six thirty

"You're late," sita ko sa kaibigan kong si Hendrix nang makarating siya sa usual spot namin. "Mag-sisix thirty na. Himalang umabot ka pa."

"Sorry. May biglaang meeting tapos traffic pa," explanation niya.

I sighed. "Hindi tuloy tayo nakapag-ice cream like the usual." I pouted.

Natawa siya. "Next Friday na lang." He smiled.

It had been our tradition to meet every Friday sa Roxas Boulevard to watch the sunset. Since college pa namin ginagawa 'to. It served as our 'destressor'. Mas lalo naming kinailangan nang magsimula na naming ihandle unti-unti ang businesses ng pamilya namin.

"Sama natin next Friday si Acacia?" I asked, referring to our other friend.

Acacia had been our friend since college. Pare-pareho naming kinuha ang Business Administration. Her family owns Rivera-Tan Corporations. Aside from managing their business, she also does modeling for a lot of brands. Nasa kanya na ang halos lahat. Sana all, 'di ba?

"Alam mo naman pinagkakaabalahan nun tuwing Friday. Clubbing and..."

"Boys," pagtatapos ko sa statement niya. Natawa kami parehas.

"Why don't you try coming with her?" tanong niya.

"Nah. Tumataas social anxiety ko sa clubs and I don't like going on dates frequently," sagot ko.

He chuckled. "Okay. Good answer."

I scoffed. "Masaya ka pang ayaw ko makipagdate, ah? Paano na lang ako magkakaboyfriend kung hindi ako makikipagdate?"

"Hindi naman kita pinagbawalan, ah! Alam ko ring tamad ka makipagdate so ask yourself that question," he retorted and I rolled my eyes. "Okay lang na tumandang dalaga, Eunika," dagdag niya pa.

"Paano naging okay yun?" I crossed my arms.

"Kasi kapag nangyari yun sayo, edi tatanda na rin akong binata. That way, we can grow old alone together," sabi niya na akala naman niya ay napakagandang idea.

Napailing-iling ako. "Corny mo! Libre mo ako ice cream next Friday, ha?"

Natawa siya. "Yes, Madam. Bawi ako sayo," sabi niya bago ngumiti at inalalayan ako paakyat sa concrete barrier para makaupo na kami pareho.

❀ ・❀・❀

"Yes, Dad? You called for me," bungad ko kay Dad na nakaupo ngayon sa sofa sa sala. Katabi niya si Mom na umiinom ng tsaa.

Today is Saturday. Hindi kami required pumunta sa work during weekends which is why I'm just in my room the whole day.

"Yes, anak. Sit down," sagot ni Dad at isinenyas ang sofa.

I nodded before sitting down. "What are we going to talk about? If it's about the company, I got it all under control. Ako pa. I learned from the best," pagmamayabang ko.

"Malaki naman tiwala namin sayo so we know but that is not what we are going to talk about," sabi ni Dad.

I furrowed my eyebrows. "What, then?"

"Encarnacion Holdings made a proposal," panimula ni Dad. I nodded, indicating for him to continue.

Encarnacion Holdings is the company of Hendrix's family. They had been one of our stockholders for years. Bago pa kami magkakilala ni Drix ay malakas na ang bond ng mga kumpanya namin.

"To strengthen the relationship of our companies, they want you and Hendrix to wed," Dad said.

"No!" I yelled out of shock. "No. What the f*ck?"

"Language, Nika," sita ni Mom.

"Our relationship with them is already strong enough. Bakit kailangan pa namin magpakasal? It's 2021. Arranged marriage violates human rights, don't you know that?" I countered.

Minasahe ni Dad ang kanyang sentido. "It had been done, Eunika. Pumayag na kami ng mommy mo."

"Without consulting me?" I scoffed.

Bumuntong-hininga si Dad. "You'll need them and they'll need you too. Kapag pinakasalan mo si Hendrix, may fallback ka na. If ever something goes wrong, they can support the company and we can do the same for them," paliwanag niya.

Napailing-iling ako. "So, wala kayong tiwala na kaya kong patakbuhin ang Austria Group without any setbacks?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Malaki ang tiwala namin sayo pero syempre, dapat mayroon tayong contingency plan," sagot ni Dad.

"Just come to the dinner tomorrow. Imimeet natin ang mga Encarnacion. Listen to their reasons before deciding," sabi sa akin ni Mom.

Hindi ko na lang sila sinagot at tumayo na para kunin ang susi ng kotse ko. I need to cool my head for a while. Mababaliw lang ako kapag nagstay ako. I need to get out of here.

❀ ・❀・❀

"Tigilan mo na nga yan! Hindi ako sanay na nakikita kang uminom. Ako lang dapat lasinggera dito!" sabi ni Acacia habang inaagaw sa akin yung basong puno ng alak.

It's Sunday night and I asked Acacia to go to a club with me. Hindi ko sinipot yung dinner with the Encarnacions kasi ayoko talaga magpakasal kay Hendrix. I also turned my phone off para hindi nila ako magulo.

"KJ naman nito! Minsan na nga lang ako magpakarebelde," sabi ko bago tinungga ang laman ng baso ko.

"High school ka ba? Ang late mo magrebelde, Mars," ani Acacia. "Nung inaya mo ako mag-club, akala ko naman mag-eenjoy ako. Hindi ko naman alam na mag-aalaga pa ako ng gagang wasted mamaya," reklamo niya.

"Manahimik ka nga dyan! Magkaclub ka naman ulit sa Friday kaya pagbigyan mo na ako dito," sabi ko bago umorder ulit ng alak.

Bumuntong-hininga siya bago uminom mula sa baso niya at nagtitingin sa paligid. "Ang daming pogi, 'te! Hindi ako makalandi!"

I rolled my eyes. "Tigilan mo muna 'yang kaharutan mo. Napanaginipan ko kagabi na yung makaka-one-nightstand mo ngayon, mabubuntis ka," pananakot ko.

Binatukan niya ako. "Gaga, may implant ako!"

"Ay, ganon ba?" tanong ko. "Sige, humarot ka na. Mag-quickie na lang kayo sa restroom tapos balikan mo ako dito. Pahatid na lang din ako sa condo ko kasi mukhang hindi na ako makakadrive. Huwag mo ako dadalhin sa bahay kung gusto mo pa mabuhay," sabi ko bago siya tinulak ng mahina.

Napakamot siya sa ulo niya. "Hay nako, Eunika! Ang sakit mo sa bangs," reklamo niya. "Nevermind na nga! Ayoko sa restroom, 'no! Ang yucky lang! Malandi ako pero I have class," sabi niya bago inisnap ang mga daliri.

"Get a VIP room, then," suggestion ko.

"Nika, huwag mo ako binibigyan ng options kasi papatulan ko yan," sabi niya kaya natawa ako. "Hindi na kita babalikan kapag nagpapadilig na ako, 'no!"

I shrugged. "Kasalanan mo naman kapag nakidnap ako."

"OA," bulong niya sa sarili.

Inilingan ko na lang siya bago uminom. I don't know why I was getting wasted as well. I just felt like I wanted alcohol and here I am.

"Oh?" biglaang reaksyon ni Asha kaya napatingin ako sa kanya. "Tumatawag si Drix." Tinaas niya ang phone niya.

"Huwag mo sagutin." Pinandilatan ko siya.

"Opo, ignored na," sabi niya bago ibinalik sa purse ang phone. "Bakit ba kasi ayaw mong pakasalan si Hendrix? Gusto mo naman siya, 'di ba kaya bakit bawal?" tanong niya.

"Keep your voice down," bulong ko.

It's true. I realized my feelings for him when we were in college but I did not do anything about it because I don't want to ruin our friendship and he doesn't feel the same way so it's better to keep quiet.

"I just don't want to marry my friend," sagot ko sa tanong niya. "Kung tayong dalawa, siguro naman ayaw mo rin ako pakasalan, 'di ba?"

"Well, yeah–"

"See!" I said, cutting her off.

"Well, because you're my best friend and I treat you like a sister. Also, I like guys so hindi talaga tayo talo," she reasoned.

"I mean, yes, besides that," I said. "If you were a guy and you're my best friend, would you marry me?" I asked, clearing my question.

"Yes, especially if I have feelings for you which I'm sure Hendrix has," she answered.

Nangunot ang noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo?"

"Manhid-manhidan, girl? He likes you, Nika. Give him a chance," she said in an encouraging tone.

"But–"

"Hear them out, Nika. If they're reasonable, marry him. It's better to marry your best friend than marrying someone you don't know," sabi niya. I just sighed before taking a sip on my drink and contemplating on the situation I am in right now.

❀ ・❀・❀

"I don't want to marry you," bungad ko kay Hendrix nang pumasok ito sa opisina ko.

"Gandang bungad naman, Eunika," sabi niya bago isinara ang pinto. "Salamat sa hindi pagsipot sa dinner, ah? Napagalitan tuloy ako dahil hindi ka macontact. Pati si Acacia inignore ako."

"Did you know? Even before we met last Friday?" I asked, referring to the marriage proposal.

He sighed before nodding. Napapikit ako sa inis. I felt like I've been deprived of my liberty. I never got a say in any of this.

"Bakit ka ba pumayag?" inis kong tanong.

"I did not agree to this, Nika. Wala na lang akong choice. My company needs your company and you will need us too," sagot niya.

"Look, I will do anything possible to help you kapag nangyari na lahat ng kinakatakutan nating lahat and I'm sure you'll do the same for me. Nandiyan din si Asha to help. We don't have to get married, Hendrix," saad ko.

"Is getting married to me that bad?" tanong niya, halata ang pagkaoffend sa tono ng boses.

"No, no," I said, waving my hands dismissively. "It's just... you're my best friend and you know I don't want to get married, right? Kaya ang tamad ko makipag-date, 'di ba?" I reminded.

It's not that I don't really want to get married, I just can't find the right person to spend the rest of my life with. I am also okay with growing old without a family. Minsan, naiisip ko rin magtry kaso I'm too busy with work. One more thing na pumipigil sa akin is my feelings for Hendrix. Palaging may kulang sa mga nakakadate ko dati na kay Drix ko lang nakikita. I know what you're thinking. 'Bakit hindi mo pa pakasalan, eh gusto mo naman pala siya?' Ayoko nga masira friendship namin kasi alam kong wala siyang feelings para sa akin at chinacharot lang ako ni Acacia! Natatakot din akong masaktan lang namin yung isa't isa kapag naging kami.

"Help me stop this wedding, please," I said, looking at him with pleading eyes.

"As long as we'll help each other always," kondisyon niya. Mabilis akong tumango. "Okay, Nika. Your wish is my command."

❀ ・❀・❀

"Bakit ba hindi ka na lang kay Asha nagpasama?" inis na tanong ni Drix habang tinutulak ang cart ng mga pinapamili ko.

Saturday ngayon at pareho kaming walang pasok. Nagpasama ako sa kanya maggrocery dahil kailangan ko nang katulong sa pagbubuhat. Wala pa akong planong umuwi sa bahay kaya nagrestock ako ng items sa condo ko.

"Busy siya. Kinailangan daw pumasok," sagot ko sa tanong niya habang namimili ng gusto kong flavor ng instant noodles.

"Hindi mo ba kayang ikaw na lang mag-isa?" tanong niya, nagmamaktol pa rin.

"Manahimik ka na nga lang at hayaan akong mamili in peace," sabi ko bago inilagay ang mga napili kong noodles sa cart.

Sunod kong pinuntahan ang chips section. Matapos kumuha doon ng mga gusto ko ay nilingon ko si Hendrix.

"Kuha ka na ng gusto mo," sabi ko na itinuro ang mga chips.

"Libre mo?" Biglang nagliwanag ang mukha niya.

I nodded as a response. Ngumiti na siya ng pagkalaki-laki bago nagkukukuha ng gustong kainin. Napailing-iling na lang ako bago tinulak ang cart at sinundan siya papunta sa kabilang aisle na naglalaman naman ng iba pang snacks.

"Kapag kasal na tayo, sasamahan na kita palagi mag-grocery. Ang saya kaya ng libreng snacks," sabi niya.

"Anong 'kapag kasal na tayo'? Pipigilan nga natin yung kasal, 'di ba?" sabi ko.

"Joke lang. Seryoso mo," sabi niya bago natawa. "Wala ka naman balak mag-asawa, 'di ba? Ako na lang isama mo mag-grocery palagi."

I rolled my eyes. "Natuwa ka lang sa libreng snacks, eh! Pero sige, kailangan ko tagabuhat."

"Isang box ng snacks sa akin next grocery, ha?" parang batang saad niya.

"Ayoko nga! Yaman-yaman mo, hindi ka makabili ng sarili mong pagkain," reklamo ko.

"Dali na! Magbebenefit ka naman kapag binilhan mo ako ng snacks," aniya.

"Anong benefit naman makukuha ko sa kagastusan mo?" I crossed my arms.

He smiled before answering, "The greatest grocery companion for life!"

❀ ・❀・❀

"Alam mo ba kung anong oras na, Eunika Austria?" tanong ni Hendrix pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag ko.

"Sorry. Hindi kasi ako makatulog and I'm bored," sabi ko. "Narealize ko rin ngayon lang na hindi ko pa pala nagagamit yung nabili kong Ariana Grande skin and mga items nung Rift Tour last week."

"Napanood mo ba yun?" he asked, referring to Fortnite's Rift Tour.

"Syempre, ako pa," I answered. "Naglog in lang talaga ako para doon tapos offline ulit after kasi busy."

"Okay," sagot niya, halata ang pagkaantok sa boses. "Bakit ka ba napatawag at 2 in the morning?"

"Laro tayo," I pleaded.

"Tinatamad ako tumayo, Nika," sabi niya.

"Please, Drix. Minsan na lang tayo maglaro," I said in a small voice.

"Sige na nga," pagsuko niya kaya napapalakpak ako sa tuwa bago inispeaker ang phone ko at iniready ang game.

Hindi ko naman na siya hinintay ng matagal dahil agad ko rin siya nakitang active doon. Nagsimula na kami maglaro. Panay ang pagfangirl ko sa Ariana bundle na nabili ko. Tinatawanan lang ako ni Drix dahil bawat kibot ay andami kong nasasabi. Sobrang natutuwa rin ako sa Piggy Smallz back bling. Buong game yata ay yun ang bukambibig ko.

Mga malapit na mag-4 am nang makaramdam ako ng antok pero tinuloy ko lang ang laro dahil ang dami pang energy ni Hendrix.

"Nika, kaya pa?" tanong niya.

"Huh? Oo naman," sagot ko pero sa totoo lang ay papikit-pikit na ako.

"Nika!" malakas na tawag ni Drix kaya napadilat ako.

"Joke lang talaga. Hindi ko na kaya," sabi ko kaya natawa siya. Nagkasundo kaming bukas na lang ulit maglaro bago pinatay ang mga consoles namin.

Humiga ako sa kama ko habang kausap pa rin siya sa phone. Halos siya na lang ang nagsasalita. Hindi ko rin naman maprocess ang mga sinasabi niya kasi antok na antok na talaga ako.

"Iba naman laruin natin bukas. Ay, mamaya pala," sabi niya.

"Sige," sagot ko.

"Punta ako sa condo mo, are you down?"

"Sige."

"Bibilhan mo ako snacks?"

"Sige," wala na sa sariling sagot ko.

Natawa siya. "Sure?"

"Sige," sagot ko bago napikit na talaga nang tuluyan.

"Sleep tight, Nika," narinig kong saad niya bago ako nakatulog.

❀ ・❀・❀

"Hoy! Ang daya!" reklamo ko nang malapit na manalo si Drix sa nilalaro namin. Nandito siya ngayon sa condo ko at ang kumag halos maubos na ang snacks ko.

"Mabagal ka lang talaga. Walang daya yan," pagmamayabang niya.

Napaismid ako. "Hindi man lang nagpakababa ng kaunti. Nandito ka sa teritoryo ko, for your information."

"Walang home court home court dito, par," sagot niya.

Natapos ang laro nang siya ang nanalo. Nagsasayaw pa ang loko, nagyayabang.

"Oo na! Akin na nga 'yang controller mo!" sabi ko nang makaupo siya. Sinubukan kong hablutin sa kanya pero inangat niya ang braso niya kaya hindi ko maabot.

Hindi na ako nagpumilit at inirapan ko na lang siya bago isinandal ang ulo sa sofa.

"Sackboy naman tayo!" aya niya.

"Mamaya. Pahinga lang saglit," sabi ko bago pumikit.

Ang ginawa naman ng loko ay ibinaba ang sandalan ng sofa kaya bumagsak ang likod ko kasama ng pagbagsak nung sandalan. Sofa-bed kasi ang inuupuan namin kaya naibababa ang sandalan.

"Sapakan na lang 'tol, oh! Ang sakit!" reklamo ko bago tumagilid ng higa dahil masakit ang likod ko dahil sa impact ng pagkakabagsak. Nanlaki ang mata ko nang pagkatagilid ko ay kakaunti na lang ang distansya ng aming mga mukha. I can almost feel his breath fanning on my face. Hindi ko namalayan na tumabi na pala siya sa akin.

Natahimik kami pareho. Ako ay gulat pa rin habang siya ay hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha. He looked directly at my eyes before transferring his gaze to my lips. I started feeling butterflies in my stomach. I gulped. Damn. What's happening?

"Nika, I–"

He was cut off when my phone suddenly rang. I immediately stood up to answer it.

"Miss Austria, there are some papers here that you have to review and sign, should I send it to your condo?" tanong ng sekretarya ko nang sagutin ko ang tawag.

"Is it urgent?" I asked, looking at Hendrix. I then looked away when he stared back at me.

"It's the contract for the Laguna project, Ma'am," sagot niya.

"Okay, I'll go there," sabi ko.

"We could send it sa condo niyo po. Ayaw na po namin kayo na mahassle," sambit ng sekretarya ko.

"Wait for me. I'll be there in thirty minutes," sabi ko bago ibinaba ang linya.

Nagmadali naman akong ayusin ang kaunting gamit bago kinuha ang twalya ko na nakasampay sa may bintana.

"Hey, what happened?" nag-aalalang tanong ni Hendrix.

"Emergency. I'm sorry pero I have to go," sagot ko.

"Ganun ba? Sige, magliligpit na ako dito while you're showering then I'll go right after," sabi niya.

"Thank you. Sobrang urgent kasi," sabi ko habang inaayos ang bag ko.

Nagsimula na akong humakbang papasok sa kwarto ko nang itanong niya, "Pupunta ka naman sa event bukas, 'di ba?"

"Yes," sagot ko.

"Hindi ka naman mang-iindian ulit, right?" paniniguro niya.

"No, no, I'll go," I answered.

He nodded. "Okay. See you there then."

I smiled a bit before saying, "I really have to shower now, Drix. Thank you for this."

I immediately shut the door, not waiting for his answer anymore. Napasandal na lang ako sa pinto habang nakahawak sa dibdib ko.

Those papers weren't really urgent. Pwede naman talaga nila ipadala na lang sa condo ko pero gusto ko kasing iwasan si Drix kaya I made it sound like it was an emergency.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko and I don't know how to calm it down. The way he looked at me was different. Yung titig niya kanina was enough to weaken my knees. Himala pa na nakatayo ako ng maayos after that.

Nika, what is happening to you?! He's your best friend! Do not fall for him!

❀ ・❀・❀

"Why are you not wearing the dress I sent you?" tanong ni Mom pagkarating na pagkarating ko.

I looked at what I was wearing. I wore a black two-piece bodycon dress. Plain black cropped spaghetti strap yung top ko and my skirt is a slitted pencil skirt that reaches three inches below my knees.

"Ang bongga masyado nung sinend mo, Mom. I don't want to draw too much attention and I bought this outfit for this party last week bago mo pa masend yung cross-shoulder strap long gown," I answered.

"Oh, nandiyan na sila Hendrix," sabi ni Mom. Napalingon naman ako sa entrance at nang makita si Drix ay mabilis akong napaiwas ng tingin.

He looked so handsome in his all black tuxedo. I felt my heart started to race. Bakit ba nangyayari sa akin 'to?

I looked at him again. He was now looking at me. He waved and I smiled at him.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makarating si Acacia. Agad ko siyang nilapitan para maiwasan si Hendrix. Agad din naman akong naconscious dahil napakaraming taong nakatingin kay Asha then after looking at her, they'll look at me.

Acacia looks so beautiful in her asymmetric one shoulder bandage dress that hugs her curves perfectly. She looks like a freaking goddess at nagmukha naman akong katulong sa tabi niya. Medyo nagsisisi akong hindi ko sinuot yung bonggang gown na sinend ni Mom.

"May pakonting tiyan pa ang peg mo ngayon, Mare," sabi sa akin ni Asha.

"Walang-wala naman 'to sa suot mo. Ginawa mong runway mo yung event," sabi ko at nagkibit-balikat lang siya.

I held my breath when someone lightly placed one arm on my waist. Napalingon ako kung sino yun at napatulala ako nang makitang si Hendrix yun.

"Model na model ang datingan natin, Asha, ah?" sabi ni Drix kay Acacia.

"Pinaghandaan ko talaga 'to, 'no! Minsan na lang kasi magkaparty kaya kailangan pangmalakasan datingan natin," sagot ni Acacia. "Ikaw nga talagang career na career mo 'yang tuxedo mo. All black pa nga! Init, 'no?" puna niya.

"Hindi naman. Mga konti na lang hihimatayin na ako. Mga ganoon lang," sabi ni Hendrix kaya pareho silang natawa.

I cleared my throat. "Kukuha lang ako ng inumin," sabi ko bago sila nilayasan.

That is how the night passed by. Sa tuwing mapapalapit ako kay Hendrix ay kakausapin ko lang siya ng kaunti tapos maghahanap ng reason para makaiwas.

"Anong oras ba matatapos 'to?" tanong ko sa sarili habang naghuhugas ng kamay sa restroom. Nag-apply naman ulit ako ng lipstick bago lumabas.

Gusto ko na sanang pumasok ulit sa female restroom nang makasabay ko lumabas si Hendrix kaso nakita na niya ako kaya wala na akong choice kundi ituloy ang paglalakad pabalik sa party.

"Why are you avoiding me?" he asked habang sinasabayan ako maglakad.

"I am not avoiding you," pagsisinungaling ko.

"Please don't," sabi niya na hinawakan ang braso ko kaya napatigil din ako. My heart started to beat rapidly again. "Kung may nagawa man ako, I'm sorry."

The only thing you did was make my heart confused.

"Hindi nga kita iniiwasan, okay? I'm just not in the mood to mingle," pagdadahilan ko.

He nodded. "Do you still not want to marry me?" he asked.

I lightly shook my head as a response. He nodded, letting me know that he understood.

He smiled a bit before offering his arm for me to hold on to. He then guided me back to the party room. He took me back to my parents' table and before he left, he said, "You don't have to worry about anything anymore, Eunika."

❀ ・❀・❀

"Oh, umuwi ka ngayon," bungad ni Mom nang makarating ako sa bahay.

"May naiwan lang po," sagot ko bago umakyat papunta sa kwarto ko. Dali-dali kong hinanap ang mga kakailanganin ko dahil ayokong maabutan ako ni Dad dito.

"Ba't ka nagmamadali?" sabi ni Mom na hindi ko namalayang sinundan pala ako paakyat.

Binagalan ko tuloy ang paglalagay ng mga gamit sa bag dahil naconscious ako bigla.

"Okay naman kayo ni Hendrix, 'di ba?" pangangamusta niya.

"Opo," sagot ko.

"Eh, bakit mo iniiwasan si Hendrix, anak?" tanong ni Mom.

"Hindi ko nama–"

"Don't lie to me, Eunika. Napansin kita sa party," sabi niya.

Humarap ako sa kanya. "Para mas marealize ng parents niya na ayoko talaga magpakasal sa kanya," pagdadahilan ko.

"I don't think that's the right answer," paghuli ni Mom sa akin.

Bumuntong-hininga ako. "Fine," pagsuko ko. "Natatakot ako," panimula ko.

"Na masira ang friendship niyo kapag pinakasalan mo siya?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi na, eh," sagot ko.

Mom's eyes widened. Napahawak pa siya sa bibig niya sa gulat.

"Mom, natatakot na ako na kapag sinabi niyang mahal niya ako, hindi ko na mapigilan ang sarili kong isugal ang lahat ng meron kami para makasama ko siya," saad ko. Tinignan ko si Mom. Maluha-luha na ang mga mata niya. For the first time in a while, nakahinga ako ng maluwag. Naamin ko na rin sa sarili ko kung ano ba talagang nararamdaman ko.

"Anong pang hinihintay mo? Puntahan mo na siya at sabihin mong mahal mo na siya," pag-eencourage ni Mom.

"Paano kung masaktan lang namin ang isa't isa?" nag-aalala kong tanong.

"Anak, kung iisipin mo palagi ang posibleng kahihinatnan ng lahat ng bagay, paano ka pa magiging masaya? What ifs lang ang lahat ng yan. Paano kung lahat ng inaalala mo ngayon, hindi naman mangyari? Paano kung kakayanin niyo namang maging masaya sa piling ng isa't isa." Hinawakan ni Mom ang kamay ko. "Huwag kang matakot, Eunika. Sumugal ka at kung hindi maganda ang katapusan ng lahat, at least hindi ka magkakaroon ng mga pagsisisi. Hindi mo itatanong ng paulit-ulit ang sarili mo kung bakit hindi mo sinubukan."

Unti-unti ko nang narealize ang lahat. Kung gusto ko talaga magmahal, dapat ay hindi ako matakot. Love conquers all fears. Bahala na si Batman pero gusto ko nang subukan. Kasalanan ko na kung masira ang friendship namin.

Tumayo na ako at naghanda para kunin ang susi ng kotse ko nang makasalubong ko si Dad na kakauwi lang. Nagkagulatan pa kami saglit bago niya ako tinignan ng seryoso.

"Okay na, Nika," sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

"Ano pong–"

"Hindi mo na pakakasalan si Hendrix," saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Itinakda na siya kay Acacia Tan."

❀ ・❀・❀

"Hey, can we talk?" tanong ko kay Asha nang pumasok ako sa office niya.

"Oo naman. Upo ka, Mare," sagot niya na isinenyas ang upuan sa tapat niya. I nodded before sitting down. "Anong chika?" tanong niya.

"Wala," sagot ko.

Nangunot ang noo niya. "Eh, anong pag-uusapan natin?"

"I found out you and Hendrix are to be married," sabi ko.

Halata ang naging pagbabago sa expression niya. Her smile slowly faded.

"Acacia, you know that I was supposed to be his bride, right?" I said.

Natawa siya ng mahina. "So, you want to marry him now?"

Napayuko lang ako dahil hindi ko alam kung paano ang gagawin kong approach para masabing gusto ko na nga talagang magpakasal kay Drix.

"I'm sorry, Nika but the deal has been set. It'll be very good for my company," ani Acacia.

"Is that the only reason, Asha?" tanong ko na medyo pinagduduhan ang mga isinaad niya.

I know Acacia. Malakas siya. She never wants anything forced to her kahit pa ikabubuti niya o ng kumpanyang hawak niya. She is the last person I could think of na tatanggap ng arranged marriage unless she wanted that marriage as well.

"What do you mean by that, Eunika?" mataray niyang tanong bago humalukipkip.

"By any chance, do you–"

"Yes, I like Hendrix," straightforward niyang saad.

My eyes widened out of shock. "P-Paanong–"

"I liked him since college but I never made a move because I respect you. You like him and he likes you back. I can't compete with that," paliwanag niya.

I bit my lower lip before diverting my gaze to the ground.

"He was the one who made the proposal for you kasi akala niya, in that way, mamahalin mo na siya but then you rejected him countless times. I cannot stand it anymore, Nika. That's why when his family offered the proposal he made for you to me, I accepted it because I know I can treat Hendrix better," she said and I felt tears starting to build up on my eyes.

"Acacia, I'm sorry," I cried. "It was already too late when I realized that I want a future with him. I could create a proposal for your company and mine. Kaya kong mas patatatagin ang relationship ng companies natin, hayaan mo lang akong sabihin kay Drix kung gaano ko siya kamahal at handa na akong sumugal," pagmamakaawa ko.

"The sunset is already over, Eunika. The moon has risen. It's past six thirty, you're already too late," she said and I looked at her in shock.

Hendrix and I never told her that we watched the sunset every Friday. We never told her that we would always meet before six thirty. We didn't do that because we know that she always had other plans.

She laughed bitterly. "Yes, I know about your sunset hangouts every Friday. Why do you think I schedule my clubbing, dates, and one-nightstands on Friday when I could do it over the weekends?"

"We were supposed to ask you but–"

"Yeah, supposed to," may diin niyang saad. "I always felt like I was an outcast in our group. Parang saling kitkit lang ako sa inyong dalawa and it hurts so bad." I saw her wipe her eye gently with her hand.

"Asha, I'm sorry. I didn't know you felt that way," pag-amin ko.

"It's fine, Eunika," sagot niya. "And I'm sorry but Drix and I are to be married. That's final," pagtatapos niya.

"Wala na ba akong magagawa?" tanong ko, unti-unti nang nawawalan ng pag-asa. Naghahari na naman ang takot sa puso ko. Lahat ng tapang na naipon ko ay unti-unti nang nawawala.

"I'm sorry." Bumuntong-hininga siya. "You had your chance, Nika and you missed it."

❀ ・❀・❀

"Sorry. Natraffic ako. May meeting kanina kaya late ako nakaalis ng office," bungad ni Hendrix nang makalapit siya sa akin.

Today is Friday and I decided to meet him at our usual spot. I wanted to end it once and for all. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong mainvolve ang feelings pagdating sa friendship namin. I have no choice but to finish a decade-long friendship.

"Let's stop this, Drix," wala nang paligoy-ligoy kong saad. "We should stop meeting here from now on."

"Anong–"

"You're getting married. It'll be weird if we're still seeing each other," I reasoned, cutting him off.

"Eh, magkaibigan lang naman tayo, anong masama doon?" he asked.

"Still. It'll be unfair to your wife," I answered.

"Bakit ka ba nagkakaganito, Nika?" naguguluhan niyang tanong. "Anong masama kapag nagkita tayo dito, eh magkaibigan lang naman–"

"Hindi na kaibigan ang tingin ko sayo, Hendrix!" saad ko, hindi na mapigilan ang emosyon.

"A-Anong–"

"Hendrix, mahal kita," pag-amin ko. Nanlaki ang mata niya sa gulat.

"Kaya itigil na natin 'to kasi kapag kinita pa kita, hindi ko alam kung anong mga posible kong gawin. Ayoko nang pahirapan si Acacia. Nasaktan na natin siya at ayoko nang masaktan pa natin siya lalo," sabi ko. "The relationship of our companies still stands. Tutulungan ko pa rin kayo sa abot ng aking makakaya kapag may nangyaring masama pero Drix, I'm sorry." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang gustong kumawala. "I cannot be your friend anymore."

Pumikit siya bago huminga ng malalim. "Ayan ka na naman, eh!" he said, tears starting to fall from his eyes. "You're deciding for the both of us again. Eunika, hindi mo ba naiisip na baka iba ang gusto kong mangyari? Hindi mo ba naiisip kung magugustuhan ko lahat ng desisyon mo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Nika, pagod na ako. Kahit sa kumpanya, hindi ako pwede gumawa ng mga desisyon. Magpakasal sayo lang ang tanging desisyon na nagawa ko. Nung una, sa iba pa ako gustong ipakasal. Ipinaglaban ko yung karapatan kong pumili ng taong makakasama. Yun na lang ang masasabi kong accomplishment ko kung pumayag ka lang kaso hindi. Tapos ngayon, gusto mong putulin ang relasyon natin? Nika, naman! Sana pinatay mo na lang ako!" madamdamin niyang saad.

"Hendrix, I–"

"Tama ka. Tama na 'to," sabi niya, hindi na hinayaang matapos ang gusto kong sabihin. "Pagod na ako. Magpahinga na tayo. Sorry sa pagpupumilit sayong pakasalan ako. Ito na nga siguro yung karma ko," aniya bago naglakad palayo.

Habang pinagmamasdan ko siyang mawala sa paningin ko ay doon na ako napahagulgol ng malakas. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na tama ang ginawa ko, tamang pakawalan ko na siya para sana mabawasan ang sakit pero ang bigat-bigat pa rin kahit anong gawin ko. It hurts that my greatest fear came true. Nagkasakitan na kami at nararamdaman ko na mas nasaktan ko siya.

"I'm sorry," bulong ko, umaasang maririnig niya kahit alam kong nakaalis na siya. "I love you."

❀ ・❀・❀

"Congrats, Nika girl! Ganda ng presentation mo, sis. Naspeechless ako ng bongga," sabi ni Acacia nang makalabas kami sa kwarto kung saan ginanap ang board meeting namin. She's congratulating me because I got enough votes from the stockholders to support my new project.

"Thanks, Asha. Salamat din sa vote," sabi ko.

"Anytime, girl." She smiled.

"You're late, son," dinig kong sabi ng isa sa mga stockholders.

"Sorry, Dad. I had to fix some papers in the office," sagot ng kausap nito.

Acacia and I looked at each other with our eyes widened. His voice sounded very familiar.

Pareho kaming napatingin ni Acacia and I held my breath when I saw him. The man who knows me more than anyone. The man who lives in my mind rent free.

"It's fine, Hendrix. Huwag ka na lang mahuhuli next time," sabi ni Mr. Encarnacion.

"Yes, Dad," sagot ni Drix bago siya tinapik ng Dad niya sa balikat at nilagpasan ito.

Natigilan kami pareho nang makita niya ako.

"'Te, see you later, ha? May gagawin pa pala ako," sabi ni Acacia.

"Wait! Don't leave me," bulong ko, pinipigilan siya.

"Kaya mo yan! Laban!" bulong niya pabalik na itinaas pa ang dalawang fists bago mabilis na naglakad palayo.

Nang makaalis si Asha ay saka humakbang papalapit sa akin si Drix. It had been five years but he still never failed to make my heart beat rapidly.

Hindi natuloy ang kasal nila ni Acacia five years ago. Hindi sinipot ni Drix si Asha sa mismong araw ng kasal nila. Saka lang namin nalaman na yung araw ng kasal nila is yung araw ng flight niya papuntang UK where he got a scholarship for graduate school.

Acacia was devastated but slowly, she moved on. I did my best to help her until she can forgive Hendrix for what he did to her. Asha is happy now with her pilot boyfriend whom she met on her trip to Japan.

"Hey," bati ni Drix nang makalapit.

"Hi," I greeted back.

"Kamusta?" tanong niya.

"Ganoon pa rin." I laughed lightly. "Ikaw?" tanong ko.

"Ganoon din," sagot niya.

"With a masteral degree lang from UK?" I said and he laughed. "So I'll see you around?" tanong ko.

He nodded as a response. Nginitian ko lang siya bago naglakad palayo.

"Nika," he called kaya napatigil ako sa paglalakad. I faced him and I saw him running towards me. "There's something I forgot to do while we were playing video games five years ago."

"What is it?" I asked.

"This," he said before crashing his lips onto mine. It took me a few seconds to recover from the shock before I kissed him back with the same pace and intensity.

He leaned his forehead on mine when we pulled away. "Nika, I love you," he whispered.

I looked at him directly. "Hendrix," sabi ko, hindi pa rin makapaniwala sa narinig.

"I have loved you then and I still love you now," pag-amin niya. Hinawakan niya ang pareho kong kamay at pinisil yun.

"Remember what I told you before we parted ways? Ang sabi ko no one trusts me enough to let me make decisions but then I realized that no one trusts me because I don't even trust myself. That is why I left so I can find my peace, my solace," kwento niya. "And I found it, Nika. I learned to trust myself and eventually, my family did too. I run Encarnacion Holdings now without the help of anyone," dagdag niya.

I pulled him into a hug. "I'm so proud of you, Drix."

"And I want to do the same for you," he said, getting out of my grasp.

"What do you mean?" I asked.

"Gagawin ko ang lahat para pagkatiwalaan mo ako na hindi kita sasaktan," madamdamin niyang saad. "I will do everything until I become worthy of that sweet 'I love you' of yours again and to see you walk towards me on the aisle, getting ready to watch every passing sunset for the rest of our lives."

❀ ・❀・❀

"Hoy, Nika! Tatadyakan talaga kita, sige!" pagbabanta ni Acacia nang pabiro ko siyang tinulak.

Pareho kaming nakaupo ngayon sa concrete barrier sa sidewalk ng Roxas Boulevard, nakatanaw sa Manila Bay.

"Joke lang. Next Friday pa talaga kita itutulak," pang-aasar ko.

"Nika!" inis niyang sigaw.

"Manahimik ka nga! Kapag nakilala ka ng mga tao dito, lagot ka," pananakot ko.

"Hala! Si Acacia Tan ba yun? Yung sikat na model? Siya nga! Papicture!" sigaw ni Hendrix nang tumabi sa amin.

"Hoy! Napakaayos ng trip niyo talaga sa buhay, 'no?!" sabi ni Asha kaya pareho kaming natawa ni Drix.

Iniabot niya na sa amin ang ice cream na binili niya. "Safe ba 'to?" tanong ni Acacia.

"Arte mo," sabi ko.

Inirapan niya lang ako bago kinain ang ice cream. She then closed her eyes and took a deep breath.

"I get it now. This place is indeed relaxing," sabi ni Acacia bago sinandal ang ulo sa balikat ko.

I smiled before looking at Hendrix. He held my hand and intertwined our fingers. I looked at the scenery in front of me and let out a breath of relief. Finally, after years, I felt at ease.

The time is six thirty and I'm watching the sunset with the two most important people in my life. Nothing can ever get better than this.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top