Chapter 3

Forbidden

"Zel, hija, maiwan na muna kita rito, ha? Mamamalengke lang ako pero saglit lang 'to," nakangiting paalam ni Ate Mae sa 'kin kaya naman ay tumango ako habang nakahawak sa tiyan ko na may katamtamang laki na.

Pagkaalis ni ate ay roon ko lang naisipan na maglakad-lakad sa bakuran ng bahay niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin kahit isa sa pamilya ko ang nakakaalam sa kalagayan ko ngayon at natatakot pa rin akong harapin sila dahil dito sa pagbubuntis ko. Mabuti na lang at mabuti ang puso ni Ate Mae at pinatira na muna niya ako rito habang pinaghahandaan ko ang kung paano ko haharapin ang pamilya ko ng ganito ang hitsura't kalagayan ko ngayon. While I was busy strolling in the yard, I heard a bunch of gossips from the neighbors.

"Bakit kaya nabuntis 'yang batang 'yan, 'no?"

"Gan'yang edad tapos nagpabuntis lang ng hindi kilala 'yong ama ng dinadala niya?"

"Aba, iba na talaga ang nagagawa ngayon ng kabataan, lumalandi tapos kapag nabuntis, magsisisi kung bakit nila ginagawa 'yon eh sa simula pa lang, alam naman na nila na mangyayari naman talaga iyon sa kanila..."

'Yan 'yong mga naririnig kong panlalait at pang-iinsulto nila sa 'kin kapag nakikita nila ako. Gustong-gusto ko silang kalbuhin at gumawa ng eskandalo pero hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa baby ko sa loob ng tiyan kaya hinahayaan ko na lang silang magsabi sa 'kin ng kung anu-ano.

Kapag talaga nawalan ako ng pasensiya sa kanila, aasahan nilang mas lamang ang gagawin ko sa kanila kaysa sa pang-iinsulto nila sa 'kin. I'm not a Villares for nothing.

At ang Villares ay hindi kailanman nagpapatalo, even in petty things. 'Yan lagi ang sinasabi sa 'kin ni mommy.

Palihim ko na lang silang inirapan bago ako pumasok na lang ulit sa bahay ni ate para makawala sa mga tsismosang iyon.

Nang makaupo ako ay tinitigan ko ang tiyan kong may katamtamang laki na habang nakangiti at hinahawak-hawakan ng marahan iyon.

"Baby, sorry sa pagtataboy ko sa 'yo no'ng una ha? I will never do that again, mahal na mahal kita, baby ko." Hindi ko mapigilang mamasa ang mga mata ko.

I swear, I regretted my decision before that I was thinking of how to get rid of it by aborting it. Thanks to Ate Mae, I realized it immediately.

Gano'n talaga siguro 'pag buntis ka, nagiging emosyonal pero mas matindi ang pagiging emosyonal ko sa mga nakalipas na araw.

Alam kong hindi lang ito sa pagbubuntis ko, natatakot na ako sa magiging reaksiyon ng pamilya ko kapag nalaman nila ito.

Maselan din ang pang-amoy ko at gusto kong kumain nang kumain ng maraming saging. Masarap kaya!

I was thankful of Ate Mae because she continued to guide me, she always do her best to make me feel calm if I sometimes feel down and get too emotional whenever I think of my family. Nagpapasalamat ako ng sobra sa kan'ya dahil hindi siya kailanman nag-reklamo sa 'kin kahit ang reklamadora ko at choosy pagdating sa pagkain, maging sa pang-amoy ko at iba pang mga bagay na normal lang sa pagbubuntis.

Hanggang sa isang araw ay napagdesisyon ko na gusto ko nang makaharap ang pamilya ko, lalong-lalo na si lolo at daddy, tungkol sa kinalalagyan at kalagayan ko.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan, hija? Baka hindi mo kakayanin," nag-aalalang tanong ni ate sa 'kin kaya naman ay tumango ako tanda na sigurado na ako sa desisyon ko.

Bahala na kung ano ang maaaring mangyari sa 'kin mamaya.

"Sige, kung 'yon ang desisyon mo, ire-respeto ko pero p'wedeng samahan kita? Para naman may kaagapay ka 'pag may mangyaring masama man sa iyo roon," paghingi ng pabor ni ate sa 'kin. Wala akong magawa kung 'di tumango nang nakabuntong-hininga, I think it is for the best of me and my baby.

Nang sa wakas ay nakarating na kami sa harap ng mansiyon namin ay palagi akong kumakawala ng marahas na buga ng hangin habang papalapit nang papalapit kami roon. Hindi naman nagtanong ang guwardiya kung bakit ganito ang postura ko ngayon pero alam kong kuryoso ito kung bakit lumobo itong tiyan ko ngunit pinili na lamang itong tumahimik na siyang ipinagpasalamat ko. Sumabay rin ito sa 'ming dalawa ni ate papasok sa mansiyon.

"Sir and Ma'am Villares, may bisita po kayo at alam kong hinihintay niyo siya na bumalik dito!" Anunsiyo ng guwardiya nang makapasok na kami sa mansiyon.

Napapikit na lamang ako ng mariin at hinawakan ng mahigpit ang tela ng blouse ni Ate Mae sa kan'yang braso nang makita kong bumaba ng hagdan si mommy at daddy. Mas lalo kong nahigit ang sariling hininga dahil sa kaba at takot na nararamdaman pero mas lamang pa rin kung bakit nandito ako ngayon sa harapan nila.

Somehow, I wish they will still accept me even though I know it's too impossible to happen.

Funny how I became a Villares who has a wise clan and clear family background but I'm the only one who broke that because of my situation.

Nang magmulat ako ng mga mata ay una kong nakita ko si mommy na nanlalaki ang mga mata at nakatutop ang sariling bibig habang nakatingin sa tiyan ko. Napalunok ako nang mapadaan ang tingin ko kay daddy na walang emosyong nakatingin sa 'kin.

"M-Mommy... I-I'm... so so...rry." pumiyok ang boses ko dahil bigla na lamang akong naging emosyonal habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Oh... my... god! P-Pa...p-paanong... b-bakit...?" Nakita ko pa si mommy na palipat-lipat ang tingin sa 'kin at sa tiyan ko.

"N-Nandito po ako para... m-magpaliwanag... s-sana hayaan niyo p-po akong m-magpaliwanag... man l-lang," mangiyak-ngiyak na saad ko.

"S-Sorry po kung naging p-pabaya ako... s-sorry rin po kung... kung h-hindi kaagad ako bumalik dito ng ilang buwan... n-natakot po ako... I-I'm sorry p-po... m-mommy... d-dad—" naputol ang sasabihin ko nang makarinig ako ng isang malalim ngunit nakakahindik na boses sa balkonahe sa itaas kaya napatingin ako roon habang naluluha at nanlalaki ang mga mata.

"I don't have a granddaughter who didn't use her mind of what would might happen to her if she keeps doing nonsense things and destroys the reputation of our clan," panimula ni lolo.

Hindi na ako muling nagsalita pa ulit dahil sa takot na nararamdaman ko. Wala akong ibang mapaglalapitan ngayon kundi si Ate Mae lang na tahimik na inaagapay ako. Mas mabuti't hindi siya magsasalita dahil paniguradong madadamay siya sa kaguluhang ginawa ko para sa pamilya ko.

"Diether, I want you to say something to that woman to stay away from us while I'm in front. We'll have a bad reputation and it'll destroy us all if you'll still accept that woman in this mansion who did nothing but left us such a shame in the Villares clan," tawag ni lolo kay daddy na hanggang ngayon wala pa ring karea-reaksiyon habang nakatingin sa 'kin.

Nakita ko pang bumulong si mommy kay daddy ngunit umiling lamang si daddy at pinatahimik si mommy bago ulit tumingin sa 'kin ng may hindi maipaliwanag na emosyon na bumadha sa mga mata niya.

"From now on... you'll stay away from us and don't ever come back again... unless we asked you to," hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi ni daddy ngunit klarong-klaro sa pandinig ko ang mga unang sinabi niya.

Tama nga ang hinala ko, hindi nila ako tatanggapin pang muli sa pamamahay na 'to. But... they still don't disown me, right? I'm still a Villares, right?

"Go now! And, don't come back here again. Such a shame and disgrace," lolo's voice thundered.

Yumuko ako dala ng pagkapahiya habang humihikbi at nagsimula nang tumalikod.

"A-Ate M-Mae... a-aalis na po... t-tayo," humihikbing bulong na saad ko kay ate habang nanatili pa ring nakayuko. Naramdaman ko namang sumunod naman si ate sa 'kin no'ng nagsimula akong maglakad patalikod.

"Miss Villares, mag-ingat po kayo. Lalong-lalo na sa batang dinadala mo," anang manong guwardiya kaya naman kahit naiiyak pa rin ako ay tumango pa rin ako bago kami lumabas ng tuluyan sa mansiyon.

Nang nasa taxi na kami ni Ate Mae ay hinawakan niya ang malayang kamay ko at saka ko siya narinig na bumuntong-hininga bago nagsalita.

"Alam kong mahirap para sa 'yo ito, Zel, pero tandaan mo palagi na narito pa rin ako para sa 'yo. Nandito pa rin ang Ate Mae mo. I will still and always support you no matter what. Alam kong kailangan mo ng kasama ngayon dahil sa pagbubuntis mo at narito ako sa tabi mo para samahan ka sa lahat ng gagawin mo," masuyo at marahang salaysay ni ate sa 'kin.

Doon lamang ako tumigil sa pag-iyak at humilig sa balikat niya.

"Salamat sa suporta mo, Ate Mae. Kung hindi kita makikilala, baka hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon at sa baby ko," sabi ko at unti-unti na naman akong suminghot-singhot.

"Anything for you and the baby, Zel, hija," tugon niya.

From the start, I know they'll forbid me because of the baby inside me, but even though they don't want my existence with them anymore, I have Ate Mae by my side so there's nothing to worry about.

I'm ready and proud to be a single mom now.

~~~᯽~~~

UNEDITED.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top