Seven

“GIRL!!! I’m so kilig to the bones.”

Kumunot ang noo ni Freida sa pagtiling iyon ni Eris. Naroon sila sa Pink Smoky Bar. “What did you say?”

“Sabi ko, kinikilig ako kaya mabuti pa, tara sa labas!” anito saka siya hinila palabas ng bar.

Hindi inaasahan ni Freida ang makikita niya. Si Renji, holding a microphone. May kasama itong apat na lalaki kabilang ang pinsang si Sanchoo who’s started to play his guitar. Ang dalawang lalaki pa ay may hawak na banner na may nakasulat na “Freida, I’m willing to wait. I love you.” At ang isang lalaki naman ay may hawak na malaking bouquet ng pink tulips.

How romantic he is. She’s speechless. Nang makabalik sila sa Manila from Isla Fuentaberde ay dalawang araw din itong hindi nagparamdam. Lumuwag na ang pakiramdam niya pagkatapos nilang magka-ayos. And she thought that all he said to her was all a lie. Hindi naman kasi ito nagparamdam pa after that pagkatapos ay heto at may surpresa pala ang kumag na lalaking ito?

He started humming. Napangiti siya rito na diretsong nakatingin sa mga mata niya. Naramdaman rin niya ang presensiya ng mga kaibigan sa tabi niya. Ang ilang taong papasok sana ng bar ay napatigil rin doon sa labas dahil sa eksena ni Renji.

“When I look into your eyes. It's like watching the night sky. Or a beautiful sunrise. Well, there's so much they hold. And just like them old stars. I see that you've come so far. To be right where you are. How old is your soul?”

Lumapit ito sa harapan niya habang patuloy sa pagkanta. “Well, I won't give up on us. Even if the skies get rough. I'm giving you all my love. I'm still looking up. And when you're needing your space. To do some navigating. I'll be here patiently waiting. To see what you find.”

“'Cause even the stars they burn. Some even fall to the earth. We've got a lot to learn. God knows we're worth it. No, I won't give up.”

Nang matapos ito sa pagkanta ay may kung ano itong dinukot mula sa bulsa ng pantalon nito. Natutop niya ang bibig ng buksan nito ang kahon ng isang silver na kwintas na may pink chocolate pendant.

Sinimulan itong isuot ni Renji sa kaniya. Hinayaan lamang niya ito. Hindi siya killjoy para ayawan ang bagay na nakapag-pangiti sa kaniya for instance. “This is the sign of my love for you Freida. I told you, I'm willing to wait and I won’t give up on you.”

She smiled. Hindi magkamayaw ang hiyawan at tilian ng ilang taong nakasaksi ng ginawa ni Renji. Pati ang mga kaibigan niya ay kilig na kilig.

“B-Bakit mo ‘to ginagawa?”

“Tinatanong pa ba iyan? Hindi ba obvious? How many times do I need to tell you that I love you. I always do.” Anito saka siya kinintalan ng halik sa pisngi.

Lalong lumakas ang hiyawan roon. Bahagya niya itong hinampas sa balikat. “Ano ka ba? Huwag ka ngang PDA.” Aniya.

“Sorry, hindi ko mapigilan.” Napakamot ito sa ulo.

Natawa na lamang siya. “Thank you. I really appreciate this Renji.”

“Hindi pa ito ang huli Freida. There are lot of things I can do for you.”

“Fine. It’s up to you!” nakangiting sagot niya habang hawak-hawak ang pendant ng kuwintas na ibinigay nito na ngayon ay nakasabit na sa leeg niya.

“Freida. I love you.” Mahinang usal nito.

She look at his eyes and smiled. “Thank you Renji.”

Hindi pa niya alam kung may nararamdaman na ba talaga siyang mahal niya ito. Ang alam niya lang ay may espesyal siyang nararamdaman para rito. Hindi naman porket nagtapat na ito sa kaniya na mahal siya nito ay magiging magkasintahan na sila. Unfair iyon. Mas pabor siya kung magiging kasintahan niya ito hindi dahil mahal siya nito kung hindi dahil mahal nila ang isa’t isa.

“By the way, here.” Iniabot nito sa kaniya ang malaking bouquet ng pink tulips.

“Ang dami mo namang surprise. Thank you ulit.”

“Sana next time hindi na ‘thank you’ ang marinig ko mula sa’yo.. sana ‘I love you too’ na.” he said seriously.

Sa halip na sagutin ito ay niyakap na lamang niya ito.

~

“IT’S so oh my dyi talaga Freida. Super sweet ni Renji. Kung sa’kin niya iyon ginawa? Malamang mag-dyowa na kami ngayon.”

Natawa na lamang si Freida sa inasal ni Eris.

“I’m just being fair.”

“Sus! May nalalaman ka pang ganyan.” Singit ni Chernin.

Matapos kasi ang kakilig-kilig na ginawa ni Renji ay umalis din ang binata. May aasikasuhin pa raw kasi ito. Naroon pa rin sila sa Pink Smokey Bar. Natatawa na lamang siya sa mga kaibigan dahil mas kinilig pa ito sa kaniya.

She was happy. Hindi niya inasahan ang ginawang iyon ni Renji. She never experienced that things before. Maraming gustong manligaw sa kaniya ngunit wala ni isa ang gumawa ng effort. Kapag sigurado na siya sa nararamdaman niya, she will eventually tell to him. Isasantabi niya muna ang kilig na nararamdaman niya. Handa naman itong maghintay. Naalala niyang malapit na ang chocolate fare niya.

“Wait lang, kaya nga pala ako narito ay para i-remind sa inyo na sa ikalawa na ang fare ko. Nag-promise kayo na tutulong.”

“I’m in!” masiglang sagot ni Chernin.

“Same here.” Ani Eris.

Wala siyang nakapang galit sa dibdib niya dahil sa ginawa ng mga kaibigan niya. Ang pagsasabwatan ng mga ito para magbakasyon siyang mag-isa roon sa Isla Fuentaberde ay parang naging normal na lamang sa kaniya. Nagawa pa nga niyang bumili ng pasalubong na souveneirs para sa mga ito. Siguro’y dahil puno na ng saya ang dibdib niya. Kung hindi siguro dahil sa ginawa ng mga ito ay hindi sila magkakaayos ni Renji. Hindi siguro sila magkakaroon ng pagkakataong makapag-usap ng masinsinan. Siguro, hanggang ngayon ay ipinagsisigawan pa rin niyang lagi nitong sinisira araw niya kahit ang ginagawa nito ay sweet things.

" Basta, make some effort naman girls. Kahit small things for kids. Simpleng bagay lang masaya na sila. So, prepared for presents!" Masiglang wika ni Freida.

"Sure, sure. I'll go to mall later. I'll buy toys for them." Nakangiting wika ni Chernin.

"How sweet of you girl." Puri niya rito.

"Hmmm? I'll give them school supplies na lang. I'll tell my secretary to shop for me." Sabi naman ni Eris.

"Fine. Siguradong magiging masaya ang mga bata. They only know na chocolates lang ang matatanggap nila pero hayan at gumana ang kabaitan niyo kaya marami silang matatanggap.  Thank you girls!"

Karamihan kasi sa mga pumupuntang bata sa chocolate fare ni Freida ay iyong mga mahihirap. Iyong mga batang sa halip na nakakaranas ng masayang childhood life ay tumutulong na sa magulang para kumita ng pera. That's why there's no exception on her fare. Wala na ring kung anu-anong tsetse-buretse. Basta pumunta lang and they can eat free chocolates.

Nakakagaan ng pakiramdam ang makita ang bawat ngiti ng mga bata. Minsan lang nila iyon nararanasan. At ayaw niyang ma-missed iyon lalo na ng mga batang mahihirap.

~

ABALAsi Freida nang araw na iyon. Naghahanda na sila para sa gaganaping chocolate fare sa harap ng mismong main branch ng Pink Chocolates.

"Girl! Dala ko na ang mga school supplies for kids. There oh! pinaaayos ko roon sa mesa." Ani Eris na kararating lamang kasama ang dalawnag lalaking may buhat ng plastics.

"Nakakatuwa naman." Sambit niya.

"I'm here!" Napalingon sila sa gawi ni Chernin. May kasama rin itong dala ang ilang malalaking plastics."

"I'm happy na nakarating kayo. Let's go, ipapalabas ko na ang mga chocolates." Aniya saka pumasok sa shoppe niya.

Nakahanda na ang mga chocolates na ilalabas para sa mga bata. Naroon ang iba't ibang kulay at iba't ibang hugis ng chocolates. May chocolate fountain din na ihahanda kasama ang maraming piraso ng stick-O, marshmallows, pretzels, choco knots at kung anu-ano pang isinasawsaw sa chocolate syrup sa fountain.

Handa na ang lahat. Parami na rin ng parami ang mga batang naroon para makakain ng free chocolates. Napagpasyahan ni Freida na simulan na ang program.

"Hello mga kids!" Wika niya gamit ang mikropono. "Excited na ba kayong matikman muli ang Pink Chocolates products?"

"Opo!" Malakas na sigawan ng mga bata. Makikislap ang mga mata ng mga ito. Kitang-kita sa mga mata ng mga ito kung gaao ka-excite at kasaya ang mga ito.

She smiled. "Okay, but before that. I want all of you to remain silent and thank our God for this day." Tumungo siya. "Our Father, Who art in heaven, hollowed be Thy Name, Thy Kingdom come. Thy Will be done, on earth as it is in Heaven. Give us this day our daily bread. And forgive us our sins, as we forgive those who sin against us. And lead us not in temptation, but deliver us from evil. Amen.”

Nag-signed of the cross si Freida pati na ang mga naroroon pagkatapos niyang magdasal. “Now, kids! Enjoy the chocolates! Eat all you want and later, my friends will give gifts to all of you.”

“Yehey!” malakas na sigawan ng mga bata saka isa-isa ng naglapitan sa iba't ibang chocolates na nakahain roon.

She smiled. Nilapitan niya ang mga kaibigan na nakangiti ring pinapanood ang mga bata.

Habang abala ang lahat ng bata sa pagkain ng mga chocolates at ang mga tauhan niya na nag-aayos roon ay naagaw ang atensiyon ni Freida nang may marinig siyang tugtog. Lumingon siya sa bandang kalsada at doon nanlaki ang mata niya nang makita si Renji kasama ang ilang lalaki ng may kaniya-kaniyang istrumento na nakasakay sa isang malaking truck. Renji, asuxual is holding a microphone. May nakakabit pang banner sa taas ng truck kung saan nakalagay ang “Freida, oxygen ka ba? Kasi I can't live without you.”

Awtomatiko siyang napangiti dahil sa ka-kakornihang pick-up line na iyon. Renji waved at her habang nakatigil na ang truck paharap sa area nila. Ang mga kaibigan niya ay kanina pa siya ginigitgit sa kilig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: