PMH 12
Eve Aguirre
Matapos malaman nina manager ang nangyari, kaagad din kaming nagdesisyon na umuwi kinabukasan. Hindi na namin ipinagpatuloy pa ang pananatili sa resort dahil kailangan kami ni Azi ngayon.
Handa na ang mga gamit namin dahil nag-impake na kami kagabi pa lang. Isa-isa na namin itong isinakay sa van bago nilisan ang lugar.
Nang marating namin ang lugar kung saan ay pinagtagpu-tagpuan namin noong unang araw, nagkanya-kanyang uwi na muna kami upang makapag-unpack ng mga gamit bago tumungo sa burol ng ina ni Azi.
Ang lahat ay nalungkot sa narinig naming balitang iyon kay manager kahapon sa pagtawag ng nakatatandang kapatid ni Azi.
Laylay ang aking balikat nang pumasok ako sa bahay dahil nakaawang naman ang pinto nito, alam kong naroroon sa loob sina mama.
"Oh anak, napaaga ata ang uwi mo? Akala ko ba isang linggo kayo roon? Anong nangyari?" pagtatanong ni mama at kinuha ang mga gamit na dala-dala ko.
"Pumanaw po kasi ang mama ni Aziel kahapon lang," matamlay na sagot ko.
"Nako, kawawa naman sila ngayong pareho ng wala ang mga magulang nila," nasabi ni mama.
"Kaya nga po mama. Magbibihis po muna ako, susunod po ako roon sa burol, kailangan n'ya po kami ro'n."
"Hindi ka ba kakain muna?"
"Hindi na po mama." Umakyat na ako sa taas at nagpalit ng simpleng damit.
That will be surely hard for him and for his sister. Wait for me Azi, I'll be there.
Nagmadali ako sa paggagayak at nagpaalam na rin kay mama. Nag-taxi na lang ako at hindi na inabala pa si mama na ipag-drive ako dahil walang kasama sa bahay ang natutulog na si Yvo.
Nai-text naman sa akin ang address nina Azi at kaagad naman akong naihatid ng driver doon.
Marami ng tao pagdating ko, luminga-linga ako para hanapin sina Ate Gaynell at Manager V.
"Eve, dito." May biglang humawak sa braso ko at hinila ako kung saan man s'ya papunta.
Si Leigh.
"Sina Chelsea at Eli, bakit hindi mo sila kasama?"
"Hindi na raw sila sasama, magpapahinga na lang daw muna sila."
Hindi na kami muling nag-imikan at umupo na kami kung saan naroroon sina manager.
Nasa unahan si Azi at ang kapatid nito, nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang ina.
Pareho ring mugtong-mugto ang kanilang mga mata.
Maya-maya pa'y umupo na rin ang magkapatid sa unahan.
Nilapitan namin sila upang ipaabot ang aming pakikiramay. Walang imik si Azi at tanging ate lamang nito ang may lakas ng loob na mag-entertain ng mga bisita.
Tulala lang si Azi at kitang-kita sa mga mata nito ang kan'yang paghihinagpis.
°°°
Hanggang sa mailibing ang kanilang ina, kitang-kita pa rin ang paghabol ni Azi na parang bata sa katawan nito.
Naaawa ako sa kan'ya. Hindi ko kayang nakikita s'yang nagkakaganito.
Pakiramdam ko ay mas malapit s'ya sa kan'yang ina kumpara sa kapatid n'ya. Kitang-kita ko naman sa mga galaw n'ya.
Natapos na ang paglilibing at unti-unti nang nagsiuwian ang mga tao.
Nilapitan ko ang nakatulalang si Azi habang nakaupo sa batuhan.
"Azi." Hinawakan ko ang kan'yang balikat upang sa gayon ay maramdaman n'ya ang presensya ko ngunit wala s'yang imik kaya't tinabihan ko s'ya.
"I just want you to know that I'm always here by your side. I won't let you be alone, that's a promise," malambing na wika ko kasabay nito ang pagyakap ko sa kan'ya.
Naramdaman ko ang panginginig n'ya hudyat na iiyak na naman s'ya.
"It's alright, Azi," bulong ko at hinayaan itong umiyak nang umiyak sa balikat ko.
Aziel Martinez
It's so hard to accept the loss of our loved one. I'm now starting to think of how could we rise again.
Bata pa lang talaga ako, naging malapit na ang loob ko kay mama kaysa kay papa. Hindi ko rin naman kasi maitatangging mama's boy at spoiled ako sa kan'ya noon.
Ang papa ko kasi hindi kinokonsinti ang mga mali namin ni ate habang si mama, takbuhan namin kapag pinapagalitan kami ni papa noong mga bata pa kami.
Ngunit lumaking mas matatag si Ate Soleil kaya't maaga s'yang na-training sa kompanya upang gawing sunod na tagapagmana. Wala naman akong kahilig-hilig sa pagpapatakbo ng kompanya kaya nasa bahay lang ako at mas nagpopokus sa ninanais kong career na modelling.
Nang mga panahong nabubuhay pa si papa, lagi lang din namang nasa bahay si mama at hindi s'ya pinapayagan na magtrabaho, bagkus ay i-focus na lang daw n'ya ang atens'yon n'ya sa akin.
Noong mga panahon ding 'yon, si mama ang naging trainer ko sa lahat kaya nga ang dami kong natutunan mula sa kan'ya.
Palagi n'ya rin akong pinaaalalahanan sa mga bagay-bagay at ipinapakita n'ya ring proud s'ya sa akin.
Pero ngayong wala na s'ya, napakahirap tanggapin. Parehong-pareho lang ang scenario nang mamatay si papa. Parang gusto na lang din bumigay ng katawan ko sa labis na sakit na idinulot nito sa akin.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang lumalabas mula sa aking mga mata.
Muli kong naramdaman ang paghagod ni Eve sa aking likuran.
"Aziel, aren't you going home yet?" garalgal na bungad ni Ate Soleil.
Pinahid ko ang mga luha ko at kumalas sa gitna ng pagyayakapan namin ni Eve.
"Uuwi na muna ako, Eve." Tumayo na kami pareho at tinanguan n'ya lang ako.
"Salamat sa oras mo," muling wika ko at nginitian n'ya lang 'yon.
Tumalikod na ako at sumakay na sa sasakyan ni ate.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top