Writer's Block

Naaadik na po ako sa mga tula. Ambilis ng brain function ko sa ganito.

_____________________________________________________



Sa kalagitnaan ng gabi, ikaw ay tulala

Iniisip mo ang susunod mong katha

Isip ay lumilipad, lumulutang ang diwa

Ano ba? Ano ba? Ano ang susunod mong likha?


Nagsulat sa papel, agad mong nilukot

Sulat pa nang sulat, noo mo'y nagugusot

Nais mo nang makatulog, sana nga'y makalimot

Ano ba ang susunod mong gagawin sa buhay mong nakayayamot


Sa iyong panaginip, nakita ang minamahal

Masaya s'ya sa iyong piling, ngiti niya'y o kay banal

Gumuhit ang tuwa sa iyong mga labi

Mga salitang nais mong marinig sa kanya'y namutawi


Sa gitna ng pangarap, ikaw ay nagising

Tuwa na kahit sa panaginip, siya'y nagpahaging

Ng pagmamahal na tanging ikaw lang ang nakababatid

Mga salitang nais mong marinig ngunit takot kang ipahatid


Ikaw ay masaya dahil sa wakas

Ito na, ito na, iyo nang binabalangkas

Mga salitang sunud-sunod mong hinahanay

Tinta at papel iyong mabibigyang-buhay


Sa katapusan ng pag-iisip, iyo nang nagawa

Panibagong ideya na iyo na namang likha

Kahit sa imahinasyon, doon nagmumula

Masayang katapusan, sa iyo'y nagbibigay-tuwa


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top