One

“Hello! Someone's listening to me?”

Kanina pa umiinit ang ulo ni Freida dahil wala sa mga empleyado niya ang nakikinig sa kaniya. She's the owner of the well-knowned 'Pink Chocolates' shoppe. Hindi lang karaniwang chocolates ang makikita roon. There is something unique. Iba't ibang kulay ng chocolate but still it taste like a pure chocolate. Kung saan man nanggagaling ang kakaibang dating ng tsokolate roon ay tanging si Freida lamang ang nakakaalam niyon dahil ito mismo ang gumawa ng recipe ng bawat chocolates na ginagawa sa lahat ng branches ng Pink Chocolates.

“Kasi naman Miss Freida, akalain ba naman naming makukuhang model ng Pink Chocolate si Renji Pascual. Kakaiba talagang manager si Miss Cheska.” ang tinutukoy nito'y ang nakatalagang branch manager ng main shoppe nila.

And one more thing, ang tinutukoy nitong Renji Pascual ay ang no other than but his old enemy since high school. She heard more about him. Isa ito sa mga taong hinding-hindi niya makakalimutan because he's the one who makes his childhood horrible. Yeah, he's always bullying her. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi ito nagsasawang buwisitin siya at sirain ang araw niya. Tandang-tanda pa niya ang araw na ipinahiya siya nito sa harap ng buong campus. That's her graduation ceremony and he suddenly kissed her then ran away. Kinuha nito ang iniingat-ingatan niyang first kiss.

“Miss Freida?”

Nawala sa pag-iisip si Freida nang marinig ang boses ng empleyado niya. “Baka nakakalimutan ninyo, hindi ko pa napipirmahan ang papeles kung saan pumapayag ako na maging model siya ng shoppe ko.” pagtataray niya.

Likas na sa kaniya ang pagiging mataray minsan ngunit isa rin naman siyang dakilang boss dahil sa ugali niyang pagiging mabait at maawain. Ayaw niyang tratuhin siya ng mga empleyado niya na animo'y napakataas na tao. She just want to enjoy her life. Hindi niya pinangarap na maging Miss Minchin. Gayunpaman, naroroon pa rin ang respeto ng mga empleyado niya sa kaniya. She can maintain that without hurting their feelings and without telling them any harsh words.

“Miss Freida naman. Alam niyo naman kung gaano namin gustong makita ng personal si Renji Pascual. He is so damn handsome!” kinikilig na sabi ng isa niyang empleyado na si Charmaine

“Tigilan ninyo ko. Enough! As what i'm saying, magkakaroon tayo ng chocolates fare para sa mga bata. I just want them to enjoy their chilhood kahit isang araw lang. We will give them free chocolates.” nakangiting saad niya.

Noon pa man ay malapit na siya sa mga bata. Wala kasi siyang naging kapatid kahit isa kaya sabik siya sa mga bata. Isa pa, kasiyahan na rin niya ang makita ang mga ngiti ng bawat bata lalo na iyong mga ulilang lubos na.

“Is there any requirement Miss Freida?” tanong ni Jenny, ang secretary niya.

“None. All childrens are allowed. There's no exception. This whole week will be very busy, since this is our main branch, gusto kong kayo ang mamahala ng gagawin nating chocolate fare at dito mismo iyon gaganapin on last week of July. Understand?”

“Yes Ma'am.”

“Okay, go back to work.

“How about Renji Pascual Ma'am? Ihahatid ko na ba sa office ninyo ang contract para mapirmahan niyo at mai-set na ang schedule niya?” tanong ni Jenny nang makalabas ang lahat ng empleyado roon sa conference room.

Huminga siya ng malalim. “Pag-iisipan ko.” nakangiting saad niya saka ito tinalukuran. “I'm going somewhere. Ikaw muna ang bahala rito.” paalala niya saka tuluyang lumabas ng pinto.

Renji Pascual. How come siya pa ang napiling model ng branch manager niya? Sa dinami-daming model? Napakaliit talaga ng mundo. I know he's popular but i'm not into him. Kahit pa siya na ang pinaka-sikat na model sa buong mundo, he stilll the Renji Pascual from her past.

 ~

“YOU know what? I already find her. Sa sobrang laki ng mundo, hindi ko aakalaing matatagpuan ko siya ng hindi ko sinasadya.”

“Cut that crap Renji. Sino ba iyang tinutukoy mo?” naiinip na tanong ni Sanchoo. Ang  pinsan niyang allergic sa babae.

They were staying on his resthouse at Tagaytay. He just need some break bago pumasok sa bagong trabaho bilang isang model.

Dalawang araw na ang nakakaraan ng isang chocolate shoppe manager ang nagpa-appointment sa kaniya and asking him to model their products. At first, hindi siya sang-ayon dahil bukod sa pakiramdam niya ay pam-bading ang theme ng product ng mga ito dahil na rin sa pangalan ng shoppe nito ay mas preffered niyang mag-model ng mga brands ng damit.

Pero nang ipakita nito ang brochures ng naturang shoppe ay hindi niya inaasahang mapako ang tingin niya sa pangalan ng owner niyon na nakasulat sa brochure. Sa isang iglap ay tinanggap niya ang offer ng mga ito without asking about the payment or whatsoever. Isa lang ang mahalaga sa kaniya, ang babaeng nagmamay-ari ng pangalang nakasulat sa brochure na iyon.

“The woman who steal my heart from the past.” aniya na parang nagde-day-dream.

“Geez. Hindi bagay sa'yo Renji. Akala ko ba matinik ka pagdating sa mga babae? Bakit ganyan ka umasta? That so gay.” puna nito saka lumagok ng wine.

“Hindi mo ba natatandaan Sanchoo? A woman named Freida Olivares. Can't remember?”

Muntik na itong masamid nang marinig ang pangalang iyon. “Si Freida? The girl you kissed in front of the crowd?” gulat na tanong nito.

“No other than.”

“Huwag mo sabihing hanggang ngayon, trip mo pa rin siyang i-bully?”

Bully. Big word. Iyon ang palaging ginagawa ni Renji noon kay Freida. Araw-araw ay inaasar niya ito at binubuwisit. Hindi kasi alam ng mga ito na way niya lang iyon upang pansinin siya nito. Sa buong klase kasi nila ay siya lamang ang hindi nito pinapansin o ngini-ngitian man lang kaya wala siyang choice kung hindi asarin ito para kahit papaano ay matapunan naman siya nito ng pansin. Mas okay na sa kaniyang magalit ito sa kaniya at least ay napapansin siya nito kesa magpakabait at tumahimik siya pero hindi man lang siya nito mapansin.

“How many times do I need to tell you na hindi lamang iyon basta trip? I already told you how long I've been in love with her.” nakangiting saad niya.

“Hindi talaga bagay sa'yo Renji.” natatawang wika ni Sanchoo saka siya iniwan roon sa gilid ng pool.

Hindi ba talaga bagay sa'king maging good boy? Im so damn in love with Freida for Pete sake!

 ~

“OH MY...” natutop ni Chernin ang kamay nito pagkatapos na i-kuwento ni Freida ang kaniyang bad news.

“So, girls what can you say?” naiinis na tanong ni Freida sa mga kaibigan na sina Chernin at Eris. They were hanging out in Starbucks Coffee.

“We all know naman about that guy kahit hindi pa namin siya nami-meet personally. Pero.. hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin napapatawad ang lalaking iyon? It was just a kiss.” seryosong tanong ni Eris.

She heaved a sigh. “It's not just a kiss. First ko iyon at mahirap kalimutan ang taong sumira at umalipustangan sa first kiss ko.”

Nagtawanan ang mga ito. “We're not child anymore Freida. We're all grown up. You must forget your past and stay with the present. Unless, you can't forget the way he kissed you..” nang-aasar na tiningnan siya ni Chernin.

“Shut up. For your information, iyong first kiss na iyon ang worst moment when I was in high school.” pagtatanggol niya sa sarili.

Nakilala niya ang mga kaibigan noong nag-kolehiyo siya. Pare-pareho sila ng kinuhang kurso, business management kaya nang matapos sila ay nagpatayo sila ng kaniya-kaniyang business. Mabuti na rin at hanggang ngayon ay magkakaibigan pa rin silang tatlo.

“Sus! Umamin ka nga girl. What's with that kiss?” intriga ni Eris saka siya inakbayan.

“First kiss ko nga hindi ba? Paulit-ulit?” naiinis na sagot niya.

“I mean, is there something, hmmm.. you know..” patuloy na intriga ni Eris.

“Wala okay? Wala as in wala. Naiinis lang ako dahil first kiss ko iyon. Nakalaan iyon sa lalaking mamahalin ko. Ano ba iyang pumapasok sa isip niyo.” She zipped her Caramel Frappuccino.

“Defensive..” pang-aalaska ni Chernin.

Tiningnan niya ito ng masama. “What?”

“Wala. Mabuti pa, ubusin mo na lang yang frappuccino mo nang lumamig naman iyang ulo mo.” Nakangiting wika ni Eris.

Tiningnan niya ang naturang wine na nakapatong sa center table. She calm herself. “So ano nga girls? Sa tingin niyo dapat kong pirmahan ang kontrata niyang iyon sa shoppe ko?”

“Alam mo girl, mas mabuti kung tanggapin mo na siya as your model. Kasi in the first place, nasabihan na siya ng branch manager mo. Sayang naman 'yong effort n'ong tao.  Sigurado namang alam na niyang ikaw ang owner ng Pink Chocolates. Kapag nag-cancel ka ng contract niya, iisipin ni Renji na affected much ka sa kaniya. So sinong lalabas na talo? Hindi ba't ikaw?" ani Chernin.

"May point ka diyan Chernin.”

“Yes! Na-e-excite na akong magkaroon ka ng love life." Ani Eris.

Kumunot ang noo niya. "What did you say? Ano namang connect no'n?" Nagtatakang tanong niya.

"Never mind Freida. Let's relax na lang okay?" Sabat ni Chernin habang takip-takip ang bibig ni Eris gamit ang kamay nito.

Sa halip na sumagot ay itinuon na lamang niya ang pansin sa cocktail wine sa harap niya. So, welcome to reality Freida! Don't make your life miserable just because of that damn man.

 

 

 ~

NAKANGITING nagmamaneho si Renji ng kaniyang bagong gray cadillac XLR.

He's on his way to Pink Chocolates main building to meet and talk about his contract with the owner - Freida Olivares.

Iyon ang ikinasasabik niya. Ang makita ang babaeng nagpatibok nang murang puso niya noon. He had crush on her since fourth year high school pero habang tumatagal ay lumalalim iyon. Sa tuwing nakikita niya itong naiinis sa kaniya ay hindi niya maiwasang lalong mabighani rito.

Naalala niya tuloy ang araw na dapat ay magtatapat siya rito.

Congratulation Iho! At last, you've graduated in high school. I have a surprise for you." Nakangiting saad ng ina niyang si Lina.

Namilog ang mata niya nang iabot nito ang isang puting sobre. "What's this 'ma?" Tanong niya habang binubuksan ang sobre.

Ticket, passport at visa na nakapangalan sa kaniya. "Para saan 'to Mama?"

"Right after your graduation, we'll be flying to Australia with your cousin Sanchoo. Doon kayo mag-aaral ng collage. Hindi ba't pangarap mo iyon no'ng maka-graduate ka ng elementary? You told me that. You want to study abroad." Nakangiting wika nito.

Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Renji. Aalis na siya? Aalis siya nang hindi man lang nasasabi kay Freida ang nararamdaman niya para rito? He loves her. Hindi niya napigilan ang sariling mahulog rito kahit ang totoo'y wala naman itong napakitang kabutihan sa kaniya. He just love the way she smiles, the way she talk, the way she approach other peoples.

"Is there something wrong Renji? Let's go? Baka mahuli na tayo sa graduation ceremony mo. After that, mag-impake ka na." Anang ina niya.

Sumunod lamang siya rito pasakay ng kotse nila. Tahimik lamang siya habang lulan ng kotse.

Nang makarating sa eskwelahan ay tahimik lang din siyang nakinig ng seremonya. He received his diploma. Hanggang sa ihagis na nila ang mga toga nila.

Napatingin siya sa gawi ni Freida na masayang-masaya kasama ang mga kaklase niya sa gitna ng crowd.

Walang anu-ano'y nilapitan niya ito.

"F-Freida.." Mahinang usal niya.

"Oh, Pascual! Balak mo na naman akong asarin? Sige lang pagbibigyan kita tutal ito na ang huling araw na masisira mo ang araw ko." Pagtataray nito.

Tila nabahag ang dila niya dahil na-blanko ang isip niya. Nasaan na ang tapang niya? Hindi ba't madali lang namang sabihin ritong mahal na niya ito?

What?" Naiinip na sita nito sa kaniya.

Sa halip na sumagot ay sinunggaban niya ito ng halik. It was so fast but he felt the softness of her lips.

Nagsigawan ang mga kaklase nila na naka-saksi ng ginawa niya. He felt embarrassed. Bigla ay para siyang na-pipi kaya walang anu-ano'y tinalikuran niya ito at mabilis na tumakbo. He left her without telling what he really feels for her. 

Nawala sa pag-iisip si Renji nang marinig ang malakas na busina ng kotseng nasa likuran niya. Naka-go signal na pala. Muli niyang pinaandar ang kotse niya saka nakangiting pinasadahan ng tingin ang brochure na nakapatong sa headboard. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: