Three
ILANG oras nang nakatitig si Freida sa pagkaing nasa plato sa harapan niya. She was having her dinner alone at her condo unit.
Hindi kasi maalis sa isip niya ang nangyaring pictorial niya with Renji. She almost remember how he looked at her. There's a glance in his eyes while staring at her. She have to admit that he's totally cute while holding the box of pink chocolates.
Kung hindi niya siguro ito nakilala noon ay hindi malabong matuwa siya rito. The way he look at her, the way he smiled at her, hindi maikakailang nakakapanlambot ng tuhod. Sino ba namang babae ang aayaw sa isang Renji Pascual?
But in her case, hinding-hindi niya ito magugustuhan lalo na sa tuwing naaalala niya ang high school memories niya. Hindi niya maiwasang magbalik-tanaw.
“Let us give a round of applause for Freida Olivares, Lakambini of IV-Alpha!” sigaw iyon ng adviser nila. They were practicing their routine habang hindi pa nag-uumpisa ang paligsahan. May kalahating oras pa kasi silang natitira para mag-ensayo.
Si Freida ang panlaban bilang lakambini ng klase nila habang ang kaklaseng si Jeremy naman ang lalabang lakan. Sasayaw kasi sila ng ballroom at excited na si Freida dahil gustung-gusto niya ang suot niya. Hindi masyadong revealing pero malakas ang dating. Pinagpuyatan at pinaghirapan iyong tahiin ng ina niya.
Lumabas siya ng dressing area upang ipakita sa mga kaklase ang kaniyang suot ngunit sa sobrang pagkadismaya niya ay napabalik siya sa dressing room. “Anong nangyari sa damit ko? Bakit punit-punit? Sinong gumawa nito?” Naiiyak na sabi niya sa sarili.
“Freida, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Jeremy, ang partner siya.
“Sa tingin ko hindi na ako makakasayaw, sira na ang damit ko. Wala na ring oras para makahanap pa ng damit. Isa pa, parang nawalan na ako ng gana pang sumayaw, pinaghirapan ‘to ni Mama tapos masisira lang ng ganoon kadali?” nagsimula na siyang umiyak.
“Freida nakita ko si Renji kanina na galing dito. May hawak pa nga siyang gunting. Hindi ko lang naisip na may balak pala siyang sirain ang damit mo.” Sumbong ng isa niyang kaklase na si Marie.
Bigla ay nag-init ang dugo niya. Wala na ba talagang magawang matino ang lalaking iyon?
Tumayo siya saka lumabas ng dressing area. Pinahid niya ang kaniyang luha saka iginala ang paningin sa loob ng classroom. There he is. Renji laughing with his friends.
Sinugod niya ito. Inihagis niya rito ang damit niya. “Ngayong nasira mo na ang damit ko, masaya ka na? Ha? Wala ka na talagang nagawang matino ‘no? Okay lang sanang i-bully mo ako araw-araw pero sana naman ginawa mong excempted ang araw na ito! Pinaghirapan iyan ng Mama ko tapos ay sisirain mo lang? Wala ka talagang puso Renji Pascual!” impit na sigaw niya.
Halatang gulat na gulat ito sa ginawa niya. Magsasalita na sana ito pero inunahan na niya ito. “Magsaya ka na! Kinasusuklaman kita Renji Pascual!” aniya saka tumakbo palayo.
Hindi na namalayan ni Freida ang malayang paglandas ng luha sa mga pisngi niya. Hindi pa rin kasi niya maunawaan kung bakit ganoon kalupit sa kaniya sa Renji nang mga panahong iyon. Nasasaktan siya sa tuwing maaalala ang mga araw na gumagawa ito ng bagay na ikaiinis niya. Bakit hindi na lang silang maging kaibigan?
Natatandaan pa niyang ito lamang ang bukod-tanging lalaking hindi niya pinapansin sa klase nila. Nahihiya kasi siya. She had a crush on him way back on high school kaya hindi niya kayang makipaglapit rito tulad ng ginagawa niya sa iba nilang kaklase. Natatakot kasi siyang malaman nitong may crush siya rito. Pero mula nang i-bully siya nito at buwisitin siya sa araw-araw ay nawala ang paghanga niya rito. Pulos hinanakit ang nararamdaman niya para rito.
Awtomatikong pinahid ni Freida ang luha niya nang marinig ang doorbell niya. Huminga siya ng malalim saka dali-daling tinungo ang pinto.
Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay dagli rin niya itong sinara. Paano ba naman, si Renji ang nasa labas ng pintuan niya. Anong ginagawa nito sa condo niya? At pa'no nito nalaman kung saan ang condo niya?
She heaved a sigh. Muli niyang binuksan ang pinto.
“Why are you here?” mataray na tanong niya rito.
“I just want to thank you. Here, flowers for you.” Nakangiting sagot nito.
“Thank me for what?” nakakunot-noo niyang tanong.
“For making me as your model.”
“Excuse me, pero ang branch manager ko ang nag-request na ikaw ang kunin. Hindi ako ang nag-recommend sa’yo.” Aniya. Isasara na sana niya ang pinto ngunit ikinalang nito ang paa nito sa ibabang bahagi ng pintuan.
“Thank you pa rin dahil nginitian mo ako kanina sa pictorial.”
“It was just an act! Please leave me alone. You’re ruining my night.” Naiinis na wika niya.
“You were so rude. Hindi bagay sa mala-anghel mong mukha.” Nang-iinis na saad nito.
“Bastard! Bakit ba ang kulit kulit mo?”
“I just want to be your friend. Masama ba iyon? Let us forget the past.”
“Oo masama lalo na kung ikaw ang makikipag-kaibigan!”
“Sobra ka naman.” Pa-tweetums na wika nito. “Please.. friends na tayo!” nag-pout pa ito pagkasabi niyon.
“Huwag mo nga akong idaan sa pagpapa-cute mo! Alis!” taboy niya rito.
“Okay, you win! Aalis na ako but take this bouquet with you.’
Mabilis niyang inagaw rito ang bulaklak. “Now go!”
“Fine.” Nakangiting wika nito saka sumaludo sa kaniya.
Nakahinga siya ng maluwag pagkasara niya ng pinto. Pinagmasdan niya ang hawak na bulaklak. Paano nito nalaman na paborito niya ang pink tulips?
~
MAAGANG umalis si Freida patungo sa Pink Blossoms Flower Shop na pag-aari ng kaibigang si Eris.
Nang makita kasi niya ang kalakip na card sa ibinigay na bulaklak ni Renji nang nakaraang gabi ay tatak ng flower shop ni Eris ang nakita niya sa likod ng card.
“Where’s Eris?” tanong niya sa bantay roon.
Dire-diretso siyang pumasok roon hanggang marating ang private office nito. Ipipihit na sana niya ang seradura ng pinto nang bigla iyong bumukas at iluwa ang hinahanap.
“O, Freida why so early? Kailangan mo ng bulaklak?” nakakunot-noong tanong ni Eris sa kaniya.
Hinila niya ito papasok ng private office nito. Nang makapasok ay binitawan na niya ito saka naupo sa leather couch. “Funeral flower ang matatanggap mo mula sa’kin ‘pag hindi ka nagsabi ng totoo.” Seryosong wika niya.
“Do you have problem? Calm down okay?”
“Anong kinalaman ng flower shop mo sa dinalang bulaklak ni Renji sa’kin kagabi?”
Nandilat ang mata nito. “F-Freida iyon ba? Kasi..”
“What?” pinandilatan niya ito ng mata.
“Ang kulit niya kasi. He’s asking what kind of stuff do you like. But I swear, si Chernin ang nagsabi sa kaniya na favorite mo ang pink tulips at siya rin ang nag-recommend ng shop ko.” Pag-amin nito saka tumungo.
“Wow! Kaibigan ko ba talaga kayo? Alam niyo namang sinisira lang ng lalaking iyon ang araw ko. Hindi ba?”
“Freida..”
“You know Freida, masyado ka ng nagiging defensive. We know na may pagtingin ka kay Renji. We can see that in your eyes girl so don’t try to deny it. Kilala mo kami. Woman instinct.” Singit ni Chernin na kararating lang. Nakatayo na pala ito sa may pinto.
“Isa pa, masyado ka ng nagiging over acting sa ginagawa ni Renji samantalang kung ibang babae ka, baka nahimatay na iyon sa kilig.” Singit ni Eris.
“So kinakampihan niyo ang lalaking iyon?”
“Wala kaming kinakampihan sa inyo. Pareho naman kayong mali. Mas malaki lang ang mali mo kasi nga masyado ka ng nabubulag nang dahil sa galit mo from your past.” Ani Chernin.
She sigh. “Fine. Ako na iyong mali.
“Hindi ba’t dapat matuwa ka na binigyan ka niya ng flowers at inihatid pa sa condo mo?” nakangiting wika ni Eris. "That's kind'a kilig!"
Inihilig niya ang ulo niya. “Oh! Speaking of my condo. Sinong nagbigay sa kaniya ng address ko?” nandidilat ang matang tanong niya sa mga ito.
“Ooops! Excuse me, I have a call.” Ani Chernin saka itinapat ang cellphone nito sa tainga.
“Oh! Ang oily na ng face ko, I need to put some powder.” Wika naman ni Eris na hawak-hawak ang salamin.
“Kayo, tama na nga ‘yang pa-busy-busy effect niyo. Halata ko na kayo. So sino nga?” aniya.
“Si Eris.” Sagot ni Chernin.
Napatingin siya kay Eris na naka-peace-sign na. “Sorry!”
“Hay.. ewan ko ba sa inyo! Lumalayo nga ako sa taong iyon tapos kayo naman ‘tong pinaglalapit kami.” reklamo niya.
“We believed in our abilities. At alam naming siya ang magpapasaya sa’yo.”
“Ano? Nahihibang na ba kayo? Kahit kailan hindi ko pinangarap na maging boyfriend siya. Saka, kelan pa kayo naging match maker aber?”
“Actually, no’ng nakilala lang namin si Renji. He loves you Freida. I can see that in his eyes while staring at you.” Ani Eris.
“Mukhang gustong-gusto ka niya talaga.” Segunda ni Chernin.
Sumimangot siya. “Alam niyo naman ang past ko with him ‘di ba? Imposibleng magkagusto iyon sa’kin. And sige, dahil napag-uusapan na iyan dito, I admit! Naging crush ko siya noong high school kami pero hanggang doon na lamang iyon.” Pag-amin niya sa mga ito. Humalikipkip siya. Sa dami kasi ng na-kwento niya sa mga kaibigan about his high school days ay iyong bagay na iyon lamang ang hindi niya sinabi. Sigurado kasi siyang tutuksuhin lamang siya ng mga ito.
“Gotcha!” sigaw ni Eris.
“See, tama kami ng hinala. I told you, woman instinct.”
“Mali kayo dahil past na iyon. Ngayon wala na. As in wala na akong pagtingin sa kaniya.”
“Really? Ngayon pa na mas gumwapo siya at naging hot?” pinukol siya ng pang-aasar na tingin ni Eris.
Umirap siya. “Ano ba talagang klaseng kaibigan kayo?”
“We just want you to have lovelife na girl. Hello! Tumatanda ka na, hindi ka pa rin nagkaka-boyfriend.” Sagot ni Chernin.
“At sa tingin niyo makakatulong iyang ginagawa niyo sa amin ni Renji?” sarkastikong tanong niya.
“Of course! Dahil nga may past kayo. You know each other very well. Mas kilala mo siya kaysa amin pero unang kilala pa lang namin sa kaniya, gumaan na ang loob namin. He is determined to have a peace between you and him.” Ani naman ni Eris.
Napailing na lamang siya. “Ginayuma ba kayo ng lalaking iyon?” masungit na tanong niya.
“Nah! Bakit ganyan ka kalupit Freida? Paano ka niyan sasaya?” ani Chernin.
“Masaya ako sa buhay ko. Nagulo lamang ng dumating iyang Renji na iyan. Kaya sana naman maintindihan niyo ako kung bakit nilalayuan ko ang lalaking iyon.”
Lumapit sa kaniya ang mga kaibigan saka pinukol siya ng kakaibang tingin. Iyong tingin na mukhang may pina-plano.
“Pahinga ka nalang Freida. Forget about the flower he give to you.” Ani Eris.
“Nakaka-stress naman talaga kayo.”
“Sorry na girl. Don’t worry, babawi kami sa’yo. Hindi na namin ipipilit sa iyo si Renji.” Nakangiting wika ni Chernin.
“Really?”
“Yeah. Magpapakabait na kami basta huwag mo na kaming susungitan.” Nag-peace sign pa si Eris pagkasabi niyon.
“Why don’t we have a vacation?” suhestiyon ni Chernin.
“I’m busy. May gaganapin pang chocolate fare sa shoppe ko.” Sagot niya. “Kayo na lang.” itinuon niya ang tingin sa magazine na nakapatong sa center table.
“Hindi puwede! Babawi nga kami hindi ba?” mabilis na sagot ni Chernin.
“Two to three days lang naman eh. Hindi ba, sa katapusan pa ng July iyong fare mo? After the short vacation, tutulong kami sa chocolate fare mo. We promise!” ani Eris.
Nagliwanag ang mukha niya. Sa totoo lamang ay wala naman siyang balak na yayain ang mga kaibigan sa gaganaping chocolate fare dahil alam niyang may kaniya-kaniya silang business na inaasikaso at walang hilig ang mga ito sa ganoong klaseng fare pero kung ganoong ang mga ito na ang nag-aalok, aba’y hindi na siya tatanggi.
“Totoo?” tanong niya.
Tumango ang mga ito. “Basta sasama ka sa short vacation natin.”
“Saan ba?” tanong niya.
“Sa Isla Fuentaberde! May nakilala kasi ako sa bar ko last week at ni-recommend niya ang islang iyon. Binigyan pa nga niya ko ng flyer.”
“Really? May ganoon pala? Namimigay ng flyer sa bar?” natatawang tanong ni Eris.
“Kasi naman po, iyong nakilala kong iyon ay ang mismong may-ari ng islang iyon. At ang flyer na iyon ay nakatupi lamang galing sa wallet niya. Big time hindi ba? May sariling isla. And super guwapo niya!” kinikilig na saad ni Chernin.
“Sus!” inirapan ito ni Eris. “May Sanchoo ka na hindi ba?”
“What! Hell no! hindi ako pumapatol sa weak.” Mabilis na sagot ni Chernin.
“Stop that okay? Basta, ‘pag sumama ako sa so called short vacation niyo na iyan, tutulong kayo sa chocolate fare ko. Maliwanag?”
“Yeah!”
“Sure!”
Bigla ay parang gumaan ang loob niya. She's having her vacation kahit saglit lang. Ilang buwan na rin silang subsob sa mga business nila. It’s time to rest for a while. Kailangan rin niyang mag-unwind. Sumasakit an kasi talaga ang ulo niya sa Renji na iyon. She will promise that he can’t go near with her anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top