Pulubi

Pulubi

Nanghingi siya ng tawad ngunit hindi naman nagsisikap
Walang ginagawa puro lamang pakiusap
Noon ay kahit ako ang mali
Inaako mo ang aking pagkakamali

Pero bakit parang nag-iba na ngayon?
Anong ginawa ko para ikaw ay magkaganyan?
Ako nga ba ang dahilan?
O ako ba ang nag-iba sa pagdaan?

Grabe ang paghahabol niya sa akin noon
Pero bakit parang ako na ang naghahabol ngayon?
At wala man lang siyang ginagawa?
Teka, bakit parang gusto niya naman ata?

Sa tingin mo ba ito ay nararapat lang sa akin?
Kailangan ko bang manlimos para lang mahalin mo rin?
Dapat bang maging pulubi sa pagmamahal?
Iiyak nalang kahit para na akong sinasakal.

Noon ang kulit-kulit mo para kang aso
Habol ng habol na parang may atraso
Kahit wala naman, kahit kasalanan ko naman
Nag-sorry ka para lamang sa ating kaayusan

Ano bang nangyari?
Hindi ko talaga mawari
Handa akong lumaban para sating dalawa
Pero tulungan mo ako't wag mo namang ibaliwala



A/N: Just uploading a draft. Lol, don't judge pls.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top