PMH 6

Eve Aguirre

After nang mahilo-hilong pag-iikot namin, nag 1 hour break muna ako, kumain at nag-ayos na rin ng sarili bago muling bumalik sa opisina ni manager.

I wonder where Azi could be. I haven't seen him yet since I stepped in here.

"Ms. Aguirre, come on," ani manager at nagmadali naman akong sundan s'ya.

Nakarating kami sa isang malawak na room na sa tingin ko ay dito gaganapin ang pagsasanay ko.

Inikot ko ang aking mga mata at nakita ang mga ring lights, few numbers of perfumes, camera bag, cameras, tripod, reflector at kung ano-ano pa.

"Manager V, I'm sorry for being late."

Sa tono pa lang ng kan'yang pananalita ay nakilala ko na agad kung sino ito. Dahan dahan ko s'yang hinarap at agad na nagtama ang aming mga paningin.

Blanko ang ekspresyon ng kan'yang mukha gano'n na rin ang kan'yang mga mata. Halatang may lungkot pa rin s'yang dinadala at hindi ko rin naman maikakailang may konting kirot na namumutawi sa aking puso.

"Mabuti't nakarating ka Azi, magsisimula pa lang din naman kami. Isa pa, magkakaroon muna ng training itong si Eve kaya for now, wala ka munang gagawin. So, don't worry, you can just sit here and relax," wika ni manager.

Don't tell me panonoorin n'ya ako? Fudge! It's so embarrassing! Baka hindi ako makapag-focus.

"Eve, magsisimula na tayo," saad ni manager.

Muli kong sinulyapan si Aziel na ngayon ay nakaupo na at... at nakatingin sa akin!

Nag-uumpisa nang magkarera ang kaba sa aking dibdib.

Huminga ako nang malalim at inalis sa aking isipan ang mga alalahanin.

Nagsimula na kami ng trainer ko habang si manager naman ay nakangiting nagmamasid sa amin. Sinunod ko ang lahat ng sinabi sa akin ng trainer ko at hindi naman ako mas'yadong nahirapan dahil basics pa lang naman ito pero sa mga sumunod ay parang gusto ko na lang umuwi ng bahay at matulog nang mahimbing.

Kailangan kong gumawa ng mga daring poses which is hindi ko naman ginagawa ever since. I don't know if could make this. I can't explain the feelings that I'm feeling right now. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako, mahihiya, o dahil sa nakatingin sa akin si Aziel.

"Come on, Eve, you can do that!" Pag-cheer ni manager.

Muli kong ginawa ang sinabi ng trainer at ang daming adjustments na nangyari.

Ilang oras ang ginugol namin at natapos kami ng 7 pm. Hingal na hingal akong sumalampak sa sahig dahil sa pagod.

Maya-maya pa ay tinawag ako ng trainer at pinagtimbang ako ng weight ko.

"You have to do your daily diet so that you can decrease your weight. You must have an average body weight which is 113 pounds and that is equivalent to 51 kilogram. Unfortunately, your weight exceeded to 120 pounds and which is equivalent to 54 kilogram. So, for you to reduce your excess weights, you should start exercising tomorrow morning. Not only that, but you should avoid eating fatty foods as much as you could," ani trainer ko.

Dahil sa sinabi n'yang 'yon ay parang niyelo ang buong katawan ko.

Noooo, it can't be!

"We do that so we can also achieve the ideal body shapes of our models and every model should maintain that normal body shapes and body weights. No more, no less," dagdag pa nito.

Mukha naman akong normal tingnan kasi normal lang din naman ang figure ng katawan ko.

"Don't worry Eve, masasanay ka rin kung uugaliin mo ang gano'ng gawain," sabat ni manager.

"Anyway, that's enough for now. You can rest for a while. You can also talk to Aziel so that you two can get to know each other since you're going to be a partner model soon." Nakangiti pang dagdag ni manager at pilit ko naman itong nginitian.

"Oh, I have to hurry! I have received a text messages from my brother. I almost forgot that it's our family reunion this day, I'm 3 hours late!" Bulalas ni manager.

"Since, wala naman na tayong gagawin, maiwan ko na muna kayong dalawa rito ah?" Binalingan n'ya kaming dalawa ni Azi.

"Sure manager, ingat po kayo!" sabi ko sa kan'ya na s'ya namang ikinatingin sa akin ni Azi, nakaramdam tuloy ako ng hiya.

"S'ya sige, aalis na ako." Paalam nito bago tuluyang isinarado ang pinto at ngayon, kaming dalawa na lang ni Azi ang naririto. Umalis na rin kasi ang trainer ko kanina and it's so awkward.

"We've met again." Narinig kong wika ni Azi sa aking tagiliran at ramdam ko ring nakatingin ito sa sakin. Hindi ko s'ya nilingon at nanatiling nakatayo.

"What's the taste of the kiss?" biglang tanong n'ya at dahil doon ay naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi.

"I'm sorry, I didn't mean to do that. It was just an accident and I don't have any intention to put you on shame. I'm really sorry." Pagdepensa ko sa aking sarili.

"Uh, okay. I get it. I understand that it was just an accident right?" Dahan dahan ko s'yang tinanguan bilang pagsagot.

"I see. Next time, be careful okay? One of the things that I hate the most is a careless person," seryosong saad n'ya bago tuluyang maglaho sa harapan ko.

Naiwan akong nakatulala habang sini-sink in sa utak ko ang mga sinabi n'ya.

"What did he just say?! That I am a careless person? Maghintay ka lang Azi, patutunayan kong nagkamali ka sa mga sinasabi mo. Hindi porke gwapo ka e, palalagpasin ko na ang mga sinabi mo, no way!" I annoyingly said.

"Humanda ka Aziel Martinez." Ngumiti ako nang nakaloloko bago napagpasyahang umuwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top