Chapter 4
Pregnancy Journey
Five months has passed and my belly bump is slowly getting bigger at nakakaramdam na ako ng kabigatan at sumasakit na rin ang likod ko. Pero pagbubutihin ko na magiging healthy si baby pagkalabas niya sa sinapupunan ko, 'di ako magpapadala sa kahit anong temptasyon na maaaring makakapahamak kay baby habang nasa loob pa siya ng sinapupunan ko.
Kahit mahirap, alam kong magiging worth it lang ang lahat ng paghihirap kong ito. Ilang buwan na lang din ay lalabas na ang anak ko. Magkakaroon na ako ng isang maliit na anghel.
At, pinasasalamatan ko rin si Ate Mae dahil hindi talaga niya ako pinabayaan at pinatuloy na talaga niya ako sa tirahan niya. Nahihiya na nga ako sa kan'ya pero sabi naman niya ay 'wag daw dapat akong mahiya dahil gusto niya ang ginagawa niya. Gusto niya akong alagaan at ang magiging anak ko dahil itinakwil na ako ng sarili kong pamilya.
Or, so I thought.
Dahil makalipas ang ilang araw ay nagtataka akong napatingin sa mga karton na nakalapag sa labas ng pinto. Katulad lang din ang reaksiyon ko sa reaksiyon ni Ate Mae nang makita niya ang dalawang malalaking karton na nakalapag lang sa tapat ng pinto ng bahay niya.
"Maupo ka nalang muna, Zel. Ako na ang bahala rito, baka kung mapaano ka pa at baka makasasama pa 'yan sa kalagayan ng batang nasa sinapupunan mo," ani Ate Mae.
Kahit gusto ko namang tingnan kung ano 'yong nasa loob ng mga karton na 'yon ay naisip kong tama naman ang sinabi ni Ate Mae. Baka mabinat lang ako o may mangyaring masama sa baby ko kapag tutulungan ko siyang buksan kung ano ang nasa loob ng mga karton na 'yon.
Umupo nalang muna ako sa sofa na nasa sala at malapit lang sa pinto kung saan nandoon nakalapag ang mga karton. Unti-unti na rin itong binubuksan ni Ate Mae at nang mabuksan na niya ito ay nakita kong nanlalaki ang kan'yang mga matang nakatingin doon.
"Zel..." tawag naman bigla ni Ate Mae sa pangalan ko kaya nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Bakit po, ate? Ano pong nasa loob ng mga karton?" kuryoso ko nang tanong dahil kuryoso na rin ako sa reaksiyon na ipinapakita ni Ate Mae para sa mga kartong iyon.
Tatayo na dapat sana ako nang biglang kumuha ng mga bagay na nakapagpalaki ng mga mata ko at sabay niya itong sinabi pagkakuha niya.
"May mga gamit na si baby! Hindi na natin kailangan bumili ng mga gamit na kailangan para sa magiging anak mo dahil nandito na ang biyaya!" tuwang-tuwa na saad ni Ate Mae.
Maging ako ay natuwa at masayang nakatingin sa mga kartong iyon. Parang isa itong biyaya kasi hindi na talaga namin need na bumili ng mga gamit ni baby.
"Para kanino naman po 'yan galing?" tanong ko naman kaagad pagkaraan ng ilang minuto.
Kinuha naman niya ang isang pirasong maliit na papel na nakadikit sa karton at binasa ito ng malakas.
"This things are for my grandchild. This will be my gift for you, my daughter, Feronia Craezel. From, Daddy," basa naman ni Ate Mae kaya natigilan naman ako.
D-Daddy? Totoo bang siya 'yong nagpadala sa 'kin ng mga kartong ito?
Akala ko ba tinatakwil na nila ako? Bakit pa niya ako itinuturing na anak at bakit pa niya itinuturing na apo si baby? Hindi ko maintindihan.
Hindi ko alam pero biglang namasa ang mga mata ko at wala pa ni isang segundo ay umiiyak na ako ng husto kaya mabilis naman na lumapit si Ate Mae sa 'kin at hinagod-hagod ang likod ko at niyakap niya ako.
"Bakit ka ba umiiyak? 'Di ba, dapat masaya ka kasi hindi ka pa rin tinatakwil ng daddy mo at pinadalhan ka pa nga ng mga kagamitan para sa baby mo? Tahan na, Zel," pagpapatahan naman sa 'kin ni Ate Mae.
"Masaya lang po ako, Ate Mae," sabi ko naman at suminghot-singhot. Dala siguro 'to ng pagiging buntis ko kaya sobra akong naging emosyonal kahit sa mga maliliit na bagay.
Natawa lang naman si Ate Mae sa 'kin at nang tumahan na ako ay unti-unti niya akong binitawan sa kan'yang pagkakayakap sa 'kin at binalikan ang mga kartong nakabukas.
Kinuha naman niya ang mga sets at pairs ng mga damit ni baby. Pang-unisex ang damit kasi hindi pa namin alam kung ano ang magiging gender ni baby.
"Ang cute," puri ko naman at sinabayan pa ng pagtango ni Ate Mae saka kumuha naman ng iba pang kagamitan si Ate Mae at inisa-isa niyang ipinapakita ang nasa loob ng karton since nasa sofa lang ako nakaupo.
Hanggang sa matapos na siya sa pag-iisa-isa ng pagpapakita sa 'kin ng mga kagamitan ni baby ay sinabihan niya akong maghintay lang muna ako rito dahil ilalagay niya sa kwarto kung saan doon ako matutulog ang mga kagamitan para ni baby.
In my six months, palagi nang tumatawag sa 'kin si daddy o si mommy kung kumusta na ako at ng kalagayan ng baby ko at kung may ipapadala pa ba sila para sa 'kin at sa bata. Masaya naman akong nagkakamabutihan na kami, tanggap rin naman kasi nila daddy at mommy kahit pa mabuntis ako kaso sobrang strict at nakakatakot lang talaga si lolo kaya hindi nila ako magawang ipagtanggol.
Naiintindihan ko naman kung bakit naging ganoon ang pakikitungo nila sa 'kin noong kaharap namin si lolo sa mansyon. Akala ko tuloy noon na itinatakwil na rin nila ako. Natakot lang pala sila.
Ang problema ko na lang ngayon ay si lolo. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin ulit at kung mangyayari pa ba ang araw na 'yon at kung mapapatawad pa ba niya ako sa maling nagawa ko at kung matatanggap ba niya ang magiging apo niya sa tuhod. Kahit alam kong imposibleng mangyari iyon ay may pinanghahawakan ako. Gusto kong magkamabutihan na kaming lahat na magkakapamilya.
In my seven months, doon alam ko na ang magiging gender ng baby ko. At, lakign tuwa ko nang malaman kong baby girl! It's a baby girl! Babae ang gender ng anak ko. I couldn't be more happier. Pero kahit ano namang gender ng magiging anak ko ay tatanggapin ko naman iyon ng buong puso.
In my eight months, lumalakas at makikita na rin ang mga sipa ni baby sa loob ng sinapupunan ko. Minsan pa nga ay natutuwa ko iyong hahawakan at ivi-video ko pa nga ito kasama si Ate Mae to witness every moment na sumisipa si baby girl sa aking tiyan.
In my nine months, malapit na rin ang labor ko kaya hinahanda ko na lang ang sarili ko. Pinakalma ko rin ang sarili ko dahil kinakabahan din ako sa maaaring mangyari sa 'kin at sa baby ko during labor kaya nagha-humming na lang ako ng kanta habang hinahawakan ang malaki ko nang tiyan para mapakalma ang puso kong nagkandabundol-bundol.
At sa araw naman ng kapanganakan ko, hindi ko inaasahan na manganganak ako sa araw na 'to. Bigla ba naman kasing may malakas na tubig na umagos patungo sa sahig at sa mga binti ko at alam kong nabutas na 'yon senyales na manganganak na talaga ako kaya nagpa-panic na akong tumatawag at nagsusumigaw sa pangalan ni Ate Mae. Mabilis naman akong nilapitan ni Ate Mae.
"Manganganak na yata ako, Ate!" balisa ko namang pag-balita sa kan'ya kaya mabilis siyang nakapara ng taxi at nakapasok kaagad kami.
"Sa Paterno Hospital po, manong. T'saka pakibilisan na rin po, manganganak na kasi ang pamangkin ko," ani Ate Mae at nanaliti naman siyang kalmado habang ako ay humihigop naman ng hangin at binubuga ulit dahil nararamdaman ko na ang sakit. Pero ang nakakapagtaka ay kung bakit pamangkin ang tinawag sa 'kin ni Ate Mae kahit hindi ko naman talaga siya kaano-ano. Binalewala ko na lang 'yon dahil sa sakit na nararamdaman.
Nang makarating na kami sa ospital ay binayaran kaagad ni Ate Mae si manong at mabilis ding nakapanukli si manong bago ito umalis at mabilis naman kaming nakapasok sa entrada ng ospital.
"Nurse! Manganganak na itong pamangkin ko!" sigaw naman ni Ate Mae at mabilis naman akong naasikaso ng mga nurse at pinag-wheel chair saka na ako dinala sa delivery room.
Mayamaya lang ay dumating ang isang doktor na babae na siguradong magpapaanak sa 'kin nang makapagbihis na ako.
May sinabi siya doon sa mga nurse kaya nagsitanguan ang mga ito sa kan'ya at may mga hinanda ito.
"Magsisimula na po tayo, mommy. Nasa ten centimeters na ang buka sa cervix mo kaya pwede na 'yan," pahayag naman ni doktora.
Namimilipit na rin ako sa sakit kaya hindi ko magawang tumango sa mga pinagsasabi niya sa 'kin.
"Sige, umire na po kayo, mommy," utos ni doktora kaya doon na ako nagsimulang umire. Kumapit nalang ako sa kahit saan para kumuha ng lakas.
"Ire pa po kayo, mommy," utos ulit ni doktora kaya ginawa ko naman. Pinagpapawisan na rin ako pero kaya ko 'to, para sa anak ko.
Utos lang ng utos si doktora na umire ako kaya ginagawa ko naman ang kan'yang ipinapagawa.
"Isang ire na lang po, mommy, nakikita ko na po ang ulo ni baby, malapit na po siyang lumabas," utos muli ng doktora kaya roon ay kumapit ako sa magkabilang gilid ng hinihigaan ko at doon ay bumuwelo ako at buong lakas akong umire.
"Ah!" sigaw ko at doon ay nakarinig ako ng pag-iyak ng isang bata.
Inilapag naman si baby sa may bandang tiyan ko at doon ay hindi ko napigilang umiyak ng husto.
"Congratulations po, mommy!" ani doktora at ng iba pang mga nurse na tumulong sa kan'ya.
Nang kuhanin ulit nila si baby para linisan ay doon ako unti-unting nanghihina at unti-unti ring dumidilim ang paningin ko. Ang alam ko na lang ay nawalan ako ng malay dahil sa pagod na nararamdaman.
~~~᯽~~~
UNEDITED.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top