She Breaks My Heart

Sa bawat sandali ng aking buhay
Isang katulad mo ang aking hinihintay
Ngunit ang tadhana sakin ika'y winawalay
Ibig bang sabihin nito'y hindi tayo bagay?

Hindi ko akalaing magkakagusto sayo
Sa mga pananakit at panunukso mo
Ibis na ako'y magalit ay natutuwa ako
Hindi ba ito'y nakakalito?

Bakit ba sayo'y nahulog ako?
Kung sakaling ibigay ang puso ko sayo?
Ito kaya ay tatanggapin mo?
o,ilalaglag mo lang at yayapakan ito?

Ewan ko,Pero ang tinig mo
Ay waring musika sa tainga ko
Lalo na kapag narinig ko ang kanta mo
Para kang anghel na naligaw at naparito

Ilang araw,linggo at mga buwan
Kinimkim ang aking
nararamdaman
Hindi ko sinabi sa kahit sinuman
Dahil sa pangambang baka iyong iwasan

Isang pagkakataon na tahimik ang lahat
Kinalabit mo ako at ako ay medyo nagulat
Ako ay natuwa at nalugod sa pagkat
Ito na ang tamang panahon para ako'y magtapat

Itinanong ko sayo kung pwede kitang ligawan
Lubos akong natuwa noong ako'y iyong payagan
At lubos na ding nasaktan nang aking malaman
Ikaw pala ay mayroong lihim na kasintahan

Hindi ko akalain na ang isang anghel na tulad mo
Ay magagawang saktan ang tulad ko
Pinaasang ako'y iibigin mo
Katulad ng pag-ibig ko sayo

Bakit ka pumayag na ligawan pa kita
Kung ang puso mo ay may laman na pala
Nalaman ko rin na kayo na
Dalawang araw bago ko sabihing liligawan kita

Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay
Ang lahat ng pag-ibig sayo ko ibibigay
Ngunit dahil sa sakit ay halos muntik ng mamatay
At ang mga alaala mo ay gusto kong ibaon na sa hukay

Ngayon ay naglalakad ng mag-isa
Lumuluha ang aking mga mata
Naghihintay ng bagong pag-ibig
Kung mayroong darating pa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top