly touched. Hindi niya pinansin ang kakaibang sensasyong naramdaman niya.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin, Mr. Coleman?" Her eyes were shooting daggers and bullets at him. "Kung wala naman, I suggest you move. Dahil kung hindi, ako mismo ang tutulak sa 'yo pababa para gumalaw ka. Letse." Kalmado ang boses niya pero kumukulo sa galit ang loob niya.
Lath smirked at her. Amusement danced in his violet eyes. "Aww. Hindi mo ako na-miss? Eight years tayong hindi nagkita."
Umingos siya. "Baka nakakalimutan mo ang nangyari sa atin eight years ago? Let me remind you then. You asked me to be your girlfriend, nahuli kitang may kahalikang ibang babae at sinampal kita. I don't think I'll miss you after that. Ni hindi ka nga sumagi sa isip ko ni isang beses sa walong taong nagdaan." Liar! "So, bababa ka na o itutulak kita?"
His smirked stayed on his luscious lips. Damn it! Ano bang mayroon sa lalaking 'to? It had been eight years! Dapat wala nang epekto ito sa kanya. Buwisit!
"Hazey-baby." His voice was husky and sexy. "Nakakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo bago tayo maghiwalay sa Baguio?"
She paled. Oo, naalala pa niya na para bang kahapon lang 'yon nangyari. No way! Hindi nito tototohanin 'yon!
"Ano naman ngayon?" pagtataray niya.
Haze was caught off guard when Lath leaned in and brushed his lips against hers. Her cheeks reddened and desire flashed through her eyes.
Lath chuckled tauntingly. "Ah, I see I still have an effect on you." Pinaglandas nito ang daliri sa ibaba niyang labi. "See you on your next flight home, Hazey-baby."
Nakahinga siya nang maluwag nang humakbang ito palayo sa kanya, saka bumaba. Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
I survived. After eight years, that man still has the same effect on me.
Sana naman hindi na sila magkita ng hudyo. Hindi niya gusto ang emosyong nararamdaman niya kapag malapit ito.
Shit, naman, o!
Pumasok siya sa eroplano para kunin ang bag niya at tinawagan si Czarina.
"Cza! 911!" mariin niyang sabi habang naglalakad papasok sa airport.
"Ha?! Ano'ng nangyari? Nakalulon ka ba ng katas ng lalaki? Buntis ka ba? Oh, my gosh! Don't tell me ginawa kang palahian?!"
Napapantastikuhang napailing-iling si Haze sa pinagsasasabi ng kaibigan. "Cza, hindi ako nakalulon, hindi ako buntis at hindi ako ginawang palahian. Letse! Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"
Tumawa si Czarina. "Wala naman. Alam kong mapipikon ka kaya sinabi ko ang mga 'yon. So..." Tumikhim ito. "Anong 911?"
"Nakit ko uli si Lath after eight years." Hinilot niya ang sentido. "At kinausap niya ako."
"Ano'ng sabi? Inaya ka niyang makipag-sex?"
Halos bumagsak ang panga niya sa sahig. "What the hell, Czarina! Ngayong may asawa ka na, mas lumala iyang bibig mo."
Czarina just snorted. "Pa-virgin kasi iyang tainga mo, eh. Anyway, what's wrong with seeing him again?"
Napipilan siya sa tanong nito. Oo nga. What was wrong in seeing Lath again?
"Hmm, kung wala ka nang paki sa kanya, okay lang na makita siyang muli," sabi ni Czarina na nunudyo ang boses. "Unless may paki ka pa sa kanya."
"Wala! Wala akong paki sa kanya!" sigaw niya. "Wala!"
"Okay," tatawa-tawang sabi ni Czarina. "Chill, Hazey-baby."
"Argh!" Pinatay niya ang tawag at nanggigigil na tinawagan si Anniza. At least this one was decent to talk to.
Bakit naman kasi naikuwento pa niya kay Czarina ang endearment sa kanya noon ni Lath.
"Hey, Haze. Ano'ng atin?" agad na wika ni Anniza nang sagutin ang tawag niya.
See? Decent.
Huminga siya nang malalim. "Nagkita uli kami ni Lath after eight years."
Her best friends, Czarina and Anniza, knew about Lath and what happened in Baguio eight years ago. Ang mga ito ang kasama niyang nagdarasal na sana kunin na ni Lord si Lath. Pero sa kasamaang palad ay hindi pinakinggan ni Lord ang panalangin nilang tatlo.
"Oh." Ilang sandaling natahimik si Anniza. "Ahm, kinausap ka ba niya?"
"Oo." He even brushed his lips against mine. "Ano'ng gagawin ko?"
"Wala kang gagawin," sabi ni Anniza. "Hayaan mo siya. Nakakalimutan mo na ba na niloko ka niya? Huwag kang magpaapekto sa presensiya niya. Haze, matagal ang eight years, I know na wala na sa 'yo si Lath. Wala ka nang paki sa kanya." Binuntutan pa nito iyon ng tawa. "You're Haze. My man-hater and cold-hearted friend. Alalahanin mo iyan at hindi si Lath."
Tumango siya, saka ngumiti. "Thanks, Ani."
"Welcome," Aniza chirped and hung up.
Huminga si Haze nang malalim, saka pumasok sa Starbucks ng airport. O-order sana siya ng cappuccino nang manuot sa ilong niya ang pamilyar na pabango ni Lath.
Armani Men's Perfume. Shit!
No! Hindi lang naman si Lath ang may perfume na ganoon.
Ngumiti siya sa babae na nasa likod ng counter. "One cappuccino, please." Naglabas siya ng pera at akmang magbabayad na nang may humawak sa magkabilang baywang niya.
Napasinghap siya at mabilis na humarap sa pangahas. Sasampalin sana niya ang pangahas nang mapagsino 'yon.
"Lath?" Napakurap-kurap siya.
Lath smirked. "Hazey-baby, don't pretend that you don't know it was me. Kung tama ang memorya ko, gustong-gusto mo ang amoy ko. And I know you smelled me now." He was cocky and she hated it.
"Puwede ba, Lath, lumayo ka sa akin." Tinanggal niya ang kamay nito na nasa baywang niya, saka inirapan ito. "At huwag mo akong kausapin."
"You don't own me, Hazey-baby."
She glared at him and returned her attention to the woman behind counter. "Make it fast, please," sabi niya at nagbayad.
Napaigtad si Haze nang may yumakap sa baywang niya at yumapos ang pangahas nitong kamay sa dibdib niya. Napasinghap siya at tinampal ang kamay ni Lath.
"Ano ba!" she hissed at Lath, got her cappuccino and left the Starbucks.
Nagpupuyos siya sa galit habang naglalakad. Pero hindi niya maitatanggi ang kiliting lumukob sa dibdib niya nang hawakan iyon ni Lath.
Argh! What's happening to me?! Argh!
"Haze!" Boses iyon ni Lath.
"Tigilan mo ako!" sigaw niya, saka lumabas ng airport.
Haze hastily crossed the street.
"Haze! Haze! Haze!"
"Argh!" Hinarap niya ito at napanganga siya nang makitang nasa gitna ito ng kalsada at malapit nang magkulay-green ang traffic light. "Lath! Umalis ka nga riyan!"
"Mangako ka munang kakausapin mo ako."
"Ayoko!"
Lath shrugged and crossed his arms in front of his chest. "Kung ganoon, hindi ako aalis dito."
"Eh, di huwag! Bahala kang masagasaan!" Naiinis na tinalikuran niya ito at naglakad.
Hindi pa siya nakakailang hakbang nang marinig niya ang sabay-sabay na pagbusina ng mga sasakyan.
Haze huffed in anger and faced Lath's direction again. Nakaupo na ang lalaki sa gitna ng kalsada at nilalaro-laro ang sunglasses na hawak.
"Lath!" Naglakad siya palapit dito pero tumigil sa gilid ng kalsada. "Umalis ka nga riyan!"
"Mangako ka muna na kakausapin mo ako."
Napatingin siya sa traffic light. Ten seconds na lang.
"Lath! Huwag kang isip-bata!" Pinandilatan niya ito. "Tumayo ka nga riyan!"
Six seconds.
"Ayoko. Mangako ka muna."
"Lath!"
Four seconds.
Naiinis na nagpapadyak siya at sumigaw. "Fine! I promise!"
Lath grinned. Mabilis itong tumayo at tumakbo palapit sa kanya.
Nanlilisik ang mga matang pinandilatan niya ito. "Ano ba ang problema mong hinayupak ka?! Bakit ba ginugulo mo ako?!"
Lath just grinned. "Let's talk." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila patungo sa pinakamalapit na café.
"Ano ba, bitawan mo ako!" Pilit niyang inaagaw ang kamay niya na hawak ni Lath pero hindi siya makawala. "Lath! Ano ba?!"
"Mag-usap tayo."
Pumasok sila sa loob ng café at hinila siya sa bakanteng mesa, saka pinanghugot ng upuan.
"Sit." Lath's fingers drummed against the back of the chair.
She glared at him. "Bakit ba?"
"Mag-uusap tayo, remember?" Tinapik-tapik nito ang likod ng upuan. "Upo na. Come on."
Nagpakawala si Haze ng buntong-hininga at umupo sa silyang hinugot nito. "Hayan. Umupo na ako." Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano na?"
Umupo ito sa katabi niyang silya, saka nakangiting tumingin sa kanya. "Let's talk."
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" mataray niyang tanong.
"We'll talk about us," sabi nito, saka malapad na ngumiti. "We'll talk about our upcoming wedding."
Haze's jaw dropped. "What the hell? Our what?!"
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top