WIKANG FILIPINO: UNANG MINAHAL


Wikang Filipino; Unang Minahal

isinulat ni Magunthengtsismosa

Isang karangalan na ika'y aming gamitin,
Isa ka sa aming maraming pagkakakilanlan,
Mula pagkasilang ay nariyan ka na,
Ikaw ang unang natatanging pamana nina ama at ina.

Sino ba naman ako para ika'y talikuran?
Sino ba naman ako para ika'y ipagpalit sa wikang banyaga?
Ika ko nga ay bahagi mo na ako mula pa ng ako'y isilang,
Walang saysay kung sa aking pagtanda ay ika'y aking malimutan,

Napakalaking ka-imposiblehan!
Imposibleng ang 'yong unang minahal ay iyong makalimutan,
Tiyak kahit saan ka man dalhin ng panahon at ng pagkakataon,
Lagi mo na itong dala at nakaukit na sa iyong pagkatao— na ikaw ay isang Pilipinong nagmamahal sa sariling wika.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top