//
flashback . . .
"Pagod na pagod ako. Ayokong magpraktis," ani Devin. Isa itong long-distance runner sa team nila. Nakahiga ito sa gym court na tila may niyebe roon. Pawis na pawis ito sa pinaggawa nito sa classroom - ang maghabulan kasama ang mga kaklase nito.
Napapailing na lamang si Miles nang makita si Devin. May pagkamayabang ito nang makasabayan niya ito sa pagpasok ng track and field team, sa category ng running. Pareho silang long-distance runner.
"Ano na naman 'yan, Devin? Gusto mong maparusahan na naman ni Coach?" saway ni Xerxes rito. Ahead ito sa kanila ng isang taon at ang captain nila. Duty na nito ang disiplinahin sila lalo na kapag wala ang coach gaya ngayon.
"Ano bang meron kay Coach at nawawala na lang siya bigla?" Bigla na lamang sumulpot si Vio mula sa kung saan. Kasalukuyang nagbibihis ito ng jersey.
Alam ni Miles pero sinikreto na lamang niya. Abala sa lovelife nito ang coach nilang akala niya ay tatanda ng binata. Late bloomer lang siguro ito sa lovelife nito.
"Totoo ba yung may bago tayong equipment?" tanong ni Vio.
Xerxes shrugged his shoulders. "Depends. Paborito ng Dean ng Academy natin ang basketball at football team. Kaya last tayo sa priority niya."
"Damn! Kahit inuwi ni Miles ang gold medal sa Palarong Pambansa?" bulalas ni Devin. Tuluyan na itong bumangon.
Hindi na nag-expect ng kung ano si Miles sa Dean nila. Wala naman itong pakialam sa track and field team.
"Alam mo, bukod sa talent at potential natin. May iba pang variables kung bakit hindi tayo manalo-nalo sa competition. First, a reliable coach that we can rely on and train us hard and discipline us. Second, people who are there for us and believe in our capabilities. Third, the facilities and amenities we need as well as equipment. Fourth, the support of the body and the school we are in. Fifth, we are distracted, has low morale, and low self-esteem. Ito lang ang alam ko for now," ani Xerxes. "Sa grandstand na muna tayo."
"Tinatamad pa ako," ani Devin.
"Okay ka na ba, Vio?" tanong ni Miles. Saglit na tumahimik ang dalawa. Hinihintay ang sagot ni Vio.
Malungkot lang na ngumiti si Vio. "Ayos lang ako. I can run."
"Patayin n'yo na lang ako kapag itong pagtakbo ipagdadamot n'yo sa 'kin, Rold."
Alam nila ang kuwento ni Devin. Kahit na tatamad-tamad ito minsan, inamin nitong ang pagtakbo lang ang may sense sa buhay nito. Hindi ito matalino. Galing ito sa mahirap na pamilya at broken family pa. Isa itong scholar sa eskuwelahan nila dahil sa pagtakbo. Kaya nandoon sila upang tulungan ito.
He liked being part of this team. Naiintindihan ng mga ito ang pagmamahal niya sa kanilang sports. Running is worth it when you have the right people by your side despite the hostility of his father on his sports. Mas lalo pa siyang gustong kontrahin ito at patunayan sa sarili na kaya niyang magtagumpay sa sports niya.
"Hoy, wag kang magsalita nang ganyan. May relay pa tayo at ipapanalo natin iyon. Kapag hindi tayo mananalo, magsusuot tayo ng panget na couple shirts."
Agad naman silang nagreklamo sa sinabi ni Xerxes. Xerxes only smirked and showed the couple's shirts. Napangiwi na lamang si Miles.
"At kapag nanalo tayo, manlilibre ka, Xerxes?"
"Free accommodation sa bahay ng Lola ko sa Sagada."
Nagkantiyawan na naman sila. Nangunot naman ang noo ni Xerxes.
"Hoy! Ang hirap kayang kombinsihin ng Lola ko! Naghahanap iyon ng girlfriend at nang sinabi ko na may mga girlfriends ako at nasa track team, katakot-takot na sermon ang inabot ko. Isa akong nakakahiyang tao sa angkan kung magiging bakla ako. Alam n'yo naman ang mga matatanda, masyadong traditional. Payag kayo? Hoy!"
"Oo na! Basta hindi kami magsusuot ng couple's shirts na yan," ani Miles.
"Kaya kumilos ka na, Devin bago pa ako mawalan ng mga paa."
Naningkit ang mga mata ni Devin. "Tinakot mo pa ako. Oo na, magpr-praktis ako kasama ninyo. Kulet ninyo pero magpapahinga muna ako. Pakiramdam ko, mawawalan ako ng ligament at tendon sa katawan."
//
Sa mga sumunod na araw, todo ang praktis nilang apat. Nagtataka na nga ang coach nila dahil masyado silang seryuso. O mukhang ayaw lang talaga nilang magsuot ng korni na couple's shirt na iyon na may nakakadiring love quotes.
"Isa! Dalawa! Tatlo! Maintain your pacing! Devin! Ayusin mo ang form mo at malilintikan ka sa akin! Vio! Control your breathing! Baka akalain ng iba ay kami ang dahilan kung bakit nangangapos ka ng hangin! Miles! Kulang pa 'yan! More speed!"
Kontodo sigaw si Xerxes nila habang tumatakbo silang tatlo sa oval. Gabi na at halos sila na lang ang tumao roon sa oval upang magpraktis. Papatayin yata sila ni Xerxes sa training nito. Mas malala pa ito kay coach.
Sumabay na rin sa kanila ni Xerxes. Grand slam ito sa sprint games noong elementary sila. Kahit si Miles, di namamatch ang pacing at bilis nito sa short distance running. Mas gusto lang talaga niya ang long-distance dahil sa nature at matagal matapos.
Magkatabi na silang tumatakbo ni Xerxes.
"Bakit ba gusto mong manalo tayo sa relay? Alam mo bang mga bigatin ang makakalaban natin sa race? Nakalimjtan mo may defending champions at seniors. Tiyak na masakit sa ego nila na matatalo sila ng ating team."
"Wala akong pakialam sa kanila. Gusto kong panaluhin natin ito." Then Xerxes sprinted. Mabilis talaga ito kaya naiinis ang mga kalaban nila rito. Malayo pa ang mararating ni Xerxes sa larangan ng track and field. Samantalang siya'y nagsisimula pang itayo ang pangalan niya. Kaya lang naman siya nanalo sa Palarong Pambansa dahil hindi sumali si Xerxes at matindi ang training na ginawa niya sa tulong ng coach nila.
//
Day of the race . . .
Ang kabado ang iba. Ngunit hindi ang team nila ni Miles. Confident sila dahil puspusan ang training nila at si Xerxes pa ang nag-lead sa kanila na isa ring strict at disciplinarian na coach. Ang coach kasi nila ay focus sa mga mas batang runner. Kapag kasi wala ang coach nila ay si Xerxes ang tumatayong coach nila. Marunong naman ito at agad-agad silang sumunod rito.
"Ang daming tao. I bet they are waiting for us to fail." Simula noong may symptoms si Vio, bumababa na rin ang self-esteem nito kaya minabuti nila itong suportahan.
"No, they're not. Nag-aabang lang sila kung simo ang mananalo at kung sino ang mananatili sa race." Sabay silang napalingon sa isang team na pamilyar na pamilyar sa kanila. They're one of the most celebrated track teams. Halos mga superstar ang naroon at iyon na nga napapaligiran ng sponsors, fans, at mga pamilya. Masyado ring confident ang mga tao.
"Lalampasuhin natin sila sa relay mamaya." Masyado silang dedicated sa relay kaya hindi sila sumali sa ibang category.
Nauna pa ang mga manlalaro sa ibang category.
"That guy. Magiging mabigat na kalaban iyan." Mahaba ang buhok at may libra na tattoo ang tinutukoy ni Xerxes. "Nakalaban ko na yan dati. Binigay ko lahar ng lakas ko malampasan lang ang gago na iyan. Arogante iyan eh."
"Sino iyan?"
"Si Derrick."
"What?" Hindi niya narinig ang pangalan nito.
"I will be leaving the Philippines and train in US as an official sprinter."
Hindi naman lingid sa kaalaman nila na makikipagsapalaran ito sa ibang bansa bilang isang athlete dahil ni-recruit ito ng isang state college somewhere sa US. Hindi sila magsasama sa isang university, kanya kanya na sila ng destinasyon sa buhay nila.
Ilang minuto ang lumipas ay relay race na. Nagkatinginan silang apat.
"We will do our best, coach," pabirong sabi ni Devin.
"Are you okay, Vio?" Xerxes asked. Tumango-tango lamang si Vio. Nasa kondisyon naman ito.
"Kaya natin ito." Nag-cheer na sila sa isa't isa. Nakangiti si Miles nang mahagip ng tingin niya ang popular na grupo na iyon. Naningkit ang mga mata niya nang arogante siya ngitian ng isa sa miyembro ng mga mata.
Hindi siya dapat magpadala sa emosyon niya. Siya ang pang-apat sa relay. Ngunit hindi niya ramdam ang pressure na siya ang huli sa relay.
Nagkatinginan sila ng member ng team na iyon. Ito ang tinutukoy ni Xerxes na mahigpit na kalaban. Hindi naman ito mukhang arogante pero mase-sense niya sa body language nito na confident ito sa kakayahan. He shouldn't be intimidated with this guy.
Tumunog na ang baril kaya nagtakbuhan na ang unang runner ng relay. Nauuna ang kalaban at sumunod si Vio. Si Devin ang nakaabang rito. Habang siya'y naghahanda na rin. Ayaw niyang ma-disappoint si Xerxes. Mas mabuti siya na ang humarang sa tagumpay ni Derrick dahil tapos na ito at natalo na nito si Derrick. Gusto niya ring subukan kung worthy ba na kalaban ang lalaking katabi niya sa linya.
Nasa harap lang ang mga mata ni Miles ang oval track at ang finish line. Tirik na tirik ang araw at tiyak na anumang oras ay may papanawan ng ulirat sa init. Pero kay Miles, walang-wala ang init sa training na ginawa nila.
Hiyawan ang mga tao. At tiyak niyang si Xerxes na ang may hawak ng baton. Inihanda niya ang sarili niya. Napamura siya sa isip niya nang nauna ang team nila Derrick. Ilang segundo ang lumipas ay si Xerxes na ang nagpasa ng baton sa kanya.
He bolted out, stretching his arms and legs, starting on his right foot. Humagap siya ng hangin at mas lalong binilisan ang pagtakbo niya. Gusto niyang humabol rito. Ayaw niyang mawala ang pinaghirapan nilang magkakaibigan upang makasali sa relay.
Kailan ba siya nagkaroon ng lakas ng loob at pakialam sa pagtakbo bukod sa i-satiate ang desire niya. Gusto niyang tumakbo para sa mga kaibigan niya. Para kay Vio. Para sa pangarap nila sa isa't isa.
Umikot na sila. Nauuna pa rin si Derrick. He shouted at the top of his lungs and sprinted faster. Saktong pagkalampas niya kay Derrick ay ang pangunguna niya sa finish line.
Sigawan ang lahat nang makuha na niya ang ribbon at magsisigaw siya. Tumakbo papalapit ang mga kaibigan niya sa kanya at tinalunan siya. Pinaligiran siya ng mga tao habang sila'y nagdidiwang.
Sa wakas. Natupad rin ang pangarap nilang manalo na sama-sama. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang nakaluhod si Derrick, nanlulumo ang balikat nang lapitan ng mga kasama nito.
"Putangina! Natalo mo lang nang ganoon si Derrick! Holy shit Miles! That's the fastest sprint you've had! Almost 40 seconds? Damn! You're a monster!" Xerxes exclaimed in glee.
//
Miles woke up when he heard the sounds of the shower from the bathroom. Unang bumungad sa kanya ang posters ng Slamdunk na pagmamay-ari ni Theo.
"Where are you going?" Theo asked. Lumabas na ito ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya.
"Jogging." Baka kitain niya si Brooke sa route na gusto niyang tahakin mamaya. "You?"
"Practice," maikling sagot nito. "Practice ka din mamaya for the Finals?"
"Well, yes." He's excited because it's Derrick. Na-meet na pala niya ito dati at natalo pa niya sa relay race.
Hanggang ngayon, bitbit niya ang medal na meron siya sa laro na iyon.
///
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top