Six
TILA magnet ang mga labi ni Renji na dumikit sa labi ni Freida. Gustuhin man niyang itulak ito ay hindi niya magawa dahil tina-traydor siya ng sarili niyang katawan. She admit, she like the way he kissed her.
Tila may kuryenteng dumadaloy sa buong sistema niya. Parang gustong kumawala ang init na lumulukob sa katawan niya.
Nagulat siya sa ginawa nito pero na-gets na rin niya na gusto nitong ilayo siya sa lalaking nangungulit sa kaniya. He even pretend that he’s her boyfriend. Naiinis siya sa sarili, sa halip kasi na mainis ay parang natuwa pa siya sa ginawa nito. Umaasang sana’y totoo iyon at hindi pagpapanggap lamang.
What did she say? Umaasa siya na sana ay totoo iyon? What the hell. She didn't say that. She didn't say that! Sigaw niya sa isip.
"I'm sorry." Ani Renji nang maghiwalay ang mga labi nila.
Daig pa niya ang pinudpod ng blush on sa buong mukha dahil ramdam niya ang pag-iinit niyon.
Anong gagawin niya? She can't even look at him. "I-It's okay. I understand. By the way thank you for that. Kung hindi dahil sa ginawa mo, siguradong kinukulit pa rin ako ng lalaking iyon." Aniya habang nakatungo.
Malapit nang mapunit ang oversized shirt na nasa kamay niya sa higpit ng pagkakahawak niya roon.
"Let's swim? Kalimutan na lang natin ang nangyari. Isipin mo na lang na emergency kaya nagawa ko iyon. Again I'm sorry."
Naiilang man ay sumunod na siya rito sa paglusong sa tubig. Malamig ang tubig sa dagat. Malinis ang ilalim niyon. Purong buhangin at walang nakakapa ang mga paa niya ng anumang bagay tulad ng mga bato o anupaman.
Nagpatuloy siya sa paglakad sa gitna ng tubig hanggang marating niya ang lebel ng tubig na hanggang leeg niya. She have no fear in ocean pero hindi siya marunong maglangoy. Kaya nga doon lamang siya tumitigil sa lebel na nakalutang pa ang ulo niya.
Tumingin siya sa paligid. Kumunot ang noo niya ng mapansing wala si Renji. Teka? Hindi ba't nasa unahan niya ito? Bakit hindi na niya napansin ang biglang pagkawala nito? Ahh.. Baka umahon na. Aniya sa sarili.
Sumalok siya ng tubig gamit ang dalawang kamay saka inihilamos sa mukha. Ang sarap ng pakiramdam na naroon siya at nagbabakasyon. Kahit may asungot. Singit ng sarili niyang isip.
Ilulubog na sana niya ang ulo niya upang ilublob iyon ng walang anu-ano'y may humawak sa bewang niya. Natigagal siya ng makita si Renji na lumitaw ang ulo. Seryoso ang mukha nito habang tinititigan siya. He still holding her waist. The next thing she knew, magkahinang na ang kanilang mga labi.
Hindi niya inaasahan ang atakeng iyon ngunit tila nagustuhan naman niya ang ginagawa nito. She opened her mouth for him to deepen his kiss. Gusto niya itong pigilan ngunit humihiyaw ang isip niya na hayaan ito. She could feel his tongue towards her mouth. Tila uhaw na uhaw ito dahilan upang mas lumalim pa ang paghalik nito sa kaniya. Daig pa nito ang hindi nakainom ng tubig ng isang linggo sa sobrang uhaw.
She responded. Nagugustuhan niya ang sensasyong hatid ng halik nito. It was like, there are spell on his kisses to make her respond to him.
"I love you." He whispered between their kisses.
Hindi niya alam kung dapat na ba siyang maniwala rito. Ramdam niya sa bawat paggalaw ng labi nito na may nararamdaman itong espesyal para sa kaniya pero pilit ding isinisigaw ng kabilang isip niya na imposibleng mangyari iyon. Yeah. It was impossible. Wala itong ninais kung hindi ang i-bully siya. Hindi na niya alam ang iisipin. Ano ba ang dapat niyang pakinggan? Ang isip niya na nagsasabing huwag siyang maniwala? O ang puso niya na isinisigaw na totoo ang sinasabi nito?
Naitulak niya ito nang hindi inaasahan. Saka siya mabilis na lumusong sa tubig.
~
NAKARATING sa ma-punong bahagi ng isla si Freida. Hindi na niya kasi napansin ang tinatahak niya dahil isa lamang ang nasa isip niya – ang makalayo kay Renji.
Hindi niya matanggap na nagugustuhan niya ang bawat halik na iginagawad nito sa kaniya. May kakaibang tumatambol sa puso niya sa tuwing tinitingnan niya ito sa mga mata. Was she in love with him? Malabo. Galit siya rito. Pinakisasamahan lamang niya ito doon sa isla. Galit siya rito. Galit. He was her worst nightmare.
Nasisiguro niyang parte na naman ng pambu-bully nito ang ginagawa nitong kabutihan sa kaniya. Hindi na niya maintindihan ang sarili.
Patuloy siya sa pagtakbo. Kahit medyo magubat na iyon ay wala siyang pakialam. Ang gusto niya lamang ay makalayo kay Renji. Hindi siya maaaring ma-in-love rito. Masasaktan lamang siya. Kahit pa nabanggit sa kaniya ng mga kaibigan na may pagtingin sa kaniya si Renji, hindi pa rin siya kumbinsido. Wala itong alam kung hindi sirain ang araw niya. Kinamumuhian niya ito at hindi niya maaatim na mahalin ito.
Nanlalabo na ang mga mata ni Freida dahil sa panunubig niyon. Hindi niya alam kung anong iniiyakan niya pero may sumisigaw sa isip niya na kaya siya umiiyak ay dahil naramdaman niyang muli ang paghanga rito eight years ago. Mas lumalim pa nga iyon. She thinks she has fallin' in love with him ng ganoon kadali. Despite of the anger she felt for him, he can still make her smile in his simple act and sweet words. Hindi niya matanggap iyon. Nasaan na ang pride niya?
“Aaaahhhh!” napasigaw siya ng lumapat ang puwet niya sa lupa. Hindi na niya napansin na maputik na sa bandang iyon at nadulas siya.
“Ang sakit..” aniya habang hawak ang balakang. Nanatili siyang nakaupo sa putikan. Hindi niya kasi kayang tumayo. Hinampas-hampas niya ang mga putik sa lupa. “Damn it!”
Galit siya sa sarili niya. Nasaan na ang tapang niya? Bakit hinayaan niyang maramdaman niyang muli ang bagay na iyon? – ang mahalin si Renji.
“Freida!”
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon. Humahangos na nilapitan siya ni Renji. “Anong nangyari?” may pag-aalala sa tono ng boses nito.
Hinawakan siya nito sa braso. Mabilis niya itong hinawi. “Leave me alone!” sigaw niya rito.
“F-Freida..”
“I said leave me alone!” ulit niya rito. Nanlilisik ang matang tiningnan niya ito.
“But..”
“Ano bang kailangan mo sa’kin ha? Bakit ba palagi mo na lang ginugulo ang buahy ko? Hindi ka na ba nagsawang guluhin ang buhay ko? At iyong halik na iyon? Parte ba iyon ng pang-aasar mo tulad ng ginawa mo sa’kin eight years ago? Ano bang dapat kong gawin para lubayan mo na ako? Naging tahimik na ang buhay ko nang mawala ka sa landas ko! Tapos ngayong bumalik ka, ano? Ano bang nagawa ko sa’yong mali? Bakit mo ako ginaganito? You’re always telling me that you love me kahit hindi! Gusto mong umasa ako sa wala at masaktan ako!” humarap siya rito na nakaupo na rin sa putikan at pinagsusuntok sa dibdib.
Pinigilan siya nito. “Stop it Freida! If I say I love you, I mean it! For pete sake! Hindi ako sinungaling at lalong hindi ko gustong masaktan ka!”
“Shut up!” pilit niyang tinatakpan ang magkabilang tainga niya.
“Please, bigyan mo naman ako ng pagkakataon na magpaliwanag sa’yo. Give me the chance to tell you the truth..”
Napatigil siya saka napatingin rito.
“Eight years ago. Iyon ang panahon na nahulog ang loob ko sa’yo. Kung kailan kita napansin, kung kalian naman graduating na tayo. It was like love at first sight. Unang beses kitang makitang masayang-masaya noong first day of class dahil magkaka-section pa rin kayo ng mga close friend mo, pakiramdam ko nalaglag ang puso ko. May kakaiba akong naramdaman dito sa dibdib ko na hindi ko pa kailanman nararamdaman. And I discovered that I'm in love with you. Hindi kapani-paniwala pero iyon ang totoo. Playboy man ako at maloko, may puso din ako. Hindi ako gano’n kasama tulad ng iniisip mo Freida.”
“Sa buong klase natin, nagtataka ako dahil ako lang ang bukod-tanging lalaking hindi mo man lang pinanpansin o nginingitian. Napapansin mo lang yata ako ‘pag tungkol sa subjects natin. Na-insecure ako at nainggit sa iba. I thought you really hate me that’s why. Kaya ang nangyari? Dinaan ko na lang sa pang-aasar at pambubuwisit sa’yo para naman mapansin mo ako. Kahit sinisigaw-sigawan mo lang ako at tinatarayan, ang mahalaga napapansin mo ako. Ganoon ako ka-in-love sa’yo.”
“Natatandaan mo ba noong buwan ng marso. Malapit na ang graduation natin pero may gaganaping pageant. Iyong Lakan at Lakambini. Hinding-hindi ko iyon makalimutan dahil nang mga panahong iyon ay sinabi mo sa’kin na kinamumuhian mo ako. Parang tumigil ang mundo ko. Kaya nga kung matatandaan mo, pagkatapos ng araw na iyon, hindi na kita ginulo pa.”
“K-Kasi..”
“Sshh. Let me finish.” Anito saka pinahid ang luhang dumadaloy sa pisngi niya. “Pinagbintangan mo ako no’n na sumira ng damit mo. Damit na pinaghirapan ng nanay mo.”
“May nakapagsabi sa’kin na nakita kang may hawak na gunting.”
“And you believe them? Ang totoo, nang mapadako ako sa may dressing room niyo, nakita ko si Jenica na ginugupit ang damit mo. Inagaw ko sa kaniya ang gunting and told her not to hurt you. Kaya nga hindi ganoon kalaki ang sira no’ng damit mo. Sinabihan ko si Jenica na umamin ng kasalanan sa’yo. Hindi ko naman akalaing hindi niya iyon gagawin. Umuwi na daw dahil natakot sa’kin. Kaya nagulat ako nang pagbintangan mo ako..”
“I-Im sorry for that. Pero past na iyon..”
“May hindi pa ako nasasabi.”
Bigla ay parang nagtambulan ang dibdib ni Freida. Tiningnan niya lang si Renji sa mga mata at hinayaan itong magsalita.
“Noong graduation day. I kissed you at napahiya ka because after I did that, I’ll run away. The truth is.. that was the time I decided to confess with you. I will tell you that I like you, I love you. Pero nang makalapit ako sa’yo, napipi ako at para akong na-estatwa. Hindi naman ako mahiyain pero pagdating sa’yo, palaging puno ng kaba ang dibdib ko. Hindi ako makapagsalita kaya hinalikan na lang kita. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako. Nahihiya ako sa sarili ko dahil daig ko pa ang bakla. Hindi man lang ako nakapagtapat sa’yo..”
“B-Bakit hindi ka nag-explain? Sana bumalik ka sa school o pumunta ka sa farewell party no’ng gabi..”
“Im sorry pero naka-schedule na ang flight namin after the graduation ceremony. Wala na akong oras para bumawi sa’yo. Nagpasya na lang ako na baguhin ang sarili ko. Ipinangako ko sa sarili ko na sa pagbabalik ko, hindi na ako maduduwag sa pag-amin ng nararamdaman ko. That’s why ngayon, bumabawi ako. Ginagawa ko lahat ng maaaring magpasaya sa’yo pero lahat minamasama mo. Iniisip mo palagi na parte iyon…”
Hindi na pinakinggan pa ni Freida ang ibang sasabihin ni Renji, hinawakan niya ito sa batok saka kinintalan ng halik sa labi. Mabilis lang iyon pero ramdam niya ang lambot ng labi nito. She believed him. Kitang-kita niya sa mga mata nito kung gaano ito ka-sincere. Hindi niya akalaing ang lalaking minamahal siya ay itinataboy niya palayo. She's such an idiot for not listening to him everytime he opened the topic about their past.
“What does it mean..” halata sa mata ni Renji ang pagkagulat.
“I forgived you. Peace na tayo. Enough?” ngumiti siya rito. “Sorry hindi ako nakinig agad sa’yo. Maliit na problema, pinalaki ko lang pala.”
“Really? Am I really forgiven? Oh! Thanks God! Thank you Freida. Ilang beses kong inasam ang mga ngiting iyan.” Inalalayan siya nito sa pagtayo saka siya niyakap.
Humagikhik siya. “Madumi na tayo. Let’s go to the beach.” Aniya na nakaturo pa ang hintuturong daliri sa daan pabalik sa may dagat.
“Yeah, but wait..” pigil nito.
“What?”
“Gusto kong malaman kung bakit bukod-tanging ako lamang ang hindi mo ngini-ngitian man lang noon?”
Napuno ng kaba ang dibdib ni Freida dahil sa tanong na iyon ni Renji. Kailangan pa ba niyang ilihim rito ang totoong dahilan?
“B-Because.. I had crush on you way back then..” alanganin siyang ngumiti bago tumingin sa mukha ni Renji.
“Oh! I get it. Whoah! Kung naging vocal lang siguro tayo noon sa mga nararamdaman natin, malamang naging sweethearts na tayo! Siguro ngayon may pamilya na tayo- ouch!”
Hinampas niya ito sa balikat. Kung anu-ano kasing sinasabi. “Tumigil ka nga!”
“Okay boss!” sumeryoso ito. “But honestly, I'm happy. Masaya ako na pinatawad mo na ako at nasisiguro kong wala ng sama ng loob diyan sa dibdib mo. Itatak mo sa isip mo na may good reason ako kung bakit kailangan kitang i-bully noon.”
“Yeah. I know now. I understand. Puwede bang kalimutan na lang natin iyang past na iyan? Let’s start new? As a friend..”
“Friends lang?” nagpa-tweetums na naman ito tulad nang madalas nitong ginagawa 'pag nagpapa-cute ito sa kaniya.
Dinuro niya ito sa noo. “Oo naman. Hindi porke’t mahal mo ako o gusto mo ako ay tayo na agad. Ligawan mo muna ako!” pagbibiro niya rito saka kumalas rito. “Kapag nahabol mo ako, girlfriend mo na’ko..” aniya saka kumaripas ng takbo.
“Wait Freida!” sigaw ni Renji habang hinahabol siya.
Hindi niya mapigilan ang sariling matawa habang tumatakbo. Lalo pang bumilis ang takbo niya nang matanaw ng muli ang malawak na dagat.
Naramdaman ni Freida ang pag-gaan ng loob niya. Pagkatapos ng paliwanag ni Renji ay nawala ang galit at hinanakit niya rito. Pati ang pag-aalinlangang makipaglapit rito. She’s happy. Hindi niya inasahang darating sila sa puntong iyon. She knows there’s something she can feel for Renji. Na-kumpirma niya iyon habang tuluy-tuloy ito sa pangungulit sa kaniya kahit sinisimangutan lamang niya ito.
She’s not sure but he’s special for her. Ayaw niya lang mag-madali. If Renji really loves her, he will wait until she was sure about her feelings.
Napasigaw na lamang siya nang maramdaman ang matitigas na brasong pumulupot sa katawan niya mula sa likuran. “I got you! Yes! Girlfriend na kita!”
Umikot siya saka ito itinulak dahilan upang mapahiga ito sa tubig.
She laughed so hard.
“GIRLFRIEND na kita.”
Natatawa na lamang si Freida sa sinasabi ni Renji, kanina pa kasi nito iyon inuulit-ulit habang patungo sila sa kaniya-kaniyang suite.
“No.” pagmamatigas niya.
“Nah. Bakit ka ganyan? Sinusungitan mo na naman ako.” May pagtatampo sa tono ng pananalita nito na animo’y batang munti.
Umiling na lamang siya saka pumasok sa suite niya. Nang mabuksan ang pinto ay saglit siyang humarap rito. Ngunti ikinagulat niya ng halik nito ang sumalubong sa kaniya.
“Hoy! Nakakarami ka na!” reklamo niya rito.
Tumawa lamang ito. “I told you, you’re my girl from now on kaya kailangan may kiss ako palagi.”
Sumimangot siya. “Hmm! Bastard!” sigaw niya saka niya ito pinagsaran ng pinto.
Daig pa ang may milyong daga sa dibdib niya. Malakas ang kabog niyon. Anong ibig sabihin niyon? Talaga nga bang in love na rin siya kay Renji?
She just smiled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top