Sprint: One

//

87-85.

Pabor sa kabilang koponan.

Kabadong-kabado ang lahat sa natitirang limang segundo. Mukhang wala ang suwerte sa kanila nang nasa kalaban na ang bola. Parang maiiyak na ang ibang manonood roon at may umangal pa na mas masakit pa iyon sa uugod-ugod na WiFi habang nags-send ng thesis na mukhang lalagpas sa deadline.

Sa gilid ng mga mata ni Miles, napapasuntok sa hangin si Attwell at napapangisi animo'y inaabangan ang pagbagsak ng koponan.

Traydor, isip-isip ni Miles.

He heard Atwell groaned as he smirked upon seeing Theo grabbed the ball from his opponent. Tumahimik saglit sa paligid, pigil ang hiningang inaabang kung ano ang susunod na mangyayari. His grip on his bottled water tightened as he chewed his inner cheek in anticipation.

Two.

Tatlo ang nakabantay kay Theo. Napapamura na si Attwell sa gilid niya habang siya'y kulang na lang pukpukin ang binti niya sa pag-aabang kung ano gagawin ni Theo ngayong corner na corner ito.

"Tangina! I-shoot mo na!" Saglit na nagulat si Miles nang marinig ang napakalakas na sigaw na iyon mula sa isang babae.

Theo jumped and threw the ball even if he's half-court away from the basketball ring.

One.

Lahat ng mga tao ay napatingin sa direksiyon ng bola habang umalingawngaw ang buzzer sa court. Umabot sa ring ang bola at samu't saring singhapan ang maririnig.

Hanggang sa—

Pumasok sa ring ang bola.

87-88.

Sigawan ang lahat ng tao sa court. Panalo ang Dayton Crest basketball team. Pasok sila sa Finals. After two years, nakapasok ang koponan sa Finals.

Tumakbo ang lahat ng members ng Dayton Crest basketball team kay Theo. Halos mapunit ang suot nitong jersey sa paghila sa kanya ng mga teammates niya.

Umuulan na ng confetti sa buong court kasabay nang tilian, sigawan at pagtatalon-talon ng mga schoolmates nila. Kasama na roon ang paglamon ng sigaw ni Attwell na iba sa lahat dahil ito lang ang nanlulumo. Napapasuntok naman si Miles sa hangin, hindi lang ang pagkapanalo ng koponan ni Theo ang ikinaligaya niya kundi maging ang pagkapanalo niya sa pustahan.

Inilahad niya ang palad niya kay Attwell na ngayo'y tinaliman lang siya ng tingin.  Nagtagis ang mga ngipin niya at ngumisi dito. There's a wicked glint in his eyes.

"Pay up, bitch," pabirong sabi niya rito sabay galaw sa mga daliri niya.

Attwell just grunted and slumped his shoulders. Ngunguto-nguto itong humugot ng iilang libong papel sa bulsa nito at marahas na pinatong sa palad niyang awtomatikong ikinuyom ang pera.

'Ah, victory,' bulong niya sa sarili.

///

Ginanap ang victory party sa isang bar, di kalayuan sa Dayton Crest University kung saan nagkakasiyahan na ang team maging ang mga schoolmates nilang nagsipagdiwang sa pagkapanalo ng mga ito.

The blaring music from a band reverberated as the neon lights roaming and reflecting the crowd's faces. Clanking of glasses, chaste laughs and smiles, grinding bodies were everywhere filling the bar.

Panay ang lagok ni Miles ng alak nang makatanggap ng mensahe mula sa kapatid niya at ganoon pa rin ang balita. Mukhang hindi muna siya uuwi sa bahay nila kung magulo pa rin ang sitwasyon ng pamilya niya. He sarcastically smirked to himself. Habang abala siya sa paglunod sa sarili niya sa alak ay nasa bandang unahan naman si Attwell, sumasabay sa headbang ng ibang mga rock listeners doon bitbit ang isang baso na may lamang alak. Sa kabilang banda, si Theo naman ay abala sa pakikipaghuntahan at tawanan kasama ang ibang team members. Miles absentmindedly brushed his brocolli-like hair.

"Sup, dude?" A guy approached him and sat on a high stool beside him, leaning on the bar counter. Agaw-atensiyon ito sa mga mata dahil dilaw ang suot nitong shirt. The new guy flashed his knowing smirk and Miles grunted as he drank his cocktail. Bahagya siyang napangiwi sa pait ng lasa niyon at marahang ibinaba ang bago. "Having a bad day, huh?"

Naningkit ang mga mata ni Miles. Kilala niya ang lalaking ito. "You're that football guy who kicked the ball inside the goal box of your team. Our university's team for that matter. Dahilan kaya hindi nakapasok sa semi-finals ang football team."

Sukat sa sinabi niya, kaagad na napangiwi ang binata. Miles knew that his rubbing salt to the guy's already sore wound.

The football game happened last week which was the university's controversial topic, setting Shane Imperial on fire. Panalo ang basketball team ngayon kaya maaaring natabunan na ang kapalpakan ni Shane ngunit sa ekspresiyon sa mukha nito mukhang hindi pa ito nakakabangon sa nangyari.

Sinisisi pa rin yata nito ang sarili sa pagkatalo ng football team. Awtomatiko kasing sa kabilang koponan ang puntos kapag naipasok ng ka-teammate ng goalkeeper ang bola. Iyon nga ang nangyari, sa kasamaang-palad.

"Yeah, dude. Thanks for bringing that up," sarkastikong pahayag ni Shane. Um-order ito ng isang baso ng whiskey sa bartender at diretsong uminom roon. Pabalag na nilapag nito ang baso. "I felt like a sore loser for the nth time."

Bahaw na natawa si Miles at umikot sa high stool niya. Patalikod na sumandal siya sa counter at muli itong binalingan. "You are not the only one though." Napatiim-bagang siya nang maalala ang naunsiyami niyang kompetisyon kasama sana ang iba pang track and field athletes. "Just because of a petty fight. I was not included. Sinali lang ako sa marathon para tumakbo sa ikabubuti ng kalikasan. The f, I don't even care about that."

May nangyaring rambulan sa pagitan ng mga table tennis players at ice hockey players sa pangunguna ng mga miyembro ng mga ito. Nagkakapikunan ang mga ito dahil sa bakanteng puwesto ng Prince of Sports.

Nasali siya dahil natamaan siya ng suntok nang mapadaan siya hanggang sa gumanti na rin siya ng suntok. Uminit na rin kasi ang ulo niya sa pagiging mababaw ng mga ito. Ayaw pa naman niyang mapingasan ang mukha niya. It was a petty fight and his coach saw it and didn't pick him on the competition which serves as his punishment. It happened a month ago.

"Looks like we're on the sore team," Shane joked and sighed as if sighing also his frustrations. He almost rolled his eyes in annoyance. Umikot rin ito at gumaya sa kanya na ngayo'y nakaharap na sa mga sofa at tables na inukopa ng bar patrons. "Holy shit. Hindi talaga niya ako titigilan?" usal nito nang mapatingin sa bandang entrance ng bar.

Dim-lit sa loob kaya't hindi niya masyadong naaninag ang mukha ng taong nakita ni Shane o sadyang tinamaan na talaga siya ng alak.

"Gotta go, dude." Sumirit ito at animo'y kriminal na biglang nagtatakbo patungo kung saang sulok ng bar. Nagtaka tuloy siya sa ikinilos nito at binalewala na lamang iyon at um-order ulit ng alak. Muli siyang lumingon sa pigurang tinakbuhan ni Shane at napataas ang kilay nang mamukhaan na ito.

Isang masakit sa ulo at masakit sa tainga.

"Hi! You're Miles Benavente, right? The running athlete? I'm Jowanne Baramedez," masiglang pakilala nito sa sarili. Tumangkad ito sa paningin niya kung kaya't napasulyap siya sa paa nito na ngayo'y nakasuot pala ng de-takong na sapatos. Luminga-linga ito sa paligid, tila may hinahanap at tama yata ang hinala niyang si Shane ang target nito.

Sino ba ang hindi makakakilala sa matinik at makulit na sports writer ng publication? Na numero unong sakit sa ulo sa kanilang mga athletes minsan. Masyado itong mausisa at pakialamera.

"Nakita ko kayong magkasama ni Shane.  Uhm, alam mo kung saan siya nagpunta?"

He shrugged his shoulders. He sported his bored expression.

"We are not friends," sa halip ay sagot niya't inalis na ang tingin rito. Ibig sabihin, wala siyang panahong mag-entertain ng kung sino sa oras na 'to. Lalo na pag isang nosy na babae.

Nanulis lang ang nguso nito at siguro nakaramdam na wala siyang balak kausapin ito ay tumalikod lang at bubulong-bulong ng kung ano.

"Hey, Miles." It was Theo. Ito ang pumalit sa puwesto ni Shane kanina sa high stool. Sa sobrang tangkad nito, kailangan pa nitong iatras nang kaunti ang high stool upang magkasya roon. "Anong drama at mag-isa ka lang rito? Where is Attwell?"

Pumihit lang siya at ininguso ang dance floor kung saan nandoon si Attwell, marami na yatang nainom dahil mukhang na itong unggoy na sumasayaw. "That guy. Ipinusta lang naman niya ang allowance niya. Akala niya yata matatalo kayo sa game."

Muli siyang tumungga ng alak nang umungot na naman siya sa bartender. "Mukhang mapapalaban ka sa Finals. Three-time defending champion ang Westfield University," dugtong niya.

Napabuntong-hininga si Theo at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib. Pagdating sa basketball, seryuso ito at driven, lahat gagawin upang manalo. "Ilang beses ko nang napanood ang mga laro nila. Damn, pare, ang gagaling nila. Kabado tuloy mga teammates ko at pilit kong sinasabi sa kanila na magagawa naming talunin ang Westfield. Kapag ganitong kinakabahan sila, baka mas lalong gumulo ang concentration namin," bothered na bigay-paalam nito.

Marahil nadagdagan ang pressure rito lalo na't ito ang nagpanalo sa koponan nito. Mahinang tinapik niya ito sa balikat. "Ikaw na ang nagsabing napanood mo na ang mga laro nila. I assume kabisado mo na ang ilang moves nila."

"Masyadong mabilis ang star player nila sa paglipat ng bola. Kunwari ipapasa niya ang bola sa ka-teammate pero ililipat lang niya sa isang kamay at i-shoot ang bola gamit lang ang kamay na iyon. Ganoon siya kagaling." Kunot na kunot ang noo nito, malayo na yata ang takbo ng utak. Panay lang ang tapik ng daliri nito sa counter na ginagawa nito kapag nag-iisip ng strategy.

Napasinghal si Miles nang maalala ang mayabang na star player ng Westfield. Minsan na niya itong nasalubong sa isang business event kasama ang magulang niya. Kung napapairap siya sa kayabangan ni Attwell, naaasar naman siya sa kayabangan ng Santiago na 'yon.

"Bawiin mo sa footwork. Talasan mo lang ang mga mata mo. Kung gaano katalas mga mata ni Attwell sa mga magagandang babae, 'yun ang gawin mo."

Mahinang natawa ito. "Bakit hindi ka na lang sumali sa team? Marunong ka naman maglaro ng basketball," baling nito sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya.

"I'd rather do sports alone. Sa 'kin lang ang glory kapag nanalo ako. Hah! Working in a team?" he trailed off and crinkled his nose upon imagining himself in a basketball team. "Not gonna happen. It's a common sport in the Philippines." Maraming naglalaro. Marami ring magagaling at mainit ang kompetisyon. You just have to find a way to stand out."

Magsasalita pa sana si Theo nang bigla silang inakbayan ni Attwell na ngayo'y nangangamoy alak na. Namumungay pa ang mga mata nitong pangisi-ngisi na binalingan silang dalawa. "Masyado kayong seryuso! Chill up, man! This is your night, Theo! For the mean time, kalimutan muna natin ang mga problema natin. Wohoo! This is really good! Mama mia! I think my head is about to split open." Muntik nang mabuway si Attwell sa pagkakatayo ngunit sinalo ito ng counter.

Yumupyop ito doon at makailang sandali ay naghihilik na sa kalangisan.

Napakamot na lang si Miles sa noo niya habang tinapik naman ni Theo ang magulong buhok ni Attwell. Gigil na pinisil nito ang pisngi ni Attwell na umungol lang at hinampas ang kamay ni Theo. "Ano na naman kaya pinoproblema ng unano na ito."

"Ang pagiging unano." Binuntunan pa niya iyon ng tawa. Nahagip ng mga mata niya si Shane na abala sa pakikipag-usap sa kung sino at nakangiti pa. Naningkit lang ang mga mata ni Miles at nakaisip ng kalokohan. Sinitsitan niya ang barmaid doon na kaagad namang ngumiti nang matamis sa kanya. Pinalapit niya ito sa kanya nang kaunti at itinuro ang walang kamuwang-muwang na si Shane. "Put my tab on him. Don't worry. He's an Imperial. He's filthy rich."

Hindi niya pinagsalita ang barmaid sa halip ay itinaas lang niya ang daliri niya't inilapat sa mga labi nito sabay ngumisi rito. Narinig niya ang mahina nitong pagsinghap tanda na apektado ito sa kanya. Nakatulalang napatango na lamang ito at tila nahipan na hangin na pumihit nang tawagin ito ng customer.

"Don't do that in front of me again. Baka masuka ako," Theo smirked.  "Binabalak mo ha?" Tiningnan niya ulit ang kinaroroonan ni Shane na pinaliligiran na ng mga babae. Sinundan ni Theo ang tingin niya. "Uh oh. Shane, huh?"

Dumako ang mga mata ni Miles kay Attwell na mukhang matutumba na mula sa kinauupuan nito. "Umuwi na tayo bago pa niya malaman," tukoy niya kay Shane.

///

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top