Sprint: Nine

//

He became a racemonger.

Sumasali siya sa kahit anong running events to build up his stamina. He's getting serious when the POS board announced that Theo is included in the list now. Tinulungan nga niya ito maglipat ng mga gamit nito sa POS House. Ngunit paminsan-minsan, bumibisita ito sa dorm nila kapag niyayaya niyang kumain. Mistula na siyang nutritionist rito dahil niluluto niya ang gusto nito. Maging si Ainsley ay nagpasa ng meal plan sa kanya na gawa mismo ng manager ng tennis team. May dinagdag pa talaga ito na hindi naman healthy. Hindi siya pumayag at umangal ito. Bahala na si Preston rito.

Ngayon, he's somewhere in North District to join a race contest that is 12 kilometers. A piece of cake for him. Aabot pa siya ng mas mahaba pa roon.

He was stretching when he saw a familiar face. Of course, he's his former teammate in the track and field during his highschool years. Ngayon lang din niya ito nakita sa isang patimpalak.

"Yuugi," he called. Saka naman siya nito napansin na may blangkong ekspresyon sa mukha. Nakasuot ito ng running outfit gaya niya. Half-Japanese at Half-Pinoy ito. Somehow, they drifted apart when Yuugi kept bagging on second place, second place to him.

"Miles," malamig nitong sambit.

"May the best man wins."

Yuugi just smirked with only his cold eyes. "See you in intercollegiate competition."

Doon siya natigilan. Intercollegiate "You're joining now?"

"Yes, I'm part of the track team? Surprise? No? But it isn't me you shouldn't me careful of." Tumingin ito sa bandang kaliwa at sinundan naman niya ang direksiyon na tinitingnan nito.

Nag-stretching ang isang lalaki na ilang taon yata ang tanda sa kanila. Clean cut ang buhok nito at may angas ang mga mata na agad naman silang napansin. The guy only smirked and turned his back.

"He's a monster on the track."

"Why?"

"You're still the same. Wala ka pa rin alam. Ang tumakbo lang ang nasa isip mo. He's one of the most difficult to race with in our generation. May nag-scout na sa kanya maging professional runner. Sumali ako rito dahil sa kanya. He's one of their representatives. Tumatanggap na rin siya ng advertising offers."

"Well, nice for him. Since I don't know him, I am not looking forward to racing with him. I was expecting to run with you."

Yuugi just smirked. "Fine."

Nagtanguan lang sila ulit at kanya-kanya na nang puwesto sa starting line nang tawagin na sila ng isa sa mga officiating officers.

When the air horn spread the streets, nagsimula na rin silang tumakbo. Hindi muna siya tumakbo nang mabilis. Kaya ayaw talaga niya sa mga ganitong event dahil maraming sumasali - athlete man o hindi. Kaya sinisikap niya na manalo sa competition na iyon.

Kasabay niyang tumatakbo si Yuugi na kagaya niya, hindi pa pinapakita ang kakayahan nila sa pagtakbo.

"You know what? What I envy is your running form."

Saglit siyang napalingon kay Yuugi. Nakatingin lang ito sa harap nila. Bumuga muna siya ng hangin. Maganda ang panahon. Hindi mainit. Hindi rin malamig. Nasa gilid din sila ng dagat kaya naaamoy niya ang alat niyon.

"I envy your pace. You can maintain it the best in our track team before." Saglit itong nasorpresa.

"If you said that to me, maybe I didn't antagonize you in highschool."

Miles smirked. "I am enjoying this run with you."

"Not because he's in front of us?"

Nasa harap nga nila ang naturang lalaki. Narinig na niya ang pangalan nito na isinisigaw ng fan girls nito. He's Derrick from Moore University in North District.

"Naaasar talaga ako kapag may nakikita akong batok ng runner," naniningkit ang mga mata ni Miles. Maganda din ang form ni Derrick at hindi pa full speed ang paraan ng pagtakbo nito. Lumiko silang tatlo. Maganda din ang footwork nito. Mabilis na ito sa ganoong form. "Damn, mukhang mahirap siyang kalaban."

"I am not expecting to win this race," Yuugi said. "You want to run in full speed now? Sorprehasin natin 'yan."

Unti-unti na rin silang bumilis ni Yuugi. Dati nilang training noon ang magsalita nang magsalita habang tumatakbo pati ang pagkanta kahit na puro naman sila sintunado noon.

They ran fast. Nilampasan nilang dalawa si Derrick na malamang ay nagulat sa paglampas nilang dalawa. May mga nauna pa sa kanila. Dalawang Nigerian at isang pinoy na alam niyang mapapagod na sa kalahati pa lang ng race.

Ipinikit ni Miles ang mga mata niya. Gusto niyang masabihang malakas na runner kaysa maging mabilis pa. Sinabi ni Coach Martin na talo ng mabilis ang mga mananakbo na subok na ng panahon. Kaya huwag daw siyang mayabang sa kakayahan niya. May mga iba pa bang determinado na gumaling pa sa track.

Nilagpasan niya ang isang Nigerian at nilagpasan rin ito ni Yuugi kaya napangisi siya. Ngunit nawala iyon nang lagpasan sila ni Derrick. Nanlaki ang mga mata niya dahil ang bilis nitong tumakbo. Mas mabilis pa sa kanya. He gritted his teetch. Wala siya doon upang manalo. Maganda na rin itong opportunity na mapanood ang running form ni Derrick. So he's one of his biggest rival?

Kilalanin nang mabuti ang mga katunggali niya? Wala naman iyon sa nature niya bilang runner. Focus siya sa pagpapagaling sa track team. Nawala na nga rin sa isip niya ang mapabilang sa POS.

He increased his pace. Wala pa siya sa full speed at inipon lamang niya ang hangin niya. Nasa likod niya si Yuugi. Nalampasan na nito ang mga Nigerian na malamang asar na asar. Di hamak naman na mas mahahaba ang mga biyas ng mga ito kompara sa kanila ni Yuugi pero mas trained sila noon sa track. Mahigpit ang coach nila kaya sumasakit madalas ang katawan niya dahil sa rigorous training. Kahit ngayon, nasa kanya ang training regimen notebook nito na ibinigay nito sa kanya dahil nag quit na ito para mag focus sa small business nito.

Ipinikit niya ulit ang mga mata niya para damhin ang hanging-dagat na tumatama sa mukha niya. Pinakiramdaman niya ang mga bisig niya at ang mga binti niya. Nasa kondisyon pa naman. He didn't to win now. He would get serious when the competition started.

Natapos ang race na si Derrick ang first place. Ni hindi man siya hinayaang malagpasan ito kahit na binilisan pa niya ang pagtakbo. But he left an impression to him. Nilapitan ito ng mga taga-media, mga sponsors, at fan girls nito.

Walang lumapit sa kanya, si Yuugi lang na pangatlo sa race na iyon. May prize naman sila roon.

"Gutom na ako. Gusto mong kumain?" yaya nito.

Pumayag siya at pinili nilang kumain sa tapsilugan matapos nilang magpalit ng damit. Seafood ang puntirya nila dahil malapit lang naman sila sa dagat.

He was munching on his food when he thought of joining the nost cruel marathon in Puerto Real. He would be fine to run with Yuuji but he's not his teammates.

"What?" Yuuji asked.

"Nothing." Tinapos na lang nila ang kinakain nilang seafood. May iilang customers naman ang kainan na iyon na galing sa marathon.

"Magaling yung second."

"Yung third yung type ko, beh. Ang pogi."

"Dahil ba half-half?"

"Gueapo naman yung broccoli."

"Yung broccoli ang buhok?"

Sinamaan niya nang tingin si Yuugi nang akmang tatawa ito sa convo ng dalawang babae na walang malay na nasa paligid lang ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Bakit ba kasi kulot yang buhok mo? Muntik ka nang may nasuntok noon dahil sa buhok mong iyan."

"I look like a second-rate disaster when my hair is straight." Naalala pa niya iyon. Pinilit pa siya nina Shane at Attwell. Kahit si Wayne natawa sa hitsura niya. Hindi naman iyon palaimik.

"I can imagine." Nalukot ang ilong ni Yuugi. He rolled his eyes. "Hindi nga maganda. Tanggapin mo na lang na broccoli yang buhok mo."

//

Tahimik lang na naglalakad si Brooke nang biglang may umagaw ng bag niya. Naalarma siya dahil nandoon ang mga importante niyang documents. Napamura siya nang makalayo na ang snatcher na iyon.

"Hoy! Ibalik mo yan! Kunin mo na lang yung pera, wag mga importante kong documents!" sigaw niya habang humahabol rito.

Nagulat ang mga taong nakasaksi sa kaganapan. Buti na lang naka-red ang stop light kaya nakatawid siya dahil tumawid rin ang naturang snatcher. Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo ngunit mas mahahaba talaga ang biyas ng snatcher. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya.

May isa ring police officer roon ang naalarma sa nangyari. On break yata ito dahil nagkakape pa at kalalabas lang ng isang Cafe. Humabol rin ito sa snatcher. Lumiko sa isang eskinita ang snatcher. Hindi naman ginto ang kanyang bag.

Oo nga pala. Prada pala iyon na isa sa mga dinala niya nang umalis siya sa Florida. She gritted her teeth. Malapit na siyang mawalan ng hininga sa kakatakbo nang biglang may tumakbo sa gilid niya. Hinahabol rin ang snatcher sa kahabaan ng daan na iyon.

Nasorpresa silang dalawa ng police officer dahil ang bilis tumakbo ng naturang binata. Una niyang nahagilap ang kulot nitong buhok. Bakit pamilyar sa kanya ang likod nito? Natigilan siya dahil maganda ang running form nito.

"Is he an athlete?" The police officer asked to himself. He's obviously few years younger than her. Humabol sila sa lalaki. Mabilis talaga ito at malamang nataranta ang snatcher kaya bumilis rin ang takbo ngunit mas mabilis ang humabol rito.

Agad itong dinamba ng lalaking iyon at inagaw ang bag niya mula sa snatcher na nalaglag ang cap. Nang makaabot sila agad niya namang pinatayo ang snatcher at saka sinuntok. Malakas ang suntok niya gawa na rin ng gigil niya kaya tumalsik ito. Napanganga ang dalawang binata.

"Serves you right. Kung nanghingi ka na lang sana ng pera ay bibigyan pa kita. At ikaw, sir Officer, kakasuhan mo ako ng physical injury?" Maging ito ay na-caught off guard sa ginawa niya.

"Hindi, miss. Pero dadalhin kita sa presinto. Doon na natin ikulong ang lalaking ito. Pamilyar siya."

Tatakas pa sana yung snatcher pero hinila ito ng police officer.

Patungo sila sa police station ng Puerto Real nang ibigay ng naturang lalaki ang bag niya.

"Thanks. But are you an athlete? You ran fast," she commented.

"Well, yes," kaswal nitong sabi. "Your face is familiar. Nakita na ba kita noon? Wait, sa club?"

"The waitress," she simply answered. Marami silang patrons at customers roon pero madalang lang siyang makatagpo ng lalaking may ganoong kulot na buhok.

Pagkarating nila sa police station ay pinasalamatan sila ng mga police officers dahil matagal na palang tinutugis ang snatcher. Murderer din pala ang gago. Tapos sinuntok lang niya ito sa mukha. Ngayon, nakakulong na ito roon.

"Mabilis kang tumakbo. Isa kang running athlete?" tanong ng police officer na si PO4  Ignacio pala.

"Oo." Nag-usap pa ang dalawa nang sabay na silang umalis sa police station.

"Wala kang sasabihin sa akin?" tanong niya. Kagaya ng sesermunan siya nito dahil binabalandra niya ang mamahalin niyang bag sa gilid ng kalsada.

"Wala."

Bahagya siyang nasorpresa nang hawakan nito ang magkabilang balikat sa likuran at itabi siya. Saktong may dumaan na malaking truck sa gilid nila. Nagulat siya sa bilis ng pagmamaneho ng truck na iyon.

"Thanks," simple niyang turan. Gentleman din pala ang kulot nito. As much as possible, ayaw niyang makipaglapit sa mga lalaki. Mapapahamak ang mga ito sa kanya.

"You're on way to work?" he asked. Malapit na rin kasing gumabi. Malapit na magsimula ang duty niya.

"Yes. Doon ang punta mo? Sa Neon's Club?"

"Yeah, I'm going to fetch some two drunkards," sagot lang nito.

Tahimik lang silang naglalakad nang makarating na sila sa Neon's Bar.

"You want to see me running in a race?" he asked. Nasorpresa siya. They're complete strangers in the first place.

"Are you serious?"

"What? You are not interested?"

"No, just that. We're strangers."

"Well, you're pretty," he smirked. Napaawang ang mga labi niya.

"I'll think about it."

///

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top