Sprint: Four
//
Nakakamangha ang Western Style house, ang nag-iisang bahay sa loob ng DCU. Ang bahay para sa miyembro ng POS. Isa ito sa mga privilege na natatanggap ng mga kabilang sa POS list. May court iyon at isang pea-sized swimming pool. Halos walang tao ang bahay nang suyurin niya ito.
Nagawa ni Miles na makapagluto sa loob ng POS sa tulong ni Ainsley. Sandali lang siya doon upang hindi siya maabutan ng katiwala ng bahay. May inasikaso daw ayon kay Ainsley. Kapalit ng pagpapasok nito ay may hati ito sa caldereta kaya mapaparami ang servings niya sa luto. Kalderetang baka ang paborito ng Bruha at mabuti na lang ay marunong siyang magluto niyon.
Tila nagningning ang mga mata ni Miles nang makita ang kusina. Kompleto sa utensils at appliances. Kung masasali siya sa POS, dito siya lagi tatambay. Sandaling nagtaka siya kung bakit may kadenang nakapulupot sa refrigerator. That explains Ainsley's food in the dorm. Baka nasobrahan na naman sa stocks na di naman dapat sa diet nito bilang athlete. Even though, POS has the privilege living in that house, monitor pa rin ang naka-stocks sa ref.
Inilagay niya ang plastic na may lamang ingredients para sa kalderetang baka. Inilabas niya ang mga iyon, patatas, carrots, beef brisket, garlic, onions and such. Hinugasan na niya ang carrots at patatas sa lababo saka kumuha ng chopping board na nakasabit sa mga hook at kutsilyo na nasa lalagyan lang nito.
Nagsimula na siyang maghiwa nang namalayan niyang may dumaan sa kusina at muntik na siyang mapatalon sa gulat nang makitang si Eros pala iyon. Basang-basa ito na halatang kagagaling lang sa swimming pool at mukhang hindi niya ito napansin kanina. He's in his swimming trunks.
Bored ang mukhang sinipat lang siya nito at ang ginagawa niya. Hindi muna siya nagsalita bagkus hinintay lang niyang magsalita ito na palabasin siya. Afterall, hindi naman siya miyembro ng POS ngunit nasorpresa lang siya sa sinabi nito.
"Magbilin ka sa 'kin," sabi nito sa mababang boses at umalis na, hindi alintana sa bakas ng tulo na iniiwan nito. That guy is a bit creepy. Minsan nagugulat na lang silang lahat na susulpot ito at kalauna'y mawawala.
Isinalang na ni Miles ang cooking pan sa stove at pinaandar ito. He whistled and put some canola oil on the pan. Habang naglalagay ng nahiwa na niyang carrots at patatas ay naisipan ni Miles na silipin ang app ng DCU para sa kanilang mga athletes.
Matagal pa maluto ang beef kaldereta kaya manonood muna siya ng live telecast ng latest game sa mga oras na ito. He slanted his phone on the counter and clicked the DiAn App. He logged in as his namesake. Madalas doon sila nagch-chat, kumalap ng balita at manood ng mga live telecast games. Bago pa lang ang app at mukhang tinangkilik naman ng mga kagaya niyang athletes.
Isa lang ang live telecast ngayon. Isang friendly match between the dive teams of DCU and WU. Isa sa mga diver ay si Blue De Guzman.
Napunta siya sa open chat ng app kung saan makikita ng lahat ang mga messages roon.
Antonio: heard that prof with that ridiculous beard read graphic magazines hahahaha
Leonardo: makahingi nga ng copies sa kanya. One week muna siyang hindi makakapagturo, di ba?
Antonio: He denied it right?
Joseph: Huh mukha siyang manyak
Brooke: Hindi manyak si Sir. May isa kaming kaklaseng desperadang ipasa siya. Offering an indecent proposal but Sir Berrero refused. So it's not real. It was a set-up.
Naagaw ng chat ng babae ang atensiyon ni Miles mula sa hinahalo niyang beef kaldereta. Umangat ang gilid ng labi niya dahil totoo ang sinabi nito. Siya ang nagset-up sa Hitler na prof na iyon. May inutusan itong estudyante na ihatid ang mga gamit nito sa faculty at nang mag-CR sandali ang estudyanteng iyon ay inipit niya sa mga folders ang mga malalaswang magazines. Gusto lang niyang makaganti sa pagmamaltrato nito sa kanya na animo'y may personal na galit sa kanya. Inis na inis na siya kaya ni-set up niya. Id-drop niya naman ang klase nito.
Antonio: Paborito ka ng prof na yun? GC ka no?
Brooke: I am not nagsasabi lang ako ng totoo
Umalis na lang siya sa open chat at binalikan ang pinanonood niyang live telecast ng friendly match. Tumalon si Blue mula sa board. He performed a swift flip turn and landed flawlessly on the water. The crowd roared and cheer him on. The water bubbles and Blue emerged seconds later.
Naalala ni Miles si Eros. Bakit wala ito sa friendly match ng ka-dormmate nitong si Blue? May away ba ang mga ito? Kaya ba nasa labas ng dorm natulog si Eros?
Sinipat ni Miles ang wristwatch niya. Two hours before lunch. May isang oras pa siya para i-sales talk si Mang Alonzo na isabay sa lunch si Madaam Ophelia at siyempre, hindi nito sasabihin sa matandang dalaga na siya ang nagluto ng kalderetang baka. Bahagya siyang napangiwi nang maalalang magtatabi siya para kay Ainsley at Eros.
Buzzer beater na naman ang dahilan kung bakit naipanalo ng DCU basketball team ang Collegiate Finals. Hiyawan at sigawan ang lahat ng tao sa loob ng court. Sumabog ang confetti at nagdiwang ang players sa pagkapanalo. Pinagkaguluhan ng mga ito si Theo at binuhat, hindi alintana ang katangkaran nito.
Tahimik na napangiti si Miles. Masaya para sa matalik na kaibigan niya. Nanatili lang siya sa bleachers habang malalim ang iniisip, nakamasid sa masayang mukha ni Theo. Theo's hardwork and determination paid off with the help of his team.
Ang totoo'y he's not at his limits yet. Kumbaga, hindi pa niya ibinigay ang one hundred percent sa sports niya. He was just enjoying running along, going with the flow but seeing Theo, he's thinking of giving his all now. He reconsidered being a professional in the near future.
Mas lalo lang siyang naging determinado nang maalala ang pagkadisgusto ng ama niya sa sports niya. Siya pa naman ang klase ng taong kapag pinagbawalan ay mas lalong gagawin ang bawal.
He will aim for the Prince of Sports.
"Sa sports lang naman magaling ang mga nag-aaral sa DCU. Malay mo, wala pala silang utak at pasikat lang." Kaagad na ni-armlock ni Miles ang lalaking nagsalita. Napaangat ito sa kinauupuan nitong sofa. Ang magulo nitong mga kasama ay natahimik sa biglaang paghigit niya sa buwisit na lalaki.
"Anong sinabi mo?" nanlilisik ang mga matang galit na singhal niya rito. Medyo nakainom na siya gawa na sumama siya sa victory party ng DCU basketball team sa bar. Nagpanting ang tainga niya sa pinagsasabi nito at paninira sa DCU at sa kapasidad ng mga estudyante roon. Most of the students are sporty yet they are not dumb. May standards pa rin ang DCU. Hindi basta-bastang makapasok roon.
"Totoo naman." The guy had the audicity to smirk so he pushed the guy furiously. Napaatras ang mga kasama nito nang matumba ito at magtuloy-tuloy sa table nito. May mga boteng nahulog mula roon at nagkalat ang iba pang in-order ng mga ito. May mga tao na ring napapatingin sa kanila.
Halata ang takot sa mga mata ng lalaki, kahit na tanging neon lights lang ang liwanag roon. "Kapag nakarinig ako nang hindi maganda, babalikan kita," banta niya rito at lumayas na sa harap nito habang nagkukumahog itong tumayo.
"What the hell is that, Benavente?" It was the coach of the basketball team. Tahimik lang itong umiinom ng alak sa isang high round table.
Nagkakatuwaan na ang players sa puwesto ng mga ito sa gilid ng bar counter.
"Just petty shit," kaswal niyang tugon. He plastered a cheeky smile. "Puwede pa bang sumali sa basketball team, coach? Maambunan lang ng suwerte." Ngumisi pa siya. Naningkit lang ang mga mata nito sa sinabi niya. He was just goofing around.
"Mga tao talaga minsan. Umaasa pa rin sa suwerte. Walang biglang suwerte. Lahat idadaan sa pagsisikap." The coach said to no in particular. Diretso lang ang tingin nito. "Ikaw? Kailan ka ba magseseryuso ha?" untag nito sa kanya kaya bahagya siyang natigilan. Nang makabawi ay pagak na natawa lang siya at tinapik ang balikat nito. Naikuwento yata ng Coach niya kung ano ang pagkukulang niya sa training. Malapit kasi ang mga ito.
"Bubuwelo pa ako, coach. Hintayin n'yo lang ako. Baka bukas makalawa, makakabawi na ako," sabi niya rito lumapit na sa umpukan ng mga basketball player na ngayo'y panay ang sigawan.
"Drink! Drink! Drink!" sabay-sabay na sabi ng mga ito. May isa sa mga itong nag-abot ng isang baso na may kakaibang kulay na likido. Napangiwi siya nang makilala kung ang klase ng inumin na iyon.
Tumanggi naman si Theo ngunit iniumang lang ka-teammate nito ang baso hanggang sa ito na mismo ang tumungga sa inumin. Umubo ito nang paulit-ulit at nagulat na lamang ang lahat nang matumba ang higante.
Dinaluhan niya si Theo at dinama ang hininga nito. Buhay pa naman ito at mukhang mahimbing na ang tulog.
"Akala ko ba, nakakalasing lang ang likido na ito?" bulalas ng lalaking katabi ni Theo na biglang napatayo.
Napalingon silang lahat nang may tumikhim. The devil himself in his lab gown. Out of place ang damit nito sa loob ng bar. May bitbit itong isang jar na may nakakasilaw na pulang likido.
"The one he drinks is not the drink you're looking for."
"Nagsinungaling ka na naman?!" Parang choir na bulalas ng basketball players. Preston raised his hand to shut them up. Biktima na naman ng mahiwagang juice drinks ni Preston si Theo. Kompara kay Eros na mababanaag mo ang kalungkutan sa aura nito, si Preston ay blangko lang. Mistula itong robot.
Inilapag nito ang jar sa mesa at lumuhod. Marahang tinapik ang ulo ni Theo. "He needs a good sleep."
Nanakit yata ang katawan ni Miles dahil sila lang naman ni Shane ang nagtulong-tulong na buhatin si Theo. Mahahaba ang mga biyas nito kaya't nahirapan sila. Saka na ito magtanong kinabukasan sa maliliit na galos nito sa binti.
Hindi pa tinatamaan ng antok si Miles. Napabangon na lang siya sa higaan niya't nagpalit ng running attire niya. He put a red headband on his head.
Bahagyang mahamog sa labas at madilim na ngunit hindi iyon hadlang upang maglakad-lakad muna siya.
Seryuso siya sa sinabi niya kanina sa coach ng basketball team.
He will exert more effort this time.
//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top