Two

KANINA pa pabalik-balik ng lakad si Freida sa loob ng opisina niya habang hinihintay ang pagdating ni Renji. Inutusan niya kasi ang branch manager niya roon sa main shoppe upang mag-set ng appointment for Renji Pascual. Hindi naman porket sikat na sikat ito ay magpapakababa siya para rito. Siya pa rin ang boss at siya ang masusunod kung gusto man niyang tanggapin ito o i-cancelled ang invitation na ginawa ng branch manager niya.

Kailangan niya rin kasi itong makausap in personal due to his contract. Karapatan niya iyon dahil siya ang big boss.

Napadako ang tingin niya nang marinig ang pagkatok roon. Iniluwa niyon si Cheska, ang manager ng main branch nila kasunod si..si Renji Pascual.

“Miss Freida, here's Mr. Renji Pascual..”

Hindi na naintindihan ni Freida ang sunod na sinabi ni Cheska sapagkat nang magtama ang mga mata nila ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo sa pagitan nilang dalawa. Pakiramdam niya’y may sarili silang mundo.

That grayish eyes that seemed to melt her while staring at her eyes. His masculine figure. His broad shoulder that make himself so sexy. His pointed nose, his lips like it had lipstick on it.

Oh my.. what happen to you Freida? Bakit parang nag-iilusyon ka nang dahil sa lalaking iyan?

“Miss Freida?”

Bigla ay natauhan siya. Tumikhim siya. “I’m sorry. Have a seat Mr. Pascual.” Pormal na wika niya saka siya umupo sa swivel chair niya.

Honestly, hindi niya inaasahan na triple ang ka-guwapuhan nito kumpara sa magazines at TV kung saan niya ito nakikita. It’s her first time to saw him after eight years. Malaki na ang pinagbago nito. He’s totally built in. Guwapo na ito noon pa man ngunit mukha ito noong totoy kumpara ngayon na binatang-binata na ang dating.

Tahimik na umupo si Renji sa upuan sa harap ng malaki niyang table. “Hi.” Matipid na bati nito saka siya nginitian.

“Hi Mr. Pascual. So, you are accepting our companies offer. Right?” pormal na tanong niya.

“Yeah. By the way, long time no see Freida.” Nakangiting wika nito.

“It's Miss Freida. We’re not that close to call me in my name.” mataray na sagot niya.

He grins. “Is that the way you say hello to an old high school classmate?”

“It's not the topic here Mr. Pascual. Don't you remember, it's for our offer, not that kind of stuff.” patuloy siya sa pagsusungit rito. Nakakalimutan na ba nito na sinira niya ang high school life niya?

Bahagya itong tumawa. “Okay, okay. Calm down. So tell me about the contract then I will signed it.”

Ipinakita niya rito ang kontratang pinirmahan nito saka ipinaliwanag ang bawat detalye. Naging maayos naman ang pag-uusap nila dahil hindi na ito nag-singit ng mga bagay na wala namang kinalaman sa trabaho – a topic about their past.

~

“HEY Sanchoo. Nariyan ka na naman sa bar?”

Kumunot ang noo ni Renji habang kausap ang pinsan sa cellphone. He's on his way to Pink Smoky Bar – ang bar na laging tinatambayan ni Sanchoo.

Kanina'y tinawagan niya ito just to inform that Freida is still gorgeous. Yeah, funny but true. Tinawagan niya ito para lamang sabihin iyon. Kagagaling lamang niya sa Pink Chocolates main building upang kausapin si Freida at hindi niya inaasahan na lalo itong gumanda sa paningin niya.

Nang makapasok siya kanina sa opisina nito ay hindi niya maiwasang matulala rito. Hindi nga niya sigurado kung parehas silang napatitig sa isa't isa. When their eyes met, his heart suddenly beat not just a second dahil hanggang matapos silang mag-usap ay ramdam niya ang pagtibok ng puso niya.

No doubt, si Freida pa rin ang nag-iisang babaeng tinitibok ng puso niya kahit ilang babae na ang dumaan sa kaniya. Sanay siyang hinahabol ng mga kababaihan. Pero si Freida lang yata ang hindi nakaka-appreciate ng ka-guwapuhan niya.

“Masama bang mag-bar?” masungit na tanong ni Sanchoo sa kabilang linya.

“Oo, Hell! Kainitang tapat nasa bar ka?” ipinagtataka kasi niya ang madalas na pagtambay nito sa bar na iyon. Wala itong pinipiling oras. Isa pa, kung mahilig man ito mag-bar, sigurado siyang hindi dahil sa mga kababaihang naroroon dahil allergic ito sa mga babae. Asiwang-asiwa nga ito sa tuwing kinukuyog ito ng mga kababaihan.

“Walang basagan ng trip man.” anito.

Napailing na lamang siya. He had no choice but to go to that bar. Pinutol na niya ang tawag saka binilisan ang takbo ng sasakyan.

Tahimik. Iyon ang unang napuna niya sa Pink Smoky Bar. Kung sabagay, tanghali kaya siguradong iilan lamang ang tao roon. Bumaba siya ng kotse niya nang maiparada niya iyon sa parking saka dumiretso sa entrance ng naturang bar.

 ~

KANINA pa nagtatawanan sina Freida at Eris dahil sa pagbabangayan nina Chernin at ng  regular costumer nito roon sa bar na si Sanchoo.

Pagkatapos na pagkatapos kasi ng meeting niya with Renji ay mabilis niyang nilisan ang kompanya niya saka nag-tungo sa bar na pag-aari ng kaibigang si Chernin – ang Pink Smoky Bar. Halos kararating lamang niya at naabutan na niyang tumatawa mag-isa si Eris habang pinapanood si Chernin na nakikipagbangayan kay Sanchoo.

“Pansinin mo na kasi siya Chernin.” pang-aalaska ni Eris.

Inirapan lamang ito ni Chernin. “Sorry pero hindi ako pumapatol sa lalaking weak!” pagsusungit nito saka tinungga ang isang kopita ng margarita.

Naroon sila sa sulok ng bar kung saan mayroon silang VIP table na para lamang sa aknilang tatlong magkakaibigan.

Masama ang tingin ng lalaking nag-ngangalang Sanchoo kay Chernin. Nakaupo ito sa bar counter di kalayuan sa pwesto nila. Mukhang may kausap ito sa cellphone.

“Weak talaga Chernin?” tanong ni Eris.

“Oo weak 'yan! Nalasing iyan nang isang beses dito at pinipilit akong isayaw. Pagbibigyan ko na sana kaso biglang nakatulog sa gitna ng dance floor. Nakakahiya!”

Nasapo ni Eris ang noo nito. “Iyon naman pala. Napahiya ang beauty ni Chernin my dear.” pang-aasar nito.

“Eris, tigilan mo na iyang si Chernin. Mainit ang ulo niyan,” awat niya.

“By the way, Freida how's the meeting with... hmmm.” tinutukso siyang tiningnan ni Eris.

“Huwag mo ng ipaalala dahil naiinis ako.” bigla ay nagbago ang mood niya.

“Bakit naman Freida? Anong ginawa niya sa'yo? Did he tried to bully you again?” nakakunot-noong tanong ni Eris.

Umiling siya. “He's trying to talk to me like we're old friends. God, he's really annoying!” naiinis na saad niya.

Tumawa lamang si Eris sa sinabi niya.

“What's funny?”

“Masyado kang affected sa kaniya Freida. Are you in love with him?” Umariba  na naman ang pagka-straight-forward ni Eris.

“Hindi 'no! Bakit naman ako mai-in-love sa lalaking umalipustangan sa first kiss ko ha?” mataray na sagot niya. Lumagok na rin siya ng margarita na nakahain sa center table.

Lalo itong tumawa. “Masyado kang defensive.”

“Tigilan mo nga 'ko..” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng dumako ang tingin niya sa bar counter. “Speaking of the devil..” mahinang usal niya.

Napatingin naman ang mga kaibigan niya sa bar counter kung saan siya nakatingin.

“Oh! That's Renji Pascual. Teka, kaanu-ano niya si Sanchoo?” tanong ni Eris saka walang anu-ano'y lumapit sa mga ito.

Napailing na lamang siya. Kinakabahan siya sa maaaring gawin ng mga kaibigan niya. Pagdating pa naman sa kalokohan ay nangunguna ang mga ito lalo na si Eris na walang pakialam sa mga tao sa paligid nito.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay sumunod na rin roons I Chernin. Naiwan tuloy siyang mag-isa roon sa table. Mapapansing nakangiti si Renji habang kausap si Eris.

Wow ha! Iniwanan ako ng mga kaibigan ko! Alone! Tinungga niya ang natitirang alak sa kopita.

“Hi.” hindi na niya napansin na nakalapit na sa kaniya si Renji. Sumilay siya kina Cgernin at Eris na nasa tabi nakatayo na rin. Ang mga bruha ngiting-ngiti habang nakamasid sa kanila. Ano na namang pakana ng mga ito?

“So why are you here? Sinusundan mo ba ako?” pagsusuplada niya.

Bahagya itong ngumiti. “Im not following you okay? Please calm down? Masyadong mainit ang ulo mo sa'kin. I just go here because of that man.” tinuro nito si Sanchoo.

Kumibit siya. “Oh, so your saying na bi-sexual kayo?”

Humagalpak ito ng tawa. “Sa guwapo kong 'to naisip mo 'yan? Your unbelievable! He's my cousin.”

Okay fine. Napahiya siya ro'n. Pero teka, bakit ba nasa harap niya ito ngayon at nagpi-feeling close na naman sa kaniya?

“Wait. Bakit ka ba narito sa harap ko?” mataray na tanong niya.

Muli itong tumawa. “Mataray ka pa rin tulad ng dati Freida. Do you remember our childhood days?”

Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Are you starting to make conversation?”

“Actually kanina pa kaya kung hindi mo mamasamain, baka gusto mo akong paupuin.” anito.

“I'm sorry but this seats are restricted. So leave me alone and get a life!” asik niya rito.

“Oh, mukhang sinusungitan ka ng maganda naming friend.” singit ni Eris.

“Your right.” mabilis na sagot ni Renji.

“What's this huh?” tanong niya kay Eris na nakangisi lamang habang pinapanood sila.

“What? Wala akong ginagawang masama.” pagtanggi nito.

She sighed. “Aalis ka ba o ako ang aalis?” nakipagtagisan siya ng tingin kay Renji.

“Okay. I'll go. But I assure you, this is not the last time we will talk about our past life.” kumindat pa ito saka tuluyang nilisan ang bar na iyon kasunod ang pinsan nitong si Sanchoo.

“That bastard!” napasabunot siya sa buhok niya.

“Calm down Freida. Ang guwapo-guwapo pala naman ni Renji in person. Anong ayaw mo sa kaniya?” nang-aasar na tanong ni Chernin.

“Anong ayaw ko sa kaniya? Siya mismo!” inis na sagot niya saka nag-martsa papunta sa bar counter.

Kaibigan ba talaga niya ang mga ito? Parang tuwang-tuwa pa ang mga ito na sinisira ng Renji na iyon ang araw niya. Ughhhh!

 ~

“WHAT are you doing here at my office? Sinong nagpangahas na magpapasok sa'yo rito?”

Uminit ang dugo ni Freida nang madatnan si Renji na prenteng nakaupo sa swivel chair niya sa private office niya. Sino namang magpapapasok rito roon?

“Sorry Freida.” nakangising wika ni Eris na biglang lumabas mula sa mini salas roon kasunod na rin si Chernin na naka-peace sign pa.

So ang magagaling pala niyang kaibigan ang nagpapunta nito roon?

“What is the meaning of this?” galit na tanong niya sa mga ito.

“Nakita kasi naman siya kanina sa guest area. Hinihintay ka niya dahil mamaya na raw one pm ang photoshoot niya dito mismo sa main branch niyo.” ani Eris.

“Dahil mabait kami, niyaya na namin siya rito sa opisina mo.” dugtong ni Chernin.

            “At habang busy kami sa pagku-kwentuhan sa mini sala mo, hindi naman namin alam na umupo na diyan sa swivel chair mo si Renji.” dugtong naman ni Eris.

Pinigilan niya ang sariling mapasigaw sa inis. “Now, get off my chair!” sigaw niya kay Renji.

Agad naman itong tumalima na animo'y nasindak sa kaniya. “Sorry.” anito.

“Girl, sorry talaga ha?” nagsusumamong wika ni Eris.

Sa halip na pansinin ay dumiretso siya sa swivel chair niya saka pinagmasdan ang mga ito. “Sinisira niyo ang araw ko..” pagsisimula niya.

Mababanaag ang pagka-awa sa hitsura ng mga kaibigan niya. “Freida...”

“Im not talking to you Eris.”

“Hindi naman namin..”

“Hindi rin kita kinakausap Chernin.” sabat niya.

“Okay, I'm sorr--”

“Hindi rin kita kinakausap Mr. Pascual.” pormal na wika niya.

“Wait, let me tell you this.” pigil nito sa kaniya habang iminumustra ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Huwag kang magalit sa mga kaibigan mo. Sa akin ka magalit, tutal sa'kin naman mainit ang dugo mo hindi ba? And by the way, sorry for sitting to your chair without asking. Natuwa lang ako sa picture frame na nakapatong sa mesa mo. That was your childhood memories at natutuwa ako habang pinagmamasdan iyon. Again, I'm sorry.” makikita ang sincerety sa mukha ni Renji habang sinasabi iyon.

Hindi niya alam ang isasagot rito. Nagawi ang tingin niya sa picture frame na nakapatong sa mesa niya. Naroon ang litrato niya noong graduation ceremony niya noong high school siya.

Kinalma niya ang sarili. “Fine.” mahinang sagot niya.

Bakit parang may bahagi sa puso niya na natutuwa dahil sa sinabi nitong pagtitig nito sa litrato niya?

Napapikit siya sa naiisip saka hinimas ang sentido. “Mr. Pascual be ready for your photoshoot. Papunta na rito si Miss Cheska.” kalmadong wika niya.

Ngumiti ito. “Okay, Madam.” he said then bow.

Nag-ngitian naman ang mga kaibigan niya sa kaniya.

 ~

PHOTOSHOOT already started. Maganda ang mood ni Renji dahil naroon si Freida upang panoorin ang pictorial niya.

Para itong reliever niya dahil sa tuwing nakikita niya ito ay gumagaan ang pakiramdam niya.

She really amused him. Talaga palang malaki na ang ipinagbago nito. Bukod sa mas gumanda ito ay nagkaroon na ng magandang hubog ang katawan nito. Hindi niya maiwasang mapatitig rito habang ni-re-retouch siya ng make-up artist.

He can't resist her almond shape eyes. Her long black eye lashes. Her natural pinkish cheeks. Her brown wavy hair that fits in her oval shape face and her small but thick soft lips that he was eager to kiss again for the second time.

"Mr. Pascual? Are you ready for the last take?"

Napapitlag siya nang marinig ang boses ng floor manager roon. "Y-Yeah." Aniya saka inalis ang tingin kay Freida na kasalukuyang kinakausap ng branch manager.

"So, for the last shoot, you will poise with our owner, Miss Freida. Hold this box of pink chocolates, then luluhod ka while she's facing you. It was like you're proposing with your chocolates. Is that clear?"

Namangha siya sa sinabi nito. Hindi dahil sa ideya nito kung hindi dahil hindi niya alam na may shoot pala sila nila Freida together. Kung sabagay, ba't pa sila kukuha ng ibang model na babae kung over qualified na si Freida?

He smiled.

"Take one!" Sigaw nang photographer.

Nag-poise si Renji ayon sa sinabi ng floor manager while Freida doing her task. Nakangiti itong nakaharap sa kaniya. He misses that smile eight years ago. Mula nang makita niya itong muli ay hindi man lang niya masilayan ang ngiti nito. She's always irritated in front of him. Dahil pa rin ba iyon sa pambu-bully niya rito noon? Kung alam lamang nito ang tunay na dahilan kung bakit kailangan niya iyong gawin. Hindi bale, isang araw ay masasabi niya rin iyon kay Freida.

Huminga siya ng malalim saka nag-focus sa pag-mo-model. "Marami pang araw na maaari siyang magpa-impress kay Freida. Huwag kang magmadali Renji". Aniya sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: