PMH 4

Eve Aguirre

Tahimik at mag-isa lamang akong naglalakad sa hallway ng aming school. Hindi ito ang aming first day, actually last week pa nag-umpisa ang pasukan at puro introduce yourself lang naman ang nangyari and this time, simula na ng lectures as a graduating college student.

Expect the unexpected things to happen dahil sa mga kahihiyang ginawa ko these past weekends. I am pretty sure that I am a top issue everywhere particularly in this school.

I heaved a deep sigh. Hatred lang naman siguro ang matatamo ko, hindi 'yong aabot pa sa physical assaults. Perhaps, there's a possibility.

Nagkibit-balikat na lamang ako at nagtuloy sa aking assigned room at pumwesto malapit sa may bintana dahil fresh na fresh ang hangin dito. Kakaunti pa ang mga estudyante dahil maaga pa. Ngayon lang ata ako nag-agap ng pasok, parati kasi akong late kapag school days. Mahirap na, baka kuyugin pa ako kung magpapa-late pa ako. This time, kailangan ko munang umiwas sa kumpol ng mga tao as much as possible dahil sure akong pag-iinitan nila ako lalo na ng grupo nina Mirai.

Naging kaklase ko pa sila, sa kamalas-malasang pagkakataon nga naman. Actually, kaklase ko na sila noong senior high school, pati ba naman ngayong college? Ang liit talaga ng mundo. Sabagay, may tertiary education naman kasi ang paaralang ito kaya hindi na ako lumipat pa ng ibang school. Isa pa, mura lang ang tuition, lalo na sa sitwasyon namin ngayon nina mama, kailangang magtipid.

Sinipat ko ang relo ko at alas siete na ng umaga. Sumilip din ako sa bintana at dumarami na rin ang mga pumapasok na estudyante. Tanaw na tanaw kasi mula rito sa ikatlong palapag ng Department of Journalism ang mga nangyayari sa ibaba.

Nagsisidatingan na rin ang mga kaklase ko at maya-maya pa'y sinundan naman ito ng grupo nina Mirai. Actually, tatlo sila, si Elise Ferrer, Aiko Hernandez at ang lider-lideran nilang si Mirai Almazan.

"Oh, look who's here?" Nanlalaking matang usal ni Mirai.

"A flirtatious slash scandalous girl!" gatong ni Elise at nagtawanan ang tatlo.

"Nangangarap kasing mapansin ni Azi kaya pati ang pagnakaw ng halik ay nagawa n'ya. Ew, hindi na nagkaro'n ng kahihiyan sa sarili!" may halong pandidiring pagpaparinig ni Aiko habang nakangiwi at nakapilantik ang mga daliri nito.

Nanatili akong tahimik at umastang wala sila sa aking harapan. Magsasayang lamang ako ng laway at oras sa kanila kung papatulan ko pa sila.

Lumapit sa akin si Mirai at itinapat sa akin ang kan'yang mukha. "Kung nangangarap kang mapasa'yo si Azi, please lang itigil mo na dahil kailanman ay hinding-hindi kayo magiging bagay at hinding-hindi ka rin n'ya magugustuhan for sure. Baka nakakalimutan mo na ang latest issue na si Shanelle lang ang mahal at mamahalin n'ya, wala ng iba pa. Mas'yado kang assumera," madiin n'yang pagkakasambit habang nanlalaki ang mga mata.

"Ambisyosang palaka!"

Nairita ako at tumayo sabay nagwika ng, "May kasabihan nga na kapag inggit, pikit." Nginitian ko s'ya ng matamis na ikinalukot ng mukha n'ya.

"Anong sabi mo?" Hinawakan nito ang kaliwang braso ko dala nang pagkainis.

"Hoy, hoy, hoy! Ano na namang kaguluhan 'yang ginagawa mo, Mirai?" Napalingon kaming lahat sa umentrang iyon, si Chelsea.

"Eve, kailangan mong sumama sa akin dahil mukhang ikaw ang kailangan ng taong iyon," wika ni Chelsea habang lumalapit sa akin.

[Paging for Ms. Eve Aguirre, please proceed to the Dean's office asap, thank you.]

"Oh ayan, pinapahanap ka na. Tara na." Hinila ako nito palabas ng classroom at naiwan ang tatlo na nakatanga.

"Sinong naghahanap sa akin?" tanong ko kay Chelsea habang naglalakad kami.

"Basta, malikot kasi ang mata ko kaya nasulyapan ko s'ya kanina pagdaan ko sa Dean's office," sagot nito.

Hindi na ako muling nagtanong pa at nanahimik na lamang.

Nang marating namin ang harapan ng Dean's office ay marahan kong kinatok ang pinto nito.

"Pakisabi na lang kay Professor Santiago ang dahilan kung bakit wala ako sa klase n'ya kapag dumating s'ya sa classroom natin," wika ko.

"Aye, aye, captain!" Sumaludo pa ito bago nagmartsa paalis sa harapan ko.

Maya-maya pa ay bumukas naman ng pinto ng opisina at bumungad sa akin ang nakangiting si Mrs. Mandela.

"Someone's searching for you, Ms. Aguirre. Have a seat," magiliw na pagbati nito sa akin bago ako pinaupo sa mini couch na nasa loob ng office tsaka ito umupo sa kan'yang desk chair.

Ibinaling ko ang aking tingin sa taong nakaupo sa harapan ko. It's him.

"So, your name is Eve Aguirre right?" Panimula niya na tinanguan ko naman.

"I'm sorry for suddenly grabbing your wrist the other day, the shoot was very urgent and you were the first to be caught by my eyesight, which I think was accurate in our photoshoot."

"By the way, let me introduce myself first, since we were no longer formally met because of what happened that day. I am Grayson Alcantara, but you can call me, Ate Gaynell for short." Iniabot n'ya ang kan'yang kamay sa akin upang makipagkamay na s'ya namang tinugunan ko.

"Ano po palang kailangan n'yo sa akin?" tanong ko.

"So, ayon na nga. Alam kong hindi na ito bago para sa'yo at alam ko rin namang may idea ka na tungkol dito. Eve, gusto kitang alukin sa pagmo-modelo sa El Siola's Company." Marahan n'yang hinawakan ang dalawang kamay ko na nagpapahiwatig ng kan'yang pangungumbinsi sa akin.

"Iyon ay kung papayag ka," dagdag pa n'ya. Panandalian akong natahimik dahil sa mga sinabi n'yang 'yon. Inaasahan ko naman na talaga itong mangyari dahil na rin sa Twitter post n'ya at sa napag-usapan namin ni Eli kahapon.

"Eve, may potential kang maging isang modelo ng perfumes since maayos ang performance mo noong nakaraang araw. Iyon nga lang nagkaroon ng hindi inaasahang mga pangyayari." Natatawang saad n'ya na ikinapikit ng aking mga mata dahil sa kahihiyan.

"Don't worry, official kong ia-anunsiyo na aksidente lamang ang lahat nang nangyari."

"Go on Miss Aguirre, nakita ko 'yong pictorial n'yo ni Aziel sa magazine kahapon and you two look great! Baka ikaw na ang pumalit sa trono ni Shanelle," sabat ni Mrs. Mandela.

Hindi ko alam na sinusubaybayan din pala ni Mrs. Mandela ang dalawa. Medyo may edad na kasi ito para maging abala pa sa ganoong mga bagay.

"You have the natural beauty at gustong-gusto ka ni Manager V, kaya nga ipinahanap ka n'ya sa akin and here I am, convincing you to come with me kasi ang tagal na naming naghahanap ng consistent model. Mula kasi nang mawala si Shanelle, wala na ring nagtatagal na mga modelo sa amin dahil sa mga behavior na ipinapakita nila at ikaw, nakitaan ka namin ng kakayahan at nakikita ko rin na reliable ka," malumanay na usal n'ya. Nakatingin lang ang dalawa sa akin at naghihintay ng aking mga kasagutan.

Think, think, think! You have to think wisely, Eve! This is your chance, follow your inner self!

Pumikit ako nang mariin at bumuga ng mabigat na hangin. Nakapagdesisyon na ako, sana lang tama itong gagawin ko.

"Pumapayag na po ako." Buo ang loob ko nang sabihin iyon.

"Really?! Thank you so much, Eve!" Masayang-masayang sabi n'ya marahil ay dala ng kagalakang namumutawi sa kan'yang puso.

May kinuha s'yang maliit na papel mula sa kan'yang travel wallet at iniabot sa akin na s'ya namang kinuha ko agad, isang calling card.

"P'wede mo akong kontakin d'yan kapag may mga katanungan ka, wait..." May kinuha pa s'yang isang maliit na card at ibinigay ulit sa akin.

"Maaari mo rin akong i-message sa social websites ko, naka-indicate na sa papel na 'yan ang account names ko," dagdag n'ya.

"Makaaasa po kayo Ate Gaynell!" tugon ko.

"S'ya sige, paalis na rin ako. Maraming salamat sa oras mo." Nginitian n'ya ako nang matamis at nagpaalam kay Mrs. Mandela bago tuluyang lumabas ng opisina.

"You did a good choice, Ms. Aguirre." Nag-thumbs up sa akin si ma'am at ginantihan ko naman ito ng ngiti.

Sa tingin ko, tama rin naman ang naging desisyon kong ito dahil matutulungan ko si mama nang sa gayon ay gumaan na rin ang mga alalahanin n'ya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top