S A U N A L A N G M A S A Y A
WG_Writer'sGuild Entry
Hindi akalaing dahil sa isang imbitasiyon ako'y iyong makukuha,
Sapagkat no'ng una kitang makausap ika'y sadyang masungit at mailap.
Hindi na ako nag-abalang alamin pa ang lahat ng tungkol sa'yo,
'Yon ang akala ko dahil ang totoo pala'y nakuha mo na ang atensiyon ko at inililihim ko na lang rin ito maging sa sarili ko.
Sa paglipas ng panahon ay 'di ko akalaing ibibigay mo sa akin ang atensiyong 'di ko inaasahan maski sa hinagap,
Naging mitsa ito upang ang lihim na pagtingin ko sa'yo ay tuluyan nang magising at makalaya.
Oras at minsan ay araw ang hinihintay ko para lang sa maikling tugon mo,
Samantalang minuto lamang ang itinatagal ng ating pag-uusap,
At sa bawat pag-uusap nating yaon ay milyong boltahe at ngiting 'di mapilas ang hatid mo sa akin,
Ngunit dumating ang kinatatakutan ko, na mawalan ka na nang ganang kausapin ako,
Labis akong nasaktan at nalungkot hindi lang dahil sa pag-rereject mo kundi dahil isa kang malaking paasa,
Binigyan mo ako ng mga maling senyales at dahilan para mahulog ako sa'yo ng tuluyan at huli'y iiwan din palang luhaan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top