S A L I G A N N G K A T A T A G A N [01]


Mabining hangin ang sa aking balat ay humahaplos,
Tila mga brasong sa akin ay yumayapos,
Napadako ang aking paningin sa mga saradong silid,
Mga silid na libo-libong ala-ala ang sa aki'y hatid.

Binalot ng tuwa at lungkot ang aking puso,
Ang mga silid na ito ang naging saksi sa pagsisimula ko,
Ngayon nama'y ako ang saksi sa unti-unting pagbabago nito,
Gayon pa man, mananatiling parte ito ng aking paglago.

Naging daan upang makilala ko ang sarili ko ng husto,
Sumubok sa aking batang kaisipan,
Humubog sa aking talento't kakayahan,
Binigyan ako ng dahilan upang huwag sumuko't magpatuloy sa laban.

Naging sandigan sa pagtuklas ng bagong kaalaman,
Naging saligan ng katatagan dahil sa mga aral na iniiwan,
Ang mga silid na ito ang aking naging pundasyon upang marating ang rurok ng kaligayahan,
Mananatiling kasama ko hanggang sa ako'y lumisan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top