Sprint: Eleven

///

Malamang sunog na ang pader dahil sa sama ng tingin ni Miles roon. Paano ba naman kasi, ngayong kompleto na ang POS List ay may espasyo na sila sa POS House. Malaki iyon at may kanya-kanyang kuwarto ang members. Kaya lang naman gumagawi sa dorm ang mga POS members dahil sanay na sila roon at nakakatago sila ng mga contraband na bawal sa official POS House na natatangi sa DCU. Kaya marami talaga ang gustong mapabilang sa POS. Maraming benefits at mas takaw-tingin sa mga scouts. Pero magdudusa muna siya sa mga kamay nito dahil dineklara ni Ainsley na siya ang magiging official cook ng mga ito.

Nasa backyard ang mga ito habang siya'y tinapos lang ang pagtitimpla ng pork belly na igr-grill nila sa labas. May permiso naman sa board na puwede silang magsiga roon. Mas mabuting magpaalam na muna sila. Baka sugurin sila ng mga tao roon dahil aakalaing nasusunog ang POS at madamay ang buildings ng DCU.

Maliban sa pork jelly. May salad rin doon na request na rin mismo ni Eros. Tahimik lang iyon pero gusto rin ng pagkain. Hindi lang ganoon kalala kay Ainsley at obvious pa masyado. Gusto nga niyang ipasak diretso ang pork belly sa bunganga nito. Nag-demand pa ng lechon sa kanya.

Muntik na silang magsapakan sa kusina dahil mainit rin ang ulo niya. Ginising kasi siya ng hinayupak para lang paglutuin. Masakit pa ang katawan niya sa competition. Siya ang dineklarang representative ng district nila. May makakalaban pa siya sa ibang district.

Ngayon, magiging alila na muna siya at trabahante ng POS members. Dala-dala niya ang steel tray na may lamang tinimplahan niyang pork belly nang may mapansin siyang dalawang itlog sa sala at nakaupo sa sofa habang nanonood ng Gravity Falls. Nakasuot ng cartoon-printed shirt si Shane at ang katabi naman nitong si Preston ay napapakunot-noo sa pinapanood. But he doubted that he's watching the cartoon but looked like his mind was somewhere else.

Nang makalabas siya ay kanya-kanya ng puwesto ang mga ito sa nakakalat na mga upuan. Ang hindi niya nakikita ay si Eros na malamang ay nasa pool na naman kahit gabi na.

Nakahanda na ang grill at si Theo ang naghanda niyon. Magkatulong sila sa paglagay ng pork belly. Sa labas din nagsaing ng kanin si Shane. Rich kid ito pero marunong daw ito sa mga pang camping na chores kasi boy scout daw ito noon at leader pa. They doubted at first but the aroma of the rice erased their doubts.

Magkatabi si Aga at Ainsley, may kung anong kinakalikot sa phone nito. May ka-text yata si Aga at si Ainsley naman, malamang nanonood ng short vids ng mga pagkain.

Nakapikit naman ang mga mata ni Wayne sa isang tabi. Umidlip lang ata ito para iwasan ang makulit na si Charles. Si Charles ay nilalaro si Chowder - ang malaking Saint Bernard ni Shane.

Pagdating ni Eros sa backyard na nakabalabal ang tuwalya sa sarili ay saka naman sumulpot si Blue bitbit ang isang babae. Kilala nila ang kinuyog nito.

"What is this woman doing here?"

May pass si Blue roon pero allowed lang ang nasa ranking na 11-15 pero dapat lahat sila approved na papasukin ito sa POS House. At mas lalong bawal ang babae roon.

"Jowanne?" Halos magkasabay nilang sambit ni Theo, Eros, Charles at Ainsley.

Hawak ni Blue ang likod ng collar ni Jowanne. "Hi, boys! Hi, Eros. Bihis ka muna kasi anlamig ngayon."

"What are you doing here? Spying on us?" Nangungunot ang noo ni Ainsley.

Itinaas ni Jowanne ang mga kamay nito. Gusto man nitong magpumiglas palayo kay Blue.

"Gusto ko lang naman kayong i-congratulate eh. I know that all of you will be the ideal POS. I even predicted Blue pero I think na malaki ang blow noong sinabi niyang ayaw niyang maging professional diver in a competitive manner." Doon nangunot ang noo ng tahimik na si Eros na hindi nagustuhan ang narinig mula kay Jowanne na alanganin ang ngiti.

"So, what's the point? Why are you here exactly?"

"Gusto ko makita muscles ni Aga - joke! Sorry." Doon nito nakuha ang atensiyon ni Aga na seryuso pa rin ang mukha pero mas pinagtuunan pa rin nito ng pansin ang phone nito. Sanay naman itong makarinig ng mga ganoon lalo na kung mga babae lang. "You won't consider to have a manager?"

"Walang manager in history sa POS!" dugtong nito.

Kinaladkad na nito palayo si Jowanne roon. "Hey! Bitiwan mo nga ako! You stalker!"

"Ikaw ang stalker rito! Ah! Ibaba mo ako." At ginawa nga nitong parang isang sako si Jowanne. "Wait! Free lang service ko bilang manager!"

"We don't want a manager," Theo said. Nagpatuloy na lang sila sa kani-kanilang ginagawa. Saka lang niya namalayan na nandoon na rin sina Preston at Shane. Dala nila ang mga pagkain na hinanda niya at ni Theo. May sisig roon na tinulungan pa siya ni Charles na linisin para lang guluhin ni Chowder. Isa ito sa paboritong laruin ng alaga ni Shane.

Binulungan pa siya ni Shane na namimili ng kalaro ang aso at mukhang natipuhan nito si Charles.

"Yes! Nakarating na rin." Napalingon silang lahat sa bagong dating na si Attwell na pawis na pawis. Nakatali ang buhok nito. "Sakit ng katawan ko kaka-praktis. Tagal pa nagsimula."

Naupo ito sa bakanteng upuan roon. Inabutan ito ng towel ni Shane na bitbit nito.

"Tubig, gusto mo?" alok ni Theo. Natural na talaga ang trait nito na inaalagaan ang mga members nito, sa POS man o sa team nito. Sa kanilang POS members, sina Theo, Shane at Attwell ang team-oriented ang sports kaya maiging may camaraderie sa team ng mga ito.

Maya-maya pa, pinaglapit na nila ang mga folding table roon at pinagitna na ang mga pagkain. Nagsalin na rin ng kanin si Shane na ito mismo ang nagsaing.

Salad, sisig, adobong baboy at manok, sabaw na monggo at pork belly ang mga ulam roon. Pambalanse ang vegetable salad roon na siya mismo ang nag-plating. Pagakatapos nilang magset-up ay saka naman lumabas si Eros na ngayo'y nakasuot ng blue shirt at navy blue na short.

May karne naman para kay Chowder na nagsawa na kay Charles. Hindi na bumalik si Blue. Baka nag-away na naman ito at si Jowanne. May kakaiba talaga sa dalawa. Parang may namamagitan na hindi nila alam kahit kay Eros na nakatutok sa mga pagkain. Si Ainsley nama'y akmang kukuha ng piraso ng na-grill na pork belly ay pinalo naman ni Preston na sinamaan nito ng tingin.

"Let's pray." Napatingin lahat kay Shaine na nabitin ang pagsiklop ng mga kamay.  "What? I'm half-Spanish. My family has always been a God-fearing family. Huwag n'yo nga akong tingnan na ganyan."

"Fine, magsimula ka na," sabi na lamang ni Miles. Matapos nilang magdasal ay kanya-kanya na sila ng kuha nang makakain. They were enjoying this because this is a rare occasion while the competition between the colleges is ongoing.

"How was your competition, Shane? I heard that muntik na kayong magsuntukan sa field." Malakas talaga ang radar ni Attwell pagdating sa tsismis. Ang liit na tao pero tsismoso masyado.

"Someone just insulted one of our members so our team captain almost caused a scene. Namersonalan kaya muntik pang sabihing null or void ang laro namin. Panalo kami sa game na iyon kaya asar-talo sila."

"Sana nandoon ako."

"You? Narinig ko na inasar na naman ang height mo." Mariin na napapikit ang mga mata ni Attwell. Sensitive ito pagdating sa height nito.

"Mas magaling ako para sa kanila, Ainsley. Ikaw? Ilan ng racket ang nasira mo?"

"Tanungin ninyo si Wayne kung ilang sasakyan na ang nasira sa kalaban," singit naman ni Charles.

"Shut up, you idiot," Wayne muttered.

This is just a normal conversation for them, Kung nagbabangayan ang iba ay sila nama'y pino-point out ang mga mali nila o mga controversial na pangyayari sa paglalaro nila sa intercollegiate.

Natural naman sa kanila ang mga kaunting aksidente sa sports na nilalaro nila.

"Did you clear your name to other swimmers? Naririnig ko ang iba na baka high ka na naman sa competition." Napapailing na lamang si Charles. Tsismoso rin talaga ito, magkasundo ito at si Attwell sa department na iyon.

"Why would I? The board knows the truth. It's just prescription, not drugs."

"Then, it's fine." Napalingon naman ang lahat kay Aga na ang atensiyon ay ang hinihigop nitong sabaw na monggo. Mas gusto nitong kumain ng mga pagkain na pang-masa. Hindi ata impress sa mga pagkain ng mga sosyal na tao. "Boxers are not exempted to this kind of controversy. Someone would accuse you of using something to boost your performance. They won't just accept that they inferior when it comes to skills so they will do everything in order to throw a mud."

Si Preston ang sunod na nagsalita. Napalamon na lamang silang lahat dahil kapag si Preston na ang nagsalita, lumiliit ang brain cells nila o kaya hindi na sila makapagsalita dahil sa wisdom na parang sa matanda lang.

"According to Bruce Lee, you will continue to suffer if you have any reaction to emotion that is said to you. ou must observe the things around you logically. If words can control you then everyone can control you. Don't let anyone affect you negatively."

"I remember one of his sayings, actually," Eros said. Kanya-kanya ng ubo ang mga walanghiya lalong-lalo na si Shane at Charles. Ang kukulit talaga ng lahi ng dalawa.

Aware din silang si Eros lang din ang nakakasagot rito pagdating sa ganitong diskusyon aside from Aga who's busy with his food. Si Wayne ay madalang magsalita at ngayon nga'y nakikinig lamang ito sa kanila habang kumakain.

"Be like water, Be formless and empty your mind. Let your body and instict act on their own," Eros explained.

"Exactly. You just allow those hearsays and rumors to pass as if it doesn't affect you. No one knows you better than yourself. And according to Art of War, you can't throw a rock at your enemy when you know you're on the losing side. That's stupidity."

"Yeah," chorus nina Attwell at Ainsley na nagkatinginan lang at pasimpleng nag-agawan ng piraso ng pork belly. Hindi nakatiis si Theo kaya ito na ang nag-cut ng karne ng dalawang parang bata kung magsukatan ng tingin sa lamesa.

"Well, agree. I let my emotions control me before. That's why it affects my team negatively. I was still on the process of accepting that I'm really part of the POS."

"Some even said that some of us didn't deserve the spot, with all the rumors and our performance in our team," sabi ni Charles.

Miles was cutting the pork belly meat when he finally spoke. "It's not because we are the top scorer of our team or the one who bags the most win. There's a different reason why we have been chosen as part of POS. Basketball is not good without the defense, including soccer and volleyball. Sa case ko, I may not be the fastest among my peers but I have the most remarkable endurance on the road. Ikaw, Attwell, libero ka, you are on the defense pero bakit kasali ka? And Shane, you were assigned a position as one of the offensive player but lately you've discovered that you were much better in defense. And you, Eros, you insisted to swim on freestyle even though you are good in all of swimming strokes. See? May magandang dahilan kung bakit tayo ang pinili."

"But I have one observation." Napunta naman ang atensiyon nila kay Attwell. "If you've researched the past princes of Sports here, Puro sila nasa offensive side. The most stereotypical choice by the way."

Napaisip rin silang lahat. Maging si Wayne na tahimik lang ay nakuha nila ang atensiyon.  He remembered that for Wayne it's not all about speed when he's on the road.

"Gusto ata nila ng fresher perspective pagdating sa pagpili ng mga isali sa POS. Bihira lang ma-dethrone pa lang ang ibang POS dahil sa freshman at sophomore. Well, reasonable naman dahil either nag-quit, lumipat ng ibang bansa o grumaduate na. Ang ahead natin ay one of the longest reigning POS and of course, ours will be undefeated.," Attwell commented.

"We don't know what will happen next. If someone will be complacent, then maybe someone will be out of POS." Natahimik sila sa sinabi ni Theo.

May posibilidad nga iyong mangyari at sana walang matanggal sa kanila.

///

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top