Prologue
Namulat ang mata ko sa mundong ito ng hindi alam kung ano ako. Hindi alam kung ano ang tunay kong pangalan. Hindi ko maalala ang nakaraan, kung paano ako lumaki, kung paano ang naging buhay ko noong hindi pa ako naging warrior dito sa heavenly realm.
Si king Crassus ang lahat ng dahilan kung bakit ako ngayon nandito. Isang kanang kamay niya sa pakikipagdigma. Binigyan niya ako ng mataas na titulo na kung tawagin nila ay isang babaeng mandirigma. Ako lagi ang namumuno sa mga kawal na kung tawagin ay Arminius. Lahat ng gustong ipagawa sa akin ni King Crassus, ginagawa ko. Dahil alam kong walang mali sa mga pinapagawa niya, gusto lang niyang maubos ang mga demon na nabubuhay pa.
Kahit isa na ako sa mga pinagkakatiwalaan niya, wala parin akong karapatang umangal o suwayin siya lalo na ang hindi siya bigyan ng respeto. Lahat ng naririto ay mataas ang respeto sa kanya. Sinusunod siya sa lahat ng mga gusto niya.
Siya ang nagbihis sa akin sa panahon na wala akong maalala, gusto ko mang malaman kung ano ba ang totoo kong pangalan ngunit ipinagkakait niya, tanging dakilang mandirigma lang ang tinatawag nila sa akin kung may sasabihin sila.
Ngunit dumating ang panahon, na may natuklasan akong inililihim niya tungkol sa pagkatao ko.
Matuwid at walang emosiyon akong naglalakad habang nakasunod sa akin ang mga Arminius na kasama ko sa katatapos lang namin na misyon. Ang misyon na ito ang nagmulat sa akin, ang misyon na ito ang dahilan kung bakit may nalaman ako taliwas sa mga magagandang sinabi sa akin ni haring Crassus.
Kahit kailan hindi ako nagpakita ng masaya o nakangiting emosiyon.
Malapit na ako sa hari na matuwid na nakaupo sa trono niya. Siya ang hari ng heavenly realm, kung nasaan ang kabutihan.
Napangiti ako ng mapait sa aking isipan.
Heavenly realm? Kabutihan?
Wala man akong maalala sa nakaraan ko pero hindi ako tanga at marunong din akong mag-isip at mag-obserba.
Malamig na tinitigan ko ang hari na walang kaalam-alam sa gusto kong mangyari sa kanya.
"Hindi talaga ako nagkamali sayo, malaki ang tiwala kong mapupuksa mo silang lahat ng walang maraming nasasaktan."
Makangiti na saad niya at lumapit sa akin.
Kung titignan ay ilang taon lang ang agwat namin. Ngunit dahil sa dugo niyang maharlika, malilinlang ang lahat ng makakakita sa kanya. Hindi sila tumatanda. May ilang mga alagad pa dito na umaasang may pag-asa kaming dalawa. pero dahil ipinanganak na yata akong walang emosiyon at pakiramdam ay malabo ang gusto nilang mangyari.
Hindi pa siya nakakalapit ng itinutok ko sa kanya ang espadang siya mismo ang nagpagawa at nagbigay sa akin. Hindi lang ito isang basta-bastang espada lang. May kapangyarihan itong tanging sa akin lang sumusunod. Ang espada at ako ay kambal ang kapangyarihan. Kung wala ako hindi gagana ito, kung wala ang espada para narin akong nawalan ng kapangyarihan.
Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin, ngunit agad ding nawala at napalitan ng malawak na ngisi.
"Hindi dahil may mataas kang katungkulan dito ay pwede mo na akong tutukan ng espadang ako mismo ang nagbigay."
Nakangiti parin niyang sambit sa akin.
"Hindi ko akalain na magagawa mo ito. Maraming nakakita sa ginawa mo kaya hindi ko pwedeng palampasin na lamang karahasang ginawa mo."
NARRATOR'S POV
"Pakawalan niyo ako! Wala akong ginawang masama! Kayo ang may nagawang mali sakin! King Crassus! Hindi ka karapat-dapat na ituring na hari dito sa heavenly realm!"
Ang babaeng mandirigma, na ngayon ay may nakataling bakal sa magkabilang kamay at paa niya habang habang hawak-hawak ng dating apat niyang tagasunod.
Nasa gitna na siya ng bulwagan at dumalo ang ilang mga konsehal para sa parusang ipapataw sa kanya.
Wala siyang nagawa ng kunin sa kanya ni King Crassus ang espadang kalahati ng buhay niya. Hindi niya magawang lumaban dahil sa mga nakataling kamay at paa niya, at kung pipilitin man niyang lumaban ay malakas ang Hari at baka kung ano pa ang magawa niya.
Importante parin siya sa Hari ngunit dahil sa maling nagawa niya ay kailangan parin niya itong parusahan.
Lumapit ang isang konsehal sa hari at bumulong habang pinapanood ang babae na pinaparusahan.
"King Crassus, kailangan mo ba talagang gawin ito sa kanya?"
"Ang parusa ay parusa, walang mataas, walang mababa. Kung sino ang nagkasala, makakatangap ng karampatang parusa."
Saad ng Hari nang hindi nawawala ang tingin sa babaeng nakilala niya na walang emosiyon, ngunit ngayon ay nagawa na niyang magpakita ng emosiyong kailanman ay hindi inaasahang ilalabas niya.
Makikita ngayon sa mukha ng babae ang paghihirap at pagsisisi, konti na lang bubuhos na ang mga luha na hindi niya mapigilan. Ang mga luhang iyon ay hindi dahil sa sakit na natatamo niya ngayon, yun ay dahil sa ilang taon nang panlilinlang sa kanya ng Hari na pinagkatiwalaan niya ng lubos, Pinaikot siya at ginamit sa pansariling kagustuhan. Pakiramdam niya ay isa siyang manika na walang buhay at tanging ang Hari lamang ang nag papagalaw sa kanya, hanggang sa magising siya sa katotohanan, katotohanan na ipinamulat sa kanya ng huling misyon na ginawa niya.
Sa pangatlong beses na pag-hataw sa kanya ng gintong latigo na ginagamit sa mga nagkasala dito sa heavenly realm ay nagulat na lamang siya ng isang itim na usok ang papalapit sa kanya. Hindi niya alam kung ano ito, kung masama ba ang dulot nito. Lahat ng mga nakakita ay nagulat at naging alerto. Alam nilang isa itong demon na nagawang makapasok.
Mabilis naman na napatayo ang Hari dahil sa malakas na aurang naramdaman niya. Sinubukan niyang pigilan ang itim na usok na papalapit sa babaeng pinaparusahan nila, ngunit huli na ang lahat ng mabalutan ito ng itim na usok.
Naglaho ang babaeng pinaparusahan nila kasabay ng paglaho ng itim na usok.
Samantala, nagulat na lamang ang babae na dating mandirigma sa heavenly realm nang nakatayo na siya at kasamang nakapila sa ilang mga babaeng narito sa tinatawag nilang forgetting river. Binigay sa kanya ang isang tasa na may lamang tubig na iinumin nila na makakapaglaho ng kanilang mga ala-ala.
Nakikita niya sa harapan ang mga ginagawa ng mga nauuna sa kanya. Iniinom nila ang nasa tasang hawak nila bago pumasok sa isang nakabukas na portal. Hindi niya alam kung saan iyon papunta. Ngunit dahil sa kagustuhan niyang makalimot sa mga nagawa niya at naging buhay niya dito sa heavenly realm ay wala siyang pag-aalingang ininom at papasok na sana sa portal nang dumating ang apat niyang Arminius na taga sunod dati.
Balak na pigilan siya ng mga ito ngunit dahil may dalawang kawal na nagbabantay sa unahan na hindi sakop ni King Crassus ay pinigilan nila ang mga ito. Pareho ding malakas ang dalawang kawal na nagbabantay at dahil hindi pwede ang mga lalaki doon ay nagawa nila itong pigilan, huling sulyap ang iginawad niya sa apat na naging kasa-kasama niya sa lahat ng mga misyong natapos nila, ngunit ngayon ay sila na mismo ang tumutugis sa kanya.
Pikit matang pumasok siya sa portal at naglaho saka naging isang puting usok na naghahanap ng mapupuntahan. Lahat ng mga pumapasok dito ay ganon ang nagiging kahinatnan. Parang isang kaluluwa na naghahanap ng lugar na pwedeng puntahan.
(2020)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top