Sprint: Three
///
Hanggang madaling araw sila sa labas ng Mechevel Hall dahil inilabas ng mga tauhan ng Bruhang Ophelia ang mga nahuling kontrabando nila. Ngunguto-nguto lamang sila nang ipagtapon ang mga gamit nila sa tulak-tulak na drum ng basurahan lalo na ang mga nabubulok.
Ang mga napapakinabangan naman ay nasa pangangalaga ni Madaam Ophelia. Panay ang angal at reklamo ng iba na nakatanggap lang ng palo ng pamaymay ng bruha. May mga damit na ang iba sa utos ni Madaam Ophelia. Ni hindi man lang ito naakit sa katawan ng mga kasamahan niya sa dorm.
Ang siste, para maaliw daw sila ay nagpatugtog ng speaker sa labas at parang inaasar pa sila ng kanta.
Pakiramdam ni Miles, naglilitawan na ang ugat sa noo niya sa inis.
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last, love has arrived
I thanked God I'm alive
May ibang idinaan na lang sa kanta ang panghihinayang at inis sa nangyayari kaya napasimangot lalo si Miles.
"Tingin mo eepektibo si Shane kay bruha?" tanong ni Theo, nakangiwi na dahil may mga sintunadong siraulong nakisabay sa kanta. Nakaluhod pa rin silang lahat at anumang oras ay bibigay na yata ang mga tuhod nila. Daig pa nila ang lumuhod sa asin.
You're just to good to be true
Can't take my eyes off of you
Tinaasan lang ng kilay ni Miles si Theo. Bahagya siyang umusod rito upang sila lang magkarinigan. Isa pa, maingay sa paligid. "Not Shane. Nakakatakas siya sa bruha pero hindi. Si Manong Alonzo ang ibig kong sabihin, loko. Kunwari ang mga natatanggap niyang mga regalo ay galing kay Manong Alonzo. Ikaw ang bahala sa mga regalo. Ako ang magsusulsol kay Manong Alonzo na magpalipad-hangin sa bruha."
Pardon the way that I stare
There's nothin else to compare
The sight of you leaves me weak
There are no words left to speak
Kumunot lang ang noo ni Theo at kalauna'y natawa na lang. "Loko ka, ayaw mo lang gumasta kaya ako na sa regalo. Kuripot ka talaga kahit kailan. Isama na natin ang iba rito. Si Attwell at iba pang interesadong ipatalsik ang bruha."
"Okay, fine," he agreed and wet his lips. Naglakbay ang ideya niya kung saan at namuo ng iba pa. "Paano kung may isang interesadong akitin ang bruha sa 'tin. Di ba gusto niyon si Aga?" Mabait kasi ang lalaki at wala nga ito sa pinalabas saka disiplinado rin. Ito na yata ang huling tao sa mundo na magche-cheat sa isanh major exam. Isa ito sa mga natira sa loob ng Mechevel Hall na mahimbing ang tulog samantalang sila ay tiyak na mangingitim ang ilalim ng mga mata sa puyat.
"Mas lalong hindi si Aga," angal nito sa kanya. "Baka hindi natin alam, may isa pang trabaho si Madaam. Baka ayaw niyang magka-lovelife na may sakit siyang nakakahawa. Alam mo na," natatawang sambit nito sa tonong eksaherado. Siniko naman niya ito nang pabiro nang bumenta iyon sa kanya. Nagtawanan silang dalawa nang ma-imagine si Madaam Ophelia bilang isang bayarang babae. Napangiwi pa sila nang sabay dahil kadiri iyon. Malaswa at panget at may mga mumunting kulubot. Tawanan ulit.
"I love you, baby! If it's quite alright I need you, baby. To warm the lonely night! I love you, baby~" Nagulat na lamang silang lahat nang biglang tumayo ang kaninang nabubugnot na si Ainsley at itinaas ang mga kamay sabay kembot na parang babaeng may inaakit. Kumanta ito nang pagkalakas-lakas. Kaboses yata nito ang isang baboy na naipit sa kung saang sulok. "Trust in me when I say!"
Sumunod si Attwell rito na ginaya ang sayaw ni Ainsley. "Oh pretty baby! Don't bring me down, I pray, Oh pretty baby, Now that I found you~"
Napasapo na lang si Theo sa noo niya. Tila isang amang nangungunsumi sa mga anak niya. Hindi naman napigilan ni Miles na humalakhak sa kabaliwan ng dalawa na ginaya na rin ng ibang bagot na bagot roon.
'Wala na. Naloko na.' isip ni Miles.
Ganito talaga ang resulta ng pagpupuyat lalo na't pagod sila sa kani-kanilang training at practice kahapon. Nakakaluwag ng turnilyo sa utak.
"Tumigil kayo!"
Kung isako na lang kaya nila si Madaam Ophelia at ipatapon sa dagat at nang lumagay naman ito sa tahimik.
Miles was in between sleeping and waking up in class. Mahapdi ang mga mata niya dahil isang oras lang tulog niya dahil sa lintek na inspection ng bruha. Mukha tuloy siyang nahipan na butete sa itsura niya. Pinabalik naman sila sa dorm nila bandang alas dos na ng madalang araw ngunit napagpasyahan ng ilan na mag-inuman nang patago. Kasama na roon si Miles. Pampawala ng amag sa utak at antok.
Nagulat na lamang siya nang may kung sinong hudyong humampas sa ulo niya. Masakit ang pagkakahampas niyon kaya napasapo siya sa nasaktang ulo. Paglingon niya ay nakita niya ang professor niyang may Hitler na bigote, hawak-hawak ang nirolyong workbook.
"Ang lakas ng loob mong pumasok sa klase nang amoy-alak!" singhal nito sa kanya na kulang na lang may lumabas na usok sa ilong nito sa galit. Napayuko siya saglit at mariing ipinikit ang mga mata.
"Sorry, Sir. I think I can't hear you. My filter on my ears is on." He almost smirked yet he just bit his lip to suppress. Kahit pa professor ito at nirerespeto dapat, wala siyang pakialam lalo na't sinaktan siya nito. Nagtawanan ang mga kaklase niya sa subject na iyon. Mas lalong namula sa galit ang professor at pinalo ulit siya ng workbook.
"Get out of my class!" He whistled while packing up his thing, not minding his professor who's now fuming mad. Ngingisi-ngising umalis siya roon. Uunahan na niya ito bago pa nito isipin na ibagsak siya tutal halos wala rin naman siyang ginagawa sa klase na 'yon. Pabigat lang siya sa mga groupwork. Idr-drop niya iyon bukas.
Mas maigi dahil may oras pa siyang magpraktis at ilalampaso ang ibang athletes sa DCU. He was thinking of achieving a vacant spot on POS. He smirked at the thought of it and headed to the school cafeteria. Um-order lang siya light meal: pork slices with salad on the side, one cup of rice and a glass of water. Monitored ang timbang niya sa coach niya kaya't kontrolado niya iyon.
He was chewing when Atwell placed his tray on the table. Nakabusangot ang mukha nito. "Did you see the nominees list from the school's website? I'm on the twentieth. Nasa nineteen ka. Si Theo ay fourteen. That was roughly based on a survey here in school. Isama na ang coach natin."
Pagak na napasinghal si Miles at uminom ng tubig bago sumagot. "Magbabago rin naman 'yon. Nasa jury pa rin ang desisyon. Nandiyan ang ranking."
Ang ranking ay buong ranking ng mga athletes sa Dayton kada buwan. Ang napapasok lamang roon ay sampu at dahil may lima nang miyembro ang POS ay may limang pipiliin roon. Ngunit depende kung buong lima ang pipiliin ng jury. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam kung sino ang bumubuo sa mga jury.
Sinadya iyon ng university upang maging professional at walang bias ang pipili ng POS.
"Dalawa kaming volleyball player sa list. Nasa fifteen siya. Ang layo ko, p're." iiling-iling na sambit ni Atwell sabay subo ng kanin niya.
"Don't tell me pinanghihinaan ka ng loob dahil sa list na 'yan?"
"Of course not. Siguro. Medyo. Ewan. Masasabi mo mang wala kang pakialam kung mapapabilang ka sa POS. Isa pa ring privilege iyon sa atin lalo na kung gagawin natin itong career," pahayag nito, nangungunot na ang noo. "Ikaw ba, magiging career mo na ba ang pagtakbo? Malay natin, may pambato na tayo sa Pinas."
Miles shrugged his shoulders. Ngayon lang tumining sa kanya ang dating ng pagiging professional athlete.
"You're wasting your time investing in that sports of yours. It won't provide your needs in the future. Might as well you focus your energy on sensical things." His father bluntly said and sat on his chair. Nasa hapag-kainan silang pamilya. Humigpit lang ang hawak niya sa kutsara't tinidor. Saglit na dumilim ang paningin niya sa narinig.
Kailan ba ito nagpakita ng suporta sa kanya? Ayon dito, wala rin naman siyang mapapala sa pagtakbo niya. May isang beses nga na pinagduduhan siya nitong anak sa ibang lalaki ng ina niya dahil wala naman sa pamilya nila ang may dugo ng isang atleta.
"Don't say that to your son. You're suppose to support him," saway ng kanyang ina rito. Hindi lingid sa kaalam ni Miles ang biglang panlalamig ng dalawa bilang mag-asawa. Ignorahin man niya iyon ay nararamdaman pa rin niya ang paglayo ng mga ito isa't isa kaya nagtatagal siya sa eskuwelahan at tumakbo nang tumakbo hanggang sa mamanhid ang mga binti niya.
Running has been his refuge. His escape from the things that dragged him to the pit. Kapag tumatakbo siya, magaan ang pakiramdam niya at malaya. As if the wind that brushes his hair as he ran fast calms his nerves.
He remembered that moment when he's part of the Olympic torch relay during the opening of Milo Olympics. He's the one who light up the cauldron as the crowd from the grandstand roared. Scenes which he received some medals from his winnings.
Sa mga ganoong tagpo ng buhay niya ay hindi mahalaga para sa kanyang ama.
Bumalik sa kasalukuyan si Miles. Napatiim-bagang na lamang siya. "Pag-iisipan ko pa ang bagay na iyan," mailap niyang tugon.
Bahagyang tumatakip ang ulap sa kalangitan kung kaya't hindi ganoon kainit ang panahon bagay na pabor kay Miles sa pagpr-praktis niya. Nasa paligid lang ng oval track ang coach niya, ito ang nag-aasikaso sa mga bagong recruits at hinayaan muna siya nito sa warm-ups niya. Katatapos lang niya sa downhill running kanina sa bandang Northside ng DCU kung saan tinatantiya niya ang momentum niya.
He's performing an ankling drill now. He's not just a long distance runner, he's also a sprinter. Ang focus niya ngayon ay kung paano i-maintain ang speed niya. The drill is shuffle-fast action, the step is not higher than the opposite ankle. Pinakinggan niya ang mga hakbang niya, kung napariin ba ang pagtapak niya o hindi. He must not make some noises with his shoes.
Sunod ay ang unti-unti niyang pagtakbo. Mahina lang. Yet he's into breath control now. Minsan na niyang nagawa ang pigilan muna ang hininga niya ilang segundo bago ang sprint race. It creates a special focus to a sprinter.
Na-distract si Miles sa ginagawa niya mabunggo siya sa gilid ng balikat niya at sandaling nagbaga ang mga mata niya nang makilala ito. Si Rasmus na kagaya niyang runner. Katunggali niya sa halos lahat ng running competition sa loob ng university. Silang dalawa ang nagbabanggaan sa posisyon kung sino ba sa kanila ang pinakamagaling na runner. Sa ngayon, ito ang may hawak niyon dahil kakapanalo lang nito sa competition sa Singapore na ikinangitngit niya lalo.
Tumakbo siya nang mabilis para maabutan ito. He smirked when he passed by him yet Rasmus thought it was race for them so he ran fast beside him. Ang nangyari, nagkaroon ng instant match sa kanilang dalawa kung kaya't napapatabi na ang mga taong nagj-jogging sa lanes. Mula sa gilid ng mga mata ni Miles, nakita niya ang coach niyang pinapaalis na ang ibang tao na hindi naman athletes at wala sa track and field. Nahagip ng mga mata niya si Shane na nagco-concentrate sa pagsipa ng bola sa kateammate nito. The team split into two to have a match.
Matiim ang mga matang nakafocus si Coach Martin sa kanilang dalawa. Nangunguna na si Rasmus at malapit na sa unang lap. Ipinilig niya ang ulo niya't bumuga ng hangin at pinaikli ang stride length niya nang kaunti. Dahil doon kaya napabilis ang speed niya kaya'y nahabol niya ito. Inches lang ata ang pagitan nila. Panalo ito ngunit napangisi na lang siya nang mapaluhod ito sa kalagitnaan ng pangalawang lap. Napagod na sa katatakbo. Ito ang advantage niya rito. Hindi siya madaling mapagod kaya nga binabala siya ng coach niya sa mga long distance marathon.
He ran for a few laps in medium speed and rest for a while and drank his water from his bottle. Lumapit sa kanya ang coach niya. Coach Martin is in middle forties. Ang mga mata nito'y halatang sinubok na ng panahon. Marami nang napagdaanan. He's wearing a cap with the logo of their university. Medyo malaki ang tiyan nito at kagaya niyang tan ang kulay ng balat.
"You have twenty minutes break. Maiwan muna kayong dalawa ni Rasmus pagkatapos ng break," imporma nito sa kanya sabay pinagkrus ang mga kamay sa ilalim ng dibdib nito. Seryuso ang ekspresyon nito. "May importante akong sasabihin sa inyong dalawa."
"Okay, Coach." Nagtaka man sa inakto ni Coach Martin ay nagkibit-balikat na lang si Miles at umupo sa bench kung saan nandoon ang duffel bag niya. He fished out his phone and checked it. May tatlong misscall siya galing kay Theo. He wiped his sweat by his white towel as he called Theo.
"Yo, bes." pabirong bungad nito. "Guess what Shane pulled off." Bigla niyang naalala ang kasunduan nila sa pagreto kay bruhang Ophelia. Binulungan lang nila ang mga kasamahan nila tungkol doon. May ibang gustong makisakay sa balak nila pero mas maiging konti lang sila. Baka mahalata ang bruha.
Dumako tuloy ang mga mata niya kay Shane na nasa football grounds na panay ang pagsenyas sa mga kasama nito. "What?" he pried.
"Binola niya si Bruha kaya may nalaman siyang tips kung paano ito palambutin. Di ba marunong kang magluto? Magluto ka ng kaldereta. Paborito niya ang kaldereta. Ang gagawin na lang natin ay kausapin si Mang Alonzo. Siya ang magyayaya kay Madaam Bruha. Aalamin pa natin kung type niya si Madaam." sabi nito sa kabilang linya. Nakarinig siya ng ingay ng footworks tanda na nasa gym ito, nagpr-praktis rin kagaya niya.
He smirked and squinted his eyes upon seeing the changing colors of the skies. Papalubog na ang araw. "Ako ang kakausap kay Mang Alonzo. Bukas na ba?"
Bukod sa hilig niya pagtakbo, napagkatuwaan na rin ni Miles ang pagluluto nang maiwan siya sa bahay mag-isa, tatlong taon na ang nakakaraan. Nagbakasyon ang mga katulong nila at kinailangan niyang matutong magluto hanggang sa nakahiligan na niya.
Kapag walang praktis ay pagluluto ang inaatupag niya.
"Bukas," walang-gatol na sagot nito. "Makikigamit tayo ng kitchen sa POS house."
"The hell? Bawal tayo doon. Hindi tayo miyembro." kunot-noong paalala niya rito. Miles could see Theo's naughty smile.
"We will just bribe Ainsley then."
Umangat tuloy ang kilay niya. Matakaw ang tennis player na iyon. Minsan itong bumibisita sa dorm nila ni Theo pag naamoy nitong may niluluto siya. Alerto ang sense of smell nito pagdating sa pagkain.
"Okay then," he agreed and end the call. Kinawayan siya ng ibang athletes na umalis na sa oval track at tumungo sa shower room malapit lang sa gym hudyat na tapos na ang practice. Nakita niya si Rasmus na nakaupo lang sa katabing bench niya ilang metro lang ang layo.
Ano kaya ang pag-uusapan nila ni Coach Martin?
//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top