Chapter 5
Theron Densill
Five years later . . .
"Ate Mae, pwede ba ako humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko sa kan'ya habang tinutulungan ko siyang maghiwa ng mga sangkap sa kan'yang lulutuin.
"Pwede naman, Zel. Ano naman 'yon?" aniya at nilapitan niya ang kaldero nang mapansing kumukulo na iyon at doon inilagay na niya ang nahiwa na naming sangkap sa pagluto ng sinabawang gulay.
"Ah, pwede po bang ikaw muna ang magbantay ng anak ko habang naghahanap ako ng mapapagtrabahuhan, ate?" siwalat ko.
Napatigil naman siya sa kan'yang ginagawa at binigay na niya ang buo niyang atensiyon sa 'kin.
"Sigurado ka bang gusto mong maghanap ng trabaho?" aniya.
I gulped. 'Di naman kasi ako sanay sa mga ganito pero para sa anak ko, gagawin ko. "Susubukan ko po, para sa anak ko."
"Nahihiya na rin po kasi ako sa inyo eh. Hindi ko naman po kayo kaano-ano tapos pinapatira pa po ninyo kami ng anak ko at ikaw pa po mismo ang nagbabayad minsan sa mga kinakailangan dito sa bahay ninyo. Gusto kong makahanap ng trabaho para ako na ang magsusustento sa mga pangangailangan ng anak ko at sa mga utang na loob ko po sa 'yo," dagdag ko.
Napabuntonghininga naman si Ate Mae at hinimas niya ang buhok ko ng marahan bago nagsalita.
"Hindi mo na dapat ako kailangang bayaran, Zel. Ako ang nag-udyok na patirahin kayo rito sa pamamahay ko at kaya ako ang nagbabayad dito palagi ay dahil sarili ko naman talagang pamamahay ito. Basta't lumaking malusog ang anak mo at pati na rin ikaw, masaya na ako at sapat na iyon," aniya.
"Pero kung 'yon ang makapagpapagaan ng loob mo, hindi nalang kita titigilan sa kung ano ang gusto mong gawin. Basta kapag hindi mo na kaya, nandito pa rin ako sa 'yo parati at welcome ka pa rin dito sa bahay ko. Hmm?" pagpapatuloy niya.
"Salamat, Ate Mae. Alam kong maaasahan talaga kita parati. Salamat sa lahat, ate," pagpapasalamat ko at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.
Nang maghiwalay na kami ng yakap ay kinamusta niya muna ang niluluto niyang sinabawang gulay bago nagpatuloy.
"Bukas ka na bang maghahanap ng trabaho, Zel?" tanong niya.
"Oo, ate, kaya humingi kaagad ako ng pabor sa 'yo tungkol sa pagbabantay muna ng anak ko," sagot ko.
"Sige, ako na muna ang magbabantay sa anak mo habang naghahanap ka ng trabaho para hindi ka mahirapan," aniya.
Galak naman akong napatingin sa kan'ya at niyakap siya ulit. "Talaga po? Salamat talaga, Ate Mae! Hulog ka talaga ng langit sa 'min ng anak ko."
"Para sa 'yo at sa bata, Zel . . . palagi," bulong niya at napansin kong ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.
~~~᯽~~~
Kinabukasan, hinalikan ko sa noo nang mabilisan ang natutulog ko pang anak at nagpaalam kaagad ako kay Ate Mae bago ako nagsimula sa mga gagawin kong hakbang sa paghahanap ng trabaho.
"Mag-iingat ka palagi, Zel!" paalala pa ni Ate Mae.
"Kayo rin po, ate! Sige na po, good bye!" paalam ko naman.
Habang nagsisimula na akong maghanap ng trabaho ay may nakita akong convenience store na may nakalagay na papel sa pintuan na nagsasabing "HIRING: NEW CASHIER! MUST BE A WOMAN UNDER 18-25 YEARS OLD."
Makakaya ko bang maging cashier? Pero kailangan kong makahanap ngayong araw para magsimula ako bukas na bukas din.
Subukan ko nga.
Nang makapasok na ako sa convenience store ay nakita kong may lalaking mataba na sa tingin ko'y nasa 40+ pataas na ang kan'yang edad. Sa tingin ko rin na siya ang may-ari nitong convenience store base palang sa pinapakita nitong awra kahit sa likod pa lang ang aking natitignan.
Nang humarap na ito sa 'kin ay mas lalo akong na-intimidate sa kan'ya.
"Uhm . . . gusto ko pong mag-apply bilang cashier dito sa convenience store na ito, sir," sabi ko. Nilakasan ko na rin ang loob ko.
Lumapit naman ito sa 'kin at sinuri ako mula ulo hanggang paa at bigla na lang napangisi.
"Ganoon ba?"
"Ah, opo. Mayroon po ako ritong resume para matignan niyo po kung qualified ba ako maging cashier dito po," dagdag ko pa at ipinakita ko sa kan'ya ang hawak kong envelope.
Ngunit natutop naman ako sa bibig nang magsalita siya ng gano'n.
"Qualified ka rin ba sa 'kin, miss?" aniya at bigla nalang niyang ipinakita ang nakakakilahot niyang ngisi.
Punyeta! Manyakis!
"Ah, 'wag na lang po pala, sige po, aalis na po ako," paalam ko kahit kinakabahan na ako sa susunod na mangyayari at akma na sanang tatalikod nang hinigit niya ang braso ko para mapalapit ako sa kan'ya.
Dahil sa hindi ko na siya kayang masikmura ay tinadyakan ko ang kan'yang pag-aari kaya napabunghalit siya ng sigaw kaya mabilis akong kumawala sa pagkakahigit niya sa aking braso at mabilis na akong umalis sa lugar na 'yon.
Muntik na ako doon, ah! Kulang pa 'yong pagtadyak ko sa kan'yang ari sa ginawa niyang pambabastos sa 'kin! Sobrang deserve niyang matadyakan para hindi na siya magkaanak at para wala na ring katulad niya na manyak at walang modo!
Pinatatag ko na lang ang loob ko at nagpatuloy pa rin sa paghahanap ng trabaho.
Habang patuloy pa rin ako sa paghahanap ay napatigil ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Si daddy ang tumatawag kaya mabilis ko kaagad itong sinagot.
"Daddy?"
"'Nak, naghahanap ka ba ngayon ng trabaho?" tanong naman niya bigla.
"Teka nga, bakit mo alam 'yan, daddy? Sino'ng nagsabi n'yan sa 'yo?" tanong ko rin.
"It doesn't matter who did I get this from and just answer me, Feronia Craezel, are you currently finding a job?"
Napabuntonghininga nalang ako at sinabi nalang sa kan'ya ang totoo.
"Yes, daddy. Naghahanap po ako ngayon ng trabaho," sagot ko.
"Kahit hindi ko gusto na maghanap ka ng trabaho, wala akong magagawa kung ikaw na ang pumasyang maghanap ng trabaho kaya tutulungan nalang kita. Puntahan mo ang isang kompanya na naghahanap ng bagong sekretarya. Ang kompanyang iyon ay nagngangalang Hayhurst Inc. Basta't may makikita kang maraming pumipilang mga tao sa isang malaking building, nandoon ang kompanya," pahayag ni daddy.
"At, saan mo naman ito nakalap, daddy?" I'm getting suspicious about what daddy said.
"Let's just say tinutulungan kitang mapadali ang paghahanap mo ng trabaho d'yan, anak. After all, Villares ka pa rin. Pero, magsisilbi rin itong lesson mo at para na rin sa experience. Just think of it na katatapos ka pa lang mag-aral ng kolehiyo at gusto mong mag-intern sa mga gan'yan," sagot ni daddy.
"Thank you, daddy." Napangiti ako pagkatapos kong pasalamatan si daddy.
"No worries, 'nak. Sige na, baka mahaba na ang pila roon. Ibababa ko na 'to, ha? Good luck, anak! I love you, good bye!"
"Sige po! Thank you po ulit! I love you and good bye rin po, daddy!" masayang paalam ko at na-end na ang tawag.
Mabilis akong naghanap ng isang malaking building na maraming nakapilang mga tao.
Hanggang sa napadpad nga ako sa isang building na marami ang nakapilang tao, mostly, ang nandoon ay mga babae. Iilan lang ang mga nakikitang kong lalaki ang nakapila.
Lumapit naman ako at nagtanong kaagad sa nakapila.
"Excuse me. Para saan 'tong nakapila, miss?" tanong ko.
"Para po sa magiging sekretarya ng CEO nitong Hayhurst Inc.," sagot niya.
"Ah, ganoon ba? Sige, salamat!" nakangiting saad ko at mabilis akong pumila.
~~~᯽~~~
Malapit na ako sa opisina ng CEO rito sa Hayhurst Inc. nang nakita ko na naman ang bigong mukha ng babaeng tinanong ko kanina. Siguradong hindi siya qualified na maging secretary sa CEO na 'yon.
Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa 'kin. "Good luck po sa 'yo," aniya kaya tinanguan ko siya at nginitian ko na rin.
Nang ako na ang papasok ay huminga muna ako ng malalim at pumikit ng mariin bago ko binuksan ang pinto at pumasok na sa opisina ng mismong CEO ng Hayhurst Inc.!
Nakatalikod siya sa 'kin ng makita ko na siya. Mukhang mga nasa 20's pa ang CEO na 'to base sa kan'yang tindig at pananamit.
I wonder kung gwapo rin ba ito.
Hayst, Zel! Get a grip! Nandito ka upang magtrabaho! Hindi para lumandi!
Nang humarap na siya sa 'kin ay diretso akong napatingin sa kan'yang mga mata. He has sapphire eyes.
Muntik nang malaglag ang panga ko nang makita ang kabuuan niyang itsura.
Damn, he's madly handsome as hell!
Nagtama naman ngayon ang paningin namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung ilang segundo na kaming nagtitigan sa isa't isa.
Parang nagkita na kami pero hindi ko alam kung paano at saan, na para bang matagal na kaming magkakilala, para bang alam namin ang isa't isa.
"Hello, miss. I'm Theron Densill Hayhurst, the CEO of Hayhurst Inc. May I check your curriculum vitae?" tanong niya.
Kahit sa kan'yang boses ay nakakahumaling kagaya ng kan'yang mga mata.
Bakit ba bigla nalang akong nagkakaganito sa isang binatang nagngangalang Theron Densill?
~~~᯽~~~
UNEDITED.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top