Five
MALULUTONG na tawa ang pinakawalan ni Renji nang makita ang huling reaksiyon ni Freida bago ito pumasok sa kwarto nito.
Halatang-halata sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya. Kung alam lang nito na pakana ng mga kaibigan nito ang lahat ng iyon.
Now he knows it he's turn para magpa-impress rito. He will do anything to get her.
Pumasok na siya sa kwarto niya saka nagpalit ng damit. Kinuha niya ang isang piraso ng pink tulips na nakapatong sa side table saka lumabas ng kwarto niya.
He press the doorbell on Freida's suite. Agad naman iyong bumukas. “Hi beautiful!” magiliw na bati niya rito.
“Get out!” malakas na sigaw nito kasunod ang malakas na paghampas ng pintuan.
Nice move Renji. Pinagsarahan ka agad ng pinto. Natawa siya sa naisip.
Hindi niya inaasahan ng biglang bumukas muli ang pinto nito. “May kinalaman ba ang mga kaibigan ko rito?” inis na tanong nito. Namumula na ang pisngi nito sa galit ngunit cute pa din itong tingnan.
Umiling siya. “Wala. It was just a coincidence. Kahapon pa ako narito. May nag-recommend lamang sa'kin na pumunta rito bago simulan ang new prioject ko. Masyado na raw kasi akong stressed...stressed sa'yo.” natatawang sabi niya. Natututo na siyang magsinungaling. Ayaw din anman niyang sumama ang tingin ni Freida sa mga kaibigan nito. Malaki pa ang utang na loob niya sa mga ito dahil kung hindi sa mga iyon ay siguradong hindi niya makakasama si Freida sa islang iyon.
“Im not making jokes with you Mr. Pascual. If that's the case, fine!” muli nitong sinara ang pintuan.
Jeez! Mukhang mahihirapan siyang paamuin si Freida. Di bale, gagawa siya ng paraan.
~
NAGISING si Freida sa mainit na sikat ng araw na tumatagos mula sa terrace sa suite niya.
Hindi niya namalayang nakatulog pala siya pagkatapos sirain ni Renji ang araw niya. Natatandaan niyang bago siya nakatulog ay galing ito roon sa suite niya upang buwisitin na naman siya. Nahagip pa ng tingin niya ang hawak nitong pink tulips. Ano bang gustong mangyari ng lalaking iyon?
Inayos niya ang sarili saka lumabas ng suite niya. Nararamdaman na kasi niya ang mga nagrereklamong alaga niya sa tiyan niya. Nagwawala na ang mga ito na wari'y sumisigaw ng 'food! food!'.
Bumaba siya sa restaurant sa baba. Kakain siya ng maraming marami. Magpapakasaya siya. Ayaw niyang magmukhang alone.
“Good Afternoon ma'am!” bati ng waitress roon. “Ilan po sila?”
“I'm alone.” aniya saka nito itinuro ang pandalawahang mesa roon sa may sulok. Common sense naman sana. Bakit kaya gano'n ang mga Pilipino, iyong tipong common sense na lang pero magtatanong pa din. Tanungin ba naman siya kung ilan siya? Hindi ba obvious? Malamang isa lang. Unless may nakita itong mga kaluluwa na kasama niya.
Naglakad siya papunta sa mesa sa sulok. Naiinis pa rin siya dahil mag-isa lang siya. Marami-rami na ring kumakain roon at wala siyang nakikitang mag-isa. Lahat ay may kasama.
"Mind if I join you?” napatingin siya sa may-ari ng baritonong boses na iyon.
Napatunghay siya mula sa pagkakatingin sa hawak na menu. “Oh! Napakarami namang bakante pero gusto mo pa ring makisiksik rito. Nakakahiya naman sa'yo?” sarkastikong saad niya sa lalaking laging sumisira ng araw niya.
“Napansin ko kasi na sa lahat ng kumakain rito, ikaw lang ang walang kasama. In short, alone.” may pang-aasar sa tono ng boses nito. Idiniin pa nito ang salitang 'alone'.
She calm herself. Talagang ipinagsisigawan pa nitong alone siya? “What do you want?”
“Gusto ko lang maki-share, tutal ay pareho naman tayong alone. Magsama na lang tayo para masaya!” nakangiting wika nito.
“Ha-ha!” slow motion na tawa niya. “Ang saya nga 'no?”
He smiled. Pati ang mga mata nito ay mistulang nakangiti. “Pinagtitinginan na tayo rito. Kaya huwag ka ng magreklamo.” anito saka walang anu-ano'y naupo sa bakanteng upuan sa harap niya.
Wala na siyang nagawa. Kung sabagay, ayaw rin naman niyang mas maramdaman na nag-iisa siya. Pagtitiisan na lang muna niya ang presensiya nito. Mukha namang hindi ito magpapasindak sa kaniya.
“Fine.” mahinang usal niya saka itinuon ang pansin sa menu. Isang ideya ang biglang nag-flash sa isip niya. O-order siya ng maraming pagkain. Iyong tipong mapupuno ang mesa at wala ng magiging space pa para sa pagkain ni Renji. Napangiti siya sa naisip.
Sinenyasan niya ang waiter roon at ibinigay ang orders niya.
“Ang dami mo namang order.” puna ni Renji.
She just smiled and winked at him. “Mind your own business Mister.”
"Your more gorgeous when your smiling. Kaya kung ako sa'yo, mas makakabuti kung i-maintain mo iyan.” nakangiting wika nito.
Sa halip na sumagot rito ay pinigilan niya ang sariling mapangiti sa papuri nito. Teka? Kelan pa siya natuwa sa papuring ibinibigay ng lalaking ito?
“Here's your orders ma'am.” napatingin siya sa tatlong waiter na nakatayo sa harap nila ni Renji. They are carrying her orders. Mabilis pala ang serving roon. At ngayon niya lang na-realize na umabot sa tatlong malalaking tray ang orders niya.
"Oh! Thank you. Pakipatong na lang ang lahat nang iyan dito." Aniya habang nakaturo ang hintuturo niya sa mesa.
Agad na tumalima ang mga waiter saka isa-isang ipinatong ang orders niya.
"Thank you." Sambit niya pagkatapos maipatong ang lahat ng in-order niya.
Dumako ang tingin niya kay Renji. Bakit sa halip na pagkadismaya ay lumiwanag pa ang mukha nito? Hindi man lang ba ito naaasar sa ginawa niya? Wala na itong mapapatungan pa ng o-order-in nito.
"Your really amazing!" Nakangiting wika nito.
"What?"
"Your generous and kind too." Dugtong nito na hindi nawawala ang ngiti sa labi.
"Ha?"
"Talagang um-order ka ng maraming pagkain para sa'tin. How sweet of you Freida. I appreciate this."
Ano daw? Iniisip nito na um-order siya ng ganoong karaming pagkain para rito? He's really unbelievable!
"Excuse me, pero hindi kita kahati rito. It was all mine." Aniya.
"Really? Are you sure you can eat all of these?" He asked amazedly.
Tumango siya. "Yeah." She hold the silver fork and spoon. "So, kung hindi nakakahiya sa'yo, puwede ka ng lumipat ng mesa dahil hindi na kakasya rito sa mesa ang o-order-in mo."
"No." Pagmamatigas nito.
"Okay." Matipid na sagot niya saka sinimulan na ang pagkain. Isa-isa siyang kumuha ng putahe saka inilagay sa plato niya.
Una niyang tinikman ang pork tenderloin. "Hmm! Yummy, juicy!" Puri niya sa pagkain habang ninanamnam iyon sa kaniyang bibig.
"You look wonderful when you're eating. You look so yummy and juicy too!" Ginaya pa nito ang tono ng pananalita niya.
"Inaasar mo ba'ko?" Aniya pagkalunok ng kinakain. Hindi niya alam kung bakit pero ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya. Was she affected with his words? Nah.
"I'm just telling the truth. Ang sarap mo panoorin habang kumakain."
Binalewala niya ang nararamdamang pamumula ng pisngi. Napansin kaya nito iyon? Bakit ba ang bilis niyang mag-blush pagdating kay Renji? "Hindi ka ba nagugutom? You can order your food. But you need to transfer to another table. There are lots of vacant seats." Suhestiyon niya saka sumubo ng piraso ng Beef Broccoli Stir-fry.
"Hindi na. Matitigan lang kita, busog na'ko." Bahagya itong tumawa pagkasabi niyon.
"He-he. Korni." Sarkastikong saad niya habang nakasimangot.
Naghalumbaba ito. "I love you."
Muntik na niyang maibuga ang pagkain sa bibig niya nang marinig ang sinabing iyon ni Renji. Did he say he loves her? Nahihibang na ba ito?
Magsasalita na sana siya nang mabulunan naman siya. Agad namang tumayo si Renji at lumapit sa kaniya. Hinagod nito ang likod niya. "Are you okay?"
"Mukha ba'kong okay?" Aniya sa pagitan ng pag-ubo niya.
"I'm sorry kung nabigla kita. But… I mean it Freida." Seryosong wika nito.
Sa halip na sumagot at tunghayin ito ay nagkunwari na lamang siya na inuubong muli. Hindi niya kasi alam ang isasagot o magiging reaksiyon sa sinabi nito. That’s only three words but it can make her hearts beat so fast. Mabilis naman siya nitong inalalayan saka inabutan ng tubig.
He mean it? Oh my..
~
MAKAPIGIL-HININGA ang ginawang pagtakbo ni Freida papunta sa suite niya. Sa dami ng in-order niyang pagkain ay kaunti lamang ang nabawas roon. Agad niyang sinenyasan ang waiter roon at binayaran ang bill niya. Paano ba naman, si Renji kung anu-ano ang lumalabas sa bibig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa huling sinabi nito.
Maybe it was part of his bullying. Umaariba na naman ang pambu-bully nito sa kaniya. Hindi siya maaaring maniwala sa lalaking iyon.
She admit, may nakapa siyang galak sa dibdib niya when he told her he mean what he said. Ayaw man niyang maniwala ay may bahagi sa puso niya na umaasam na sana nga ay totoo iyon.
Bumabalik na naman ba ang pagtingin niya rito tulad nang naramdaman niya eight years ago? Nawala ba talaga iyon at natakpan ng galit? O nanatili sa puso niya at natabunan lamang ng galit sa dibdib niya? She didn't know. Naguguluhan siya. Bakit siya matutuwa sa lalaking pinaka-kinamumuhian niya? Imposibleng magkagusto ito sa kaniya. Hindi siya maaaring magpadala sa ma-bulaklak nitong bibig.
Nandilat ang mata niya ng marinig ang mahinang pagkatok sa pintuan ng kwarto niya. Tinungo niya ang pinto saka ini-awang iyon nang kaunti.
“Freida. Are you really okay?” mababanaag ang pag-aalala sa tinig ni Renji.
“Y-Yeah. I’m a-alright.” Nauutal na sagot niya.
Liar! Eh kanina pa nagtatambulan iyang puso mo sa kaba at kilig. Iyon ba ang okay?
“Let’s go to the beach. Let’s enjoy the beauty of this resort. I’m sorry for being so rude a while ago. Hindi ko sinasadyang mainis ka na naman sa’kin. But please, give me a chance? Hayaan mong ipakita ko sa’yo ang better side ko. Let’s be friends kahit dito lang sa isla. When we go back to Manila, I promise not to ruin your day again.” Nagsusumamong wika nito mula sa labas ng pinto.
Naramdaman niya ang paglambot ng puso niya. Kinastigo niya ang sarili. Bakit nga ba hindi niya bigyan ng pagkakataon ang sariling sumaya? Iyong walang iniisip na distraction? Paano nga ba niya ma-e-enjoy ang bakasyong iyon kung pilit niyang iiwasan si Renji. Tama, gusto lang nitong makipagkaibigan. Doon sa isla, kakalimutan muna niyang kinasusuklaman niya ito. It’s for them. Mas gagaan siguro ang pakiramdam niya kung wala siyang iniinda. Wala naman na siyang magagawa, there is Renji at mukhang wala itong balak na lubayan siya.
Sabi nga nito, when they go back to Manila, hindi na siya nito guguluhin. Maybe it was good idea.
“Wait me outside.”
Ngumiti ito. “I-Is it okay?” tila nauutal pa nitong tanong.
Tumango siya. “Your idea was good. Mas mabuti ngang i-enjoy ko ang ganda ng islang ito. Wait for me here. Magpapalit lang ako ng damit.”
“Fine.” Mahinang sagot nito saka naupo sa leather couch.
Nang makapasok sa banyo ng kwarto ay nagdalawang isip pa siya kung isusuot niya ang dalang red bikini. Why not? She have perfect body. Hindi niya iyon ikinakahiya. Napansin niya kasi na naka-beach shorts at white sando lamang si Renji. May balak rin siguro itong lumublob sa dagat. Makiki-ride-on na lang siya.
Nang makapalit ng bikini ay nagpatong muna siya ng oversized see-through shirt. Mamaya na niya iyon huhubarin kapag lulusong na siya sa dagat.
PAGKAMANGHA ang naramdaman ni Renji nang masilayan ang maputi at makinis na katawan ni Freida. She’s taking off her oversized shirt while looking at the ocean.
Sa ilalim ng shirt na iyon ay naka-bikini pala ito na kulay pula na lalong nag-emphasize ng ka-puti-an nito. Bigla ay parang nakaramdam siya ng init sa katawan.
He was stunned with her beauty since then. Wala pa ring pagbabago ang pagtinging nararamdaman niya para rito. She has an innocent beauty.
Nakatayo siya roon sa may lilim ng puno habang si Freida ay naroon sa tabing-dagat. Napansin niya ang ilang matang nakamasid sa babaeng minamahal niya. Hindi niya masisisi ang mga iyon. Freida was like an angel.
Hinubad niya ang suot na sando. Yayayain na niyang mag-swimming si Freida. Bago pa man siya makalapit ay napansin niya ang isang lalaking sumobra ang laki ng katawan na naka-swimming-trunks na lumapit kay Freida.
“Hey beautiful. Mind if I join you. I can teach you how to swim, how to dive. I can accompany you..”
“Honey.” Agaw-atensiyon niya sa mga ito. Mukhang malakas ang tama ng lalaking iyon kay Freida. Inaalok pa nito ito ng kung anu-ano.
Tiningnan siya ni Freida. Iyong tingin na tila nagtatanong.
“Narito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.” Inakbayan niya ito. “Let’s go?” Nginitian niya ito saka tiningnan sa mata na wari’y nagsasabing ‘maki-ride ka na lang’.
“Do you have boyfriend?” tanong ng lalaki kay Freida na nakamaang dahil sa ginagawa niya.
“Wala. Body guard niya lang ako. Kaya nga naka-akbay ako sa kaniya at tinawag ko siyang honey. Can’t you get it? It's better to back off. She’s my girl and I don’t want any man hanging around her.” Naghahamong wika niya rito.
Nakipagtagisan pa ito ng tingin sa kaniya. “Ako ang nauna sa kaniya. Tingnan mo nga siya, mukhang nagugulat sa ginagawa mo. Mukhang hindi ka naman talaga niya boyfriend. Kaya don’t pretend that she’s your girl.”
Aba’t sinusubukan siya ng lalaking ito. Sa halip na sumagot ay humarap siya kay Freida. Hinapit niya ito sa bewang saka mabilis na dinampian ng halik sa labi.
Ramdam niya ang pagkagulat ni Freida pero wala na siyang pakialam. He didn’t mind kung magalit ito sa kaniya pagkatapos ng ginagawa niyang paghalik rito. Hindi niya masisikmurang may mga lalaking umaligid rito. She’s meant for him. Walang ibang puwedeng um-epal sa kanila ni Freida.
Nakita niya sa peripheral vision niya ang pag-alis ng lalaking nagpapa-cute kay Freida. Mukhang naniwala na ito sa kaniya. Aalisin na sana niya ang pagkakalapat ng labi niya sa labi nito ng maramdamang gumagalaw ang labi nito. She was responsing on his kisses. Is it true or it was only his imagination? Pero hindi, he can feel the softness of his lips. He can smell her feminine perfume. Tila nagwawala na ang iba’t ibang ugat sa sistema niya. Animo’y sumabog na atomic bomb ang sensasyong dulot ng paglalapat ng kanilang mga labi.
Freida was his first kiss. And now is the second time that they kissed. Mas naramdaman niya ang pagmamahal niya para rito. Kung ang kasabihan ng iba’y Love is sweeter than the second time around, para sa kaniya, Kiss is sweeter than the second time around.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top