PMH 5
Eve Aguirre
Sa pagpayag ko sa alok ni Ate Gaynell, napagdesisyunan namin na a-attend lang ako ng photoshoot t'wing weekends dahil may pasok ako ng weekdays. Weekends lang din naman maluwag-luwag ang schedule ko maliban na lang kung may importanteng kaganapan sa school like quizzes, exams, homework, etc.
Nabanggit ko na rin ang tungkol dito kay mama at wala naman 'yong problema sa kan'ya as long as I can handle and balance my tasks. Wala namang magagawa si mama kundi ang suportahan ako dahil balang araw e, magiging manugang n'ya rin si Azi my loves!
"Aray!" Reklamo ko nang maramdamang may bumato sa likod ng ulo ko. Agad naman akong lumingon sa bumatong iyon at nakita ko si Eli na walang ibang ginawa kundi umirap.
"Ano ba? Bakit mo naman ako binato?" Iritang tanong ko.
"Ang aga ng daydreaming mo girl! Namamaluktot na naman leeg mo kaiisip kay Aziel Martinez," may halong diin ang kan'yang pagbigkas sa huling salitang sinabi n'ya.
"Daydreaming nga 'di ba? Natural na umaga, duh!" Umirap ako sa kan'ya bilang ganti.
"Whatever," mahinang sabi n'ya sapat upang marinig ko.
"E bakit ka nga pala absent kahapon?" Pag-iiba ko nang usapan.
"Family matters," tipid n'yang sagot. Palaging ganito ang dahilan n'ya kapag tinatanong ko s'ya kung bakit lumiliban s'ya sa klase at ang ending, ayaw naman n'yang pag-usapan ang tungkol doon kaya hindi ko na rin s'ya kinukulit pa.
"Anyway, may good news ako sa'yo. Guess what? Nagkatotoo 'yong hula natin noong isang araw. Inalok nga ako ni Ate Gaynell, pumunta s'ya rito kahapon upang kausapin ako tungkol sa pagmo-modelo at pumayag ako!" Masiglang sabi ko sa kan'ya.
"Edi good for you, may chance ka nang makita si Azi araw-araw at nang harapan!" Bakas sa kan'yang mukha ang saya at pinagkukurot pa ako sa braso.
"Sira! Weekends lang ang usapan namin ni Ate Gaynell at p'wede rin naman kung available ako sa oras na kakailanganin n'ya ako."
"Hmm, so proud of you sis! Magiging literal na sikat ka na talaga, huwag mo akong kalilimutan ah?"
"Sira ka talaga! Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"I know that you wouldn't do that, I'm just kidding! Ikumusta mo na lang ako kay Fafa Azi ha?" Binatukan ko s'ya sa sinabi n'yang 'yon.
"Aray naman Eve!" Reklamo n'ya na tinawanan ko lang.
"Eveeee! Napalingon kaming dalawa ni Eli sa taong tumawag sa amin at bumungad ang masayang si Chelsea.
"Anong balita? Pumayag ka?" tanong agad nito na ikinatango ko.
"Waaaaah! OMG, OMG, OMG! I can't breathe!" Umakto ito na parang hindi makahinga at agad namang sinapok ni Eli. Nag-irapan lamang ang dalawa na ikinatawa ko nang bahagya. Sanay naman na ako sa tratuhan nilang dalawa at normal na rin 'yon para sa kanila.
"Dahil ngayong magiging parte ka na ng El Siola's Company, huwag mo nang pansinin ang mga taong tahol nang tahol sa'yo dahil gano'n talaga kapag mga inggitera," may halong pagpaparinig ni Chelsea bago bumaling sa pintuan na sakto ay kapapasok lang din ng tatlo.
"What?!" Laglag pangang reaksiyon nina Mirai.
"Talagang tinanggap mo ang alok ng El Siola's Company?!" Nakahawak sa dibdib na tanong ni Mirai.
"At bakit hindi?" Pagsangat ni Eli.
"Talagang kinareer n'ya ang pagiging malandi!" Segunda ni Elise.
"Hindi n'yo ba matanggap na mas maganda ang pagmumukha ni Eve kaysa sa pagmumukha n'yong tatlo?" Mataray na tanong ni Chelsea na ikinanganga ng tatlo.
"At may passion, hindi kagaya n'yong tatlo na puro pambu-bully lang ang ginagawa!" Gatong pa ni Eli habang dinuduro silang tatlo.
"Kaya chupi, dadaan kami okay?" Nag-make hand si Eli senyales na pinatatabi silang tatlo.
"At p'wede ba, tanggapin n'yo na lang na si Eve na ang magiging bagong partner ni Azi. Move on din tayo kay Shanelle, mga dai." Pahabol pa ni Chelsea.
"Hindi n'yo na dapat sila pinatulan pa, nagsayang lang kayo ng laway at oras sa kanila. Haters gonna hate and I'mma live my life according to my fate," saad ko nang makalayo kami sa kanila.
"Ay power!" They both said in chorus and I just shrugged my shoulders.
Mabilis na lumipas ang araw at kasalukuyan akong naggagayak ng mga gamit na dadalhin ko papuntang El Siola. This is my first day and I am so excited!
Nagmadali ako sa aking ginagawa hanggang sa maiayos ko na ang lahat ng aking mga dadalhin. This is for just assurance.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglapit sa akin ni mama at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Galingan mo anak ha?" Nakangiting wika ni mama.
"Hindi mo naman ito kailangang gawin dahil kaya ko pa namang magtrabaho para sa inyo ni Yvo. Sapat naman ang perang kinikita ko sa restaurant na pinapasukan ko, tsaka mayroon pa naman tayong savings sa bank account ko." Nalulungkot na sabi n'ya.
"Ma, ano ka ba? I just wanna help you. Okay lang naman po sa akin ang ganitong mga gawain tsaka sabi nila, may ability naman ako sa pagmo-modelo. Malay n'yo po mahalin ko 'yong passion na 'yon 'di ba? Tsaka hindi ko po dapat tinatago 'tong gandang binigay n'yo sa'kin, dapat pinagmamalaki ko po ito kasi galing 'to sa inyo e. Sayang naman kung ikukubli 'di ba?" Pagbibiro ko pa.
"Tsaka isang taon na lang naman e, ga-graduate na ako."
"Ang sabihin mo, sumali ka ro'n upang humarot d'yan sa Martinez na 'yan." Kinurot n'ya ako sa braso na ikinaangal ko naman.
"Ma naman e! Pagbigyan n'yo na po ako." Ngumuso ako sa harapan n'ya.
"Che! Ewan ko sa'yo. Basta 'wag kang iiyak-iyak kapag sinaktan ka ng lalaking 'yan."
"Yes ma!" Dahil do'n, niyakap ko s'ya nang mahigpit.
"Sige na. Mag-iingat ka anak," wika n'ya.
Makalipas ang ilang segundo ay may narinig na akong busina na nagmumula sa labas ng aming bahay. Tinanaw ko iyon at nakita ko si Ate Gaynell na nakadungaw sa bintana ng kotseng sinasakyan n'ya. Nabanggit n'ya kasi sa akin sa text na s'ya na lang ang susundo sa akin dito sa bahay upang may guide na rin daw ako sa pagpasok ng kanilang kompanya.
Kinuha ko na ang bag na naglalaman ng aking mga kagamitan at lumabas na ng bahay pero bago pa man ako tuluyang sumakay ng sasakyan ay kinawayan ko muna si mama at nagtuloy na kami.
Makalipas ang halos isang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Bumaba na si Ate Gaynell at sumunod na rin naman ako.
Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng lugar at manghang-mangha ako sa taas at laki ng kanilang kompanya. Grabe, ang ganda!
"Follow me." Pukaw atens'yon sa akin ni Ate Gaynell at sinundan ko na s'ya habang palinga-linga ako sa paligid.
Palagay ko ay mahigit kinseng palapag ang building na ito at karamihan sa parte nito ay concrete glasses. Nakita ko rin ang malaking billboard ni Aziel na nakakabit sa tuktok ng kanilang kompanya, talagang s'ya ang leading model nito at talagang sikat na sikat na s'ya. Ang layo na nang narating n'ya sa buhay, unlike me.
"We're here." Natigil ako sa pagmamasid nang biglang magsalita si Ate Gaynell.
"Good morning po ma'am!" Masayang pagbati sa amin ng gwardya, nginitian naman namin ito ni Ate Gaynell bilang pagtugon at nagtuloy na rin kami sa loob.
Sa pagpasok namin sa unang palapag ng lugar, bumungad agad sa akin ang malawak na espasyo na kung saan ay kinalalagyan din kanilang company's achievements. Mayroon ding top earners na kung saan ay si Azi pa rin ang nangunguna. May mga standees din sila ng kanilang mga modelo na talaga namang magaganda't makikisig ngunit wala pa ring tatalo sa Azi ko. Sumunod naman dito ay ang iba't ibang brands ng perfumes na maayos na nakahelera sa kanilang pinaglalagyan at ang mas nakatutuwa pa rito ay mayroon silang mga trials. May isang espasyo rin na hindi gaanong kalakihan, sakto lang ngunit p'wedeng mag-take ng picture.
"You can try our perfumes, it's all free," Ate Gaynell said.
Inamoy ko ang ilan sa mga pabango at napakahalimuyak ng kanilang aroma.
"This is our best selling perfume, give it a try." Iniabot sa akin ni Ate Gaynell ang tinutukoy n'ya at kinuha iyon.
From the moment that I smelled the scent, I was stunned.
It was Aziel's perfume!
Addicting!
"You can roam around here anytime you want but only this day and you can do that later, may mag-ga-guide naman sa'yo rito. For now, you have to meet our manager for further discussions about your job. So, let's go?" Matapos n'yang sabihin iyon ay ibinalik ko na ang pabangong hawak ko sa pinagkuhanan n'ya nito kanina at sinundan ko lang s'ya sa paglalakad.
Sumakay kami sa elevator at iniluwa kami nito sa fifth floor. Naglakad pa kami ng ilang minuto bago narating ang patutunguhan.
"Wait me here." Tinanguan ko naman s'ya at pumasok na s'ya sa pintuang nasa harapan namin habang naiwan naman ako sa labas.
Halos maduling na ang mga mata ko sa lawak ng kompanyang ito. Ang mga pader sa loob nito ay puting puti, may mga naka-display din na larawan ng iba't ibang modelo kasama ang ini-endorso nilang pabango, ang tiles na kumikintab at naglalakihan, at ang mga chandeliers na nagkikislapan.
I am overwhelmed!
"Eve." I suddenly came to my senses when Ate Gaynell called me and turned my gaze on him.
"You may come in, manager's waiting." I immediately entered the office as Ate Gaynell's uttered.
Bumungad agad sa akin ang isang taong naka-feminine gesture dahil sa tindig pa lang talaga nito ay mahahalata na agad na pareho sila ni Ate Gaynell, they both have feminine sides ngunit mas formal tingnan ang taong ito.
"Have a seat." Magiliw n'yang pagtanggap sa akin. Sumenyas naman si akin si Ate Gaynell na maging kalmado lang ako. Matapos iyon, umupo s'ya sa isa sa mga couch habang tahimik na nakikinig at nanonood sa amin.
"Welcome to El Siola's Company, Ms. Aguirre! I already saw your resume that you'd gave to Gaynell last week and there's nothing wrong if you're still studying because you'll work only for weekends. I hope you would enjoy your days here regarding with your modelling." He delightedly said while his hands are closely clasped.
"Anyway, let me introduce myself first. I am Manager Venus Madrigal but you can just call me, Manager V as they call me that way."
"Nice to meet you po, Manager V! I will do my best in modelling and this time, I will not disappoint your company." I said in a humble voice.
"I like that! What a determined lady!" Papuri nito sa akin.
"At dahil nga ngayong nangangailangan kami ng permanent female model partner ni Aziel, napagdesisyunan kong ikaw agad ang gawing partner n'ya for our next big project and you'll have to undergo in a training session for you to become a sophisticated one."
"Sure manager, wala pong problema sa akin 'yon, makaaasa po kayo sa akin."
Okay lang na mapagod basta si Azi my loves ang makakasama ko!
"So mamayang hapon na agad ang start ng training mo, Ms. Aguirre. Make sure you're prepared." He said in a serious voice.
"For now, just enjoy your free time here by roaming around for you to familiarize our place. Gaynell, please assist her."
"Yes, manager."
"Eve, aasahan kita mamaya," saad ni manager habang nakatingin sa akin nang deretso.
"You can rely on me, manager!"
Tumayo na ako at sumama na kay Ate Gaynell palabas ng opisina. Paglabas namin ay may sumalubong na agad sa aming babae na sakto lamang ang tangkad at sa tingin ko ay nasa 25 years of age na s'ya. Nakasuot s'ya ng white polo t-shirt na naka-tuck in sa kan'yang itim na trouser habang naka-bun naman ang ayos ng kan'yang buhok.
"Charity, i-assist mo muna itong si Eve sa paglilibot n'ya rito para naman malibang s'ya bago ang training n'ya mamaya." Narinig kong sabi ni Ate Gaynell sa babae.
Pasensya na, chismosa e.
"S'ya ba si Eve Aguirre na sinasabi mong magiging new partner ni Aziel? In fairness, ang ganda n'ya ah! Galing talaga ng taste ni manager sa pagpili ng models!" Narinig kong usal ng babae.
Ano ba 'te? I know naman, tagal na! Charot!
"Eve, this is Charity, your guide for roaming around. S'ya na muna ang bahala sa'yo," ani Ate Gaynell.
Charity and I shook hands before she assists me and after that, Ate Gaynell left us for having an urgent meeting.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top