PMH 2
Aziel Martinez
It's 7 o'clock in the morning and I'm currently in my condo unit, preparing for a shoot. I was about to wear my white long sleeve when my phone rang. I immediately took and answer it while buttoning my sleeve.
It's Manager V.
[Kailangan nando'n ka na agad bago pa man magdagsaan ang mga tao okay? Mas mahihirapan tayong makapag-shoot kung napapaligiran na tayo ng madla. The earlier, the better.] saad n'ya sa kabilang linya.
"Yes manager," matipid na sagot ko bago i-butones ang panghuling butones ng aking sleeve na napaparesan ng simpleng itim na pants at simpleng itim na sapatos.
Narinig ko namang pinatay n'ya na ang tawag matapos n'yang sabihin ang kan'yang pakay. Inihagis ko sa kama ang aking cellphone at tumayo bago humarap sa salamin.
Tiningnan ko ang aking kabuuan sa repleksiyon ng salamin bago nagpakawala ng isang mabigat na pagbuntong-hininga.
Another tiring day.
Argh! Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang sunod-sunod na schedule ng photoshoot na halos wala ng pahinga. Palibhasa, sunod-sunod din ang labas ng mga produkto ng supplier namin. Tss, mga mukhang pera. Wala silang pakialam kung mapagod man ang models nila basta makaubos at makakota lang sila ng mga produkto nila.
This is reality and reality really sucks.
Gusto ko namang makapagpahinga kahit isang linggo man lang o kaya naman makasama man lang pamilya ko. Ang tagal na rin mula no'ng nakasama ko sila.
Ano nga bang magagawa ko? This is my passion, this is my career. Hindi p'wedeng basta ko na lamang pabayaan ang career ko dahil ito rin naman ang bilin ng mahal kong ama bago s'ya yumao, na huwag kong isasantabi ang mga pangarap ko. Besides, ang career ko rin namang ito ang bumubuhay sa pamilya ko.
Ayoko rin namang pagtrabahuhin pa ang aking ina dahil mas'yado na s'yang may edad at mahina na ang pangangatawan ngunit sadyang makulit s'ya, mina-manage n'ya pa rin ang naiwang kompan'ya ni papa gayong p'wede naman na n'ya itong iwanan sa nakatatanda kong kapatid na s'yang magaling magpatakbo ng kompanyang iyon.
Napabuntong-hininga ako sa kawalan bago napagpasyahang ayusin ang aking sarili.
Kinuha ko na ang susi ng kotse ko gano'n din ang cellphone ko na nakapatong lamang sa kama at ibinulsa iyon sa suot kong pants.
Lumabas na ako mula sa condo unit ko at dumeretso sa parking lot.
Nang matunton ko ang sasakyan ko ay agad din akong pumasok dito at ini-start ang engine bago nagsimulang magmaneho patungong Pricelessiola's Park.
Nang nakarating ako sa parke, ipinarada ko muna ang sasakyan ko sa bakanteng lote bago lumabas mula rito. Nagtuloy na ako ng paglalakad sa loob ng parke upang puntahan ang shooting spot na kung saan ay katapat lamang ng umaagos na fountain.
Malayo pa lamang ako ay natanaw ko na naman ang lukot na mukha ni manager na s'ya namang ikinatawa ko ng bahagya.
Marahil ay nag-aapoy na naman ito sa inis dahil late na naman si Claudia Lumiere, ang model partner ko na laging late sa photoshoot.
Hindi na ako magtataka pa kung magpasya si manager na tanggalin na lang s'ya dahil sa behavior na ipinapakita n'ya.
Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong sinalubong ni Gaynell, ang bakla kong sekretarya na kulang na lang ay maging coloring book ang pagmumukha.
"You're just on time, Mr. Martinez," ngumiti ito ng matamis sa akin ngunit hindi ko ito pinansin.
"Where the hell is Claudia Lumiere?! Makakalbo ko talaga 'yang babaeng 'yan e!" inis na singhal ni manager habang kinakalikot ang kan'yang cellphone. Malamang kanina n'ya pa kino-contact si Claudia.
Lumapit naman dito si Gaynell at pilit s'yang kinakalma.
"Darating pa ba s'ya? Anong oras na oh? Hindi na naman ma-contact ang babaeng 'yan. Kung hindi pa s'ya darating ngayon, tatanggalin ko na s'ya at maghahanap ng bagong kapalit nya. Hindi s'ya marunong tumupad sa usapan, pinagmumukha n'ya tayong tanga kahihintay dito sa kan'ya," salubong ang mga kilay nito nang sabihin iyon.
"Calm down Manager V, gagawan ko ito ng paraan," sabat ni Gaynell na tila nag-iisip ng paraan.
Luminga-linga ito sa paligid at tila may hinahanap.
Maya-maya pa'y, biglang lumapad ang ngiti nito na s'yang gumuhit sa kan'yang labi.
Naglakad s'ya at nagtataka naman akong sinundan ito ng tingin. Maya-maya lang ay bigla n'yang hinila ang babaeng tumatakbo na nakasuot ng pink suits with pink boots na naging dahilan din ng paglingon ng ibang manonood na naririto sa parke.
Nagulat naman ang babaeng iyon at tila nagtataka s'ya sa ginawa ni Gaynell. Nginitian n'ya ang babaeng iyon at may sinabi s'ya rito na hindi ko naman narinig dahil malayo ako sa kanila.
Bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha ng babae ngunit agad ding bumalik sa kan'yang ulirat. Matapos ang kanilang pag-uusap ay hila-hila na ni Gaynell ang babae at bumalik na sa spot namin.
Sinuri ito ni manager at pumayag din naman agad na maging substitute partner ni Claudia. In-instruction-an s'ya ni Gaynell sa mga dapat n'yang gawin na ikinatango lamang n'ya.
Sana lang 'wag n'ya kaming ipahiya.
Nagkanya-kanya na kaming pwesto sa mini stage ng babaeng ito gayundin ang mga staffs habang ang mga manonood ay nakatingin lamang sa amin na nasa palibot lang namin.
Nagsimula na kami ng shoot ngunit nararamdaman kong naiilang sa akin ang babaeng ito habang hawak-hawak ko s'ya sa kan'yang beywang. Nakatingin lamang ako sa kan'ya dahil ito ang naaayon sa ninanais ni manager.
Naka-ilang shots din ang personal photographer namin bago s'ya tumigil.
Nang sumigaw ito na ayos naman ang ginawa namin ay itinigil na namin ang aming ginagawa kaya naman nagmamadali ang babaeng ito na bumaba ng stage.
Kinakabahan ata.
Nang dahil sa pagmamadali n'ya, nadanggil n'ya ako ng wala sa oras. Bumagsak kami pareho sa sahig at nasa ibabaw ko s'ya.
Ang mas ikinagulat ko pa, magkalapat ang aming mga labi!
Tumahimik ang kapaligiran at ramdam kong nasa amin ang buong atens'yon nila ngayon. Paniguradong malaking kaguluhan ito.
Dali-daling tumayo ang babae at agad na humingi ng pasensiya sa akin. Tutulungan n'ya sana akong tumayo ngunit tinanggihan ko ito.
Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga at pinagpagan ang aking damit. Mukhang tutulungan n'ya akong pagpagan ang suot ko kaya inunahan ko na s'ya.
"Don't touch me," malamig na wika ko dito bago nilisan ang lugar na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top